HINDI sigurado si Catherine kung nakaalis na ba si Travis ng mansion para pumasok sa opisina dahil hindi niya narinig ang ugong ng sasakyan nito paalis. Pero sa tingin naman niya ay nakaalis na ito dahil anong oras na. Baka dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi niya iyon masyado narinig. Sa mga araw na naroon siya ay lagi naman itong umaalis ng mansion. Mukhang allergic talaga itong makita siya dahil kahit na weekends ay umaalis ito. Ipinilig na lang naman ni Catherine ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Naisip din niyang lumabas na ng kwarto dahil medyo kumakalam na ang sikmura niya. Kanina pa siya nagugutom, hindi sapat ang ininom niyang gatas para mabusog siya. Sa susunod nga ay magdadala siya ng mga biscuit sa kwarto para may makain kapag ginutom siya. Akmang tatayo na si Cathe

