// goals #1 //

1993 Words
STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #1// NAKATITIG lang si Zoe sa repleksyon niya sa salamin. Inaangat niya ang zipper ng plaid skirt niya. Unang araw ng pasok ngayon sa Goldencrest University. Napahinga na lang siya palabas habang tinitignan ang kabuuan ng kaniyang uniform. Dahil first day ngayon, required silang isuot ng kumpleto ang kanilang uniform. Tamad na tamad pa siyang pumasok dahil dapat naman talaga ay nagbabakasyon pa siya ngayon. Nag-skip na nga siya ng isang sem nang mag-California siya kaya naman naghahabol siya ng mga courses ngayon kung gusto niyang maka-graduate on time. Where do I even begin? tanong niya sa sarili. Ang daming nangyari sa nakaraand anim na buwan na hindi na niya alam kung paano pipira-pirasuhin iyon. Ay, bahala na nga! Kinuha na niya ang bag niya mula sa kaniyang pink na upuan. Dito sa Goldencrest, naka-dorm sila. Bawat kwarto ay may apat na tao. At bawat babae ay may sariling "nook" (see picture) na nagsisilbing closet, study table, at higaan. Hindi tulad ng ibang roommates ni Zoe, hindi siya excited sa unang araw nila. May mga paruparo sa tiyan niya pero hindi ganoon kalala. She is supposed to be touring in Europe right now. Pero ayun na nga... nangyari na ang nangyari. Medyo nagulat pa siya nang paglabas niya ng elevator sapagkat si Jet ang agad na bumungad sa kaniya. Kakaliko niya pa lang ay nakita na niya ito agad na nakasandal sa maputing window sill. Hinihintay siya. Umangat ang sikmura niya at nakaramdam siya ng mabilisang pagtibok ng puso niya. Marahil sa kaba at gulat. Oo nga pala. I'm his girl again, paalala niya sa sarili. As if sensing that Zoe is watching him, Jet moves his eyes from his shiny shoes to her. He immediately smiles at her and raises a hand in greeting. Napaiwas ng tingin si Zoe at tumingin na lang sa mga bintana habang naglalakad papalapit kay Jet. Pakiramdam niya talaga ay tumapak siya sa ibang planeta nang makarating sila dito sa Goldencrest. Kung sabagay, nakatayo kasi ang paaralan sa isang mataas na bundok. Hindi na siya magtataka kung sila lang ang bukod tanging mga tao doon. Kaya siguro ay para silang nagkaroon ng maliit na city na sinasakop ng buong grounds nila. "Hey," pagbati ni Jet. "Good morning." Napangiti na si Zoe dahil hindi na niya kinaya. "Good morning." Tumayo na ng ayos si Jet at tignan si Zoe ulo hanggang paa. Nginitian siya nito matapos. "Let's go?" Nagulat pa siya nang dumulas ang mahahabang daliri ni Jet papunta sa kamay niya at nagsimula na silang maglakad. Umakyat ng kusa ang dugo patungo sa pisngi niya sa hindi niya maintindihang dahilan. Eh ano naman ngayon kung hinawakan ka niya? Ba't ka namumula? Napailing na lang siya sa sarili niyang mga palaisipan. Sa kanang banda ang mga kwarto ng mga babae at sa kaliwa naman ang sa mga lalaki. Magkakonekta ang dalawang ito sa ground floor. Tinulak na ni Jet ang glass door ng kanilang dorms at pareho silang naligo sa sinag ng araw. Hindi naman ito gaanong katirik dahil maaga pa. Masyado siyang nalulunod sa sarili niyang mga iniisip na hindi niya napansin na kinakausap na pala siya ni Jet. "Huh?" "Sabi ko, nag-breakfast ka na ba?" Halos hindi na din niya nadinig iyon dahil conscious siya sa pagkakahawak ng mga kamay nilang dalawa. "Uhm," she chokes out. "Hindi pa." Dinala naman siya nito agad sa cafeteria at pinaupo na lang siya sa isa sa mga upuan at si Jet na ang kumuha ng pagkain nila. Mabilis lang din naman itong nakabalik dala-dala ang dalawang plato ng mainit na waffles na magkakapatong. Zoe grins, "You even know what to get me." "Well, you're the only waffle-addict that I know. It's not hard to remember," sabi nito habang inilalagay sa harap niya ang pagkain. Nagsimula na agad si Jet sa pagkain but she finds herself only staring at her food. Hindi niya alam kung inaantok lang ba siya o ano pero wala talaga siya sa wisyo. Binalik lang siya sa reyalidad nang marahan siyang sinipa ni Jet mula sa ilalim ng lamesa. "You okay?" tanong nito. She just scrunches her nose at him in response. To avoid conversation, she starts with her food. Jet wipes his mouth with a tablecloth and joins his fingers. "Listen, Zoe," Jet sighs. "I know-I know that you probably hate this. Para sa'yo dagdag lang 'to sa pasanin na problema mo. And really, I'm sorry that we're caught up in another childish situation that shouldn't even exist in the first place." Hindi na lang siya sumagot. Wala naman siyang balak na makipag-away kay Jet gayong "first day" din nilang dalawa ngayon. "Gaya nga nang sabi mo noong nagkita tayo ulit. Let's be friends. Let's help each other out of this. You and I both know how we could get out of this mess quicker. But you have to cooperate." Na-sense na niya ang pagkairita ni Jet sa inaasal niya. Hindi naman niya ito masisi. Umagang-umaga ba naman may mood swing siya. Kumain na lang si Jet at hindi na siya pinansin at bumalik naman ang ala-ala ni Zoe sa kung anong nangyari. "You have to go back to Philippines," sabi ng mama niya sa kaniya. It is the biggest mystery to her why her mom suddenly sent her packing when she was the one who dragged her all the way to California. Her mom gave clear instructions: Go to Westerhaven and talk to Saul. Little did she know that when she opened the door, it would be Jet whom she would come face-to-face first. Nakakagulat na after all those times, doon at doon lang din silang dalawa magkikita, kung saan lang din ang huli. Jet smiled at her and she smiled back, somehow there was a quick flashback to everything that happened between the two of them. It lasted for a split second. And then it was gone. Saul asked her to sit down. "It's great to finally see you again, Zoe," sabi ni Panot habang nauupo silang dalawa sa kanilang mga upuan. "You look great by the way." Ngumiti lamang siya. "Thank you but let us save the pleasantries for later. Let's get down to business." Kabadong napatingin si Panot kay Jet na nakita niyang nagkibit-balikat lang mula sa dulo ng kaniyang mga mata. "We have been informed that you have met Ross Francia during your stay in California." Napakunot ang noo ni Zoe dito. "What about him?" "I assume you know that he is a UBGP player…?" taas-kilay na tanong ng matanda. * UBGP - University Ball Games of the Philippines; ang equivalent ng UAAP sa story "Yeah," simple niyang sagot. Napaabante si Panot at sumuporta sa lamesa. "The thing is people think that you two are seeing each other--" "We are," iritadong sagot ni Zoe. Ano bang paki nila sa relasyon nilang dalawa ni Ross? "Well, it is not having good feedback from the media and is..." "And is what?" tanong niya dahil hindi na sinundan. Imbis na si Panot ang magsalita, si Jet ang sumagot. "They are blaming you." Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ni Zoe at napaharap siya kay Jet para sa eksplenasyon. "You should know that Westerhaven is closing and so is Pryston and the athletes were the first to transfer to the new school, Goldencrest, for advance training and games. We kept losing on the first round of practice games and they blame you for it. Sinasabi nila na naga-act ka lang as spy before para matulungan ang Northcliff, which is school ni Ross. But in reality the real cause of our problem is the failed system between Owy and I. He was the former team captain of Westerhaven and… things are getting messy with my players and his on the court." Napahagod si Zoe sa buhok niya matapos ang maigsing speech ni Jet. "This is all just stupid," bulong niya na malamang ay narinig naman ng dalawa niyang kasama. "Your mother," sabat ni Panot. "Is concerned with your image. That's why--" Napatawa na si Zoe at napahawak sa noo niya. This is too ironic and stupid and all the things that is between those words. "So this is why Jet is here," pagtawa pa ni Zoe bago humarap sa future boyfriend niya (ulit). "What's in it for you, baby?" Umiwas ng tingin si Jet sa kaniya at medyo namula. Sa pader ito sumagot, "New school. We new need sponsors. If this issue continues to circulate nobody will come to us. And for Northcliff too." Napatango na lang siya dahil alam niyang wala na naman siyang magagawa. Hindi naman na Westerhaven ang pinaglalaban niya kundi ang kaniyang sarili. Image niya na ito. She could have chosen to keep quiet. But why did she found herself agreeing, leaving the old office with Jet right by her side, a couple minutes later they were both waiting for an elevator just like their first golden moment together? "It's you and me again, huh, Jet?" Nakatingin lang siya sa makintab na kulay gintong pintuan ng elevator pero kitang-kita niya kung paano ngumisi si Jet. For the six months that she was gone, nakalimutan na niya kung gaano ka-charming si Jet tuwing ngumingiti. She won't deny that her knees weakened just by the mere sight. She was happy that he looked like he just got his haircut. He looked clean. He looked like her boyfriend. He was wearing presentable clothes and not his scruffy uniform. And he was not munching on a lollipop although Zoe was too tempted to offer him one. "Seems like it," sagot nito sa kaniya. She offered him friendship sa dahilang hanggang ngayon hindi niya pa din maintindihan. Bangag. Iyan siya for the past months. Ayan siya simula nang pumunta siya ng California. It seemed like lahat ng lumabas sa labi niya nang muli silang magkita ni Jet ay walang permiso sa puso at utak niya. At kahit ang pamaalam niyang pagkindat at "Laters, baby" dito ay hindi niya sinasadiya. Tila siya nilamon ng sistema. Nang sumarado ang pintuan ng elevator nakakapit lang siya sa rails dahil pakiramdam niya bibigay na ang mga binti niya. But she fixed herself bago siya lumabas ng building. Ross would be worried to see her troubled face. She has Ross already. But why is she seating across Jet? That she doesn't know. Siya naman ang sumipa kay Jet sa ilalim ng lamesa. "Hey, I'm sorry." Hindi siya nito pinansin pero nagpatuloy pa din siya. "I know I've been grumpy today. I'm sorry. Alam ko namang hindi mo din gusto 'to--" Jet snorts but she ignores this. "And yeah, we do know the easy way out. So let's make this work, okay?" Jet looks at her and says nothing for a while kaya naman inubos na niya ang kaniyang pagkain nang nanonood lang si Jet sa kaniya. "You done?" To compensate siya na ang kumulabit kay Jet habang naglalakad silang dalawa palabas. She latches her arm on his while his hand is inside his pocket. Paglabas nila, nagsalita na siya. "Jet," sabi niya dito. "Let me make it up to you." Tumungo si Jet habang naglalakad papasok sa isang building. Madami ng tao at nakita na niya ang ilang taong nagbubulungan kapag lumalagpas sila. Lakad lang siya nang lakad hanggang sa nagulat na lang siya at tumigil sila sa labas ng isang classroom kung saan ang una niyang klase. Hindi naman siya na-inform na kinabisado pala ni Jet ang schedule niya. May isang malaking ngiti na si Jet sa labi niya nang humarap ito kay Zoe. She knows it is all just for show sa mga nanonood sila sa kanila. She blushes as Jet gently flicks her hair behind her shoulder. "Go watch our training later, okay?" Mabilisang humalik sa ibabaw ng buhok niya si Jet bago ito naglakad palayo. Sa sobrang bilis ng pangyayari huli na ang malakas na kabog ng dibdib na naging reaksyon ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD