// goals #2 //

2266 Words
STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #2// PARANG ang bigat ng bola sa kamay ni Jet pero tinuloy niya pa din ang pag-dunk. Sumabit muna siya sa ring panandalian bago bumitaw.What the f**k is wrong with her?! Dahil kay Zoe nag-iinit na naman ang kaniyang ulo. Alam naman ni Jet na kinasusuklaman ni Zoe ang kung anong nangyayari sa kanila ngayon. Sino ba naman ang gustong magkaroon ng pekeng relasyon kung may gusto ka ng ibang tao? But what he doesn't expect is how cruel Zoe is to him. Narinig niya ang pag-squeak ng rubber laban sa pintura ng court habang papalabas ang ilang player na galing ng locker rooms. Masyado siyang maaga para sa training para ipawis ang inis niya. Simula nang magkagulo sila ni Owy sa training noong nakaraang buwan, hindi pa din sila nagsasama sa iisang court tuwing practice. Ewan niya ba do'n kay Owy. Pero si Zoe talaga eh. Hay nako, ba't ba mga ganito tao sa buhay ko? "Okay ka lang?" nakangising tanong sa kaniya ni Xavier. May dala itong sariling bola at tinira muna sa ring bago siya linguning muli. "Balita ko balik na kayo ni Zoe ah?" Napapikit na lang si Jet at napailing. Si Xavier nga pala ang kambal na nakakaalam ng sikreto tungkol sa pekeng relasyon nila ni Zoe noon. Hindi nagtagal ay umakbay sa kaniya ang kakamabal ni Xavier na si Xander. "Bro, love is sweeter the second time around. Kahit hindi mo naman sinabi sa'min kung bakit kayo naghiwalay noon, I hope you guys work this time, alright?" Naiinis niyang inalis ang pagkakaakbay ni Xander sa kaniya. Lalo lang umiinit ulo niya dito eh. Pumito ang coach nila at sinenyasan si Jet na lumapit. Ito ang coach noong nasa Pryston pa lang siya. Pero hanggang ngayon kasi hindi pa namimili ang Goldencrest kung sino ang magiging head coach ng basketball team. Hindi lang sa team captains ang problema kundi nasa coaches din. "Magkakaroon na daw ng results by the end of the week," sabi ng coach niya sa kaniya. "Kung hindi man ako ang mapiling coach, no matter what happens, 'wag mong pababayaan ang teammates mo." Tumango si Jet. "You know how much they love to play basketball," parang tatay na sabi nito sa kaniya. Halos apat na taon na din niya itong kasama sa buhay niya kaya hindi na bago sa kaniya ang anak na pagtrato nito. "Kung hindi din ikaw ang mapiling captain sumurrender ka sa system nila. Hindi ka pwedeng umayaw dahil aalis din ang teammates mo. Naiintindihan mo ba ko?" "Yes, coach," bulong niya. Gusto niya na lang murahin ang lahat nang nangyayari. Bakit ba kasi kailangang magsama ng Pryston at Westerhaven? Open naman ang Queenslane at Ostfort. Masama na ang loob ni Jet noon pa lang sa paglipat nila sa Goldencrest dahil halos nakalahati ang original team niya dahil ang mabubuong team dito kalahati ay manggagaling sa Westerhaven. "Jet!" And there she is. The girl whom Jet thought will be the silver lining in this mess. Si Zoe. She's standing right by one of the entrances, waving a small hand in his direction. He pulls a smile for her but it immediately collapses when someone calls for Zoe. Si Owy. Mabilis na nag-init ang dugo ni Jet at mas lalo nang maglakad si Zoe papunta sa direksyon ni Owy na manood ng training nila. Magkaibigan nga naman ang dalawa noon pa man pero bakit--aish! Sakto naman na pumito ang coach nila na naghuhudyat na simula na ng training game. Mabilis siyang pumasok sa court at sinundot paalis ang bola sa kamay ni Xander. Nag-dribble siya at inatake ang inside. Tumalon siya para sa isang lay-up at napangisi siya nang muling tumapak sa lupa ang kaniyang mga paa sa pag-swish ng net na nagkumpirma nang pumasok niyang tira. Tumingin siya sa gawi ni Owy at Zoe na nakakunot ang mga noo dahil sa ginawa niya. Umiling lang siya dito. He's going to destroy this game. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo BAGO pumuta si Zoe sa training ni Jet ay naisipan niya munang magpahinga sa dorms. Sobrang stressed niya sa mga klase niya na hindi na niya napansin ang ingay na nanggagaling sa kwarto niya bago siya pumasok. Kaya naman pagbukas niya ng pinto ay natigilan siya nang makita ang dalawang babae na nakaupo sa dining area nila. One has deep red hair and one has beautiful grayish curls. A number of their facial piercing doesn't escape her eyes. Napakamot siya saglit sa pisngi bago ngumiti sa kaniyang bagong roommates. "Well, hello." Mabilisang tumayo ang babaeng puti ang buhok at agad siyang kinamayan. "Hi, hi! I'm Erin! And you are?" Napakunot ang noo ni Zoe. Hindi niya akalain na hindi siya kilala ng babaeng ito. Maybe she's not as famous as she thought she is. Ngunit bago pa siya makasagot ay bumukas ang pinto ng banyo nila at may lumabas na isa pang babae. "Nakakahiya ka, hindi mo siya kilala," sabi ng bago. "She's Jet Revereza's girlfriend." Ngumiti din ang babae sa kaniya. "I'm Mira, by the way. And this one here is Kellie." "Hey," bati niya sa mga ito. Kung ikukumpara mo si Mira sa naunang dalawa, medyo malaman ito ngunit ubod pa din ng ganda mula sa makinis nitong balat, sa mahaba nitong mga biyas, at ang hanggang bewang na buhok nito. Na-miss nga ni Zoe ang kaniyang buhok noon. Pagod siya pero naupo siya sa lamesa at pumiraso sa kinakaing doughnut ng mga babae. Kakabalik niya lang kasi sa Goldencrest kaninang umaga at hindi na naabutan ang mga ito sapagkat may mga kaniya-kaniya silang klase. In their short conversation, may ilang bagay na naalala si Zoe sa mga kausap niya. Erin works part-time in a tattoo parlor. Kellie, the redhead, is most of the time silent. Both of them are majoring in Fine Arts. Napaka-makeup guru din ng dalawa na may isang buong lamesa sila na puno lamang ng makeup, lotion, at iba't ibang maninipis na tube ng kung ano. Mira is majoring in Chemistry. Nabanggit nito ang "ka-MU" na kumukuha ng program na Computer Science. "San ka pupunta?" tanong ng mga ito nang tumayo siya at sinukbit ang bag sa balikat. "Hmm, Jet is looking for me. I have to go watch his training." Ayaw siyang paalisin ng mga ka-room pero nanaig ang palaisipan na kailangan niyang bumawi kay Jet. Pero ngayong naglalakad na siya sa tabi nito at hindi sila nag-iimikan, parang hinihiling na lang niyang hindi na talaga siya nanood ng training. Naging maayos naman ang paglalaro ni Jet. Naalala niya noon ay nagka-sprain ito sa kamay at ilang linggo naka-cast ang bisig. Ang nakalimutan niya ay kung gaano kamamaw si Jet kapag naglalaro. Nakasukbit sa balikat nito ang gym bag at nakatungo kung maglakad. Gustong makipag-usap ni Zoe pero wala naman siyang masabi. Baka mamaya ay kung ano pang lumabas sa bibig niya at kung ano na namang pag-awayan nila ni Jet. Pinapatawag silang dalawa ngayon sa opisina ng presidente na hindi pa nila nakikilala. For sure naman ay aware iyon sa kanilang pekeng relasyon. Malamang ay na-ikwento na ni Panot iyon. Wala naman nang estudyanteng naliligaw sa hallway na dinadaanan nila dahil malapit nang magsarado ang school kaya hindi na nila kailangang magpanggap. In fairness naman kay Jet at pinagbuksan siya nito ng pinto. Mabilis siyang nagpasalamat dahil naa-awkwardan pa din siya dito. "I'm sorry but he is not around today. However, he do left this for the two of you," ang sabi ng sekretarya ng presidente. Habang lumabas ay binubuklat ni Zoe ang makinis na violet na papel na naglalaman ng mga salitang: We are cordially inviting you to Goldencrest's first acquaintance party on the first Saturday of the first school week. We'll see you at the Red Ballroom seven o'clock in the evening. Attire: Formal Note: Attendance is not required. Victor Romulo President of Goldencrest University "Seems like we have to do shopping, then," sabi ni Jet na binabasa ang mensahe mula sa ibabaw ng balikat niya. "But first, dinner. I'm starving." xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox NAKAUPO lamang si Jet sa gitna ng isang bilog na upuan habang paikot-ikot si Zoe sa loob ng maliit na boutique. Gabi na kaya naman silang dalawa lamang ang tao. Kaninang hapunan, naging busy si Zoe sa paghahalukay sa online shop ng kung anong magandang isuot. The silence is too unbearable at mas pipiliin ni Jet na kausapin si Zoe ngayon kesa marinig sa tenga ang paulit-ulit na melodiya na tumutunog sa speakers ngayon. Ngunit hindi naman boses ni Zoe ang bumasag sa katahimikan kundi ang tunog ng pagv-vibrate ng kung ano sa loob ng bag ng babae. "That must be prince charming," sabi niya dito. Ngumiti lamang si Zoe at hindi manlang kumilos para sagutin ang tawag. Huh? Bakit hindi? O baka naman..." "Wait," pag-cross arms niya. "Does he even know about us?" Hindi sumagot si Zoe sa kaniya kundi nagtago ito sa likod ng isang pulang damit. Napaiwas ng tingin si Jet. "Hindi ba't sinundo ka niya sa Westerhaven?" "Oo nga," mahinang tugon nito sa kaniya. "He does know. News probably reached him already." Huh?! Ang g**o! Napakamot siya sa kaniyang ulo na naiirita. "Can you, like, sit here for a sec and explain everything to me?" "No," mabilis na sagot ni Zoe. No choice si Jet kaya siya na ang tumayo. Hinawakan niya ang rack na kinakalikot ni Zoe kanina at ibinaba ang bestida na nagtatakip sa mukha niya. "Do tell already." Namimilog ang mga mata ni Zoe. Halos naka-pout na nga ito at konting-konti na lang ay pipisilin na ni Jet ang namumula nitong mga pisngi. Umiling ang ulo nito sa kaniya. "Don't go shaking your pretty head at me and tell me, who is Ross Francia in your life?" Umiling itong muli. "Ah, so you're not going to tell me." Iling. Napahinga siya palabas. Talaga nga namang inuubos nito ang pasensya niya. Humakbang siya papalapit dito. Nalaglag ang hawak-hawak nitong damit nang mapaatras. Napangisi si Jet. Parang ngayon niya lang naalala na sa puwersa nga pala nakukuha itong si Zoe. He corners her between his arms and the rack of heavy dresses. "Tell me." But Zoe bites her lips shut. Jet leans down, putting their faces inches apart. Sinusubukan niyang tignan ito sa mga mata pero panay ang iwas nito. "Baby, you gotta tell me so I'll know what to do." Zoe huffs angrily and glares at him. For a split second, Jet thought the girl he liked from before is finally back. His Zoe. But then her eyes melt in a beautiful circle of mocha and all the softness returns in all her muscles in a resigned way. "Babe?" Pumikit si Zoe at sinangga ang isa niyang kamay. Mabilis nitong pinulot ang pulang damit at parang sinusumpong na isinabit ito pabalik. "We're nothing, okay? There's nothing between the two of us." Jet hangs his head exasperatedly. But he needs answers. Bago pa makalayo si Zoe sa kaniya at hinatak niya ito sa braso. "What do you mean by that?" "There is nothing going on between me and Ross, alright? We are friends. We see each other when we're free and I think we like hanging out but that's just it, okay? Stop bothering me about it!" Jet sees something else in Zoe's eyes that made him release his hold on her. He just can't pinpoint it. Napaupo si Zoe sa pagod sa pagsigaw at namumula pa din ang mukha nito. Now, Jet feels bad for stressing her out. It looks like it's taking too much of a toll on her. Jet squats in front of her and sees that she has her eyes closed. "I'm sorry," sabi ni Jet. "Don't be," Zoe whispers. "It's not your fault. I'm just... I'm just way too embarrassed admitting this all to you." "Embarrassed of what?" "I was just... I'm scared that you would tease me that I like someone who I don't even know whether he likes me back or not." Napangisi si Jet. Well, that makes the two of us, gusto niyang sabihin pero habang nakikita niya ngayon si Zoe, parang hindi na niya kaya. Para maging ganito ka-frustrated ang babaeng ito, she must really like that boy. Unti-unting nawala ang ngisi sa mga labi niya at mismong siya ay napatungo. Hinawakan niya sa balikat si Zoe at pumisil. "I'm sorry we got caught up in this again. Mas lalo mong hindi malalaman kung gusto ka ba niya o ano. I promise to get us out of this as soon as possible." Tumayo na siya. He can't bear to see her like this. Binalikan niya ang kaninang dress na tinitignan ni Zoe at dinala na ito sa counter. When he comes back with the paper bag in his hands, Zoe is biting her lip and looking at her feet. Selfish pero ayaw niya munang kausapin si Zoe tungkol kay Ross. He's scared it might tear him apart. Hindi pa siya handa na marinig na may gusto itong iba. Just for tonight, wag muna. "Ready to go?" Tahimik silang bumalik ng dorms at paikot-ikot si Jet sa kama niya dahil hindi siya makatulog. May bumabagabag sa kaniya. Ang tagal nang nawala ng pakiramdam na iyon at tila bumalik ito kasabay ni Zoe. 'Yung parang may daga sa tiyan niya at hindi siya mapakali. Jet's gut feeling is almost never wrong. Tama lang na mangamba siya. Dahil hindi nila alam na pagdating ng umaga, ilang daang kopya na ng invitation para sa acquaintance party ang ipapadala sa anim pang unibersidad na parte ng UBGP. Kasama ang Queenslane, Ostfort, at Northcliff. At isa si Ross sa mga dadalo dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD