STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #44// NASA eroplano palang si Zoe pabalik ng Pilipinas, iniisip na niya kaagad kung anong sasabihin niya kay Jet. Gusto rin niyang mag-sorry dito. Magulo din naman kasi ang isipan niya at insensitive na din na hinayaan niya itong umuwi. Para na naman kasi silang ewan eh. Hindi na yata talaga posible sa kanila ang isang magandang araw. As usual sa mga magkakaibigan pasalubong everywhere kung saan man galing ang isa. Bigayan ng mga regalo nang pagbalik nila Zoe sa loob ng dorm. Sabay-sabay na silang bumalik at nabuhay na naman ang kwarto nila. Nagp-plano palang silang manood nang movie nang may makita si Kellie sa internet. "Hey, another blog post from White Horse?" Syempre, kahit sino naman ay inaabangan ang post ng anonymous b

