PART 5

677 Words

Titig na titig si Nica sa dalawang palad niya na nanginginig. Dumadagundong din ang kanyang puso sa sobrang kaba dahil ang daming dugo! As in sariwang dugo! Napakaraming dugo ang nasa palad niya! Tumutulo na ito sa sahig! Wala siyang sugat pero dinudugo ang mga kamay niya! "Nica, ano ba tara na?!" tawag ulit ni Landa sa kanya. Nasa bandang escalator na kasi ito. Akala siguro ay nakasunod siya rito. Napaangat ulo siya at napatingin siya sa kinaroroonan ng pinsan na mababakas ang takot sa kanyang mukha. Nakailang kampay sa kanya si Landa ng kamay. Iling ang sinasagot niya dahil hindi na niya magawang ikilos ang kanyang katawan. Para ba'y natuod na siya sa kanyang kinatatayuan. Parang naisemento na roon ang kanyang mga paa. Namalayan na lang niya na nasa harapan ulit niya ang pinsan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD