Kabanata Tatlo

3270 Words
#LOYChapter03 Limang hiring ang pinasahan ko nung nakaraan araw, 3 restaurant at yung dalawa coffee shop, syempre bilang waitress, hindi naman ako bobo para mag-apply bilang manager o above position, alam ko naman kung saang level ako. Sabi sa interview sa'kin, tatawagan nila ako o i-te-text kung sakaling natanggap ako. Ngayong week daw sila mag-u-update sa'kin kaya pinagdarasal ko na matanggap talaga ako para may good news naman ako kila Nanay. Halos araw-araw kasi tinatanong niya sa'kin kung nakatrabaho na daw ako, sinasabi ko na lang na 'oo' para hindi siya mag-alala dahil kapag sinabi kong wala pa, malamang mangungulit 'yon para umuwi ako. Ayokong umuwing walang dala. Gusto ko rin umuwi ng May dalang biscuit, uso 'yon sa probinsya. Gusto ko may ipakita akong dala para hindi masayang ang oras ko dito, at tsaka, andami pa naman pi-na-pa-bili ng mga kapatid ko, ayoko silang paasahin, dahil ang sakit sa pakiramdam tuwing pinapaasa, it's hurt you know! Naglinis lang ako nang buong loob bago nanunuod ng t.v, natutuwa talaga ako sa t.v ni Trixie dahil subrang laki at ang daming channel na nakukuha, doon kasi sa'min isang channel lang ang nakukuha, antina lang kasi 'yon at kailangan pang-pa-ikutin ni Jason para luminaw. Nakatulog ako kalaunan at alas-singko na nang hapon ako nagising, sumilip din ako sa bintana kaya tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng Manila, ang malalaking building at magagarang sasakyan sa kalye, madalas ako dito para iwas bagot. Hindi naman ako maka-gala dahil wala din naman akong kasama o friends dito, si Trixie lang talaga ang kilala ko dito sa Manila, kaso wala rin kaya no choice ako kung hindi tanawin ang paglubog ng araw at pagmasdan ang ilang tanawin ng Manila. Grabe! Ang ganda talaga ng Manila. Balang araw... Isasama ko dito sila nanay at mga kapatid ko... Pangarap kaya ng mga taga-Bicol ang makapunta sa Manila, para maiba naman daw kasi, BUILDING naman ang makita hindi puro BUNDOK. Nagbihis ako dahil gusto kong kumain sa labas, nakakasawa rin kasi ang lutong condo, at tsaka, nagbabakasakali talaga ako na makikita ko ulit si kuya pogi para maibigay ko na yung sumbrero niyang napaka-bango, nilabhan ko na ito nung nakaraan pero subrang busy 'ata non dahil hindi ko mahagilap sa lobby o kaya sa elevator man lang. Nanlaki ang mga mata ko nang isasara ko na ang elevator dahil biglang natanaw ko si kuya pogi papunta rin dito. Grabe talaga! Bakit ba ang pogi niya? Ang unfair naman ni Lord mamigay ng itsura, siguro nung nagpaulan ng ka-gwapuhan isa siya sa mga gising na tao dahil nasalo niya lahat. Hindi ako mahilig mag-describe pero pagdating sa kaniya, isang salita lang, swear! 'PERFECT!' perfect creation of human being. "Hey! Sama ka?" sigaw ko. Pinindot ko yung open para makahabol siya, nagmadali naman itong naglakad at hindi man lang nagpasalamat sa pagmamagandang-loob ko sa kaniya. Mahirap talaga mag-magandang-loob, napapasama minsan. "Hello!" bati ko ulit sa kaniya, siguro hindi niya ako narinig kanina. Kumaway rin ako para mapansin niya pero mukhang may dalaw na naman si kuya, ang tanggad niya grave, hanggang leeg lang niya ako kaya kailangan ko pang iangat ang tingin para makita ko siya ng kabuuan. Pero deadma lang si kuya... Nakabusangot na lang lagi ang mukha nito, saan kaya siya pinaglihi? Ampalaya? O sa sama ng loob? Mabuti na lang talaga pogi siya.. cute niya pa rin. Ayieeee. Siya pa naman ang prospect kong maging kaibigan, oo taas ng standard ko sa pagkakaibigan! Mukha siyang masungit pero para kasing masarap siyang kaibiganin, bonus na lang kong maging super duper ultra mega close kami, pero parang hindi naman, gwapo siya kaya, alam kong maganda rin ang hanap niya, sigurado akong pang-universe ang girlfriend niya. Magkatabi kaming dalawa at kami lang yung nasa elevator, ang taas pa naman ng floor namin, akalain mo 'yon, nasa 7th floor kami, hanggang 15 floor ito kaya subrang taas talaga ng building. Ang bango naman, ano kaya ang brand ng pabango niya? Siguro mahal 'yon, ang bango kasi, sarap singot-singotin. Saktong pabukas na yung elevator nang maalala ko ang hawak kong sumbrero, s**t! Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan, nakaka-distract kasi yung pabango niya. "Hey! Sandali lang." tawag ko sa kaniya nung nakalabas na kami ng elevator. Binilisan ko ang paglalakad dahil subrang haba ng hakbang niya.  Huminto naman ito at mariin na tumitig sa'kin, nakakatakot naman...bakit ba ganyan ang aura niya? Parang ma-nga-nga-in ng tao. "What?!" tanong niya na nakataas ang kilay, nakaka-kaba naman, para akong sasabak sa interview sa tanong niya. Mukhang english-sero si kuya! "Ah...isasauli ko pala 'to." kaswal kong sambit. Inabot ko sa kaniya ang sumbrero habang nakangiti. Tiningnan niya ako ng nakakunot pa rin ang noo kaya unti-unting nawala yung ngiti ko. Papatayin niya na ba ako? Para kasing... Para kasing galit ang itsura ng mukha niya, dapat nga matuwa siya dahil binabalik ko ang sumbrero niya. "What the hell!" galit niyang wika. Nag-cross arm pa ito kaya nakaramdam ako ng takot. Tangina! Minura niya ba ako? Hell? Hell daw? Alam kong bad word 'yon dahil sa itsura ng mukha niya. "Where did you get that?" dugtong pa niya habang hindi pa kinukuha ang sumbrero sa kamay ko. Mas lalong kumunot ang noo niya. Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa pa-english-english na 'yan, bobo pa naman ako sa english, dapat talaga nakinig ako non kay ma'am Villamon sa English subject 'di sana hindi ako nagmukhang temang sa harap niya. Nung highschool kasi ako nagpapagawa lang ako kay Antonette ng essay at assignment pagdating sa english dahil nga hindi ako magaling sa subject na 'to. Weakness ko kaya ang English! Swear! "Pwedi ba kunin muna lang, huwag mo na ako english-in." pakiusap ko sa kaniya. Natawa naman ito ng bahagya kaya napakunot ang noo ko. Naman! Marunong naman pala siyang ngumiti. Shit! Ang gwapo niya talaga! Kahit ano 'ata ang itsura niya, gwapo pa rin e. Ang daya. "Fine..." halatang napilitan sa sagot niya. Kinuha na niya ang sumbrero kaya itinago ko ang kamay ko sa likod. Nanginginig na kasi. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, hindi naman halata dahil nakatingin siya sa sumbrero, inuusisa kong may gusot o something doon, grave naman... Mukhang siya pa ang galit sa itsura nito, mabuti nga nag-good samaritan ako kahit papaano. Nakatayo pa rin ako sa harap niya dahil hinihintay ko talaga ang salitang 'thank you' bihira ko lang kasi marinig 'yon sa mga mayayaman, lalo na kay Aling Teasing. Naging kasambahay ako sa kanila dahil sila lang naman ang mayaman sa lugar namin sa Bicol. And swear! Hindi ko pa 'yon narinig magsabi ng 'thank you!'. "What?!" nakakunot- noo na naman niyang tanong. Nagtataka siguro kung bakit nakatayo pa rin ako. Ang hilig niyang what? What? Ano 'yan WH's question? Naku naman Lord, gwapo nga siya pero parang tigre naman ang ugali. Ang weird... "Hmm... wala man lang bang thank you?..." medyo pa-arte yung boses ko. Ako pa talaga yung nahihiya sa kaniya sa lagay na 'yan. Ako na lang mag-a-adjust! Thank you lang naman ang hinihingi ko. Tapos! "Are you kidding me?" pinan-dilatan niya ako ng mata. Ang taray niya talaga, mabuti na lang super cute siya kaya hindi nakaka-galit. God, bakit ba ang hilig niyang mag-english?! Kaunti na lang talaga tutulo na ang dugo sa noo ko. Dapat talaga nag-aral ako ng English e. Ang pagsisisi ay laging nasa huli, alangan naman nasa dulo diba?! Salitang thank you lang naman ang hinihingi ko... Bakit kailangan niya pang magtanong? At talagang English pa?! Pwedi naman Tagalog para mas komportable akong sumagot. "Haist! Ewan ko sa'yo, 'jan ka na nga!?" inis kong wika sa kaniya, wala naman akong magagawa kung hindi umalis na lang, kaysa maghintay sa salitang thank you, mukhang wala naman balak magpasalamat 'yon dahil ang daming tanong. Sayang ng oras, nagugutom na rin ako. Palakad na ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Halos mangisay ako sa ginawa niya, god, bakit ganoon? Kamay lang naman niya ng nakahawak sa'kin pero parang mamatay na ako subrang kilig, weird! "Okay fine! Than-." Punyeta! Ang sakit! Napahinto si kuya pogi ng may babaeng nakisalo sa usapan at bigla na lang akong... punyeta!sinampal...oo sinampal nga ako nang pag-ka-lakas-lakas, ramdam ng buong katawan ko ang sakit. Bakal ba ang kamay niya? Para kasing may pumutok sa gilid ng labi ko. Kaunti na lang kasi wala naman dugo akong nakita sa kamay ko. Ouch! Namula 'ata ang mukha ko sa subrang sakit. Syetie naman oh... Hawak-hawak ko pa rin ang pisngi ko habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko ngayon, nanggagalaitin ito sa galit at amoy alak ang bruha, ano bang ginawa kong kasalanan para sampalin niya ako ng ganoon kalakas?! Kung nakakamatay lang talaga ang titig, sigurado ako na kanina pa ako nakahandusay sa harapan nilang dalawa. "f**k! What are you doing, Lhira?! Your act-." "Acting what? Lian? Is this the f*****g girl hah? You broke me because this freaking ugly girl!" sigaw nung Lhira. Halatang gulat din si Lian sa ginawa ng babae sa'kin dahil ilang segundo rin siyang nakatingin sa'kin. "Your freaking idiot girl!" sigaw na naman ni Lhira sa'kin, hahatakin niya sana ang braso ko ng pigilan siya ni Lian. Subukan niya talagang sampalin ako, baka mag-iba ang hulma ng mukha niya ngayong gabi! Pasalamat siya tinuruan ako ng magulang ko ng good manners and right conduct! Super judgemental! Idiot your face! "f**k! Lhira! Your too drunk, get home, don't make a scene here, for f*****g sake!" sabi ni Lian. Halata ang galit sa mukha niya pero mas nangingibabaw ang pag-aalala niya kay Lhira, same sound pa naman ang name nila. Lian...Lhira... Nanatili lang akong nakahawak sa pisngi ko dahil subrang sakit dalaga ng sampal niya, pasalin-salin lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil ayaw paawat si ate girl! Buong buhay ko iningatan ang mukha ko para lang hindi magalusan, tapos isang unknown girl lang pala ang sisira. As in never ko pa siyang na-encounter sa buhay ko... Hello?! Sina Inay at Itay nga hindi nila ako nagawang sampalin kahit subrang na-ka-ka-galit na ako sa paningin nila, tapos ganito lang? Isang babaeng lasing at mala-kontrabida mode ang sasampal sa'kin nang ganito kasakit! Aray! "No, I won't," tanggi nung Lhira nang akma ng hahawakan ni Lian ang kamay niya. Hinahatak na kasi siya ni Lian palabas. Para siyang baliw! Iniisip niya ba talaga na girlfriend ako ni Lian, na ako ang pinalit ni Lian sa kaniya?! god! Kung pwedi lang sana, pero hindi naman, okey, wala siya dapat ikagalit. Pumunta lang naman ako ng Manila para magtrabaho para makatulong sa pamilya, hindi yung manira ng relasyon. Swear! Ayoko talaga ng g**o, ang sakit kaya sa ulo kapag may kaaway! "Enough Lhira!" "I said N-." Bago pa man makapagsalita si Lhira, pwersahang hinatak na siya ni Lian palayo sa harap ko, doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil sa subrang gulat ko pa rin. Grabe! Para kaming nasa teleserye sa subrang eksena ni Lhira, nababasa ko ang ganitong sitwasyon sa libro, talagang nakakainis pero mas nakakainis pala kapag sa totoong buhay. E...nakakatakot talaga! "Aray!" Subrang sakit talaga?! That girl! Grabe siya kung maka-sampal! Daig niya pa ang mga kontrabida sa tv. Himas-himas ko ang kaliwang pisngi ko para maibsan ng kaunti ang sakit, nag-uusap pa rin yung dalawa sa labas, subrang kulit ni Lhira dahil kita ko ang maitim na aura sa mukha ni Lian. "Hala!" Namilog ang mata ko ng makita si Lhira na umiiyak habang nagmamakaawa kay Lian. As in lumuhod talaga siya... Teleserye pa 'to? Baka May hidden camera dito o ano? Frank?! Door glass kasi yung pinto kaya nakikita ko pa rin sila, siguro hindi maka-get over si Lhira kaya ganoon na lang kung umasta, kahit sino naman babae hindi agad makaka-move on kung ganyan ka-gwapo ang boyfriend mo. Aabutin ata ako nang maraming taon para lang makalimutan. Gwapo naman kasi si Lian. Pero hindi naman yung subra, yung tipong subra pa sa subra ang katangahan girl! Kapag ayaw na, ayaw na dapat! Wala naman patutunguhan ang isang relasyon kapag ang isa ay tuluyan nang bumitaw. Mahirap buohin kapag isa na lang ang may gusto. Kahit anong pilit mo, kapag wala na talaga, wala na! Mas maganda nang mag-move on kaysa umasa sa wala, ikaw din naman ang mahihirap sa bandang huli. Mabilis akong tumalikod ng makita kong papasok na si Lian sa lobby, wala na rin si Lhira sa labas dahil may lalaking dumating at sapilitang hinatak ito. Sa condo na lang ako kakain dahil pagtitinginan lang naman ang mukha ko, at tsaka, ang sakit pa rin grabe! "Hey!" Binilisan ko naman ang lakad ko pero subrang haba kasi ng paa ni Lian kaya naabutan niya pa rin ako sa elevator. "I'm sorry for Lhira's did, she didn't meant it, she's drunk that's wh-." "Okey lang," pagpuputol ko sa sasabihin niya dahil alam kong mahaba 'yon at English, ang sakit na nga ng panga ko tapos pati utak ko natuyo na rin dahil sa English na naririnig ko galing sa kaniya at kay Lhira. "s**t!" Napakunot noo na naman ako dahil sa sinabi nito, bakit ba ang hilig niyang mag-mura, kanina ko pa naririnig yung salitang 'f**k' kanina, ewan ko ba parang rated SPG yung dating sakin. Parang s*x o something na ginagawa sa kama ng magkarelasyon. Yikes! "Ano?!" g**o kong tanong, kanina pa kasi siya nakatingin sa mukha ko. Ang pangit ko na ba?! O guilty siya? Dahil sinampal ako ng jowakhelz niya... Ay wait... Ex pala... "Let's go." "Hah?" "I'll put some medicine kit on your lips and cheek." "Ano?!" Nakakunot-noo ako habang hatak-hatak niya ang braso ko nung bumukas ang elevator, mabuti na lang talaga walang tao kaming nakakasabay sa elevator. Baka mapagkamalan pa kaming mag-jowa. Nagulat na lang ako ng kumuha siya ng susi at binuksan ang katabing pinto ng condo unit ni Trixie. So dito lang pala siya, so ang ibig sabihin, siya nga 'yon kapitbahay kong alien! Alien kasi bihira lang siyang magpakita sa unit na 'to. Pagkapasok namin sa loon may isang aso na subrang cute ang lumapit kay Lian. "Aw! Aw!" ang cute naman. Hindi siya yung asong karaniwan  na pinapakain namin sa bahay dahil mga askal 'yon, ito hindi ko alam kung ano ang tawag, basta ang cute tsaka ang ganda ng balahibo. "Go there, Krung." utos ni Lian sa aso at kusang umalis sa binti niya yung aso kaya namangha ako. Wow! May utak pala 'yon aso. Sana oil... May tawag 'don e... Breadi? Breading? "Seat here," sabi niya. Itinuro niya ang upuan na malambot bago binitawan ang braso ko. Oh.... Pangalawang hawak na niya 'yon pero ramdam ko parin  ang pangingisay ng buong katawan ko! Grabe... ang lambot ng kamay niya, err.. paano na lang kaya kung magka-holding hands kami, kaka-kilig kaya non, para kaming nasa heaven. Pero... Hanggang pangarap na lang 'yon, mala-universe ang type niya dahil kita ko naman kung ganoon ka-ganda si Lhira, as in super ganda ni ate girl, hindi na ako magtataka kung pati babae magkakagusto sa kaniya. 'Yon lang ang sama ng ugali! Habang nakaupo ako, pinagmamasdan ko ang kabuuhan ng loob, ang ganda naman pero parang boring, yung kulay kasi ng pader, brown lahat at kaunti rin ang mga nakakabit sa paligid. Malinis at ang subrang ayos ng mga gamit, yung iba nga pakiramdam ko parang hindi pa nagagamit dahil may mga plastik pa 'to. Kaya siguro, bihira lang siya umuwi rito. "Sorry for waiting, I'll call someone." sabi niya nung makabalik siya galing sa isang kwarto. Umayos na ako ng upo. Tumango na lang ako dahil English na naman! Kailan kaya siya magsasalita ng Tagalog? Para naman makasagot ako ng mabilis, hindi kaya may ibang lahi siya? Mukha kasi siyang foriegn-NOY. "Ouch!" sigaw ko nung i-dampi niya ang cotton sa panga ko. May nilagay siya doon na nasa boteng maliit at muling i-dinampi sa mukha ko, ganoon pa rin ang sakit talaga. "It's take minutes before the pain faded." sabi niya nung mapansin na napapa-pikit na ako sa subrang sakit. Tumango na lang ako at tiniis ang hapdi ng cotton na duma-dampi sa panga ko. Napahinto ako ng hawakan niya ang pisngi ko, masyado kasing akong magalaw. At akma na sana niyang i-da-dampi ulit ang bulak sa pisngi ko nang mag-tama ang aming mga mata. God... Bakit ganoon? Parang weird ang kabog ng puso ko?! Swear! Tumagal 'yon ng ilang minuto bago siya nagpatuloy sa pag-gagamot. Naku naman... Bakit ba kasi ang pogi niya! Ang daya talaga ni Lord. Mas lalo siyang pumo-pogi nang malapitan, sulit naman pala yung sampal dahil si Doktor Lian lang naman ang gagamot sa'kin kaya okey na rin. Thanks to Lhira na ba?! Umayos ako ng upo nang tumayo siya at pumunta sa kusina, may kinuha siyang c***k ice at nilagay 'yon sa malinis na panyo at dahan-dahang dinampi sa panga ko. Infairness, medyo nawawala na 'yon sakit, ang galing naman pala mang-gamot ni Dok. "Salamat, ako na." sabi ko at mariin na kinuha ang panyo na may yelo. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang medicine kit, 'yon kasi ang nakalagay sa box, marunong naman ako magbasa kahit papaano, ang weakness ko lang talaga ang magsalita ng English, dahil nga cow English ang kaya ko. Pero... Nakakaintindi naman ako ng English kahit papaano! "I'm sorry again." turan niya. Ngumiti na lang ako bilang sagot. "Ang lakas sumampal ng girlfriend mo," tukso ko sa kaniya dahil mukhang siya ang super guilty sa nangyari. Hindi kaya mahal niya pa si Lhira? Kanina kasi ramdam ko ang bawat titig niya at alam kong subra siyang nag-aalala sa Lhira na 'yun. "Stop talking about her, I really sorry again for what she did." sagot niya habang tinanggihan ang tanong kong sagutin. Ayan na naman tayo e. Sige English pa more, kaunti na lang yung ilong ko naman ang dudugo sa sinasabi niya. "Hindi ka ba marunong mag-tagalog? Super English ka kasi, naka-ka-nosebleed na." puna ko makalipas ng ilang minuto. Tumawa ako para maging komportable ang pag-uusap namin, mabait naman pala siya. Nakakailang nga lang dahil sa ka-gwapuhan niya. "I can but it's sounds funny when I try, nasanay kashi akho sa English," Boom... Sa wakas nagsalita rin siya ng Tagalog, weird pero ang cute niyang magsalita ng Tagalog, islang pero sarap pakinggan, alam mo 'yon para kasi siyang bulol mag-tagalog. Hahahahah. "Oh, just like what I mean." Namilog ang mata ko ng ituro niya ang bibig ko, langya! Nakangiti na pala ako. E.. Nakakatawa naman talaga kapag nagsasalita siya ng Tagalog. Swear! "Masakit pa ba?" Hala? "Kunti na lang." sagot ko. Ang cute niya talaga! "Are you done eating dinner? O sho-." "Doc, naman, sabi ngang Tagalog e." Sumimangot ako. "I'm not a doctor," sagot niya. Napa 'O' na lang ako dahil parang  nagalit siya sa sinabi ko. "Edi future Doctor na lang," nakangiti kong sabi. Hindi naman ito sumagot kaya tumahimik na lang ako. Grabe! Mukhang mahihirapan akong kausapin siya, hindi 'ata siya madaldal katulad ng ibang lalaking kilala ko. Loner siguro 'to. "Are you done eating dinner?" tanong niya ulit. Mukhang seryoso na siya kaya umiling ako. Totoo naman kasi, kung hindi umiksena si Lhira 'edi sana busog na ako ngayon tapos nakahilata na siguro ako sa malambot na upuan. Epal kasi! "Okey, we will eat together, pa-dheliver lhang akho." sabi niya bago tumayo at pumunta sa kwarto dala yung medicine kit. Napaawang ang labi ko pero bago pa man ako makapagsalita, natigilan ako ng tumunog ang phone ko at binasa ang mensahe galing sa unknown number. From: 09303129969 Dear Ms. Calliantes, please report tomorrow at exactly 8:00 am for orientation. Please wear a white shirt with collar and black pants. -CASSA Restaurant Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD