Kabanata Apat

2921 Words
#LOYChapter04 "Jaz, table number 2 order#69" sabi sa'kin ni ate Merry. Siya ang waitress head kaya sa kaniya muna dumadaan ang lahat na orders para i-check bago namin ihain sa mga 'customer'. Nakasuot ako ng brown short na hanggang tuhod, maluwag ito kaya  komportable akong gumalaw at yellow shirt na may palayaw namin sa bandang kaliwa na nakasulat sa isang metal. "Okey." sagot ko. Ilang araw na rin simula nung magsimula akong magtrabaho dito sa CASSA bilang waitress. Middle shift ako kaya mula 10:00 am hanggang sa 8:00 pm ang pasok ko at Monday to Saturday din kaya yung Sunday ko, pahinga ko rin. Masaya naman ako dahil mga CHICADORA ang mga kasama ko dito sa restaurant, palaging may hot topic ang group namin. Bali 8 kami kabilang yung head. 4 kaming tagadala ng pagkain at yung tatlo ang tagakuha naman nang orders. Maraming customer tuwing umaga habang pag-gabi, take-out kadalasan kaya nakakapahinga kami kahit papaano. Isang oras ang pahinga sa hapon at gabi kaya okey na rin. May ilang nag-text pa sa'kin na natanggap ako pero hindi ko na 'yon tinanggap dahil nga ito yung naunang mag-text sa'kin. First come, first serve ika nga... 'First opportunity came, will be the best choose, after all.' nakatatak na 'yan sa isipan ko simula nung highschool, 'yan ang sinabi sa'kin ni Serhina habang nag-aapply kami noon ng part time job. Miss ko na 'yon, subrang daldal kasi non. Hindi boring kasama... "Enjoy your meal, ma'am and sir." sabi ko pagkababa ng tray at dahan-dahan kong nilapag ang order nila. "Thank you," tugon nung lalaking may katandaan na. Tumango ako bago umalis, dumiretso agad ako kay ate Merry para dalhin ang ilang orders ng customer. Hindi na bago sa'kin ang ganitong trabaho dahil nung nasa 4th year highschool ako, nag-part time job din ako sa DJC HALO-HALO bilang service crew rin, ang pinagkaiba lang, doon hindi masyadong matao... E..dito, bawat minuto may pumapasok, walang upuan na nababakante pwera sa gabi at kadalasan na customer dito yung mga taong pinalad/mga nakaka-angat angat sa buhay. Mahal kasi yung ulam dito, 1000 pataas, hindi naman sa judgemental pero wala talaga akong nakikitang mahirap na kumakain dito, kahit ako, mas gugustuhin ko na lang sa karenderya kumain kaysa bumili nang ulam na ganoon ka mahal ang presyo. Swear! Mabuti na lang libre ang lunch, dinner at uniporme namin. kaya hindi  na M. Pagkatapos kong maihatid lahat ng orders na nakatuka sa'kin, pumunta muna ako sa kusina para dalhin ang ilang tray na kailangan hugasan, nagulat na lang ako ng makita ko si Vhina at Chona na nag-uusap at parang kinikilig na hindi ko maintindihan. Siguro may mga nakita na naman silang poging customer sa labas, ganoon kasi ang mukha nila kapag kinikilig ng subra, lalo na si Chona. Kahit baguhan pa lang ako, pero kilalang-kilala ko na ang karakas ng dalawang 'to. Araw-araw ata may bagong crush ang dalawang ito at araw-araw din may kiligan moments dito sa restaurant. At sila rin ang madalas kong nakaka-usap dahil magkasing-edad lang kaming tatlo, yung iba kasi, may mga asawa at anak na, 30's ganoon ata ang edad nila. Hindi ako sigurado. "Hoy? Sino na naman 'yan hah?" usisa ko sa dalawa pagkahatid ko kay Manong Flor nang ilang tray, siya kasi ang nakatuka sa paghuhugas ng gamit sa kusina. "E... Kasi ano..." hindi matapos-tapos si Chona sa pagkwe-kwento dahil inuunahan ito ng kilig. "Ano nga?!" tanong ko ulit na nakakunot ang noo. O kaya sino?! "Yung matagal na kasing crush ni Chona nasa taas." sabat ni Vhina. Siya na ang nagsalita dahil nga hindi na makapagsalita si Chona sa subrang kilig nito. OA! May second floor kasi ang restaurant na 'to, pero reserbasyon 'yon sa mga estudyante lang na may dalang papers at gustong mag-aral habang kumakain o umiinom ng kape. Malapit kasi ang restaurant na ito sa private schools kaya bentahi rin sa kanila ang lugar na 'yon, may mga nakikita na ako nung mga nakaraan pero parang mga zombie lang dahil naka-pokus talaga sila sa mga papers na nasa table. Mga super genius ata 'yon.... Mga gustong mag-cumlaude, suma at magna...Ako kasi simula nung elementary hanggang highschool, hindi ko talaga pinangarap maging honor student. Ang goal ko talagal non, ang makapasa at makatapos agad para nga makatrabaho na ako. Gustong-gusto ko na talaga matulungan non sina Nanay at Tatay, kaya pagkatapos ko sa highschool, naghanap agad ako ng trabaho. Gustuhin ko man mag-aral sa kolehiyo pero alam ko naman na hindi talaga kaya ng mga magulang ko ang gastos kaya ako na rin ang nagpasya na magtrabaho na lang. At hindi ko pinagsisisihan 'yon hanggang ngayon. At pinagsisisihan ko lang talaga, yung hindi ako nakinig sa English teacher namin, kaya ngayon, nangangapa pa rin ako sa English word! Bigla ko tuloy naalala ko si Lian, madalas kaming magkasalubong sa lobby at elevator pero ang hirap kausapin dahil palaging nakabusangot. Kumakaway naman ako kahit papaano pero ang sungit talaga! Ni hindi man lang sumagot kahit ngiti o kaway din. Okey naman kami pagkatapos ng peace offering dinner sa condo niya kaya nagtaka ako kung bakit parang ang bad vibes na naman non. Subrang assuming ko pa naman na baka magkaroon ako ng pagkakataon na maging kaibigan siya kinabukasan. Pero hindi e...umasta siyang hangin ako sa paningin niya. Sakit! Seenzone?! Swear! "Talaga? Turo niyo naman sa'kin." panunukso ko kay Chona, sabi kasi ni Vhina, matagal ng crush ni Chona edi ibig sabihin, super pogi non. Alam ko naman na super bet ng babaeng ito ang mga gwapo at mala-artistang anyo na lalaki. Kaya malamang, gwapo talaga 'yon, nakaka-excite naman malaman. "OA naman..." dugtong ko. Mukha kasing wala siyang balak ipakita sa'kin. Nakabusangot kasi 'to nung dumating ako. "Turo muna kasi Chona," pangungulit din ni Vhina. "Oo nga, sige na." napilitan pa ang gaga! Parang nag-iisip pa si Chona sa sinabi namin ni Vhina. At talagang nag-isip pa ang gaga. Ang damot...crush lang naman. OA! "Oo na, pero huwag mong aagawin sa'kin." kunot-noo niyang sambit sa'kin. "At kailan ba ako naging mag-aagaw hah?!" sigaw ko. Napatingin sa'min si Manang Flor dahil sa lakas ng boses ko. Nakakainis kasi! Kahit kailan hindi ko pinangarap maging mang-aagaw. Kapag may jowa na... Ekis agad! Ganern?!! Super OA, kung makapagsalita ng huwag aagawin, boyfriend mo teh? "Vhina?" "Oh, tawag ka na ni Ate Merry." sambit ko kay Vhina. "Sayang! Epal naman si ate Merry," busangot na sabi ni Vhina. "Punta kana," sabi ko. Tumango naman ito bago umalis, wala pa mamang nakapila sa'kin kaya kinulit ko ulit si Chona na sabihin sa'kin kung sino yung crush niya. Dispirado na talaga akong malaman kung sino. "Okey fine!" napilitan niyang sagot. Ngumiti naman ako at nag-thumbs up sa kaniya. "Marami yung order nila kasi nga kasama yung tatlo niyang kaibigan kaya 2 tray ang dadalhin ko sa table nila, sayo yung isa at sa'kin naman yung isa, okey." mahaba nitong sabi. Tumango naman ako. "Pero paano ko malalaman kung sino 'don ang crush mo? Baka kasi mahalata niya kapag tinuro mo sa'kin mismo doon." "Basta ganito, sisimplihan na lang kita," Kumunot ang noo ko, ayaw niya talagang sabihin sa'kin kung sino. "Sige." Naghintay kami ng ilang minuto kasi nga marami yung orders daw, sakto namang wala pang nakapila na order para sa'kin kaya nakasama ako kay Chona pag-hatid ng pagkain. "Kalma lang," paalala ko kay Chona nung nasa taas na kami bitbit ang orders, para kasi siyang timang tingnan dahil nanginginig ang kamay nito. Hindi na tuloy ako makapaghintay.... Gusto ko na rin makita yung lalaki... "Sorry naman." sagot niya. "Sige ka...baka mabuhusan mo yung mukha ng crush mo." pagbibiro ko. Sumimangot naman ito at pinan-dilatan ako ng mata. "Epal." mahina niyang tugon. Natawa ako dahil subrang pikon na ang mukha niya. Sampu ang table sa taas at lahat 'yon may mga nakaupong estudyante. Yung iba kumakain habang yung ilan nagbabasa ng libro, iba-iba rin ang suot nilang uniporme kaya sigurado akong galing sila sa iba't ibang school malapit dito sa restaurant. Yamaners! Sumunod lang ako kay Chona hanggang sa makarating kami sa isang table na may apat na katao. Nakayuko yung tatlo habang nagbabasa ng mga libro at yung isa, nakapatong ang ulo sa table, natutulog ata. "Hello mga sir's, Ito na po ang orders niyo." sabi ni Chona pagkalapit namin sa table. Tumingin sa'kin si Chona bago nilapag ang pagkain sa mesa. Napaangat ang tingin ng tatlo pwera sa isa na mahimbing na natutulog pa rin. Mabilis akong napakurap ng makita ko ang isang lalaking pamilyar sa'kin... Saan ko nga ba siya nakita?! Oh...My...Gulay! Mabilis na napaawang ang labi ko sa isang lalaking nakatingin sa'min ni Chona, hindi ako pweding magkamali, siya 'yon. Mismo! Siya nga 'yon. Yung lalaki sa parking lot. Oh my?! "Thank you," sabi ng isa sa kanila. Napabuntong hininga ako ng makitang natawa ng kaunti yung lalaki habang nakatingin sa'kin. Hala! Huwag niyang sabihin na naaalala niya ang mukha ko?! God, swear...'yon ang unang kahihiyan ko dito sa Manila. "Hoy," Natauhan ako bigla ng kalabitin ako ni Chona. Tinuro niya ang tray na hawak ko. "Serve muna bilis," sabi pa niya. Naku naman... Lumutang ata ng ilang minuto yung utak ko kaya nalimutan kong may dala pala akong tray. Weird naman kasi ni kuya parking lot. 'yan muna ang tawag ko sa kaniya...dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya. At alam ko na naman na ang layo ng estado ko kaysa sa kaniya kaya hindi na ako umaasa na malalaman ang pangalan niya. Lupa lang ako...'yan ang totoo. "Enjoy your meal." sabi ko sa kanila. Maingat kong nilagay ang pagkain sa mesa. Medyo naiilang ako dahil hindi pa rin inaalis ang tingin ng lalaking nakita ko sa parking lot. Kinikilatis niya ba ako? Namumukhaan?! Naku...sana hindi naman. "JP...buhay ka pa ba?" sabi ng lalaking katabi nung natutulog. Tinapik niya ng malakas sa balikat kaya nagising yung JP. "f*****g asshole! Can you please shut up! I'm sleeping Bro!" galit na sagot ng lalaking natutulog. Nagulat naman ako kaya napaatras ako kay Chona, bigla na lang akong natawa ng makita ko ang mukha ni Chona na kinikilig habang nakatingin kay JP. Oh....siya pala yung guy...yung lalaking crush na crush ni Chona. Huli ka balbon! Agad na nailipat yung tingin ni JP sa'min kaya napangiti ito ng kaunti. Halata sa mukha niya ang gulat nung nakita niya kami ni Chona. Si Chona na naman, ayon para nang baliw kakangiti. Kunti na lang punit na ang bibig niya sa subrang lapad. Tumawa  naman yung tatlo kaya sinamaan sila ng tingin ni JP. "f**k you! Bro!" dugtong pa ni JP sa tatlo. Kakaiba talaga ang mga estudyante dito sa Manila. Bakit ba ang hilig nilang magsalita ng 'f**k?!'. Ano bang meron sa salitang f**k? Na 'yan?! Tunog bastos talaga ang dating sa'kin, lalo na sa'min. Conservative ang mga tao don. Fuck?! Sumpa ba 'yon? Weird talaga ng mga yamaners kids! Simula nung nangyari maghapon ng nakangiti si Chona, na weirdohan nga kami ni Vhina dahil pati sa paghuhugas tumulong kay manang Flor. Weird naman nitong magkagusto sa lalaki, nagiging masipag. Alas 8 na ng gabi kaya nagpalit na ako ng damit, nag-aya sana yung si Chona na kumain kami sa labas kaya lang hindi ako sumama. Kailangan ko kasing magtipid lalo pa, nagsisimula pa lang ako sa trabaho. At tsaka, may pagkain naman sa condo kaya magluluto na lang ako doon. Sayang ng pera...ang mahal pa naman ng ulam dito sa Manila. "Jaz?" Papunta na ako sa terminal ng jeep ng marinig kong may tumawag sa'kin sa likod kaya napalingon ako doon. Napakunot-noo ako ng makita si kuya parking lot na papalapit sa'kin. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Ang weird niya kasi, bakit niya nalaman yung pangalan ko? at bakit niya ba ako nilalapitan? Bakit niya ako gustong kausapin? Bakit niya ba ako tinatawag?! Lumingon ako sa paligid para tingnan kong may ibang tao, malay ko ba kung ibang Jaz ang tinatawag niya tapos super assuming ko naman na babae. Pero wala naman...Ako ba talaga yung tinatawag 'yan Jaz? "A...ako ba yung tinatawag mo?" kalmado kong tanong. Nakalapit na ito sa'kin kaya medyo nailang ako. Ikaw ba naman kausapin ng gwapong nilalang na hindi ko nga alam kong ano ang pangalan niya. "Yeah. You lo..look familiar, did we met before?" paputol-putol niyang tanong. Ayan naman sa English speaking...lahat ba ng makakausap kong gwapong lalaki sa Manila, lahat English speaking?! Nakakainis naman... Sabi ko nga... nakakaintindi ako ng English...ang weakness ko lang...ang pagsalita ng English dahil cow English ang nasasabi ko. Basta... Hindi ako komportable sa pagsasalita ng English. "Hindi pa naman siguro." sagot ko. Natawa ito kaya mas lalong kumunot ang noo ko. May Nakakatawa ba sa sinabi ko? "If I'm not mistaken, ikaw yung babaeng nasa parking lot, last week?" sabi niya ulit. Namilog ang mata ko sa sinabi niya, so ibig sabihin, namumukhaan niya ako? Ganoon? Pero...ano naman kung ako nga 'yon? Ipapakulong niya ba ako? O idedemanda? dahil sa ginawa ko? May nilabag ba akong batas? O ano? Ano na lang? Ewan?! "Ah...eh..okey, sige na...ako nga 'yon? Bakit? Nagalusan ba yung sasakyan mo?" mahina kong tanong. Wala naman sigurong masama kong aamin ako. Tumawa na naman ito. "No...I just want you to give this." nanlaki ang mata ko ng makita ang isang paper bag. Kumunot ang noo ko. "Ano 'yan?" tanong ko habang nakaturo sa hawak niyang small paper bag. "Ah...kunin muna lang." sabi niya. "Hindi...hindi ko naman birth-." "Bro...May quiz daw si Atty., Bilis balik na tayo!" napahinto ako sa pagsasalita ng biglang sumigaw yung lalaking kasama niya kanina sa restaurant. "Oh f*****g s**t!" mura niya sa harap ko habang nakatitig sa phone niya. "Sige Jaz...kita na lang tayo bukas." "Hah?" Mabilis niyang inabot ang paper bag at mabilis rin itong tumakbo papunta sa kinaroroonan nung lalaking sumigaw kanina. Ang weird! Ano ba 'to? Naiwan akong lutang at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Anong bang meron don? Hindi ko naman siya kaibigan... boyfriend?! Mas lalong hindi...hello...lupa nga ako tapos langit siya? Pero bakit niya ako binigyan nito? Hay buhay! Weird ng araw ko ngayon! Hindi ko binuksan yung paper bag hanggang sa makarating ako sa labi...isasauli ko na lang ito sa kaniya kapag nagkita kami ulit. Hindi pa naman ako nakakaawa para tumanggap ng regalo galit sa isang taong hindi ko kilala. Malay ko ba kung masama 'yon...pero hindi naman 'ata...super gwapo niya naman para maging bad guy. "Get in." Nagulat ako ng may humatak sa'kin papasok ng elevator at nung tumingala ako, nakita ko si Lian. "What?!" sabi niya. Biglang bumalik ang diwa ko dahil sa 'what' na naman niyang tanong. Dito lagi ata magsisimula ang pag-uusap namin dalawa. "Bakit ka ba nanghahatak hah?!" sigaw ko din. Marunong din kaya ako sumigaw, hindi ako papayag na siya na lang lagi ang bida. "Phara ka khasing baliw, kanina." naiilang niyang sagot. Wow?! Tagalog mood? Natawa ako. Bakit ba kasi nakakatawa siya magsalita ng Tagalog? Yung tipong kahit asar na asar ka na pero mapapatawa ka na lang sa subrang islang niyang magsalita. Swear! Pero cute pa rin. Nawala na tuloy yung galit ko sa paghatak niya sa'kin. Ewan ko ba! Ang cute kasi ng Tagalog speaking niya. "Funny?!" tanong niya. Nakataas ang kilay nito kaya pinigilan ko ulit na matawa. Mr. Pikonin talaga... Ang cute asarin ni Mr. Sungit! hahahahah... "Wala!" Saktong bumukas na yung elevator kaya nauna akong naglakad palabas. Natatawa pa rin talaga ako. Swear! Siya na ata ang kilala kong nakakatawa kapag nagsasalita ng Tagalog. Trying hard... "Funny?!" sigaw na naman niya. Hindi ako lumingon hanggang sa makaabot ako sa may pinto ng condo ko. Baka kasi kapag lumingon ako...mas lalo lang akong matawa... pikonin pa naman ng lalaking 'yon. Paborito ko na tuloy siyang asarin. "Hey...Jane?" Napaawang ang labi ko. Pabukas na ako ng marinig ko ang pagtawag niya sa'kin ng 'Jane'. Halos ilang metro lang kasi ang pagitan ng condo namin. Kainis... kailan ba ako naging Jane? Ilang araw lang kami hindi nagkita, nalimutan na niya agad ang pangalan ko...e... TATLONG letra lang naman...JAZ...J...A...Z! not Jane! Bwisit! Yung pangalan niya nga, tandang-tanda ko pa kahit ang haba! Nung nasa condo unit kasi niya ako, hindi ko sinasadyang makita ang I.d niya sa table malapit sa sala at totoo ngang, doktor ang kinukuha niya. Lixxus Andrei Villanueva. Palayaw niya lang yung 'LIAN'. Huminga ako ng malalim bago lumingon sa kaniya. Kapikon! "Jaz! Hindi Jane!" pagtatama ko. Sinimangotan ko siya sa subrang asar ko sa kaniya.  Tumawa naman ito at tumango-tango sa sinabi ko. Mukhang naisahan niya ako don ah! "Okey...Jan..a...Jaz rather." sabi niya na parang minimemorize yung pangalan ko. Kaasar!  May sinasabi ba ito pero hindi ko marinig dahil sa subrang hina ng boses niya. "Ano?!bakit ka nagtatanong?" tanong ko. Nakakunot pa rin ang noo ko dahil sa pagtawag niya sa'kin ng Jane... kainis kasi! Yung pangalan niya ang haba pero hindi ko nakalimutan. Tapos yung sa'kin, super iksi lang hindi pa niya natandaan! Dapat uminom siya ng memory-plus gold! Ang bata pa, makakalimutin na. "Are you free now?" sa wakas nagsalita din ang Mr. Sungit na makakalimutin! Seryoso na ulit ang mukha nito. "Bakit?" diretsahang tanong ko. Naku naman...Ang hirap magalit sa gwapong nilalang na 'to. Bakit ganoon?! "It's Krung birthday, wanna join us?" seryoso niyang sambit. "Hah?" sabi ko ng may pagtataka. At kailan pa kami naging close para ayain ako sa isang birthday party? Sinapian ba 'yon? Weirdo talaga nito! "Katok ka lang, if you want." dugtong pa niya bago pumasok sa loob ng condo unit niya. Walang manner! Ni hindi man lang hinintay yung sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD