#LOY 05
Kanina pa ako hindi mapakali sa loob dahil nga pinag-iisipan ko pa yung offer ni Mr. Sungit! Pasado alas-nuwebe na ng gabi at hanggang ngayon...nagtatalo pa rin ang isip at katawan ko kung pupunta ba ako? o hindi?!
At hanggang rin ngayon...hindi pa rin ako kumakain, sumasakit na tuloy yung tiyan ko! Marami kasi akong 'what if?!
Kapag pumunta ako doon, iisipin niya na kaladkarin akong babae...o kaya naman...pumayag ako basta-basta...lang?
Ano kaya nakain non?
Nakapagtataka naman kasi kung bakit inaaya niya ako sa party ng aso niya, at talagang sa ganoon okasyon pa?! mukha ba akong aso?!
O kaya naman...Hala! Baka may balak na masama 'yon sa'kin dahil madalas ko siyang pagtawanan...o kaya naman...pagsasamantalahan niya ako?! Pero kung gagawin niya 'yon, hindi na din masama dahil ang gwapo niyang nilalang...hindi na rin ako lugi..waahh?! Punyeta!Jaz! Bakit mo ba naiisip ang ganyan bagay?! Baliw na ata ako!
Pagkatapos ng ilang taong pag-iisip, namalayan ko na lang nasa tapat na ako ng condo ni Lian. Bumuntong-hininga ako bago nag-doorbell. Ilang minuto ang lumipas bago bumukas yung pinto.
"Oh tae ng kalabaw!"
"What the heck?!"
Nagulat ako ng makita si Lian na nakasuot ng boxer at walang suot pang-itaas, kinusot-kusot pa ang mata nito at bigla rin namilog ang mga mata niya nang mapagtanto ako ang nasa harapan niya. May iba ba siyang inaasahan?
Gabing-gabi na kasi kaya siguro hindi na niya inasahan na pupunta pa ako dito. Sana talaga hindi na lang ako pumunta e...
Napadako ang tingin ko sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napansin niya 'yon kaya pinan-dilatan niya ako mata.
Hala!
Mabilis kong tinakpan ang mukha ko gamit ang kanang kamay ko bago ako umatras ng kaunti sa kaniya.
Shit! Ang ganda ng view kanina, subrang puti ng katawan niya at yung tiyan...oh my ghad! 'yun ba yung abs na sinasabi ng iba?! Na mukhang pandesal.
Wala non sa Bicol...
Hindi na 'yata virgin yung mga mata ko!
"Your crazy!" dinig kong sabi niya kasabay ng malakas na pagtawa.
Crazy?! Punyeta Lian! Binabaliw mo talaga ako!
"Get in... freaking woman."
"Huh?!"
Wala na akong nagawa ng hawakan niya ang braso ko at mabilis niya akong hinatak papasok sa loob ng condo unit niya.
Bigla rin bumilis yung kabog ng puso ko dahil nga baka may masamang balak talaga ang lalaking ito sa'kin. Subukan niya lang talagang pagsamantalahan ako... malilintikan siya sa'kin.
Assuming na ba ako?!
Nag-aral rin kaya ako ng self-defense.
"Hoy! Kung may balak ka man sa'kin, huwag mo nang ituloy! kung ayaw mong mamatay ng maaga!" sigaw ko sa kaniya nung maramdaman ko na bibitawan na niya ako. Inunahan ko na siya. Hindi ko pa din inaalis ang kamay ko sa mukha dahil nga baka hindi ko mapigilang hindi mapa-tingin sa napakagandang view sa baba niya.
... '?! ! ! ! !
Nadinig ko itong tumawa ng malakas kaya bigla akong nahiya ng subra.
Mukha ako 'yata ang may balak na masama sa kaniya.
Grabe! Manyak na ba ako?!
Pero masarap maging manyak sa ganitong tao! Swear!
Kahit ngayon lang...
Naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin kaya hindi muna ako umimik. Hala siya! Huwag naman po... Pero bakit kinikilig ako?!
"Your funny, as if naman, type khita!" bulong niya malapit sa tenga ko.
Naks naman!
!
!
Napahiya ako doon ah.
Tumaas ata lahat ng balahibo ko dahil ramdam ko ang mainit niyang hininga. Alam ko naman...alam ko naman ang mga tipo niya... malulusog na hinaharap at super sexy na katawan, yung mga Sanya at Gabbi!
Napabuntong-hininga ako hanggang sa maramdaman ko ang yapak niya palayo sa kinatatayuan ko. Siguro magsusuot lang siya ng damit.
Diyos ko... papatayin niya ba ako sa subrang kaba!
Inalis ko na din ang kamay ko sa mukha ko at unti-unting dumilat, muntik na ako doon ah. Namangha ako ng makita ang isang cake na nasa mesa, kompleto pa ang nakasulat doon kaya batid kong hindi pa 'yon nagagalaw. Hindi ko na din makita si Krung...tapos na kaya yung party? Sayang babatiin ko pa sana si cutie dog. Sana all pinaghahandaan talaga!
"Are you done eating dinner?"
Napalingon ako sa likod ng magsalita si Lian, nakasuot na siya ng brown shirt at pajama, kaya komportable na akong tingnan siya. Ganoon din naman ang suot ko, oversized t-shirt at pajama.
Umiling ako. " Hindi pa e." sagot ko.
Hindi naman siguro nakakahiya magsalita ng totoo dahil 'yon naman talaga.
"Tapos na ba yung party? Nasaan si Krung?" tanong ko ng mapansin na wala talaga sa loob yung aso. Nung nakaraan kasi na andito ako, hindi 'yon umaalis sa tabi ni Lian.
"Your late, next time, be on time, don't do the Filipino habbit, doing a Filipino time is such a f*****g idiot manner!."
Ano daw?
"My youngest sister already picked up Krung a whi- ."
"Subukan mo naman yung pure Tagalog language, please." sabat ko sa sasabihin niya. Hindi naman sa super bobo ako sa pag-intindi ng English pero gusto ko talagang masanay siya ng Tagalog para sa ikakaintindi ko at para din sa kaniya 'yon.
Heller?! Nasa Pilipinas tayo...wala tayo sa Amerika! Okey?
Tangkilikin ang sariling atin!
!
Umawang ang labi niya at tumingin sa'kin ng seryoso. Hala! Hindi kaya nagalit siya sa suhestiyon ko? Cute naman kasi niyang magsalita ng Tagalog.
!
"I try but you laugh," mahinahon niyang sambit sa harapan ko.
Ano ba 'yan...nakaka-guilty naman...
Nakakatawa naman kasi.
"Hindi...ahm... pasensya ka na kung natatawa ako minsan...ngayon lang kasi ako nakakita ng mukhang foriegn-NOY na nagtatagalog kaya medyo natatawa ako sa tuldik mo o accent mo." sagot ko at agad na umiwas sa mga tingin niya.
Mukha kasing malalagutan na ako ng hininga kung magpapatuloy pa ako sa pagtitig sa kaniyang mapupungay na mga mata.
Baka mapasailalim ako sa kaniyang mahiwagang hypnotismo...
Katahimikan.
"Pangako, hindi na ako tatawa." dugtong ko pa.
Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang sumusumpa ng katapatan sa kaniya.
Natawa naman ito. "Really?"
"Oo naman...bakit hindi?"
"Whala lang..."
Boom... Ayan na... nagsisimula na siyang mag-tagalog. Islang pa rin pero pinigilan ko talagang hindi matawa...baka kasi mapikon na naman siya sa'kin. Mabuti na ang ganito...atleast, magkakaintindihan na talaga kami.
Sandali pa kaming naupo sa sala habang nagkikwentuhan nang kung ano-ano. Gumagamit naman siya ng Tagalog na salita pero hindi pa rin niya mapigilang magsalita ng English. Doon ata siya nasanay.
Wala na rin pala dito si Krung dahil nga kinuha daw ng bunso niyang kapatid na si Lexi. Nag-celebrate na pala sila kani-kanina lang bago umalis yung kapatid niya at si Krung. Na-guilty akong kauti, nung sabihin niyang, hinintay talaga nila ako kanina sa party pero ang tagal ko raw dumating kaya nagsimula na silang kumain, at sakto namang dumating na yung driver nila bago pa man ako pumunta kaya napilitan nang umalis sila Lexi kasama si Krung.
Sayang... Cute pa non aso.
"Pasensya ka na ulit ah, dito ko tuloy na nabati si Krung." sabi ko habang kumakain.
May natira pa naman raw kaya pwedi pa akong kumain. Ayaw niya na sana akong sabayan kaya lang pinilit ko talaga siyang kumain.
Ang kapal na talaga ng mukha ko, noh?!
Huli na ngang dumating, nakikain pa.
"It's okey, thank you for coming." nakangiti niyang sabi.
Oh my! Huwag naman ganyan....baka himatayin ako sa ngiti mo.
Pagkatapos namin kumain, ako na yung nagligpit ng pinagkainan namin at ako na rin ang naghugas...nakakahiya naman kasi... parang nakikain lang ang lagay ko dito.
Pero dahil nga makapal ang mukha ko... nag-assume na lang ako.
"Uwi ka na, after this?!" tanong niya nung tapos na ako sa paghuhugas.
Wow... improving na siya sa tuldik, medyo hindi na islang pakinggan ang Tagalog language niya.
Galing ko talaga!
"Oo...May trabaho pa kasi ako bukas." sagot ko. Namilog naman ang mga mata nito at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Siguro iniisip niya na estudyante pa lang ako o kaya naman...hindi siya makapaniwala dahil nakatira ako sa condo unit tapos nagtatrabaho lang ako sa isang restaurant.
Hindi siya sumagot.
Umupo ako kalapit sa inuupuan niya dahil nga ganoon kakapal ang mukha ko. Magpapaalam na rin naman ako maya-maya. Mukha kasing kailangan niya ng kausap batay sa pagmumukha niya o subrang feelingera lang talaga ako.
"Salamat ulit."
Tumango ito.
"Where did you work?" tanong niya habang nakatingin sa baba.
"Sa CASSA restaurant."
"Hindi kha na nag-aaral?" tanong ulit niya.
Naku naman...interview pa ito?! Bakit ba ang dami niyang tanong? Tapos ako naman...sagot lang nang sagot.
"Hindi na... highschool graduate lang ako." huminto ako para tingnan ang reaksyon niya,pero nanatili lang itong nakayuko. "Kailangang kong tulungan mga kapatid ko at si Inay." sabi ko habang nakatawa.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko, ang gaan niyang kausap kahit hindi pa kami ganoon katagal na magkakilala.
Feelingera.
Kainis! Hindi ko namalayan may tumulong luha sa pisngi ko. Mabutu na lang hindi siya nakatingin sa'kin. Iyakin talaga ako pagdating sa usapang pamilya. Minsan kasi nakakaramdam rin ako ng inggit sa ibang tao... sinasabi ko na sana pinanganak na lang ako ng mayaman para naman naramdaman ko ang college life.
Pero hindi... Kailangan kong magdildil ng asin para lang makapag-aral.
Swear! Ang hirap ng buhay kapag pinanganak kang mahirap!
Akala ko pagtatawanan niya ako pero naramdaman ko ang marahan na pagtingin niya sa akin. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, ramdam ko ang bawat titig niya sa'kin.
"Your brave. Swerte naman ng pamilya mo." sabi niya.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya. Wala pa kasing tao ang nakakapag-sabi na ganoong salita sa'kin. Nakakataba ng puso kapag galing sa iba ang papuri. Sa subrang saya ko hindi ko na rin natiis na hindi siya tingnan. Nagtama ang mga mata namin at tumagal iyon ng ilang minuto.
Mabuti na lang nawala na rin yung pagtulo ng luha ko.
"Salamat." tugon ko.
"Kaya ikaw...mag-aral ka ng mabuti Doc." pagbibiro ko habang nakatawa sa kaniya.
Natawa naman ito.
"What about you? If in case nag-aral ka, what course o degree do you want to study?" interesado niyang tanong sa'kin.
Hmmm...Ano nga ba?
Ang hirap naman ng tanong!
Mabuti na lang talaga, nakakaintindi pa din ako ng english.
Marami akong pangarap...sa subrang dami...hindi ko na alam kung ano, pero isa lang naman ang pangarap ko...ang matulungan ang pamilya ko na umangat sa buhay at makapagtapos ang mga kapatid ko sa pag-aaral. Kahit hindi ako, basta sila OO.
Ang babaw noh? pero para sa'kin, napakalaking achievement na 'yon.
Kapag natupad 'yon, ramdam ko ang totoong silbi ko sa lipunan.
Lalim diba?!
"Hindi ko alam," sagot ko kasabay ng peke kong ngiti.
Hindi siya sumagot bagkus nanatili lang siyang nakatingin sa'kin.
"Weird noh? Alam ko lahat ng tao may pangarap sa buhay...maging doktor, gaya mo," ngumiti ulit ako habang hindi nakatitig sa kaniya. "Piloto...guro... Architect... Engineer...Lawyer.... habang ako wala, hindi...hindi ko kasi alam kung matutupad man 'yon...mahirap lang kasi kami, kailangan ko pang magtrabaho para lang kumain yung pamilya ko tatlong beses sa isang araw. At tsa-." napahinto ako ng abutan niya ako ng panyo. Lintik naman oh! Hindi ko na naman namalayan umiiyak na pala ako.
Gonoon ba ako ka manhid para hindi 'yon maramdaman?!kainis!
Nakatayo sa harapan ko si Lian habang pinagmamasdan ako ng mabuti. Nakaawang ang labi nito at pinag-cross ang kamay sa dibdib niya.
"Pasensya ka na." nakangiti kong kinuha ang panyo sa kamay niya at pinahid ang luhang pumapatak sa pisngi ko.
Ang bango naman...
Nakakahiya tuloy sa kaniya...ngayon lang ata ako umiyak sa harap ng lalaki.
Swerte niya.
"But you know what?" napaangat ang tingin ko sa kaniya ng magsalita ito makalipas ang ilang minutong katahimikan.
"Your strong woman but, hope you don't mind, bakit ka nakatira sa condo unit na 'to? What I mean, it's really har-."
"Kay Trixie yung condo, nakitira lang ako." singit ko sa sasabihin sana niya. Kumunot ang noo niya pero hindi ko na ito pinansin. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang iparating sa'kin.
Kahit sino naman magtataka kung bakit ako nakatira sa ganitong kagandang condo unit tapos ganito pala ang katayuan ko sa buhay.
Hindi nama ako tanga para hindi isipin ang malaking pera na nagagastos ni Trixie sa condo unit na 'yon.
Ano 'yan magic?!
Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Naging tahimik ang paligid pagkatapos ng usapan namin na 'yon, kalaunan rin nagpaalam na ako sa kaniya bumalik ng condo dahil malapit nang mag-hating-gabi, may pasok pa naman ako bukas.
Hindi ko akalain na ganoon pala si Mr. Lixxus Andrew Villanueva.
Masungit pero may tinatago din palang kabutihang puso.
Weird noh?
"May naghahanap sa'yo kanina." salubong sa'kin ni Vhina pagkapasok ko sa locker area.
Mabuti na lang nagising pa rin ako ng maaga dahil alas tres na ako nakatulog kagabi, paano ba naman kasi, sa condo unit ko lang napansin ang lahat ng pinaggagawa at pinagsasabi ko kay Lian.
Masyado ata ako nadala ng damdamin ko kaya nagawa kong ikwento ang buong buhay ko sa harap ng lalaking masungit at hindi ko pa gaano kilala. Sabi pa naman ni Nanay, maraming manloloko dito sa Manila, pero alam ko naman at ramdam ko na hindi masamang tao si Lian.
Swear!
"Huh? Sino naman?" tanong ko. Bakas ang pagtataka ko habang inaayos ang hairnet sa ulo ko.
"Ewan pero, ang pogi, Jaz! Ang pogi...!" sigaw nito kaya agaran kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko dahil sa subrang lakas ng tili niya.
Nakasalubong ko pa naman yung istriktong cashier head kanina kaya malamang papunta na 'yon dito.
"Grabe! OA teh?" suway ko sa kaniya pagkatanggal ng kamay ko sa bibig niya.
"Sorry," tugon nito.
Ilang minuto pa itong tumili hanggang sa kumalma ito, saktong dumating na rin yung istriktong cashier head kaya naglakad na kami papunta sa area ni Ate Merry.
"Sino ba kasi?" tanong ko ulit kay Vhina. Wala ngayon si Chona dahil naka-leave ito, may pupuntahan raw na importante sabi niya kahapon. Mas okey na 'yon para naman tumahimik yung area namin kahit isang araw lang. Ang daldal kasi non.
"Hindi ko kilala pero nakasuot siya ng uniporme." sagot niya, nagkibit-balikat. Iniisip ko kung sino pero isa lang naman ang laman ng utak ko, si kuya parking lot. Siya lang naman ang nagsabi sa'kin ng magkikita kami bukas kaya siya talaga 'yon.
Hindi na ako nagtanong kay Vhina dahil may nakapila nang order na kailangan kong dalhin. Sa second floor ito kaya batid kong estudyante ang customer ko. Mabilis ko itong kinuha at dinala sa taas.
Hinanap ko ang numero 7, masyado kasing mahaba yung mesa dito kaya mahirap hagilapin ang numero na nakadikit sa mismong mesa. At tsaka, hindi ko pa kabisado yung table dito dahil bihira lang naman ako nag-se-serve dito, madalas sa baba.
Naglibot lang ako hanggang sa makita ko sa dulo yung number, dalawa yung nakaupo doon habang nakatalikod sa'kin.
"Gandang buhay! Ito na po yung order niyo mga sir's." sabi ko habang nakangiti kong inilalagay ang pagkain sa mesa. Medyo makalat sa mesa dahil may ilang folders na nakalapag. Napaawang ang labi ko ng makita si Lian, ngumiti ako sa kaniya pero hindi ito tumugon.
Sungit naman!
Katabi niya ang isang lalaking na halatang puyat na puyat pa rin. Pati nga si Lian, ang laki rin ng eyebags niya. Hindi kaya madaling araw na rin siyang natulog? Gaya ko?
"Thank you," tugon nung lalaking katabi niya. Ngumiti ito sa'kin kaya ngumiti rin ako sa kaniya. Si Lian naman parang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa mukha nitong nakabusangot.
Ano ba 'yan! Nakaka-badvibes na man! Mabuti na lang talaga ang cute pa rin ng mukha niya kaya okey na din.
"Jaz!"
Paalis na sana ako sa table nila Lian ng may tumawag sa'kin na kalapit lang ng mesa nila. At nanlaki ang mata ko ng makita si kuya parking lot na nakangiti habang papalapit sa'kin.
"Hey?" panimula niya.
Kumaway ako bilang tugon.
"Hinahanap kita kanina, pero wala ka pa e." dugtong pa nito.
Marunong din pala siyang mag-tagalog.
Sabi ko na nga ba, siya ngayon. Siya yung tinutukoy ni Vhina kanina. Gwapo naman talaga si kuya parking lot, mukha siyang modelo, singit, matangkad, maputi at higit sa lahat may dimple, sa kabuuan, ang gwapo niya subra!
Ang dami namang gwapo dito, halos lahat na andito sa restaurant second floor, magaganda at gwapo ang itsura at lahat sila mga YAMANERS kids!
Swear!
"Middle shift kasi ako at tsaka, medyo ma-traffic kanina kaya, sakto akong dumating." paliwanag ko.
Tumango naman ito.
Muntik na nga akong ma-late buti na lang advance na 2 minuto yung bio-metric. Nakaramdam ako ng kaunting awkward sa kanya dahil may ibang estudyanteng nakatingin sa'min. Hindi ko alam kung galit sila o ano dahil ang sama ng aura ng mukha nila. Siguro hinuhusgahan nila ako mula ulo hanggang batok dahil nga sino ba naman ang mag-aakala na kinakausap ako ng isang gwapong nilalang na 'to.
"Zandro nga pala," sabi niya at inilahad nito ang kamay sa harapan ko.
Inabot ko rin at ipinakilala ang aking sarili bilang 'Jaz' kahit alam na niya. Ang laki kaya ng pangalan namin sa uniform.
Makalipas ang ilang segundo, bumitaw rin ako agad.
Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita ulit.
"Ah...tsanga pala yung binigay mo sa'kin na paper bag, andoon sa locker ko, isasauli ko kas-."
"No... that's for you." singit nito.
"Hindi...hindi ko naman birth-."
"No...sa'yo talaga 'yon. By the way, did you see it?"
Umiling ako.
"Hindi pa...kasi wala talaga akong balak na kuhanin 'yon." sabi ko habang nakaangat ang tingin ko sa kaniya.
Ang tangkad niya kasi.
"No. It's for you, I remember last time, wala ka ng lipstick kaya binilihan kita."
Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Huh?!
Shocked.
Halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Last time? Oh God, halos ilang Linggo na 'yon at tsaka, sino ba naman ako para bigyan ng ganun bagay?
Labo naman ni Zandro.
"Hoy! Tol, saan ka pupunta?!"
Natauhan ako bigla ng makitang nakatayo na sa likod ko si Lian. Lumingon ako doon at nakita kong nakakunot ang noo nito.
"You two," sabay tingin niya sa'min ni Zandro habang nakataas pa rin ang kilay nito. "This is not a chatting area, can you step aside, I'm in a hurry." dugtong pa nito bago tuluyang naglakad pababa sa ground floor.
Naiwan kaming tulala ni Zandro. May sasabihin pa sana ako kaya lang bigla akong tinawag nung lalaking kasama ni Lian sa mesa kaya agad akong pumunta doon.
"Pa take-out naman, miss. Tinopak yung kasama ko." sabi nito habang nag-aayos ng gamit.
"Okey po sir."
"Labo talaga ng kasama ko, siya pa yung nag-aya sa'kin pumunta dito kahit nga ang layo ng restaurant na 'to sa school namin tapos aalis lang ng hindi man lang nagagalaw yung order niya." sabi pa nito. Bigla akong tumingin sa orders na dinala ko kanina para kay Lian, hindi pa nga ito nagagalaw. Pati yung coffee, puno pa rin. Anyare kaya don? Topakin talaga.
Bumaba ako saglit para kumuha ng paper bag dahil nga madami yung orders nila. Hindi ko na din pinansin si Zandro kahit nakatayo pa din ito sa kinatatayuan namin kanina. Wala akong oras para para makipagtalo sa kaniya, oras ng trabaho ko ngayon.
Pagdating ko sa taas, nakita kong nakahanda na yung lalaking umalis habang may kausap sa phone. Siguro si Lian 'yon dahil nakabusangot ito. Wala na rin si Zandro doon at hindi ko din makita sa table na pinanggalingan niya kanina.
"Ito na pos sir," inabot ko sa lalaki yung tatlong paper bags pagkatapos ng tawag niya.
"Thank you, miss."
Napakamot ulo ito ng makitang tatlong paper bag ang nasa kamay ko. Marami siyang dala kaya malamang hindi niya kayang bitbitin 'yon lahat.
"Miss, can you ple-."
"Hatid ko na kayo sir sa labas." sabat ko na i-ki-na-ngiti nito.
Alam ko naman kasi kong ano ang sasabihin niya kaya inunahan ko na. Sabay kaming naglakad palabas habang bitbit ang tatlong paper bag. Marami kasing folder na hawak yung lalaki, at alam kong doktor din ang pinag-aaralan niya dahil pareho ang uniporme nila ni Lian. Gwapo rin siya pero mas gwapo si Lian. Lol!
"Ayon yung car namin, miss." sabi nung lalaki at tinuturo ang tsikot na naka-park sa gilid na nasa kabilang linya. Namilog ang mata ko ng makita si Lian roon, nakatayo ito habang naghihithit ng sigarilyo.
Grabe! Akala ko pa naman perfect guy siya, may bisyo din pala!
Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa mismong tsikot nila, itinapon rin agad ni Lian yung sigarilyo nung makita niya kaming papalapit sa kaniya.
"Hoy! Tol! Ikaw ah, next time na aayain mo ako dito, hin-."
"Can you please shut up! Let's go!" sigaw ni Lian na ikinabigla naming dalawa. Yung mukha niya, ibang-iba ito sa mga aura niya noon. At ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot sa kaniya.
Siguro hindi ko pa nga siya ganoon kilala.
"Okey fine! hold this." naiiritang sabi nung lalaki kay Lian at inabot nito ang folders na hawak-hawak niya.
"Thank you, miss. Sorry, topakin yung kasama ko." bulong nito. Kinuha nung lalaki yung paper bag na hawak ko. Tumango lang ako sa kaniya habang hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Lian.
Bumuntong-hininga ako ng mag-tama ang mata namin ni Lian, nakakunot ang noo nito at ganoon pa rin ang aura ng mukha niya, galit na hindi ko maipaliwanag kung bakit siya umakto ng ganito.
"f**k s**t!" bumalik ang diwa ko ng mag-mura yung lalaki, nakasakay na pala ito sa loob ng itim na tsikot habang tinitingnan kami ni Lian sa labas.
"Now I know, Tol," tumingin ito kay Lian ng nakangiti.
" I don't know but, if I'm not mistaken, Tol, f**k your jea-."
" ! ' !." galit na sumabat si Lian at pumasok sa loob ng sasakyan.