Kabanata Anim

3380 Words
#LOYChapter06 "Jaz, ayos ka lang ba? Pansin ko kasi kanina parang wala ka sa sarili mo para magtrabaho." Inayos ko na lahat ng gamit ko sa locker room bago lumingon kay Vhina na abala na rin sa pag-aayos ng gamit niya. Tapos na yung duty namin kaya naghahanda na kami para umuwi. Ewan ko ba, pero nabigla talaga ako sa mga nakita ko kanina tungkol kay Lian, masyado akong na-distract. Hindi ko alam. At hindi ko rin maipaliwanag kong bakit umaakto ako nang ganito, masyado lang siguro akong nadala kagabi. "Wala, iniisip ko lang sina Inay at mga kapatid ko." pagdadahilan ko sa kaniya. Tumango naman ito at nakahanda nang umalis. Sa totoo lang naman, namimiss ko na rin sila, kahit madalas kaming nag-uusap sa phone, mas mabuti pa rin yung nakikita ko sila personal. Pero hindi sila yung dahilan kung bakit bigla na lamg akonh matamlay kanina. Tungkol ito 'yon kay Lian, weird na ba ako?! "Huwag muna silang isipin, malulungkot ka lang, basta ang isipin mo, andito ka para sa kanila." sabi niya sabay ngumiti sa'kin. Ang gaan niya talagang kausap, mabuti pa 'to si Vhina may sense na kausap, E. Si Chona, puro lalaki ang nasa isip non. Tumango ako. "Sige, oh...pano ba 'yan, kita na lang tayo bukas." sabi niya at agad tumayo. "Sige, ingat ka." Kumaway pa ito bago lumabas ng locker room. Kalaunan tumayo na rin ako dahil nasa loob na rin ang ilang waitres na pang-closing shift. Naglakad na ako papuntang jeep terminal. Malapit na sana ako sa mismong jeep na sinasakayan ko nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha, papasok sa maliit na eskinita na kalapit lang ng jeep terminal. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong hinawakan ng lalaki ang kwelyo ni Zandro at mariin siyang kinaladkad nito. "Zandro?" sambit ko sa hangin. Mabilis na gumalaw ang mga paa ko papunta sa lugar na 'yon, nanginginig akong pumasok at tumago sa isang sulok na ilang pagitan na lang sa kinatatayuan nilang apat. ?! Halos mapaawang ang labi ko ng makita ko na silang lahat. Nakahawak pa rin yung lalaki sa kwelyo ni Zandro habang yung dalawa naman parang tangang pangiti-ngiti sa gilid. Pero si Zandro, ni hindi man lang ito lumalaban kahit nasasakal na ito. "' , Bro!" sambit ng lalaking mukhang adik dahil sa kulay ng buhok niyang mala-rainbow at may hawak sa kwelyo ni Zandro. May kaunting liwanag pa rin sa lugar na ito kaya kitang-kita ko ang mukha nilang lahat na nanggagalaitin kay Zandro. Lahat din sila nakasuot pa ng school uniform at may I.D na nakapulupot sa leeg, kaya sigurado akong mga estudyante pa ito. Ang pinagtataka ko lang, ay kung bakit nila sinasaktan si Zandro? Tapos si Zandro naman, ni wala man lang ginagawa o lumalaban. May mali talaga! O sadyang ako lang ang may mali? Bakit ba kasi pumunta pa ako dito?! "I already send the money, ano pa ba ang kailangan niyo hah?!" sigaw ni Zandro. Nagulat na lang ako nung tumawa ng malakas yung tatlo at parang nag-iinsulto pa ito kay Zandro. Wala namang nagawa si Zandro kung hindi ang titigan ng masama ang tatlong lalaki. "Your the son of a b***h! Bro!" sigaw nung lalaking may hawak sa kaniya. "Damn you! Don't call my dad as a b***h because your dad is such a f*****g freaking man live in this world, just like you, Marion!" malakas na itinulak ni Zandro yung lalaking may hawak sa kaniya. Muntik na itong mapasubsob sa sahig kung hindi lang naagapan ng mga kasama niya. "f*****g asshole!" Kumarap ako. Isa. Dalawa. Tatlo. ! Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, namalayan ko na lang na nakahandusay na si Zandro sa sahig hawak ang mukha nitong duguan. Nakatawa lang yung tatlong lalaki habang nakatingin kay Zandro at yung Marion na sinigawan ni Zandro kanina, sinisipa na siya ngayon  nang subrang lakas kaya napadaing si Zandro sa subrang sakit. Ano ba talaga ang nangyayari?! Miyembro ba sila ng ? Ito na 'yata ang sinasabi ni Nanay na g**o sa Manila. Halos pigil na rin ang paghinga ko. Dapat hindi na talaga ako pumunta pa dito... Madadamay na ako...pero...pero si Zandro, paano si Zandro?! Kilala ko siya, at alam kong mabuti siyang tao kahit tatlong beses pa lang kami nagkita, pero bakit? Kung mabuti siya, bakit siya pinagkakaisahan ng tatlong mukhang nakahithit ng pinagbabawal na gamot?! "Don't say it again, b***h! You know me! I can kill anybody but nobody can put me in jail!" galit na sigaw ni Marion. Tumawa pa ito. Nakakatakot naman ang Marion na 'yon, siguro anak siya ng mayaman kaya, ang lakas nitong magsalita ng ganon. Ganoon naman talaga sa pinas, kapag makapangyarihan ka, kahit anong kasalanan ang magawa mo, malabong pagbayarin ka sa batas, pero kapag mahirap ang nakagawa ng kasalanan, isang kurap lang, nasa kulungan ka na?! ! Nanginginig na ang buong katawan ko sa subrang takot, sa maaring mangyari...kay Zandro...at maging sa'kin siyempre.Ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong gulo...nakakakaba...na halos hindi ko na ramdam ang paghinga ko. Punyeta?! Hindi...Huwag! ?! Humugot ako ng malalim na hininga bago ko ipinikit ang aking mga mata na kalaunan iminulat ko ulit,kasabay non ang pagtaas ng balahibo ko hanggang batok at pagbilis ng t***k ng puso ko.Nanatiling nakatutok yung b***l sa ulo ni Zandro, hawak ito ni Marion habang malakas na tumatawa.Yung dalawa niyang kasama ay bakas din ang gulat habang nakatingin kay Marion. "Bro...tama na 'yan, hindi ganyan ang napag-usapan natin." saway ng isang lalaki kay Marion. "f**k you s**t! Shot up!" balik na sigaw ni Marion na ikinakunot nang noo ng lalaki. Diyos ko! "Bro...chill lang, si Zandro Zamora pa din 'yan...magugulo lang kung papairalin mo ang galit mo sa kaniya, the money already send to our bank account, kaya chill ka lang." sabat naman nung isa. Lumapit ito kay Marion at tinapik-tapik ang balikat nito at may ibinulong na naging dahilan ng pag-awanh ng labi nito. Kalaunan inis na binaba ni Marion ang b***l na nakatutok sa ulo ni Zandro. "f*****g asshole b***h! Hindi ka kawalan sa grupo! Let see...'yan ang pinili mong landas! Manigas ka b***h!" "Aah...!!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Marion kay Zandro bago ito tuluyang umalis kasama yung dalawa niyang kasama, naiwan naman si Zandro na hirap kong tumayo. . Maraming dugo ang nagkalat sa uniporme niya. At yung mukha niyang maaliwalas tingnan, para na ngayong kitchup sa subrang pula nito. Bumuntong-hininga ako, hindi ko alam kung lalabas na ba ako o magtatago na lang, nagtatalo pa ang isip ko pero namalayan ko na lang na nasa harap na ako ni Zandro. "Kaya mo?" mahina kong tanong. Hindi ko na rin natiis na hindi siya lapitan dahil nakakaawa na itong tingnan. Halata ang gulat sa mukha niya ng makalapit ako sa mismong kinahigaan niya. "Ja...Jaz?" usal ng bibig niya. Nakaukit pa rin ang gulat sa mukha niya. "What are you doing here? Did..did you heard anything abo... about wha--." "Sabi ko kaya mo?" pagpuputol ko. Huminga ako ng malalim bago lumuhod para alalayan siya sa pagtayo. Naguguluhan pa rin naman ako sa mga nangyari, pero hindi naman ako bulag para iwanan siya ng ganito ang sitwasyon. Hindi kaya ng konsensya ko. ! "Jaz...iwan muna lang ako." "Ano?!" "Sabi ko alis!" Napaatras ako ng sigawan niya ako. Ano bang nangyayari sa kaniya? Siya na nga itong tinutulungan, siya pa ang galit! "Baliw ka na ba?! Zandro...hindi ako ang kalaban mo, okey! Andito ako para tulungan ka kaya huwag mo akong siga--." "Sinabi ko ba na kailangan ko ng tulong? Jaz...kung gusto mong makatulong...iligtas mo ang sarili mo...huwag mo na ak--." "Alam mo ang labo mo din noh? Wala na yung kalaban mo, okey. Tapos ikaw, ang tigas ng ulo, andito ako para tumulong at hindi para makipagtalo sa'yo, Mr. Zandro Zamora." Hindi ko na ito hinintay pang magsalita bagkus lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang batok nito. Bigla akong natigilan ng hawakan niya ang kanang braso ko at mariin na tumitig sa'kin. Katahimikan. "Please..." pagmamakaawa nito. Bumuntong-hininga ako. "Hindi! kailangan mong madala sa hospital, tingnan mo kaya ang sarili mo mukha ka nan--." "No! I can fixed this, galos lang 'to." "Huh?!" Paano naging galos 'yan. E...ilang suntok na lang sa kaniya, mawawalan na siya ng hininga! Labo talaga nito! "Tumayo ka na 'jan para madala ka na sa hosp--." "I said no!" "Bakit ba ayaw mo?" "Because I won't!" Huh?! "E'di huwag, Mr. Zandro Zamora!" Nakailang lunok ako ng laway habang nakatitig sa mukha niyang duguan at mga mata niyang bakas ang subrang sakit. God! Zandro! Bakit ba ang kulit mo?! Sayang ng mukha mo kung masisira lang ng tatlong ulol na 'yon. Namalayan ko na lang nakatayo na kami at akbay-akbay ko siyang naglalakad palabas ng eskinita. Pagkalabas namin, may ilang tao na nakapansin sa kalagayan ni Zandro pero hindi naman sila nagtanong kaya nginitian ko na lang sila. Tama nga si Inay, sa Manila, walang pakialamanan. Nakasampa ang mukha ni Zandro sa balikat ko kaya namamatsahan na rin ang suot kong damit. Nagmamatigas pa sana ito nung tulungan ko pero sadyang katawan niya na lang ang sumuko at dumampi sa katawan ko. "Jaz...get my phone, in my pocket." mahinang bulong ni Zandro sa tenga ko. Ramdam ko ang bawat hininga niya at sakit na namumuo sa kaniyang katawan. "Ito," huminto kami saglit ng makuha ko ang cellphone niyang basag-basag na. "Open it." utos niya. Agaran ko naman itong binuksan. "Swi..swipe daw?"naiilang ko lang sabi sa kaniya dahil subrang lapit ng mukha niya sa bibig ko. Mabilis niyang inalis ang password sa cellphone kaya maging ang screen nito namantsahan na rin ng dugo. Mabilis niyang di-na-nial ang isang numero. Hindi ko na tiningnan kung sino ito dahil mas nakatuon ang tingin ko sa paligid. Malay ko ba kung andito ba yung tatlong ulol na 'yun! Ang sasama ng ugali, hindi ata 'yon tinuruan ng 'Right mannner and good conduct'. "Sa jeep terminal ako," rinig kong sabi ni Zandro sa phone. Galit na naman. "Don't ask me, just get me here! Now!" Bumilis ang t***k ng puso ko sa pagsigaw ni Zandro, tumingin ito sa'kin bago ibinaba ang phone. Nilagay niya ito sa bulsa at sinubukang tumayo mag-isa. "Hoy, kaya muna ba?" tanong ko habang nakaalalay pa rin ang kamay ko sa balikat niya pero mabilis din niyang hinawi. "Yeah...thank you pala." Ngumiti ito ng pilit. "Sino-sino ba 'yon kasi? Bakit ka nila pinagkaisahan?" Gusto ko talaga malaman kung sino ang tatlong lalaki na 'yon at kung bakit gusto siyang patayin nung Marion na 'yon. Huminga siya ng malalim bago tumingin ulit sa'kin. "Wala... misunderstanding lang." kibit-balikat niyang sagot. "Huh?!" "Nakita ko lahat, at yung muntik ka nang b***l--." "Forget about it, dapat hindi mo 'yon nakita, bakit ka ba kasi pumunta roon?!" may bahid na galit ang tono ng boses niya. Tangina naman! Mahirap talaga maging-concern citizen! "Nakita kasi kita na hawak-hawak nung Marion na 'yon..." "And so?" Wow ah! Ang sungit din pala nito. Second version ni Lian. "Bakit ka ba nagagalit? Ikaw na nga itong tinulungan tapos ikaw pa ang may ganang magalit!" inis kong tugon. Dapat nga magpasalamat pa siya sa'kin. Labo rin nito. Umiling ito at hindi na nagsalita hanggang sa may dumating na sasakyan sa harapan namin. Mabilis na pumunta roon si Zandro at inis na sinipa yung sasakyan. Siguro kung may isip rin yung sasakyan, sigurado akong gaganti 'yon, ang lakas kaya nang sipa ni Zandro, akala mo talaga wala siyang galos sa katawan. Manhid ba siya?! "Bakit ang tagal!" sigaw nito sa driver. "f**k Zandro, may quiz kay Atty. Perez, alam muna namang kotang-kota na ako don, kunti na lang, bagsak na ang abot ko!" balik na sigaw ng driver na kasing edad lang ni Zandro. Namukhaan ko ito, pero hindi ko alam kung ano ang pangalan niya, isa siya sa mga kasama ni Zandro na kumain sa restaurant at siya rin ang lalaking tumawag kay Zandro non nung nag-usap kami nung isang araw. At tsaka, Atty? Atty ba ang mga guro nila? Ibig sabihin, kung abogado ang mga guro nila? E...di...abogado ang kinukuha nila? Si Zandro at yung driver Law student?! Ahhh... Kaya pala nung isang araw, mga case law ang librong nasa mesa nila. Marunong naman ako magbasa okey?! "Let's go Jaz," natauhan ako bigla ng marinig ko ang pagtawag sa'kin ni Zandro. Feeling close talaga nito. "Huh?" "Sama ka na sa'min, hatid ka na namin pauwi." "Hindi....hindi na...mag-je-jeep na lang ako," mabilis kong tanggi. "No! It's already 9 pm, mas safe kang makakauwi kung sasabay ka sa'min." "Safe din naman sa jeep kaya okey lang." balga ko na ikinakunot ng noo niya habang yung driver natatawa na sa'min ni Zandro. ? Ang kulit naman kasi ni Zandro. Umawang ang labi nito. Tama naman talaga, safe rin naman sa jeep, maraming tao rin akong kasama. Kaysa sa kanila, malay ko ba kung anong klaseng tao sila. "Let's go..." mabilis na hinawakan niya ang braso ko kahit paika-ika pa itong maglakad. "Sabi na ngang mag-je-jeep na lang ako," inis kong hinawi ang braso ko sa kaniya. "Bakit ba ang kulit mo?" "Bakit rin ba ang kulit mo?" balik kong tanong. Halata na ang inis sa pagmumukha niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit, alam ko na naman na hindi siya magpapa-awat kaya ako na ang mag-a-adjust, tipid pamasahe na rin ako. "Okey, sige...sasama ako kung," kumunot lalo ang noo nito. "Kung...magpapadala ka sa hospital bago mo ako ihatid." sabi ko. Napakamot-ulo na naman ito at kaunting-kaunti na lang malapit na niya akong sigawan sa subrang pakialamera ko sa buhay niya. 'Yon naman talaga ang gusto ko sa kaniya, magpatingin siya sa hospital dahil baka kung ano pa ang mangyari sa sarili niya, kargo ko pa kapag nangkataon. Bumuntong-hininga ito at tumingin ng mabilis sa lalaking na sa loob ng sasakyan bago ibiniling ang tingin sa'kin. "Fine..." sagot nito na i-ki-na-ngiti ko. Mabilis akong pumasok sa loob kung saan naroon din nakaupo si Zandro. Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa makaabot kami sa isang hospital na alam kong pribado. Ang L.Z Clinic, 'yon ang nabasa ko sa labas. "Bro...andito na tayo." kinalabit ng lalaki si Zandro dahil nakaidlip ito sa byahe. Lumabas na ako at buo kong nakita ang kabuuhan ng hospital. Ang laki at ang lawak ng hospital, may ilang mga nurse at doktor rin akong nakikita sa labas. Lumabas na rin sina Zandro at yung lalaki, nakakunot pa rin ang noo nito sa'kin at  halatang galit na rin. Inalalayan namin si Zandro papasok sa loob, masyadong maraming ng dugo ang nagkalat sa damit niya kaya malamang, subrang sakit na rin ng mga pasa niya. Pagkapasok namin sa loob, agad na napa-tingin ang ilang nurse na andoon at agad na lumapit sa'min. Sa ilang kurap ko lang marami na ang nag-asikaso kay Zandro. "Asikasuhin niyo, andiyan si Doc. Manuel." rinig kong sabi ng isang babaeng nurse. "Shut up! Just do your job!" inis na sabi ni Zandro. Sungit! Natahimik naman yung babaeng nurse. Ang sama talaga ng ugali ng Zandro na 'to. Chismiss naman kasi si ate girl! Anong konek kung andito yung doktor na sinasabi niya? May mga nilagay sila sa braso ni Zandro na hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Namalayan ko na lang, papunta  na kami sa isang pribadong kwarto. Papasok na sana ako ng harangin ako nung isang nurse. "Miss dito ka na lang sa lab--." "No! Kasama ko siya, she's better to be here by my side." sabat ni Zandro na ikinagulat ko rin. Tumango na lang yung babaeng nurse kaya sabay-sabay kaming pumasok  sa loob. Pansin ko lang na ang lakas ng loob ni Zandro sagot-sagutin ang mga nurse na nagmamando sa kaniya, wala din imik ang ilan at bakas sa mukha nito ang takot tuwing tinitignan sila ni Zandro. Ang sungit niya! Akala mo na naman kung siya ang boss o may-ari ng hospital! Weird?! May mga nilalagay yung ibang nurse sa katawan ni Zandro at yung isang babae naman, may sinusulat sa papel na hawak niya. Habang yung kasama naming lalaki, panay tingin sa phone at halatang hindi mapakali, parang siyang may lakad na hindi ko maintidihan. "Get out, call JP to assist me." sabi ni Zandro doon sa lalaki. Napansin niya rin siguro yung panay tingin nito sa phone. Inaasikaso na siya ng nurse pero hindi pa rin maalis ang inis sa mukha nito lalo na tuwing titingin siya sa lalaking katabi ko. "Bro...si Mecha kasi nagpapa--." "I know, don't explain, just go!" inis na tugon ni Zandro. Ang sungit talaga nito at ang bastos pa, hindi man lang pinatapos magsalita yung lalaki. Hindi na sumagot yung lalaki, tinawag na lang ako nito at ibinilin niya sa'kin si Zandro, sabi niya, pagpasensyahan ko na lang daw si Zandro dahil topakin din talaga ito. Tumango na lang ako at mabilis na bumalik sa kinaruruunan ni Zandro. Nilinisan na ang  katawan at mukha ni Zandro kaya kitang-kita ko ang mga galos nito. Nakahubad na rin ang uniporme nito kaya nakita ko ng kaunti ang parti ng kaniyang tiyan. God, sa pangalawang pagkakataon nakakita uli ako ng magandang tanawin. "Happy?" tanong niya at mariin na tumingin sa mga mata ko. Tumango na lang ako bilang tugon, ewan ko ba, para siyang bata kung umusta. E...nagmamagandang loob lang naman ako, bakit ba ang hirap niyang ma-gets?! Para din naman sa kaniya 'to. "Good evening Doc," Napa-tingin kaming lahat sa pintuan ng bumukas ito. May lalaking pumasok nasa tantsa ko ay 50's na ang edad nito. May nakapulupot sa leeg nito na isang, ano ba 'yon? stethos- stethosp?! Stethoscope? 'yan tama, stethoscope nga ang gawag doon. Mabilis na lumapit ito kay Zandro, chineck niya ang mga sugat sa katawan nito. Hindi ko rin maintindihan ang itsura ni Zandro habang nakatitig sa doktor. Halata kasing galit ito kung makatingin. Pagkatapos ma-check ng doktor si Zandro, lumapit ito sa mga nurse para, gamot siguro 'yon dahil nagmadaling lumabas yung apat na nurse na nag-assist kay Zandro kanina. Kaya kaming tatlo na lang ang naiwan sa loob. Hindi ko rin mabasa ang mukha ni Zandro dahil hanggang ngayon, nakakunot pa rin ito habang kinakausap nung doktor. "I'll go home," sabi ni Zandro at sinubukan tumayo pero mabilis na pinigilan ito ng doktor. "Your not fine, stay here," kalmadong sabi naman ng doktor. "No I won't!" "Zandro," "What?!" "Can you please listen to me," "So what? Bakit may mababago ba kung makikinig ako?" "f**k Zandro!!" Namilog ang mga mata ko nung sumigaw yung doktor. Pati si Zandro natigilan din. Tumingin sa'kin yung doktor at sininyasan akong lumabas gamit ang kamay niya. Tahimik naman akong naglakad papunta sa pinto, bubuksan ko na sana ito nang bigla itong bumukas. Kumurap ako ng makita ko si Lian kasama yung isang babae rin na nakasuot din na pang-doktor na damit, may katandaan na rin yung itsura nung babae. Nagtama ang mata namin ni Lian pero hindi man lang ito nagulat nang nakita ako, para bang alam niya na andito ako. Agad kong iniwas ang tingin para magpatuloy sa paglalakad. Swear! Anong ginagawa niya dito? OJT? Working student?! Ang yamaners niya naman para maging ganoon? Sumampa lang ako sa pader habang panay kagat ko ng ibabang labi ko. Hindi rin ako mapakali, yung sagutan bg dalawa kanina, para silang may galit na ikinikimkim sa isa't-isa. Hay...Gustong-gusto ko na talagang umuwi, bakit ba kasi nasangkot pa ako sa ganitong g**o?! Hay naku...sana hindi na lang ako nakialam! Plano ko pa naman sanang bumawi ngayon ng tulog. "Zandro!" Napatingin ako sa bandang pinto kung saan nakatayo na roon si Zandro, namalayan ko na lang hawak-hawak na niya ang braso ko at hinahatak ako palabas ng hospital. "Zandro! Just listen!" Tinatawag pa siya nung lalaking doktor pero hindi lumilingon si Zandro, pati si Lian at yung babaeng doktor andoon rin. Ang kulit...naman ni Zandro bakit ba ayaw niyang magpagamot! "Teka nga, bakit ka umalis doo-." "Can I have a favor?" singit nito. Huminto kami saglit. Tumango naman ako. "Pwedi bang huwag muna lang akong tanungin, Let's just go home. I'm tired." Bumuntong-hininga ako bago tumango sa kaniya, sabagay, wala naman akong karapatan para magtanong sa kaniya ng kung ano-ano. Ang mahalaga, makauwi na rin ako. Mukhang okey na rin naman siya. "Thank you, Jaz." sabi nito bago kami pumasok sa itim na sasakyan at andoon yung JP.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD