Chapter 2

5361 Words
Nagising ako kinabukasan pinakiramdaman ko Ang katawan ko parang Walang masakit Naman sa akin. "Paano nangyari Yun? Kitang kita ko na bumangga Ako sa Isang poste dahil na walan ng break ang sasakyan ko bago ako nawalan ng malay pero bakit walang masakit sa akin?" tanong ko sa isip ko. Kaya dahan dahan akong dumilat napa usog ako sa higaan sa gulat;nakita ko ang dalawang babae na naka tingin sa akin habang na iyak. Nagulat ang isa ng makitang gising na ako. "Lady.!" Sabi ng babae na hindi nalalayo sa akin ang edad. "Ginang Sun!........Ginang Sun... gising na po si Lady Roa!!" Sigaw nito sa matandang babae na nagpupunas ng mata.bigla itong tumingin sa akin. "Naku!... Lady... mabuti naman at nagising na kayo.alalang alala kami sayo." Sabi nito at lumapit ito sa akin kaya naman mas lumayo ako sa kanila. "Teka sino ba ang mga ito mga bago bang katulong sa mansion na pinadala ni Uncle, pero bakit ganyan ang mga ayos nila para silang mga dama sa Isang palasyo. Haays, nakakaloka naman to." Bulong ko ng tingnan ko sila nagtataka silang nagkatinginan saka sabay na tumingin sa akin. "Lady...a.. ano pong nangyayari sa Inyo? May masakit ba sayo.?" Tanong ulit ng matanda at aktong hahawakan ako umiwas ako sa kanya. "Hoy, wag mo nga akong hawakan. Nasaan na ba ang Uncle ko manang? Gusto ko siyang makausap." Sabi ko dito nagtataka na naman itong tumingin sa akin saka nagtinginan na naman Sila. "Haaays! Sabi ko manang tawagin mo ang Uncle ko gusto ko siyang makausap." Sabi ko ulit dito nagtataka na humarap sa akin ang matanda yung dalaga naman ay lalo lang umiiyak kaya kinabahan Ako. "Teka, wag niyong Sabihin na may nangyaring masama sa Unce ko!" sabi ko sa kanila. "Naku Lady sino po ba ang sinasabi niyong Uncle niyo wala Naman po kayong kamag anak kung hindi ang ama niyo na si ministro Shoe" Sabi nito sa akin nagulat ako sa sinasabi niya dun ko lang napansin ang paligid at ang mga suot nila saka ko tiningnan ang kasuotan ko. At pinilit kong bumangon para pumunta sa tokador inalalayan naman nila ako dahil nanghihina pa ako. "Naku Lady magpa hinga ka muna kaka gising mo lang baka mabinat ka pa." Sabi ng matanda habang inalalayan nila ako. Ng makarating ako sa harap ng tokador naka hinga ako ng maluwag ng makita ko ang mukha ko kahit na mahaba na ang buhok ko,payat at maputla ako. Ng may maalala Ako. "Teka paano pala humaba ang buhok ko ng ganito." Bulong ko habang hawak ang pisngi ko naka tingin lang sa akin ang dalawa. "Manang gaano na ba katagal ako walang malay?" Tanong ko dito. "Tatlong lingo na po kayong walang malay dahil po sa pagkahulog niyo sa balon." Sabi nito kaya mas lalo akong napa tanga sa kanila. "Tatlong lingo?....nahulog sa balon?...s..sino ako?" Sabi ko na naguguluhan kaya nagkatinginan ang dalawa saka ako inalalayan pabalik sa higaan ko. Nakita ko papag lang ito na may saping makapal na comporter na luma na pati ang unan ko matigas ito na parehaba at luma narin ang kulay may kumot din Ako na makapal kulay dilaw ito parehas sa sapin ng higaan ko silk ang tela nito at may kalumaan narin. "Opo Lady Roa nahulog po kayo sa balon buti na lang po nakita namin kayo kung hindi wala na kayo sa amin." Sabi ng matanda saka na luha na naman ito. "T..teka sino ba talaga kayo at paano ako na punta dito?" Tanong ko sa kanila. "Naku! Ginang naapektuhan yata ang memorya ng lady Roa dahil sa pagkahulog niya sa balon baka na bagok ang ulo niya." Sabi ng dalaga saka malakas na umiyak. "Lady hindi mo kami nakikilala? Ikaw alam mo ba kung sino ka?" Tanong ng matanda na pinipigil ang mga luha sa mata.napa iling ako umiyak narin ito.nagtataka na lang ako na nakatingin sa kanila. Hinawakan nito ang kamay ko saka umupo sa tabi ko nakatingin lang ako sa ginagawa niya. "Ikaw si Roa Shoe anak ng pang limang ministro si ministro Feng Shoe anak ka niya sa isang dama na si Meng Shao lumaki ka sa bahay ng ama mo kasama ang ina mo pero na muhay kayo bilang tagapag silbi nila hindi ka tinuring na anak ng ama mo kasi mababang lahi lamang ang iyong ina. Ng nag labas ng kasulatan ang Reyna na naghahanap siya ng magiging asawa ng Hari. Nais ng ama mo na magpadala din ng anak niya sa Palasyo para maging asawa ng Hari ang anak niya dahil pag na pili ito magiging mataas ang tingin sa kanya ng tao dahil Isa sa mga asawa ng Hari ang anak niya.kaso wala silang anak na dalaga ng asawa niya puro bata pa kaya naman nakita ka ng ama mo kaya naisipan nila na ipadala ka sa palasyo. Inayusan ka ng madrasta mo at pinadala ka nga dito sa Palasyo ng ama mo at sinali sa pagpipilian ng Inang Reyna sa mga magiging asawa ng Hari at kami ni Han Ang pinasama Sayo para maging dama mo akala namin magiging ma swerte ka na dahil isa ka sa napili ng Inang Reyna bilang pang limang concubine ng Hari. masayang masaya ang ama mo dahil sa nangyari pero matapos ang seremonya ng kasal hindi ka na pinuntahan ng Hari at dahil dun pinatapon tayo dito sa Yanqui Palace ang pinakaliblib at kinatatakutang palasyo dito sa Xuantong Palace hindi ka na binalikan O sinilip man lang ng Hari dito dahil dun nagalit ulit sayo ang ama mo at pinabayaan kana dito ni hindi ka man lang niya sinisilip dito kahit Nung malaglag ka sa balon walang nagtangka na tumulong sa amin nanghingi kami ng tulong sa King Palace pero sinabi nila na busy ang mga manggagamot ng Hari at wala na ring gamot hindi pa nakakabili. maging ang mga asawa din ng Hari natatakot na baka nakakahawa Ang sakit mo kaya hindi din nila kami tinulungan. Yun ang buhay mo Lady Roa." Mahabang kwento nito sa buhay ko habang umiiyak magkahalong awa at galit ang naramdaman ko ng matapos kong marinig ang lahat. ng biglang kumalam ang sikmura ko "May makakain ba kayo?" Tanong ko. Dun lang natauhan Ang dalawa kaya nagpaalam ang mga ito na kukuha ng pagkain ko. "Siguro naman masarap ang pagkain ko dahil asawa ako ng Hari." bulong ko. Nagulat ako ng bumalik ang dalawa may dalang tray ang dalaga binaba nito sa tabi ko napa Tanga ako ng makita ang pagkain na dala nila Isang pingan ng nilagang kamote at Isang pitsel ng tubig. "Ano pa nga ba ang aasahan ko, di ba nga wala kaming halaga sa kanila." Bulong ko sa isip ko saka kumuha ng kamote at pilit kinain ito dahil ang pagkakaalala ko hindi ako kumakain nito. "Pasensiya na Lady Roa mag mula kasi nung hindi na pumunta ang Hari dito yan na lang ang dinadala nilang pagkain saatin." Sabi ng matanda sa akin. "Minsan nga umangal ako. Sabi ba naman ng punong yunok Kim. Buti pa nga may pagkain daw na dinadala sila sa atin kahit wala naman tayong pakinabang." Sabi naman ng dalaga sa akin. "Kaya Hindi na kami umaangal kahit anong dalahin nilang pagkain natin dahil baka hindi na nila tayo rasyunan ng kamote maige narin na may kamote kahit papano may pagkain tayo." Sabi naman ng matanda. Dahil sa narinig ko nakaramdam lalo ako ng galit kaya dumampot uli ako ng kamote saka kinain ito. "Hindi ba nila alam na isa akong mayaman na prosecutor ako si An Roa Sanchez isang sikat na Prosecutor at nagmamayari ng malalaking kompanya sa kamaynilaan at kinatatakutan kaya makikita nila pag ako lumakas patitikimin ko sila ng galit ko dahil sa ginawa nila sa akin.Hah...ginawa pa nila akong asawa ng Hari nila hindi ba nila ako kilala...Haaays, kaloka" Sabi ko sa inis ko sa kanila habang kumakain ng kamote. Nagkakatinginan naman ang dalawa sa harap ko maya maya nagiyakan ang mga ito kaya natauhan ako,saka ako tumingin sa kanila sabay abot sa kamote. "Sorry!..hindi naman kayo kasali sa parurusahan ko pag lumakas ako kaya wag na kayong umiyak kumain na lang kayo...Hayaan niyo pag lumakas ako hindi na ito ang kakainin natin dahil pipilitin kong ma-contact ang Uncle ko para kunin ako dito isasama ko kayo,kaya kain na kayo." sabi ko sabay abot ng kamote pero imbis na abutin nila ang kamote na binibigay ko lalo lang silang umiyak.kaya nataranta ako. "Ginang masama yata ang pagkakabagok ng Lady nagdidiliryo na yata siya ngayun." sabi ng dalaga saka umiyak ng husto. "Uy!hindi ako nagdidiliryo totoo ang sinasabi ko." Sabi ko sa kanila tinitigan ako ng matanda saka hinipo ang noo ko at leeg ko sige naman ang ilag ko. "O..Oh!..Ano bang ginagawa mo bitawan mo nga ako." Sabi ko habang umiiwas. "Ayos lang naman siya, baka dala lang iyan ng pagkakatulog mo ng matagal kaya nanaginip ka akala mo totoo. "pero ang totoo ikaw si Roa Shao Shoe hindi ka prosecutor at isang mayaman kagaya ng sinasabi mo panaginip lang ang mga iyon." Sabi niya kaya napa tanga ako at nag isip pero bakit naaalala ko ang lahat pati pagka bangga ko at yung sinasabi niya bat hindi ko maalaa. Dahil sa pagiisip ko sumakit ang ulo ko kaya napatigil ako sa pagkain napahawak ako sa ulo ko. "Wag ka na muna magisip dahil baka mabinat ka mabuti pa magpahinga ka muna." Sabi ng matanda inalalayan nila ako na makahiga at ng makahiga ako pinikit ko ang mata ko naramdama ko na niligpit na nila ang mga pinagkainan ko saka ko narinig ang pagsara ng pintuan.nakatulog ako. Nagising ako sa mumunting ingay sa paligid ko. "kawawa naman si Lady kung ano ano na lang ang naiisip tungkol sa kanya dahil sa nangyari." Sabi ng dalaga.pinakiramdaman ko lang sila hindi ako dumilat. "Magiging maayos din ang lahat, babalik din ang alaala niya." Sabi ng matanda kaya dumilat ako nakaramdam ako ng inis. "Hindi ako nakalimot naaalala ko ang lahat kaya wag niyo akong lokohin siguro mga tauhan kayo ni Congressman no...Sabihin niyo sa kanya kahit anong gawin niya hindi ako magpapatalo sa kanya." Inis kong sabi sa kanila at napatanga naman sila sa akin. Magsasalita sana ang matanda pero hinarang ko na agad. "Wag niyo ng bilugin ang ulo ko hindi niyo ako maloloko...labas..labas!!" Sigaw ko sa kanila kaya umiiyak na lumabas sila sa silid binato ko ang unan sa pintuan sa inis ko.. "Akala nila maloloko nila ako..Haays, kaloka sila." Bulong ko sabay higa uli. "Kailangan kong magpalakas agad para makaalis ako dito sa pinag lagyan nila sa akin siguradong hinahanap na ako nila Uncle at Red ngayun." Bulong ko saka pumukit na dahil nanakit pa ang katawan ko hangang makatulog ako. Pagkagising ko madilim na may kamote at tubig na sa lamesa malapit sa higaan ko nakaramdam ako ng gutom kaya kumain agad ako na ubos ko ang pagkain dahil sa gutom ko.Pagkatapos kong kumain tumayo ako nanghihina pa ako nilibot ko ang paningin ko sa kwarto may nakita akong pintuan kurtina lang na puti ang harang nito kaya dahan dahan akong lumapit dito hinawi ko ang kurtina nakita ko na may malaking batya dito puno ito ng tubig. Nilibot ko ang paningin dito, nakita ko na puro luma ang kagamitan parang gamit sa isang Dynasty ng China. "Talagang ginaya pa talaga nila sa lumang Dynasty..para mapaniwala nila ako sa kwento nila...Haaays kaloka." Bulong ko sabay tawa hinawakan ko ang tubig mainit init pa kaya dahan dahan kong hinubad ang damit ko na gulat ako kasi pati ang damit ko pinalitan nila wala akong bra at panty isang telang kulay puti na mahaba ang nakapulupot sa aking dib dib na siyang nagtatago sa aking mga dede at sa ibaba naman isang puting salawal ang tanging saplot sa ibaba doble doble ang damit ko maliban sa telang puti na nakabalabal sa aking dibdib may puti pang damit na suot ako na mahaba ang manggas hangang tuhod ko ito kaya natatakpan niya ang pantalon na tanging underware ko. meron pang nakaibabaw na mahabang damit dito bale ito ang panlabas na damit ko puro lang ditali ang mga ito ng mahubad ko na ang mga pang ibabaw na damit kinuha ko ang tabo at tumabo ng tubig sa banyera at nagumpisa ng maligo nakakita ako ng isang laagyan sa tabi alam ko na sabon ang laman nito kasi napanood ko ng ganito sa isang movie at ganito ang lalagyan ng sabon nila. Ng natapos kinuha ko ang malapad na tela na naka sampay sa gilid kinuha ko ito at pinampunas saka sinuot ang damit na nasa ibabaw tinali ko muna ito saka pumasok sa silid lumapit ako sa isang aparador binuksan ko ito nakakita ako ng damit na kagaya ng suot ko kumuha ako nun saka sinuot nag susuklay ako ng buhok ng pumasok ang dalaga nagulat ito ng makita na naligo na ako. "Lady naligo na po kayo?hindi po ba kayo nahirapan? Sana nagsabi kayo para na tulungan ko po kayo."Sabi ng dalaga sa akin ngumiti lang ako sa kanya. "Okay lang kaya ko na naman" Sabi ko dito lumapit ito sa akin at kinuha ang suklay sa akin. "ako na po ang mag susuklay sa inyo." Sabi nito sa akin kaya hinayaan ko na lang siya habang pinagmamasdan siya sa salamin na masayang nagsusuklay ng buhok ko may naisip tuloy ako. "Binibining Han, ano ang pangalan ng Hari na asawa ko.?" Naisip kong itanong. "Haring Xue Lee po Lady." Sagot nito ng may naalala ako sa pangalan na sinabi niya kaya pala pamilyar ang pangalan ko..Inis kong tiningnan ito. "Tapos ang pangalan ko ay si Roa Shoe pang limang concubine ng Hari na nakatira sa Yanqui Palace ang pinakaliblib at kinatatakutang palasyo dito sa Xuantong Palace at si Ling Shao ay ang Empress nakatira sa pinakamagandang palasyo ng mga asawa ng Hari ang Quinshi Palace samantalang ang consort Dowager naman ay si Ming Chi nanakatira sa Huangdi Palace at ang unang concubine ng Hari ay si Chie Lao na nakatira sa Hanyu Palace katabi ng palasyo ng consort Dowager si Show Be naman ang pangalawang concubine ng Hari nakatira sa katabi ng palasyo ng unang concubine ang Shaotai Palace at ang pangatlong concubine ay si Peng Leu nakatira sa tabi ng palasyo ng pangalwang concubine ang Pinying Palace at ang pangapat na concubine ay si Kim Chuo na nakatira sa tabi ng palasyo ng pangatlong concubine ang Guifei Palace." Sabi ko dito nanlaki ang singkit na mata niya sa gulat. "Naku Lady bumalik na ang alaala mo." Sabi niya na mukhang masayang masaya siya.Inis akong tumayo at hinarap siya. "Syempre alam ko dahil yan ang paboritong i kwento na history ng teacher ko sa history nung College ako ...Haaays, kaloka." Sabi ko sabay upo sa higaan nagtataka siyang nakatingin sa akin. Samantalang matalim ko naman siyang tinitingnan kaya sa takot niya kinuha niya ang pinagkainan ko at lumabas na ng silid ng lumabas siya nahiga ulit ako. Kinabukasan na gising ulit ako sa mumunting ingay sa paligid. "Ginang kailan ba babalik ang alaala ng Lady? Kahapon akala ko bumalik na ang alaala niya kasi nakilala niya ang mga asawa ng kamahalan pero yun pala iniisip niya na isa lang history ang mga yun na i kwenento ng guro niya na lahat ng yun galing lang sa isang libro." Narinig kong sabi ng dalaga. "Talaga naalaala niya sila?" Tanong ng matanda tumango ang dalaga ngumiti ang matanda. "Kung ganon Han, ibig sabihin babalik na ang alaala niya kaya wag ka ng magalala." Sabi ng matanda. "Talaga Ginang?" Masayang tanong ng dalaga.saka lumabas na sila ng silid ko ng makalabas sila na upo ako sa gilid ng higaan at nagisip. "Kung ang lahat ng yun ay talagang alaala ko, San naman nanggaling ang naalala ko kay An Roa bat parang alam na alam korin kun anong klase ang pagkatao nito,pero hindi mas malinaw ang alaala ko kay An Roa Sanchez kesa kay Roa Shoe kaya talagang nilooko lang nila ako. "Hah...akala nila mapapaniwala nila ako E talaga naman na yun ang madalas i kwento ng teacher namin sa history hindi nga lang ako mahilig talaga sa history pero naalala ko yun dahil araw araw niya yung kwenekwento sa amin dahil favorite niya daw yun sa lahat ng history ng china....Haaays nakakaloka." Bulong ko sabay iling. Ilang araw pa akong nagpirmi sa aking silid pinababayaan lang nila ako hindi na nila pinilit sa akin ang sinasabi nilang pagkatao ko, nagpalakas ako pinilit kong kainin ang kamote na dinadala nila sa akin kahit hindi ako nun kumakain pero kailangan ko yun para bumalik ang lakas ko wala ng masakit sa akin pero nanghihina pa ako. Ilang buwan na ang lumipas nabawi ko na ang lakas ko. Nagising ako na wala sila may nilagang kamote sa lamesa kaya naman kumain muna ako at naligo naalala ko Nung mahina pa ang katawan ko nagtatalo kami kasi ayaw kong magpaligo sa kanila pero sabi nila sila daw talaga ang nagpapaligo sa akin pero hindi nila ako napapayag kaya inasikaso na lang nila ang susuutin ko at ang pampaligo ko nagulat pa nga ako nung una Kasi para itong malaking banyera ng isda pero gawa ito sa nara na kahoy. Nung una pa nga ginawa ko itong balde nagtatabo ako ng tubig pero ng makita nila ako pinagtawanan nila ako sa ginagawa ko saka parang bata na pinaliwananagan at tinuruan ng tamang pagligo saka ko lang naintindihan kaya ng sumunod na araw alam ko na kung paano gagamitin iyun. Lumubog Ako dito maligamgam ang tubig nito at may kung ano ano na nilalagay silang mga petals ng bulak lak. Hindi ko alam kong saan ito kinukuha ni abay Han basta pag maliligo na Ako may nakalagay na sa tubig ko. Nung una parang nahihirapan ako pero nung tumagal na nasanay narin ako. pagkatapos kung maligo naglakad lakad ako para makita ang paligid ng malaman ko kung paano ako makakaalis dito. ngayun ang unang beses na nakalabas ako pagkatapos ng ilang buwan na pagkakaratay ko. Kaya tuwang tuwa ako sa paligid ng may makita ako na puno natakam ako sa bunga nito ilang araw na puro kamote lang ang kinakain namin.pagtingin ko ang dami pang ibang puno sa paligid, iba iba din ang bunga nila. Napaisip ako. "kita mo nga naman may mga puno naman pala dito pero bakit hindi nagdadala ng prutas sila abay Han tssk." Bulong ko saka nagumpisang umakyat ng puno ng makarating ako sa taas pumitas ako ng isang bunga at pinunas sa damit ko saka kinain. Naisip kong eto na ang pagkakataon para bumawi ako sa dalawa magdadala ako ng lahat ng prutas na makikita ko dito. Sumandal ako sa sanga saka kumain muna ng bunga ng matapos akong kumain kumuha ako ng marami nilag lag ko muna sa baba. ng matapos ako dun inakyat ko din ang pangalawa at pangatlong puno ng matapos ako itinaas ko ang laylayan ng damit ko tutal may pantalon pa naman ako sa loob saka mahaba din ang pangitaas na damit ko abot hangang tuhod ko kaya hindi masama na itaas ko ang nasa ibabaw. nilagay ko ang mga bunga na nakuha ko sa damit ko saka nagmamadaling umuwi. Nagaalala na sinalubong ako ni abay Han. "naku Lady!....san ka ba nanggaling kanina ka pa namin hinahanap na nguha lang kami ng kahoy na wala kana sa silid mo." Sabi ni abay Han, hindi ko siya pinansin nagdererso ako sa kusina saka binuhos sa lamesa ang laman ng damit ko. "Ay! ang daming prutas san mo nakuha yan Lady Roa?" Sabi ni abay Han habang natatakam na naka tingin sa mga prutas. "Diyan lang sa tabi tabi." Sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng kamay ko. "Kumain kana tapos na akong kumain niyan masarap yan galing yan ng puno." Sabi ko sa kanya sabay abot ng prutas sa kanya nanlaki ang mata niya sa narinig. "Umakyat ka ng puno Lady!" Hindi makapaniwalang sabi niya tumango ako. Napa takip siya sa bibig niya saka tiningnan ako mula ulo hangang paa. "kaya pala ang dungis dungis mo." sabi niya uli. Ng dumating si Ginang Sun gulat na gulat ito ng sabihin ni abay Han ang ginawa ko napa takip din ito ng bibig. "Buti na lang Lady walang nakakita sa inyo kundi baka maparusahan tayo saka buti hindi ka nahulog sa puno." sabi nito. "Grabe ka naman Ginang Sun kumuha lang naman ako ng ilang piraso paparusahan agad ang dami dami pa ngang bunga ang mga puno dun ang damot naman ng Hari na yan." Sabi ko nagkatinginan ang dalawa. Buong maghapon na ang prutas na dala ko ang kinain namin,tuwang tuwa si abay Han. Naawa ako sa kanila kaya nangako ako na hindi na ako papayag na magutom kami.naalala ko na ang kwento ng teacher ko tungkol kay Roa Shoe isa siyang mahin hin na babae bagamat maganda siya pero siya ang may pinaka kawawang kalagayan dito sa Palasyo dahil walang ka amor amor sa kanya ang ama niya at ang Hari malabo man ang ibang nangyari sa kanya dahil hindi naman ako masyadong nakikinig noon sa teacher ko pero iisa lang ang pinapangako ko hindi ko man alam kung papaano ako napunta sa katawan niya ang masasabi ko lang hindi ako papayag na mangyari sa akin ang nangyari sa kanya dahil ako si An Roa Sanchez hindi kaylan man sumusuko at nagpapatalo. "Sa wakas nakakain din tayo ng iba,akala ko kamote na lang talaga ang kakainin natin dito sa loob ng Palasyo." Sabi ni abay Han sabay subo ng mansanas, napa tingin ako dito. kinagabihan hindi ako dalawin ng antok pinagiisipan ko ang nangyari sa akin kanina nung naglalakad ako wala akong nakitang kakaiba para talaga akong nasa history sa mga nakita ko. Lahat ng kwenento ng teacher tumutugma sa mga nakita kong ayos ng lugar. Kung ano man ang nangyari sa aking kababalghan kailangan kong alamin kung papaano ako na punta dito. Nitong mga nakaraang araw pinagisipan ko ang lahat minsan gusto ko ng maniwala na hindi nga ako to pero bakit kamukha ko siya magkaiba man ang ayos namin pero iisa ang mukha namin saka may isa pang nakakapagtaka iba ang lengwahe nila Chinese ito pero naiintindihan ko samantalang ang alam ko lang na lengwahe ay English,Spanish,,taiwanese,Korean at Frances. dahil mga naging kleyente ko sila sa black market.pero Chinese hindi ako marunong nun kaya paano nalaman ko ang salita nila.pero kung totoo na nasa katauhan ako ni Roa Shoe na laging kinekwento ng teacher ko hindi ko hahayaan na magutom at apiapihin kami ng mga tao dito lalo na ang Hari na yun kagaya ng nangyari sa kanya na naghintay lang siya na maawa ang Hari sa kanya. Ako hindi dahil gagawa ako ng paraan para hindi na kami magutom hindi ako tutunga at maghihintay hangang sa maawa ang Hari sa amin. Ako kaya si An Roa Sanchez na hindi nagpapatalo at hindi si Roa Shoe na talunan. Kinabukasan maaga pa ng umalis ako ng bahay para maghanap ng makakain at para maikot ko narin ang lugar na kinalalagyan ko ng makakita ng maraming manok na nakakalat mabilis akong nanghuli ng mga manok at nanguha ng mga gulay ng pauwi ako ng makakita ako ng gulayan kaya kumuha din ako ng may narinig akong agos ng tubig pinuntahan ko yun at nakakita ako ng sapa nilapag ko ang mga dala ko saka tuwang tuwa na naligo dito. Pag uwi ko gulat na gulat si abay Han at Ginang Sun sa dala ko.kagaya ng dati hindi makapaniwala ang dalawa muntik pang himatayin si Ginang Sun ng malaman na nalligo ako sa sapa. buti daw walang nakakakita sa akin kung hindi mapaparusahan daw kami ng kamatayan.ang OA diba, Haays. "Ikaw nga Han wag mong lulubayan ng tingin yang si Lady Roa dahil kung saan saan pumupunta at hindi lang yun kung ano ano ang ginagawa baka makita siya ng Hari O kaya ng Inang Reyna mapaparushan tayo buti sana kung tayo lang pati ang Lady mapaparusahan.yan ang ayaw kung mangyari." Rinig kong sabi ni Ginang Sun. "pero paano po kayo kung susundan ko ng susundan si Lady Roa wala ng tutulong sa inyo dito." Sabi naman ni abay Han. "Basta sundin mo na lang ang sinsabi ko." Sabi ni Ginang kay abay Han at tumango naman ito.hindi na lang ako umimik. ilang araw naming kinain ang kinuha kong mga gulay yung mga buto itinanim namin sa likod gumawa kami ng maliit na garden dun ko pinatanim ang mga buto ng prutas at gulay. pagdating ng hapon hindi ako mapalagay kasi hindi naman ako makaalis kasi sige ang sunod ni abay Han sa akin ubos na ang gulay na dala ko nung isang araw kanina nung pumunta sila abay Han sa Palasyo para kunin ang rasyon naming pagkain,nagalit lang daw ang punong yunok dahil wala pa daw sinasabi ang Hari. Kaya malungkot na umuwi ang dalawa, bukas wala na kaming kakainin kaya nagiisip ako. "Lady ano po ang iniisip mo bakit tahimik kayo kanina pa?" tanong ni abay Han saka tumabi sa akin. sa pagkakaupo sa upuan sa labas. "naiisip ko lang abay Han wala na tayong pagkain." Sabi ko dito. napaisip din ito "Kasi kung binigay na sana ang rasyon nating kamote kanina sana may pagkain pa tayo bukas kaso wala pa daw sinasabi ang Hari." Sabi ni abay Han naiinis na naman talaga ako sa Hari. "Abay Han, lagi bang na aantala ang rasyon nila sa atin ng pagkain?" Tanong ko dito.tumango ito lalo lang akong naawa sa sitwasyon namin. . kaya pagdating ng gabi gumawa ako ng sibat.nagtataka naman na nakatingin sa akin si abay Han. "Anong gagawin mo diyan Lady Roa?" Bulong ni abay Han ng makita niya ang ginagawa ko. "Gumagawa ako ng sibat" Sagot ko naman dito. "ano naman ang gagawin mo sa sibat?" tanong niya uli. "Manghuhuli ako ng isda bukas para may kakainin tayo." Sabi ko napa tanga siya sa akin. "Manghuhuli ka ng isda gamit yan? Hindi makapaniwalang sabi niya, tumango ako. Naaalala ko pa dati nagpapaligsahan pa kami ni Red sa paghuli ng isda gamit sibat sa ilog sa may bakasyunan na binili ni Uncle. "Kaya wag kang maingay kay Ginang Sun kung ayaw mong magutom bukas." Sabi ko sa kanya tumango siya. "Pero kinakabahan ako Lady Roa baka mahuli ka ng Hari." Sabi niya uli. "Wag kang magalala magiingat ako basta bukas ikaw na ang bahala kay Ginang Sun pag hinanap ako." Sabi ko dito tumango naman ito. kinabukasan maaga pa ng umalis ako para manghuli ng isda ni libang naman ni abay Han si Ginang Sun para makaalis ako. Pagdating ko sa ilog nakita ko na maraming tao may mga yunok na nanghuhuli ng isda,meron ding mga abay na nanginguha ng mga bato sa gilid. Kaya nanguha muna ako ng mga prutas saka bumalik na lang ako sa ilog. Tamang tama pag balik ko wala ng mga tao kaya tuwang tuwa akong lumusong sa ilog iniwan ko muna ang mga prutas na nakuha ko sa tabi. Mataas na ang sikat ng araw ng matapos akong manghuli marami akong nahuli may dala dala akong sanga tinuhog ko dito ang isda pusit pati alimango saka ko itinali sa dala kong tela ang mga prutas saka itinali at itinanim sa balikat ko, basang basa ako dahil lumusong ako sa ilog buti na lang doble doble ang suot ko ngayun. pauwi na ako dala dala ang mga nahuli ko nakapatong ang sanga sa kabilang balikat ko ng may makasalubong ako. "Sino ka bat ka nanghuli ng isda?" tanong sa akin ng lalake inis ko siyang tiningnan. "At kailan pa naging bawal mangisda sa ilog, bakit pagaari mo yan?" Mataray na sabi ko sa kanya ng aktong hahawakan ako nito mabilis kong hinuli ang kamay niya at agad ko siyang binalibag ng mapansin ko ang suot niya naalala ko na ganito ang suot ng mga kawal ng palasyo sa mga napapanood kong movie. Kaya mabilis akong yumuko kinuha ang isda ko sabay takbo ng nakita ko pa na may isa pang lalake na lumapit sa kanya mas binilisan ko pa ang takbo ko. Hingal na hingal ako ng makabalik ako sa bahay sinalubong ako ni abay Han. "Lady san ka nangaling bat basang basa ka?" tanong ni abay Han hindi ako umimik dahil hinihingal pa ako, inabot ko sa kanya ang isda na nakatuhog sa isang sanga. "Nang huli ka talaga ng isda gamit ang sibat?" Hindi makapaniwala niyang sabi saka tumingin sa akin. Tumango lang ako sa kanya,saka dumeretso sa kusina para ilagay sa lamesa ang mga prutas na nasa tela na dala ko. Gulat na gulat si Ginang Sun ng makita ako at ng malaman kung anong nangyari sa akin hinimatay na ito. Napatampal na lang ako sa noo ko at tiningnan si abay Han na inaasikaso ito. ***** KINABUKSAN naisipan ko gumawa ng isang maliit na diary isusulat ko dun ang mga nangyayari sa akin para pag nagkapalit uli kami ni Roa alam niya ang mga nangyari nung wala siya. My kutob kasi ako na nagkapalit kami ng katauhan sa papaanong paraan hindi ko alam. pagkatapos ko naligo na ako. Napapaisip Ako pagkatapos Kong patuyuin ang buhok ko pinusod ko uli ito at pinagmasdan ang imahe ko sa salamin. " Yung mukha namin iisa maliban sa buhok dahil ang buhok ko medyo kulot na lampas balikat samantalang ito tuwid na tuwid at hangang bewang ko" Bulong ko. Napansin ko tuloy na mas maganda ako pag ganito ang buhok ko at mas sexy ako dito babaeng babae. Hindi kagaya nung Prosecutor pa ako lagi akong nakapantalon at jacket na maong kundi naman ako naka pantalon naka slacks,samantalang ngayun eto ako nakapambabae akong damit bagay pala sa akin ang ganitong ayos. nakapambabae akong damit at laging naka ayos ang buhok ko payat nga ako ngayun at medyo maputla pero mas maganda ako ngayun. Minsan ko pang minasdan Ang itsura ko sa salamin bago ako nagpasya na lumabas na ng silid ko. Nagulat ako ng makita na may lalaki na nakaupo sa sala sa may mahabang upuan. "Sino tong sira ulo na to na pumasok sa bahay ko." Bulong ko tumingin ito sa akin parang namumukhaan ko ito. Ito yung kasama nung lalaking kawal na sumita sa akin sa sapa.Nilapitan ko ito. "Hoy!sino ka at bat pumasok ka sa bahay ko?" Tanong ko dito napa kunot ang noo nito kaya nainis ako nilapitan ko ito at hinawakan ang braso nito.tiningnan Niya ang kamay ko sa braso niya saka nakakunot ang noon na tiningnan ako. "Hoy!wag mo akong matingnan tingnan ng ganyan hindi ako natatakot sayo bakit parurusahan mo ako ha." Sabi ko dito saka kinaladkad ito sa pintuan ng makarating kami sa pintuan tinulak ko ito palabas saka nag pag pag ako ng kamay at sinamaan siya ng tingin. "Haays! Nakakaloka ito basta basta na Lang pumapasok ng bahay. Hoy itong tatandaan mo sa susunod na pumasok ka pa sa bahay ko ng walang paalam hindi lang yan ang aabutin mo naiintindihan mo!" Sabi ko dito magsasalita pa sana ito kaso binalibag ko pasara ang pintuan. Naiwan itong naiinis na inayos na Lang ang damit na nagusot sa hawak ko "Haay, mukhang amasona ang nakuha mong babae kamahalan. Tingnan mo siya lang ang may lakas ng loob na magpalayas sa kamahalan.!" Sabi ni General Ren na natatawa may kagat kagat itong kahoy. "San kaba kasi nagsusuot?"Tanong ko sa Genera. Natahimik ang General naging seryoso ito. "Gusto niyo kamahalan parusahan ko." Sabi uli ng General at aktong itutulak ang pintuan. "Haay, gusto mo bang mapalayas din." Sabi ng kamahalan at hinila na ito sa kwelyo palayo sa bahay. Habang nakasakay sa kabayo napapangiti na lang ang Hari pag naalala ang nangyari. "Haay, ang binibini na yun hindi niya ba. talaga ako nakilala O nagpapangap lang Siya?" Bulong niya at umiiling na pinalo sng kabayo para bumilis ang takbo. "Teka kamahalan hintayin niyo ako!!" Sigaw ni General Ren saka pinalo din ang kabayo niya at hinabol ang kabayo ng kamahalan. ****Haring Xue Lee POV #**** KINABUKASAN hindi ako makapag trabaho dahil laging sumisingit ang itsura mg binibini na galit na galit sa kanya. "Kahit galit siya maganda parin siya." Bulong ko saka napapangiti. "Kamahalan bakit hindi mo siya balikan?" Sabi ng General sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD