Chapter 3

2093 Words
"Pero paano kung palayasin niya lang ako uli." Sabi ko sa kanya. "Subukan niyo lang kesa nagiisip kayo diyan." Sabi uli nito kaya sinamaan ko ito ng tingin at bigla itong tumahimik. Napaisip naman ako naalala ko nung unang makita ko siya. ****FLASH BACK#*** Maaga akong nagising naisipan kong maglakad lakad kaya lumabas ako ng silid ko. Susundan pa sana ako ng mga yunok pero pinigilan ko sila. "Gusto kong mapagisa." Sabi ko sa kanila,kaya hindi na sila sumunod pa. Naglakad lakad ako kasama si General Ren ng may makita kaming binibini na umaakyat ng puno. Napakunot ang noo ko. Ng makalapit kami sa puno nakita ko siya na ang sarap ng pagkakasandal niya sa sanga habang sarap na sarap sa pagkain ng mansanas na hawak niya. Sisitahin sana siya ni General Ren pero pinigilan ko siya, dahil naaliw akong pagmasdan ang binibini sa pagkain niya ng bunga. Maya maya nakita namin na nanguha pa siya ng bunga sa puno saka nilag lag sa damuhan nagulat kami sa sumunod na ginawa niya dahil parang wala lang na tumalon siya pababa ni hindi man lang na tumba ito. Napapalatak si General Ren sa nakita. Inakyat niya pa ang ibang puno ng walang kahirap hirap. Napaisip kami kung papaano niya dadalahin ang mga prutas na kinuha niya sa puno ng aktong aangatin niya ang damit niya bigla kong siniko si General Ren saka sinamaan ito ng tingin kaya tumalikod kami parehas ng lingunin namin ito malayo na ito napailing na lang ako at saka ko pinasundan ito kay General Ren nais kong malaman kung sino ang pangahas na binibini na yun. "General, nasundan mo ba ang pinapasundan ko sayo?" Tanong ko kay General Ren ng pumasok ito sa silid aklatan. "Ipagpaumanhin niyo po kamahalan ngunit bigla na lamang pong na wala sa aking paningin ang binibini." Sagot nito habang naka yuko sa harap ko. Napakunot ang noo ko dismayado akong sa sinabi niya. "Hayaan mo na,sigurado akong nandito lang yun sa loob ng Palasyo maaring isa iyung dama ng mga Concubine." Sabi ko na lang saka pinagpatuloy ang ginagawa umaasa ako na makikita ko siya uli. Hindi ko alam hindi na siya naalis sa isipan ko,lagi na lang siyang sumisingit sa mga ginagawa ko at sa hindi ko malamang dahilan gumagaan ang pakiramdam ko at wala sa sariling napapangiti. Tatlong araw na ang lumipas pero hindi ko parin siya nakikita araw araw akong naglalakad lakad nagbabakasakali na baka makita ko siya uli pero ni anino niya hindi ko nakita. Nasasabik akong ma silayan muli ang binibini. Araw ng Ani ngayun ng mga prutas at kung ano ano pa na meron ang Palasyo ang Inang Reyna ang pinamahala ko dito. Lumabas ako ng aking silid hindi para pagmasdan sila sa ginagawa nila kundi para magbakasakali na makita ko siya. pero wala siya sa mga dama na nagkakatuwaan sa tabi ng sapa maging sa Forbidden Forest wala siya sa mga dama na namumulot ng bunga na kinukuha ng mga yunok. "Nasan kana ba binibini? Tagarito kaba sa loob ng palasyo O baka naligaw ka lang nung makita ka namin.?" Bulong ko saka bumalik na sa sapa nasa lubong ko ang mga yunok at mga dama na daladala ang mga nakuha nila sa may sapa. Pagdating ko sa sapa hinanap ko si General kanina ko pa napapansing wala siya sa tabi ko,ng makarinig ako ng tunog ng tubig pumunta ako sa sapa. Biglang kumalabog ang dib dib ko ng makita ang isang binibini na tuwang tuwa na nanghuhuli ng isda sa gitna ng sapa hangang bewang niya ang tubig may hawak hawak siyang sibat napahanga niya ako sa klase ng panghuhuli niya ng isda. Hindi pa siya na kontento sumisid ito sa sapa pagahon nito may tatlong malalaking pusit na naka tuhod sa sibat niya,aliw na aliw ako sa kanya may time na napapailing ako may time naman na napapalatak ako minsan naman gusto kong pigilan siya dahil sa pagaalala kagaya ng dakmain niya ang isang malaking alimango napa tayo ako sa kinauupuan ko sa ginawa niya pero ng makita ko na parang wala lang niya itong itinali napa iling na lang ako minsan napapaisip ako sa pagiging kakaiba ng binibini na to parehas ko din kaya siya na napadpad lang din sa lugar na ito. ng makita ko na aktong aalis na ito nagmamadali akong tumawag ng kawal para pasundan siya ng matapos akong magutos sa isang kawal napa lingun ako ng marinig ang boses nito at ni General kaya napa lingun ako nagulat ako ng makita na binabalibag nito si general hindi ako makapaniwala na nagawa niya yun ng walang kahirap hirap,bigla din niyang binitawan si General at agad na kinuha ang mga nahuli niya at ang nakabalot sa tela saka tumakbo ng aktong hahabulin ito ni General pinigilan ko ito. "per..." hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin dahil alam ko na yun "Hindi na kailangan pinasundan ko na siya sa isang kawal." Sabi ko dito kaya napa tango na lang siya saka pinagpag ang damit niya na puro lupa sanhi ng pagkakabagsak niya sa lupa. ****END OF FLASH BACK#***** Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko kung paano ko na laman kung sino siya at kung saan siya nakatira. Nung una nagulat kami ni General Ren at nagalinlangan ako na puntahan siya pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko. kaya hayun hindi nga ako nagkakamali galit nga siya sa akin. Naisip ko na may punto din si general bakit hindi ko nga naman puntahan para malaman ko kaya lumabas ako ng akinh silid. "Teka kamahalan san ka pupunta?' Sabi uli nito ng makita na lumabas ako ng silid aklatan. Ngunit hindi ko siya pinansin nagderederetso ako sa labas at sumakay ng kabayo. Nagsunuran ang mga Yunok kaya nagulat ang mga abay ng mga concubine ng makita ako na nakasakay sa kabayo akala nila sa mga Palasyo nila ako pupunta pero nagulat dila ng lampasan ko ang mga Palasyo nila at nagtungo sa Palasyo ng panglimang Concubine. ****ROA SHOE POV #*** Ilang araw na akong hindi umaalis kasi yung huling huli ko ng isda pinatuyo namin ang mga ito. Tapos yung mga buto ng gulay na tinanim namin nagsisimula ng mamunga kaya hindi na kami na momoroblema kung hindi magpadala ang Palasyo ng pagkain. Meron na kaming mini garden sa likod bahay. kaya may pagkukuhanan na kami ng makakain. **** Sumunod na araw. Nagising ako ng maaga nag harvest kami ng tanim namin na gulay at nagtanim uli ng panibago. Nasiraan pa kami ng kalan kaya gumawa ako ng panibagong kalan namin at inilipat ko ito sa loob ng kusina kasi nasa labas ito ng bahay. Napagod ako ng husto sa ginawa ko maghapon. Kaya maaga pa akong naka tulog naghuhugas ng pinagkainan namin si Abay Han at naghahanda naman ng tulungan nila si Ginang Sun ng dumating ang kamahalan. "Narito ang kamahalan!!" Sigaw ng General sa labas ng pintuan kaya nagmamadali na lumabas ang dalawa binuksan ang pintuan. "Magandang Gabi kamahalan!" Magkapanabay na bati nila. . "Nasan Ang Lady niyo?" Tanong ng Hari. . "Tulog na po kamahalan." Sagoti nila pumasok ang kamahalan sa loob ng bahay nagpaiwan sa labas ang General ang mga yunok naman ay pinabalik na niya sa Palasyo. Ng nasa loob na ang Kamahalan ng bahay iniisip niya kung papasok ba siya sa silid ng Lady O hindi nagaalala siya na baka palayasin na naman siya nito pag nakita siya nito,kaya pabalik balik siya ng lakad sa labas ng silid ng Lady nakita niya na nakatingin sa kanya ang dalawang dama. "Sige na magpahinga na kayo wag niyo na akong intindihin" Sabi niya naupo siya sa pang isahang upuan ng magpaalam na ang dalawa kumuha siya ng isang libro sa Isang kabinet iilan lang ang laman nito napaka payak ng bahay at masyadong madilim dahil sa luma na ang mga lampara wala man lang laman ang bahay wala kahit isa mang palamuti. Nagbasa siya ng mapagod pinikit niya ang mata niya sumandal sa upuan at umupo ng maayos,sanay Siya sa ganitong ayos. Samantalang nagising ako ng alanganing oras tumingin ako sa gilid ng bintana, madilim pa sa labas bumangon ako dahil nauuhaw ako saka lumabas Ng silid ko. Nagulat ako ng makitang may nakaupo sa upuan sa sala. Napakunot ang noo ko ng makilala ang lalaking nakaupo. "Ikaw na nanaman.!" Bulong ko nilapitan ko ito nakapikit ito. "Mukhang nakatulog. Ang kapal ng mukha nito, dito pa natulog at ni hindi man lang naramdaman ang paglapit ko." Bulong ko kaya yumuko ako at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Hmm! Pogi ka pala matangos ang ilong mo manipis ang labi mahahaba ang pilik mata Saka kahit mahaba ang buhok mo hindi ka madungis tingnan at mas nakakadagdag pa sa pagiging pogi mo." Natigilan ako sa pagsasalita ng biglang dumilat ito napa tanga ako dito ng mapansin na sobrang lapit na pala ng mukha namin bigla akong natauhan agad na napa layo ang mukha ko sa kanya at dahil malapit ang katawan ko sa kanya na out balance ako. Matutumba sana ako kung hindi niya ako sinalo pero mas naging malapit ang katawan namin sa isat isa sa ginawa niya kaya nanlaki ang mata ko at ang lakas ng kabog ng dib dib ko ng makitang magkadikit ang katawan namin agad kong tinulak siya pero imbis na lumayo siya mas nilapit niya pa ako sa katawan niya kaya mas lalong nagwala ang dib dib ko para na tong lalabas at tinayo niya ako ng maayos ng makitang nakatayo na ako ng maayos saka siya lumayo sa akin. Natutulala ako sa nangyari habang nakahawak sa katawan ko. "Ahhm!" Tikhim niya kaya natauhan ako.naalala ko na nasa harap ko pala siya. . "T..Teka bat ka Narito ng ganitong oras?" Tanong ko dito. "Lady!...kamahalan!" Napalingun ako sa nagsalita si abay Han kalalabas lang sa silid nila. "Abay Han!" Sabi ko,naisp ko kung nakita niya kaya ang nangyari kanina pero nagulat ako ng yumuko ito sa lalaki na kaharap ko Saka bumati dito. "So eto pala ang kamahalan nila na asawa ko kuno." Sabi ko sa isip ko mas lalo lang akong nagalit dito kung kanina mild lang at pogi siya sa paningin ko ngayun hindi na mukha na siyang halamaw at wagas na ang galit ko sa kanya sa wakas nakita ko din siya in person hindi lang sa libro o sa kwento. "Kaya pala pumapasok ka na lang bigla ng bahay, dahil ikaw ang Hari ng lugar nato kaya wala kang respeto sa tao sa loob Ng bahay dahil iniisip mo tauhan mo lang naman kami at nakikitira lang kami sa isa sa bahay mo kaya wala kaming karapatang mag inarte at magreklamo kung kailan mo gustong pumasok sa mga bahay namin.." Inis kong sabi dito Saka pinagekis ang mga kamay ko at tiningnan siya ng masama napa tingin sila sa akin. Napa kunot naman ang noo niya at na mumula ang tenga niya naka tiim bagang na tumingin ito sa akin. "Lady! Patawad kamahalan parusahan niyo po kami hindi po namin naturuan ng tama ang Lady." Sabi ni abay Han na ikinainis ko lalo. "Parusahan bakit ka niya parurusahan dahil nagsabi ako ng totoo. Kung anong klase siyang tao bakit dahil ba asawa niya lang Ako or sabihin nating pang limang concubine niya lang ako kaya wala akong karapatan umangal kahit anong gawin niya sa akin dahil pang limang concubine niya lang ako kaya magtiis ako kung ano ang ibigay niya ganun ba yun!" Sabi ko uli napa tanga siya sa sinabi ko nanghingi na naman ng patawad si abay Han dito na lalo lang ikinagagalit ko. "Bakit ka nanghihingi ng tawad sa kanya abay Han ginusto ko bang maging asawa niya siya ang kumuha sa akin para ano para sabihin ng lahat na maganda siyang lalaki dahil pito pito ang asawa niya, natatakot Kang parusahan abay Han hindi mo ba nakikita na kahit wala tayong ginawang masama sa kanya pinarusahan na nila ako at nadamay lang kayo dahil naging dama ko kayo natatakot ka na maparusahan dahil sa mga pinagsasabi ko at ano naman Ang inaasahan mo abay Han matutuwa ako dahil sa wakas pinuntahan na ako ng asawa kong kuno para ano para tingnan kung buhay pa ako ng makakuha siya ng bagong kapalit ko." Sabi ko na galit na galit. Inis na tinalikuran ako ng kamahalan tiningnan ko lang siya ng masama. "Kamahalan parusahan niyo po kami kamahalan!!" Magkapanabay na sabi nila abay Han at Ginang Sun.Galit na galit naman akong naiwan. Napaupo sa upuan sa galit ko, huminahon lang ako nung nakalabas na ito ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD