Chapter 4

2141 Words
****HARING XUE LEE POV#***** Matagal ng nangyari yun pero hindi maalis alis sa utak ko ang mga sinabi niya nung gabing yun sa akin. Hindi ko akalain na ganun ka tindi ang galit niya sa akin kaya pina alam ko kay General Ren ang lahat lahat ng nangyari sa kanya at napagalaman ko na hindi na pala siya pinapadalahan ng sapat na rasyon ng palasyo at wala rin siyang natatangap na tulong galing sa ama niya dahil ginamit lang siya nito para sa position at maging tanyag. Ang masakit pa sa lahat ay nanganib ang buhay niya ni walang tumulong sa kanila samantalang ako na asawa niyang naturingan. Wala man lang pakialam. Kaya sa galit ko pinatawag ko si pinunong yunok Kim pero ng tanungin ko ito kung bakit niya ginawa yung. Utos daw iyon ng Inang Reyna. Dahil dun pinarusahan ko si punong yunok Kim pinatawan ko siya ng dalawampong beses na palo dahil hindi niya pinaalam sa akin ang utos ng Reyna bago niya isinagawa ang pambabalewala sa asawa ng Hari at nagbaba ako ng utos na magmula ngayun igagalang at irerespeto ang lahat ng asawa ng Hari maging mataas at mababang antas man ito ang mambabastos at mambabalewala sa kanila ay papatawan ng parusa. Ang parusa na binigay ko sa Inang Reyna isang buwang hindi siya pwedeng lumabas ni pag punta sa konseho hindi ko siya pinayagan dahil sa pagbigay ng utos ng walang pahintulot ko at sa pagpapabaya sa asawa ng hari yan ang ibinaba kong utos dahil sa galit ko. Wala na daw pakinabang si Lady Shoe kaya pinabayaan nila ito at nilagay sa pinaka lib lib na lugar ng Palasyo ang Yanqui Palace. Galit na galit ako sa sarili ko dahil tama siya sa lahat ng sinabi niya sa akin may karapatan siyang mamuhi sa akin wala akong kwentang Hari dahil asawa ko mismo hindi ko man lang maalagaan ng tama ang mga mamayan pa kaya.. **** Ilang linggo na nakalipas pero lagi parin mainit ang ulo ko sa lahat gustong gusto ko ng puntahan siya para humingi ng tawad pero wala akong lakas ng loob. Pinadalhan ko siya ng kung ano ano pero pinababalik lang niya ito sa akin. Nagbabakasakali akong makita siya kahit sa malayo pero hindi ko siya makita ayaw ko namang pumunta sa bahay niya baka magalit na naman siya pag nakita ako nagaalala ako sa kanya kasi kahit anong padala ko ng pagkain nila ayaw tangapin hindi ko naman siya nakikita na nangunguha ng bunga at nanghuhuli ng isda sa sapa. Sinabihan ko na si General na bantayan siya nito at hayaan siya sa gusto niyang gawin, noon nung nag reklamo si punong yunok Kim na nag kakandawala ang mga halamang gulay sa garden ng Inang Reyna pati ang alaga niyang mga manok napapangiti ako dahil alam ko na siya ang may gawa nun pero ngayun matapos kung malaman kung bakit niya ginawa yung mga bagay na yun kinakain ako ng sarili kong konsensiya. Kundi dahil sa akin hindi niya kinailangan maging ganun isa akong kahiya hiyang Hari.Inis kong tinabig ang mga laman ng lamesa ko nagkalat lahat ng laman nun sa sahig saka napahawak ako sa buhok ko karma na ata sa akin ito dahil sa pambabalewala ko sa mga asawa ko at sa mga babae ko sa dati kong buhay.. Sumunod na araw nagpadala na naman ako ng pagkain sa bahay niya pero binalik lang ito ng mga yunok. Ilang araw na akong nagpapadal sa tahanan niya pero wala siyang tinatangap kahit isa. Gulong gulo na ako hindi ko alam kong paano niya ako mapapatwad sa nagawa ko. ***** Kanina pa ako nandito at binabasa ang mga ulat ng mga ministro pero wala paring pumapasok sa utak ko kaya tinawag ko si General Ren pumasok ito nagulat ito ng makita na hindi man lang nabawasan ang mga ulat at nagkakalat na naman ang silid ko. "Sabihin mo sa punong yunok pupunta ako sa Hardin Manor" Sabi ko sa General Ren. "Masusunod mahal na Hari." Sabi nito sa akin huminga na lang ako ng malalim ayoko sana na tawagin ako niyang Hari lalo na kapag kami lang pero hindi ito pumayag kasi baka daw may nakakarinig sa amin ayaw niya na masilip ito at gamitin sa akin. Pagdating namin sa hardin naglakad lakad ako. Habang nagiisip ako ng malalim. "Ren ano ba akong klaseng Hari sabihin mo sa akin ang totoo?" Tanong ko dito ng lingunin ko ito saka tumingin uli ako sa tubig ng sapa nasa lanai kami sa gitna ng sapa. Naaalala ko nanaman siya. Naaalala ko nung nakita ko siya sa ilog na may hawak na kahoy na pinatulis ang dulo tuwang tuwa siyang nanghuhuli ng isda gamit iyun ni hindi man lang nagiisip na maaring ikapahamak niya ang ginagawa niya kagaya na lang ng makita ko siya sa taas ng puno kumakain ng bunga at naglakad pauwi na hawak hawak ang laylayan ng damit niya dahil puno ng ibat ibang prutas ang kanyang damit at nung gabi na yun hindi ko siya nakikitaan ng takot sa maaring mangyari sa kanya imbis pagkamuhi ang nakikita ko sa mata niya.. Si General Ren ang tinuturing ko na matalik na kaibigan dahil siya lang pinagkakatiwalaan ko siimula pa noon dumating ako dito. Ang pagkakaalam ko magkababata kami ni General Ren, bata pa siya ng dalahin siya dito sa palasyo para maging taga silb koi dahil dun nagkalapit kami. Hiniling ko sa ama ko na pagaralin din niya ito,mas lalo lang kaming nagkalapit ng maging magkasama na kaming lumalaban sa digmaan at tanging siya lang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ko. "Mabuti kang Hari kamahalan!" Sabi nito huminga ako ng malalim puno ng pait tumingin ito sa akin saka umiling. "Alam ko na may gumugulo sayo dahil pumupunta ka lang dito pag may gumugulo sayo." Sabi nito hindi ako umimik pinakingan ko lang siya. Kilalang kilala niya talaga ako kaya hindi ako makakapag lihim sa kanya. Dahil kumakalma ako pag nakikita ko ang lugar na ito. Itong lugar na ito ang una kong nakita ng dumating ako dito. "Si Lady Roa ba ang gumugulo sayo mahal na Hari?" Tanong nito sa akin. "Alam ko na sobra ang galit niya sa akin nakita ko yun sa mga mata niya nung gabi na yun tama siya kinuha ko siya para parusahan ginamit ko lang siya. May dahilan siya para magalit kagaya na lang ng nalaman mo hindi pala sila hinahatiran ng tamang pagkain magmula ng matapos kaming ikasal at ng manganib ang buhay niya ni wala man lang siyang nakuhang tulong sa palasyo dahil iyon sa akin ni Minsan Hindi ko man lang siya kinumusta nakalimutan ko na hindi nga pala malapit sa kanya ang kanyang ama ginamit lang siya nito pero ganun din ang ginawa ko sa kanya. Wala akong pinagiba sa ama niya na kinaiinisan ko." Sabi ko sa kanya. hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot kapag naalala ko ang nangyari nung gabi kapag naaalala ko kung gaano siya namumuhi sa akin. "Hindi niya lang alam ang lahat at hindi ka lang din niya lubos na kilala kaya niya nasabi yun sayo alam ko na malaki pagkakamali mo pero lahat naman ay napapatawad kapag itinama niya na ang ginawa niyang pagkakamali sa tao kaya kamahalan pwede ka naman bumawi sa kanya ipakita mo na nagsisisi ka ipakita mo ang totoong ikaw." Sabi nito sa akin. "General kahit hindi niya ako mapatawad ngayun itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko gagawin ko ang lahat hangang mapatawad niya ako." Sabi ko dito. "Siguro mahalaga siya sa iyo dahil ginugulo niya ang isipan mo kahit ilang araw mo palang naman siyang nakita. Pero bakit ngayun lang kamahalan? Bakit hindi noon nung una talaga kayong nagkita di sana hindi na nagyari pa ang lahat ng ito." Sabi nito sa akin napaisip din ako Hindi ko alam kung bakit. Ang totoo noon paman nakuha na niya ang pansin ko sa kanilang lahat siya ang umagaw ng pansin ko kaso ng malaman ko kung sino ang ama niya na bulagan siguro ako ng galit ko. Kinabukasan pinatawag ko si Punong Yunok Peng para magdala ng ulat ko. "Punong yunok Peng magmula ngayun ikaw na ang magdadala ng mga pagkain at mga iba pang pangangailangan ng pang limang concubine sa Yanqui Palace sabihin mo kay punong yunok Kim." Sabi ko dito. "Opo kamahalan." Sagot nito. "Padalahan mo ng lahat ng pagkain dito sa palasyo ang pang limang concubine at lahat ng kailangan nila sa kanyang Palasy. Kailangan aabot ng pang pitong araw at pagsasapit ng pang pitong araw padadalahan mo ulit ang Yanqui Palace kung nasaan ang pang limang concubine.yan ang utos ko!" Sabi ko at tinatakan ang kasulatan. Binigay ko ito sa punong yunok, tinanggap naman ito ng punong yunok ng nakayuko. #Roa Shoe POV...# Nagulat ako ng nagsusuklay ako ng buhok ko ng may sumigaw sa labas. "Narito ang punong yunok Peng!!" Sabi ng nasa labas kaya napalabas ako. Nakita ko na ang daming yunok. May mga dalang kabayo na may karga. Napa kunot ang noo ko. "Ulat Ng Hari!!" Sigaw nito nagulat ako ng hilahin ako ni abay Han paluhod kaya lumuhod na lang ako . "Magmula ngayun makakatangap si Lady Shoe ng mga pangunahing pangangailang sa bahay tulad ng bigas karne isda gulay mantika suka sabon mga prutas asin at lahat ng pangangailan niya sa kanyang tahanan O para sa sarili niya ang lahat ng ito ay tatangap ang Lady tuwing sasapit ang ika pitong araw at bilang karagdagan papalitan ng bagong lamapara ang mga lumang lampara sa Palasyo ng Yanqui na tinitirahan ni Lady Shoe upang maging sapat ang liwanag sa Palasyo ng Yanqui ito ang ulat ng kamahalan.!!" Pagtatapos ng pagbabasa ng ulat ng kamahalan ni punong yunok Peng ang bagong yunok na naghahatid sa amin ng pagkain na pinababalik ko akala niya porket nagpapadala siya ng pagkain sa akin matutuwa na ako sa kanya nagkakamali siya hindi magbabago nun ang galit ko sa kanya kung naging mabuting asawa lang siya baka hindi nagtangka na tumalon sa balon si Roa di sana wala ako dito, ngayun paano ako makakabalik sa dating buhay ko. Ibabalik ko sana uli kaso nakita ko na tuwang tuwa ang dalawang abay ko kaya wala na akong nagawa pa. "Salamat sa biyaya na handog ng kamahalan!!" Magkasabay na sabi ng dalawa sumasabay lang ako. "Ipasok na yan lahat." Sabi ni punong yunok Peng sa mga yunok binuhat ng mga ito ang Isang sako ng bigas Isang maliit na sako ng arina Isang garapon ng asin isang galon ng mantika mga gulay Isang basket na itlog isda na nakalagay sa banga na nakababad sa isang banyera na yelo na may asin may yelo din ito sa loob may isa pang banga may mga Karne ito ganun din iyun sa isda may mga buhay na manok pinakawalan Namin iyon tatlo iyun may Isang malaking basket ng Ibat ibang klase ng prutas at Isang basket ng Ibat ibang klase ng bote sabi ni abay Han sabon daw yun at Isang basket naman ng mga bote sabi naman ni abay Han mga panimpla daw yun sa pagluluto binigyan din Sila ng bilog na kahoy na may marka para itong panabit ipapakita daw nila iyun sa kawal pag nais nilang mamitas ng bulaklak na ilalagay sa pampaligo ko. Saka may inabot na isang kahon mga tela ito. Pagkatapos nilang ipasok ang mga Dala nila nagpaalam na si yunok Peng tuwang tuwa na inayos namin ang mga dala nila. "Grabe Lady, ng marinig ko na nandito ang punong yunok Peng sobra ang kaba ko akala ko pinasusundo na tayo ng kamahalan para parusahan kasi lagi mong pinababalik ang mga pinabibigay niya dito yun pala dinaan na niya sa kasulatan para hindi kana makahindi." Sabi ni abay Han habang kumakain Ng mansanas,hindi ko na lang siya pinansin pinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ng ibang gamit. "Akala ko talaga Lady hindi mo na naman tatangapin e." Sabi uli nito "Bat naman hindi ko tatangapin kung nilagay na niya sa kasulatan ibig sabihin karapatan ko na bilang asawa niya yun na dapat noon ko pang natangap." Sabi ko sa kanya.tumango naman ito ng matapos kami nagpahinga na muna kami. "Ginang Sun yung isda saka yung karne gawin natin uli yung ginawa mo dati sa isda na nahuli ko matagal nating nakain yun hindi na sira pero yung karne may alam akong gagawin diyan yung ginagawa namin sa karne sa Bar masarap yun mabili yun sa costumer tumatagal din yun." Sabi ko sa kanila napatanga sila sa akin. "Bar?" Magkasabay na tanong nila. Napakamot ako sa ulo ko hindi nga pala nila alam yun.Lagi na lang ako hindi nagiingat sa sinasabi ko. "Wag niyo na lang intindihin yun." sabi ko at nagsimula ng linisan ang karne ginawa ko itong Ham yung baka naman ginawa kong tapa si Ginang sun naman binilad ang isda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD