Kinabukasan maaga akong nagising pagkatapos namin magalmusal gumawa ako ng oven gamit ang putik at bahay ng anay na kinuha ko pa sa Forbidden forest,pinakuha ko rin ng mga bato sa sapa si abay Han. Ayoko ng pumunta dun baka makita ko pa ang kamahalan at masira pa ang araw ko.
Hapon na ako natapos kaya maaga pa ako nakatulog pag dating ng gabi.
***Haring Xue Lee POV#****
Kanina ko pa hinihintay ang punong yunok na inutusan kong magdala ng mga pagkain at kung ano ano pa sa Yanqui Palace.
"Tinanggap ba ni Lady Shoe ang mga dala niyo? Nagalit ba siya? Pinagtabuyan ba kayo?" Sunod sunod na tanong ko sa punong yunok ng ipatawag ko ito,nalaman ko kasi na dumating na ito.
"Opo kamahalan tinangap niya po ang binigay niyo hindi naman po siya nagalit sa ibinaba niyong utos." Sagot nito na nakayuko,
Napa ngiti ako,nakahinga ako ng maluwag kanina pa ako hindi mapalagay baka kasi lalo lang siya magalit sa akin dahil sa ginawa kong kautusan buti naman pumayag siya sa gusto kong mangyari.
Magaan ang pakiramdam ko buong maghapon lahat ng ulat ng mga ministro binasa ko ng matapos naisipan kong lumabas at maglakad lakad.
Hindi ko namalayan na nasa harapan na ako ng Yanqui Palace at nakita ko siya saktong nasa labas siya ng bahay busy sa ginagawa niya may nilalagay siya sa putik at libang na libang siya sa paghalo nito.
Napangiti ako ng makita na puro putik na ang mukha niya at damit pero hindi niya alintana ito. Kung pagmamasdan siya ngayun malayong malayo siya sa Roa Shoe na nakita kong dumating dito sa palasyo.
"Kamahalan bakit hindi niyo siya lapitan kesa pinagmamasdan mo lang siya sa malayo." Sabi ni General Ren na nakapagpalingun sa akin. Hindi ko alam na pinagmamasdan niya na pala ako.
"Hindi na. Ayaw kong magalit pa siya sapat na sa akin na makitang nasa maayos siya." Sabi ko saka umalis na.
Araw araw bago ako magsimula ng gawain ko pumupunta ako sa malapit sa Yanqui Palace umaakyat ako sa isang puno sapat para makita ko ang bakuran ng bahay niya pag nakita ko siya saka lang ako makukuntento at aalis na.
Paghindi ako nakapunta ng umaga sa hapon ako pupunta.
Maaga pa nasa emperial hall na ako kung saan ginaganap ang mga mahahalagang pagpupulong dito sa palasyo dito din ginaganap ang linguhang pagpupulong ng mga konseho na binubuo ng labing dalawang ministro.
"Pinagisipan ko ang alok ng mga dayuhan sa ating bansa at napagpasyahan ko na tangapin ang inaalok nilang pakikipagkalakalan sa ating bansa dahil pinag-aralan ko ng mabuti ang mga bagay bagay at napagalaman ko na malaki ang maitutulong nila sa ating pangunahing pangangailangan." Paumpisa ko sa kanila
binasa ko ang sulat galing sa mga dayuhan at pinag-aralan ko ng maigi ang kanilang inaalok nitong mga nakaraang araw at naisip ko na maganda naman ito pare pareho kaming makikinabang.
"Kamahalan pagisipan niyo po ang inyong pasya kamahalan!!" Sigaw ng anim na ministro tutol sila sa pasya kung makipag kalakalan sa mga banyaga.
"Buo na ang aking pasya kung sino ang tumututol bigyan niyo ako ng mabigat na dahilan para hindi ituloy ang pakikipagkalakalan sa kanila." Sabi ko uli nanahimik sila.
"Ikaw ministro Shao ano ang dahilan mo sa pagtutol sa pakikipagkalakalan sa kanila.?"
Tanong ko sa unang ministro. Alam ko na unang una ito sa mga lihim na kumakalaban sa akin. Tumayo ito sa gitna.
"Kamahalan maaring may binabalak na masama ang mga banyaga na yan kaya nais nilang makapasok sa ating bansa."
Sabi nito napakunot ang noo ko.
"Meron ka bang pruweba na magpapatunay na may masama nga silang balak laban sa atin?"Tanong ko dito na tahimik ito.
"Kamahalan maaring hindi tulong ang hatid nila sa atin kundi kapahamakan at kaguluhan." Sabi naman ng pangalawang ministro.
"Puro haka haka lamang ang nasa inyong isipan ang nais koy matibay na ebedensiya na magpapatunay na may masama silang binabalak sa atin kung wala kayong maihaharap ay wala ng makakapigil pa sa aking naging pasya."
Sabi ko sa kanila.
"Kamahalan!!" Sigaw nila saka nagsi luhuran.kaya naman tumayo na ako.
"Kung magpapatalo tayo sa ating takot na may sumakop sa atin at hindi tayo magpapalakas balang araw mapagiiwanan tayo at madali lamang nila tayong matatalo sa laban pero kung makikipag sabayan tayo sa kanila at sisikapin na mas maging maunlad at malakas kesa sa kanila maaring magdalawang isip sila na kalabanin tayo.
Kaya bibigyan ko kayo ng dalawang lingo bago sumapit ang kaarawan ng Inang Reyna na magpasa ng ebedensiya na nagsasabi na may masamang balak sa atin ang mga dayuhan na nais makipag kalakalan sa atin babawiin ko ang naging pasya ko. Sa ngayun tinatapos ko na ang ating pagpupulong."
Pagkasabi ko nun umalis na ako sa emperial hall.narinig ko pang nagusap usap ang mga ministro.
Gabi na wala parin akong nasusulat na sagot sa mga ulat na nasa harapan ko walang pumapasoj sa utak ko dahil kanina pa ginugulo ng Lady ang utak ko kaya marami ng nagkakalat na papel sa sahig dahil sa kakalamutak ko sa inis.
Kanina parin mainit ang ulo ko magmula ng lumabas ako ng emperial hall.
"Kamahalan bakit hindi muna kayo maglakadlakad para kumalma kayo."
Hindi na nakapag pigil na sabi ng General Ren kaya huminga ako ng malalim at lumabas ng silid aklatan.
Pinigilan ni General Ren na sumunod ang mga yunok,pumayag naman ang punong yunok dahil alam nila na mainit ang ulo ka kanina pang umaga. Kaya ayaw niyang sila ang mapagbuntunan ng galit ko.
"Kamahalan pupuntahan mo na naman ba ang Lady?" Maya maya tanong ni General Ren na ikinagulat ko hindi ko pala napansin na ang tinatahak kong daan ay ang daan papuntang Yanqui Palace.
"Bakit hindi mo siya puntahan para mapanatag ang isipan mo." Sabi niya ng aktong babalik na ako, alam niya na gumagaan ang pakiramdam ko masilayan ko lang siya kahit sa malayo.
"Siguradong nagpapahinga na siya sa oras na ito." Sabi ko sa kanya at nagpa tuloy sa paglalakad pabalik.
"Kung ganun bakit hindi tayo tumuloy sa kanyang tahanan imbis na sa puno na madalas mong puntahan upang masilayan siya ng malayuan." Sabi naman nito natigilan ako.
"Baka magalit lang siya sa akin pag nakita niya ako." Sagot ko naman sa kanya.
"Bakit hindi mo alamin kamahalan kung galit parin siya o hindi na. Kung yun lang ang makapag papanatag ng yung isipan at damdamin matagal na nung huling magkita kayo siguro panahon na upang magpakita ka muli sa kanya." Sabi nitong muli. Napaisip ako. Buwan na ng huling pagkikita namin hindi kaya tama si General Ren panahon na upang harapin ko siyang muli. Maya maya naglakad na ako papunta sa tahanan ni Lady Shoe
pagdating ko sa tahana ni Lady Shoe sinalubong ako ng dalawang abay.
"Nasan ang Lady niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Natutulog na po sa silid niya." Sabay na sagot nila tiningnan ko lang sila saka naglakad papasok ng bahay dumeretso ako sa silid ng Lady.
Nakita ko na tulog na tulog ito naupo ako sa tabi niya at sumandal sa head board ng higaan habang pinagmamasdan siya.
"Kay amo ng mukha niya parang hindi siya yung binibini na nakita ko sa taas ng puno at sa gitna ng sapa na naghuhuli ng isda gamit ang sibat." Bulong ko sabay ngiti. tinangal ko ang buhok na nakatakip sa pisngi niya marahan ko itong inipit sa likod ng tenga niya ingat na ingat akong magising siya at baka magalit ito pag nakita na nasa loob ako ng silid niya. Hindi naman ako magtatagal nais ko lang makita siya sapat na para kumalma ako. Ng aktong tatayo na ako nagulat ako ng bigla siyang kumilos,kinabig niya ako dahilan upang mapahiga ako sa tabi niya na bigla ako sa sumunod na nagyari yumakap ito sa akin at napigilan ko ang paghinga ko ng tumingin ito sa akin na namumungay pa ang mata, matagal ako nitong tinitigan saka ngumiti at inihilig ang mukha sa dibdib ko saka natulog muli hindi inaalis ang pagkakayakap niya sa akin napa buga na lang ako ng hangin ng malamang tulog na tulog ito.
"nanaginip lang kaya siya O talagang nagising siya at nakita niya ako at hindi na siya galit sa akin." Bulong ko saka umayos ng higa habang ingat na ingat na magising siya sa dib dib ko saka inayos uli ang nagulo niyang buhok saka napapangiti na pumikit at nagumpisang matulog.
*****ROA SHOE POV#****
Maaga pa akong nakatulog napagod ako sa kakabasa ng mga libro na pinadala ng Hari.
"NARITO ANG KAMAHALAN!!" Sigaw ni General Ren sa labas.
Nagulat ang dalawang abay ko,naghuhugas ng pinagkainan namin si abay Han at si Ginang Sun naman ay naghahanda ng tutulugan nila. Magkapanabay na lumabas ng bahay ang dalawa.
"Magandang gabi kamahalan!" Sabay na bati ng dalawa at yumuko.
"Nasan ang Lady niyo?" Tanong ng Hari sa kanila.
"Natutulog na po sa kanyang silid."
Sagot ni abay Han dito na nanatiling naka yuko.
Hindi umimik ang Hari nagtuloy tuloy lang itong pumasok sa loob ng bahay at nagderetso sa silid ko. Nagkatinginan ang dalawang abay at tahimik na nagsibalik sa kanilang ginagawa.
*****
Nagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam ko parang nasarapan ako ng tulog ngayun. Nagderetso ako ng banyo upang magasikaso ng sarili bago ako lumabas at pumunta ng kusina.
"Oh, Lady gising na po pala kayo. Kumain na po kayo." Sabi ni abay Han ng makita ako,nginitian ko lang siya saka naupo na.
Nagulat ako ng mapansin na ang daming masasarap na pagkain ang nakahain sa lamesa.
"Teka kayo po ba Ginang Sun ang nagluto nitong lahat? Ano pong meron bat ang dami ng niluto niyo ngayun?" Nagtataka na tanong ko sa Ginang. Habang nakatingin sa masasarap na pagkain sa lamesa.
"Ay hindi po Lady." Sabi nito napakunot ang noo ko.
"Kung ganun sino ang nagluto nito? Ikaw ba abay Han?" Tanong ko kay abay Han.
"Naku hindi rin po Lady hindi nga po ako marunong magluto kahit maglaga ng kamote hindi ko nga alam e." Sabi nito kaya napa tingin ako sa kanilang dalawa.
"Galing po yan sa Palasyo dala po ni punong yunok Peng." Sagot ni abay Han. Na kinikilig pa.
"Bakit po siya nagdala ng pagkain dito?"
Tanong ko kay Ginang Sun.
"Dito po kasi natulog ang kamahalan kagabi akala po ni punong yunok Peng dito po magaagahan ang kamahalan kaya po dinala niya dito ang agahan ng kamahalan." Sagot nito sa akin napa tanga ako sa narinig. Ang kamahalan dito natulog kagabi?
"Kung ganun saan po natulog ang kamahalan kagabi?" Tanong ko sa kanila,nagkatinginan ang dalawa. Nagtataka sa tanong ko.
"Naku Lady hindi niyo po alam na sa silid niyo natulog ang kamahalan kagabi?"
Tanong ni abay Han na nagtataka.
"Ano!!" Sigaw ko sa gulat sa narinig. Natahimik naman ang dalawa.
"Sira ulo talaga ang lalaking yun ah"
Inis kong sabi saka tumayo at aktong lalabas ako ng silid ng magsalita si Ginang Sun.
"San po kayo pupunta Lady?" Tanong ni Ginang Sun.
"Pupuntahan ko po ang Hari na yun at bibigyan ko siya ng leksyon sa ginawa niyang kalapastanganan. Ang kapal ng mukha niya na pumasok sa silid ko ng hindi nagpapaalam." Galit na galit na sabi ko kay Ginang Sun.
"E Lady di po ba asawa kayo ng Kamahalan, kaya pwede po siyang matulog sa silid niyo kahit kailan niya gustuhin." Sabi ni abay Han kaya na tigilan ako. May punto siya sa sinabi niya.
"Ah basta kailangan ko siyang makausap." Sabi ko na hindi parin naalis ang galit.
"E Lady ano naman po ang sasabihin niyo sa Kamahalan?" Tanong ni Ginang Sun. Natahimik ako saka napaisip ng walang maisip bumalik ako sa lamesa.
"Ubusin natin to lahat masama ang nagsasayang ng grasya." Sabi ko saka naupo at kumuha ng pagkain. Nagkatinginan ang uli ang dalawa.
Kanina ko pa napapansin na pasulyap sulyap sa akin si abay Han. Kaya napatingin ako sa kanya yumuko ito at nagpatuloy sa pagkain.
"Kung may sasabihin ka sabihin mo na hindi yung tingin ka ng tingin sa akin." Sabi ko dito sinamaan naman ng tingin ni Ginang Sun si abay Han. Pero hindi talaga ito nakatiis.
"Kung hindi mo alam na natulog ang kamahalan sa silid mo kagabi Lady, kung ganun tahimik lang siyang natulog sa tabi mo." Sabi nito na malalim na nagisip. Napa kunot naman ang noo ko at napaisip din.
"Kaya pala nagmamadaling umalis ang Kamahalan kaninang umaga,natatakot siguro na makita mo siya sa loob ng silid mo." Sabi nito na tatango tango pa.
"Kaya pala pag gising ko maayos ang pagkakalagay ng kumot ko hindi kagaya ng dati na nasa sahig na ito pagka gising ko." Sabi ko sa isip ko at ng may maalala naginit ang mukha ko.
"Kung ganun hindi pala panaginip yun?"
Sabi ko napa tingin naman sa akin ang dalawa.
"Ang alin po Lady?" Tanong ni abay Han sa akin na nagtataka.
"Ah wala, kumain na tayo at baka mapanis ang pagkain sayang naman."
Sabi ko na lang dito napapailing na kumain na ito.
"Akala ko nanaginip lang ako na nakita ko siya sa tabi ko kayakap ko,Haaays."
Sabi ko uli sa isip ko saka inis na umiling.
Buong maghapon na hindi naalis sa isipan ko ang akala ko panaginip na yun. Inis kong inaalog ang ulo ko para maalis ito sa utak ko.
"Lady bakit po masakit po ba ang ulo niyo kasi kanina niyo papo inaalog ng inaalog ang ulo niyo e ganyan kasi ako pag masakit ang ulo ko minsan pa nga inuuntog ko pa." Sabi sa akin ni abay Han ng lumapit sa akin kanina pa pala niya ako tinitingnan.
"Haay, wala ka bang gagawin bat nandito ka na naman sa tabi ko?"
Inis kong tanong dito kahit kailan talaga wala sa ayos tong si abay Han.
"Sabi ko nga po tutulungan ko si Ginang Sun sa kusina he he." Sabi nito na kakamot kamot pa ng ulo na pumasok sa loob ng bahay,napailing na lang ako.
Kinabukasan nagaalmusal kami ng may sumigaw sa labas. Nung lumabas kami nakita namin na nasa labas si punong yunok Kim.
"Pinabibigay ng Inang Reyna."
Sabi nito saka lang ako napatingin sa katabi niyang dalawang yunok na may hawak ng kahon.
Inabot nila ito kayla Ginang Sun at abay Han. Si punong yunok Kim naman ay may inabot na makintab na sobre sa akin saka nagpaalam na ang mga ito.
Agad na inusisa ni abay Han ang binigay ng Inang Reyna ako naman napapaisip kung bakit binigyan ako ng inang Reyna ng mga yun,.dati naman walang pakialam sa amin ang palasyo bat ngayun kung ano ano ang pinapadala nila sa amin at inimbitahan pa ako sa kaarawan ng Inang Reyna. Haays kaloka.
"Lady may magagamit na po tayo pangpatahi ng damit mo."
Sabi ni abay Han napatingin ako sa kanya.
"Bakit Han yan ba ang ginagamit na pambili at pambayad dito?"
Tanong ko habang nakatingin sa mga pilak na nasa kahon na maliit.
"Opo Lady pati po yung butas na pera."
sagot nito habang binibilang ang pilak.
Naalala ko ang mga nakatuhog na pera sa mga napapanood kong movie ng Korean yun ang ginagamit nilang pambili.ganun din pala dito.
Pagdating ng hapon nagpaalam si abay Han na pupunta ng pamilihan para ipatahi ang mga tela na binigay ng Hari sa akin.
Hindi ako makatulog pagdating ng gabi
isinuot ko ang panlamig na pinadala ng ama ko,gawa iito sa balahibo ng oso.
pinadala niya ito nung isang araw.siguro nalaman niya na natulog sa silid ko ang Hari kaya nagiging mabuting ama sa akin kundi lang kayla Ginang Sun hindi ko tatangapin ang mga pinadala niya sa mga tauhan niya..Haays.
Paglabas ko ng silid ko wala ang mga abay ko.hangang sa lumabas ako ng bahay hindi ko sila nakita kaya naisipan kong maglakad lakad.
Medyo malayo layo na ang nalalakad ko ng mapansin ko ang ibat ibang klase ng bulaklak na nakatanim sa paligid.
"ang ganda naman ng mga ito."
bulong ko saka lumapit sa isang bulaklak at inamoy ito nalibang ako sa kakatingin sa mga to.
*****Haring Xue Lee POV#***
Ilang araw na ang lumipas magmula nung matulog ako sa silid niya habang na kayakap siya sa akin. Nagmamadali ako ng umalis nun sa bahay niya sa takot kung magising siya na nasa silid niya ako. Napa ngiti ako ng maalala ko yun. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko ng ilang araw dahil doon.
napa iling na lang ako. Saka pinagpatuloy ang ginagawa.
Busy ako sa pagbabasa ng mga ulat ng mga ministro ng biglang pumasok si general Ren. magsasalita palang sana ako para tanungin siya kung bakit siya pumasok sa silid ko, ngunit nagmamadaling lumapit ito sa akin.
"Ipagpatawad niyo po ang paggambala ko sa inyo kamahalan." Sabi nito, huminga na lang ako ng malalim. Saka tiningnan siya.
"General hindi ba may pinababantayan ako sayo bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.
"Yun nga po ang pinunta ko dito magbihis po kayo Kamahakan, bilisan niyo po." sabi nitong muli,napa kunot ang noo ko pero bago pa ako makaimik kinuha na niito ang damit ko na naka sibat sa gilid saka isinuot sa akin at nagmamadali akong hinila nito palabas ng silid at dinala sa Harding Manor.
"Bakit mo ba ako dinala dito ng dis oras ng gabi?" Tanong ko kay General Ren.
Pero imbis na sagutin ako binigay nito sa akin ang paborito kong instrumentong pang tug tug. Napakunot ang noo ko.
"Bilisan mo Kamahalan tugtugin mo na yung paborito mong awitin na madalas mong tugtugin." Sabi nito at dinala ako sa lanai at pinaupo.
"Ano bang nangyayari sayo General?"
Inis kong tanong dito kanina pa ako naguguluhan sa kinikilos niya.
"Ano kaba Kamahalan, tumugtug kana malapit na siya dito." Sabi uli nito saka sumilip sa halamanan.
"Sino ba ang parating at gusto mo akong tumugtug?" tanong ko uli sa kanya.
"Sino pa ba, Kamahalan, kundi si Lady Roa nakita ko siya kanina na lumabas ng bahay at malapit na siya dito ngayun."
Sabi niya nataranta ako sa narinig ang lakas ng kabog ng dib dib ko.
"f**k!" Mura ko ang tagal ko na dito sa lugar nato Ngayon lang ako kinabahan ng ganito kahit ilang beses ng nanganib ang buhay ko at ilang beses din akong napa laban pero hindi pa ako kinabahan ng ganito. Ngayun lang.
"Maiwan na kita Kamahalan, ayusin mo para maaliw siya sayo at hindi magalit uli." Sabi nito saka umakyat na ng puno.
napailing na lang ako saka huminga ng malalim at nagumpisa ng tumugtug.
nasa kalagitnaan na ako ng tinutugtug ko ng makarinig ako ng yabag lalo akong kinabahan ng huminto ito di kalayuan sa harapan ko. Lihim ko siyang sinulyapan nakita ko na pansamantalang natigilan ito ng aktong aalis na ito nataranta ako.
"H..hindi mo ba naibigan ang tugtugin ko?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya at saka tumingin ako sa kanya nakita ko na napahinto ito.
"Ipagpaumanhin niyo po Kamahalan kung nagambala ko ang pag tugtug niyo." Marahan niyang sabi saka yumukod na ikinagulat ko hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako ng mahinahon kasi dati rati lagi siyang naka singhal sa akin. Kaya naman nilakasan ko ang loob ko tumayo ako at nilapitan siya. Nakita ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko lihim akong napapikit hinihintay na magalit siya.ng hindi ito umimik nagsalita na ako.
"Hindi ka nakakagambala sa aking pag tug tug Lady." Sabi ko saka lakas loob kong hinawakan siya sa siko nakita kong napapitlag siya sa ginawa ko inakay ko siya papunta sa lamesa kung saan ako tumutugtug.
"Maari mo bang pakingan ang susunod kong tugtugin." Sabi ko sa kanya at nagumpisa na akong tumugtug.
Lihim kong hiniling na magustuhan niya ang tinutugtug ko dahil galing pa ito sa malayong lugar.
lihim akong napangiti ng makitang naiibigan niya ito dahil hindi niya ako binulyawan sa kapangahasan ko imbis tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang pag galaw ng kamay ko. Sobrang lakas ng kabog ng dib dib ko ngayung nasa tabi ko lamang siya.
"Nais mo bang tumugtug?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin nakita ko ang pamumula niya ng magsalubong ang paningin namin agad niyang ibinalik sa kamay ko ang paningin niya.
"ipagpaumanhin niyo po Kamahalan hindi po ako marunong gumamit ng instrumento na yan." Nahihiya niyang sabi saka yumuko. Napangiti ako.
"Wag kang magalaa kung nais moy tuturuan kita." Sabi ko sa kanya saka ako tumayo napatingin siya sa akin at nagulat siya ng pumunta ako sa likod niya lihim akong nangiti ng hawakan ko ang kamay niya at napapitlag siya uli magsasalita sana siya pero inunahan ko na siya.
"Ituturo ko lang sayo kung paano ang tamang pag kalabit sa string saka mo ako sundan sa gagawin ko."
Sabi ko saka ko ginabayan ang kamay niya hindi naman umimik ito. Nagpasalamat ako at hindi ito nagalit sa ginawa ko. Ilang oras kaming nagturuan noong una naiilang pa siya pero bandang huli nagtatanong na siya sa akin. Nakakatuwa siyang turuan ang dali niyang matutu.
Malalim na ang gabi ng matapos kami alam na niyang tugtugin ang paborito kung tugtugin na minsan ko naring narinig na inaawit niya ito.
inihatid namin siya kinakausap siya ni General habang nasa daan ako parang nais kong handugan ng ginto si General Ren dahil sa saya ng nararamdaman ko ngayun baka mayakap ko si General.
pero hindi ako bakla ha.
Sabihin na nating masaya lang ako ngayun. Dahil nakasama ko siya ng Ilang oras na hindi siya nagagalit sa akin. Nakausap at nahawakan ko siya ng hindi ako nabubulayawan niya imbis ilang beses ko siyang nakitang ngumiti sa akin.