****ABAY HAN POV#*** "Narinig niyo ba malapit na ang kaarawan ng mahal na Reyna naka tangap naba ng imbitasyon ang mga Lady niyo." Tanong ng Isang dama. Kasalukuyang naglalaba ng mga damit sila Han sa balon. "Sigurado yun na padadalhan ng Reyna ang Lady ko hindi kagaya sa iba diyan." Sabi naman ng Isang dama at nagtawanan ang mga ito. "Oo naman no. Anong laban niya sa Empress hmm! Pinadalhan na kaya ng ibitasyon ang empress kaninang umaga ng Reyna." Sabi naman nung isa sabay tingin sa lugar nila Han. "Ginang ang daming pinadala ng Reyna na pilak at palamuti sa buhok kasama ng imbitasyon sa kaarawan niya kay Lady Roa nung isang umaga no!!" Malakas na sabi ni abay Han sa Ginang. Nagtinginan ang mga ito sa kanila. "Ano daw ?" Tanong nung isa. "Haay, naku wag niyo na lang intindihin ang

