Chapter 3

1442 Words
"Ma'am, si sir Martin po 'yon 'di po ba? " turo ng assistant ni Daisy sa kanya, sa table di kalayuan sa kinaroroonan nila sa loob ng Korean restaurant na iyon. Napigil ang akma sana niyang pagtayo upang lapitan ang asawa, nang may lumapit na babae roon. Mabilis na tumayo ang asawa niya at nakangiti na pinag-hila ng upuan ang babae. Napalunok siya, hindi siya maaring magkamali. It is Aprille, ang ex-girlfriend ng asawa niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa gawi ng dalawa. "Ah. Um-order na tayo," nakangiti na sabi sa assistant. At pilit na umakto na parang wala lang sa kanya ang nakita, but deep inside of her ay parang ginugula-gulanit sa sakit ang puso niya ng mga sandaling iyon. Kitang-kita niya sa mukha ng asawa niya kung gaano ito kasaya makita ang dating kasintahan nito. Tumayo siya. "C-comfort room lang ako, ah. Ikaw na ang bahala um-order ng kakainin natin," paalam niya sa kasama. Sinadya niya na dumaan roon mismo sa gawi ng dalawa. Her heart is pounding horribly. Malalaki ang bawat hakbang na ginawa niya upang makarating kaagad sa loob ng banyo. Mabilis siya na pumasok sa isang cubicle at ini-locked iyon. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang pagpipigil sa labis na emosyon at sa mga luha na kanina pa gustong pumatak mula sa mga mata niya. Napa-upo siya sa toilet bowl at tinakpan ang bibig upang hindi marinig ng mga tao roon ang pag-iyak niya. Ang sakit-sakit na ni hindi man lang siya nagawang lingunin ng asawa niya. Alam niya na nakita siya nito pero ni isang sinulyapan man lamang kahit na pabalat bunga ay hindi nito ginawa? Ano nga ba ang laban niya sa Aprille na iyon sa puso ng asawa niya? wala... Dalawang taon itong nawala sa paningin ng asawa niya. At ang alam niya ay nag-aboard ito noong araw mismo ng kasal nila ni Martin. Their marriage is quite different from a normal one, at iyon ay dahil siya lang ang nag-eeffort to work their marriage. At ang pinakamasakit ay siya lang ang nag-e-invest ng love...Tahimik siya na humikbi at pinunasan ang mga luha. Hindi siya dapat na magpadala sa pagbalik ng Aprille na iyon sa buhay nila. Siya ang asawa kaya kanya lang ang asawa niya! Hindi man madali para sa kanya dahil alam niya na hindi siya ang laman ng puso ng asawa niya. Pero lalaban pa rin siya para sa pamilya na pinapangarap niya! Ngayon ay mas kailangan niya na pag-ibayuhin ang plano na magkaroon sila ng anak ni Martin. Iyon na lang ang nag-iisang alas niya upang makasiguro siya na hindi mawawala sa kanya ang asawa niya. Kaya mo 'yan Daisy! Ipaglaban mo ang kaligayahan at pagmamahal mo para sa asawa mo! Ngumiti at in-ayos ang sarili. She put red lipstick on her lip and applied make up to her face. At medyo kinapalan niya ang lagay ng red lipstick sa labi niya upang maitago ang sakit sa dibdib niya. Gusto niya na ipakita sa asawa niya na hindi siya apektado na naroon sila sa isang lugar. Kahit kasama pa ang ex girlfriend nito. Sinipat niya ang sarili sa harap ng malaking salamin sa loob ng banyo tsaka t tuluyan ng lumabas. Muli ay sinadya niya na doon dumaan sa gawi ng dalawa. At nang nasa kalagitnaan na siya sa paglalakad sa tapat ng mga ito ay may marinig siya na boses ng lalaki na tumawag sa pangalan niya. "Coach, Daisy?!" Masayang tawag sa kanya ni Nigel. Isa sa mga nag-enrolled sa gym niya a year ago. Matapos ma-achieve ang perfect body nito ay sumali sa modeling career at sa kagandahan palad ay swenerte at nabigyan ng maraming projects. Tumigil siya sa paghakbang at bumaling ng tingin sa likuran. "Nigel!" nakangiti na sabi niya. Inilang hakbang siya ng lalaki at humalik sa pisngi niya. Bahagyang nagulat siya sa ginawa nito. "Kamusta na ang isa sa pinaka sikat na modelo sa bansa?" aniya sa lalaki. Itinaas ni Nigel ang dalawang kamay sa ere at umikot pa upang i-flex ang magandang hubog ng katawan. "Well... Gwapo pa rin!" mayabang na sabi nito. Humalakhak ng mahina si Daisy sa kayabangan ng kaharap. "Well, no doubt, you're very handsome!" aniya. "Of course!" proud na sagot ni Nigel. "Oh, I'm sorry, are you with someone?" tanong nito. "Ah, yes. I'm with my assistant, Athena," "Good. Good, can I join your table?" "Oo naman, ikaw pa eh, malakas ka sa akin," "Malakas ba talaga ako sa 'yo? Hm... parang hindi naman!" biro ng lalaki. "Ewan ko sa 'yo, tara na at nagugutom na rin ako," nagpatiuna siya na lumakad papunta sa table na inuukupa nila ni Athena. Nakangiti na sumunod naman sa kanya si Nigel. Martin gritted his teeth sa gigil sa lalaki na kausap ng asawa niya. Hindi niya mahal si Daisy, pero ayaw niyang nakikita ito na may kasama na ibang lalaki. Kasal pa rin ito sa kanya, at ayaw niya na masira ang pinaka iingatan niya na reputasyon. Awtomatiko siyang napatingin sa kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa nang hawakan iyon ni Aprille. "I still love you, Martin." Ani Aprile sa kanya. Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya at pinakita ang video recorded sa phone. Nanlaki ang mga mata ni Martin sa napanood na video ng isang 2 years old na batang babae. Naguguluhan na tumititig ito sa mga mata ni Aprile. Sandaling nabalot ng katahimikan ang dalawa. Bumaling si Aprille sa gawi ng table nila Daisy, at muling tumitig sa mga mata ni Martin. "Y-you got me pregnant before I went to abroad," panimula na sabi niya. Rumihestro ang pagkabigla sa mukha ni Martin sa sinabi niya. "I'm sorry ngayon ko lang sinabi sa 'yo, actually wala talaga akong balak na sabihin pa sa 'yo ang tungkol dito. But I have too, lumalaki na si Martina. And she keeps on saying your name. Look, I don't want to ruin your marriage. But... but my daughter needs a father. She need you," nangingilid ang mga luha na pagtatapat ni Aprille. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol dito? Aprille? dalawang taon mo sa akin nilihim ang tungkol sa anak ko?!" Galit na tanong ni Martin. "I was too depressed and hurt that time dahil sa panloloko mo sa akin. Kaya ng malaman ko na ikakasal na kayo ni Daisy, I choose to leave para mabawasan ang sakit sa puso ko—" "I want to see my daughter, now!" mariing putol ni Martin sa pagsasalita niya. Umiling siya sa suhestiyon nito. "No. Please, Martin not now," "Bakit hindi?" salubong ang kilay na aniya kay Aprile. "Nasa house nila Mom and Dad si Martina. I call you tomorrow pag nakalipat na kami sa condo na lilipatan namin," "Gusto kong makita ang anak ko ngayon din," giit ni Martin.. Kinuha ni Aprille ang phone na hawak ni Martin at tinawagan ang tagapag-alaga ng anak. Makaraan ang ilang sandali na pakikipag-usap sa telepono ay magkasabay na tumayo ang dalawa at lumakad palabas ng restaurant. Halos mapilipit naman ang leeg ni Daisy sa kakahabol ng tingin sa mga ito. Napalunok siya at kinabahan. Ayaw niya na isipin kung saan pupunta ang asawa niya at ang ex-girlfriend nito. Pero saang lugar nga ba nararapat pumunta ang dalawang tao na sobra nilang na miss ang isa't-isa? Mabilis siya na umiling at uminom ng Juice. Paano kung mag-check in ang mga ito sa hotel upang punuan ang matagal na panahon na hindi nila pagkikita? No! hindi siya papayag! Mabilis siya na tumayo at nagpaalam sa mga kasama sa table. Nanlalambot ang mga tuhod niya habang naglalakad palabas ng restaurant. kasabay nang pagragasa ng samut-saring tumatakbo sa isipan niya. Hindi niya nakakalimutan ang mga nagdaang mga gabi sa pagitan nilang mag-asawa. Noong simula ng pagsasama nila sa iisang bubong, at sa tuwing nalalasing ang asawa niya at sinisipingan siya ay ang pangalan ni Aprille ang namumutawi sa bibig nito. At ramdam niya sa bawat halik at hagod ng mga kamay ng asawa niya sa katawan niya ay para iyon kay Aprille, at hindi para sa kanya. Kaya naman halos sa tuwing sinisipingan siya nito noon ay halos mawasak ang puso niya sa sobrang sakit. Alam niya na mahal na mahal ng asawa niya ang ex-girlfriend nito. Napapikit siya at isinubsob ang mukha sa manibela ng sasakyan. Ayaw niya na magmukhang tanga para sundan ang dalawa kung saang lupalop man ng mundo pumunta ang dalawa. Tinuyo niya ang mga luha at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan. Hanggang kasal si Martin sa kanya ay hindi makukuha ng Aprille na iyon ang asawa niya. At hindi siya gagawa ng bagay na magtutulak kay Martin para hiwalayan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD