Hilam sa sariling mga luha na niyakap ni Daisy ang unan ng asawa niya. Marahan niyang hinagod ang parte ng kama na tinutulugan ng lalaki. At napapikit sa sakit ng nararamdaman. Alam niya na walang balak na umuwi ng bahay ang asawa niya dahil kasama nito si Aprille. Parang sinasakal siya sa sobrang sakit at hindi makahinga ng maayos. Naisip niya, ano kaya ang ginawa ng mga ito sa mga oras na iyon? Magkayakap kaya ang mga ito habang magkatabi sa ibabaw ng kama? At sinusulit ang bawat sandali ng gabi na iyon sa isang mainit na pagsisiping ng dalawa? Alam niya na matagal nang pinakaaasam ni Martin ang muling makasama ang dating kasintahan nito. Kaya naman panigurado na masayang-masaya ang asawa niya sa piling ng babae na totoo nitong minamahal…
“Ang lupit-lupit mo Martin…” Napahagulgol siya ng iyak habang yakap ang unan ng asawa. “Dalawang taon Martin, dalawang taon! Hindi pa ba sapat ang pagiging mabuting asawa ko sa ‘yo para hindi mo ‘ko matutunan mahalin? Ano bang meron ang Aprile na ‘yon na hindi ko kayang ibigay sa ‘yo? May kulang pa ba? Ginawa ko naman ang lahat ah. Hindi naman ako pangit… at sexy rin naman ako! Pero bakit Martin… bakit hindi mo 'ko magawang mahalin at pahalagahan tulad ng pinaparamdam ko para sa ‘yo…” Tila bagyo na ibinuhos ni Daisy ang bigat ng sama ng loob sa unan. Halos um-echo ang lakas ng pag-iyak niya sa loob ng apat na sulok ng kwarto nilang mag-asawa. Iyon ang bagay na hindi niya na paghandaan. Ang muling pagbabalik ni Aprile sa buhay nilang mag-asawa. Ang buong akala niya ay hindi na muli pa ito magpapakita sa asawa niya matapos ang gabi na makipag-usap ito sa kanya.
“Mahal ko si Martin kaya kung ako sa ‘yo ‘wag ka ng umasa pa na mapapaghiwalay mo kami. Hindi ka n’ya mahal. Kaya hindi s’ya magpapakasal sa ‘yo,” nagtitimpi sa galit na sabi ni Aprille sa kanya. Tumaas ang kilay niya sa narinig na iyon. At sino naman ito para sabihin iyon sa kanya?
“Well, hindi ikaw ang dapat na magpasya sa bagay na ‘yan. Si Martin lang—”
“Ako ang mahal n’ya, inagaw mo lang s’ya sa akin!” galit na anito sa kanya.
“Kung mahal ka n’ya eh, bakit n’ya ako sinipingan—”
“Because you seduced him! Nilandi mo lang si Martin at…”
“At what? Huh”
“Ginamit mo ang kalasingan niya kaya may nangyari sa inyong dalawa!” Maring sabi ni Aprille.
Tila nang aasar na humalakhak siya dahilan upang lalong hindi umasim ang mukha ng kaharap. “Kung totoong mahal ka ni Martin, hindi n’ya ako hahalikan, at lalong walang mangyayari sa amin.” Tahasang bwelta ni niya.
‘Hindi ‘yan totoo! Sinungaling ka! Hindi ‘yan magagawa sa akin ni Martin dahil ako ang mahal n’ya!”
Halos umalingawngaw sa kukote ni Daisy ang mga salita na huling binitiwan ni Aprille sa kanya ng gabi na puntahan siya nito sa unit niya wayback time ng nabalitaan nito ang tungkol sa plano ng magulang ni Martin na pagpapakasal nilang dalawa ng lalaki. Mapait niya na pinahid ang mga luha. Tama nga si Aprille, hindi siya ang mahal ni Martin. At araw-araw ay pinamumukha iyon sa kanya ng asawa niya. Pero hindi na niya kaya pang baguhin ang nakaraan… Dahil kung kaya lang niya ay baka… baka sana naturuan niya ang pusong ibaling na lang ang pagmamahal sa ibang lalaki na kayang suklian ang lahat ng pagmamahal at pag-aalaga na ibinibigay niya para kay Martin. Iyong pag-aalaga na ni minsan ay hindi pinaramdam ni Martin sa kanya. Sabagay, bakit nga ba siya aasa pa na magiging ganoon ito sa kanya? Sa laki ng nagawa niya na kasalanan sa lalaki at sa nobya nito ay nararapat lang sa kanya ang magdusa hanggang sa huli. Pero siya ba talaga ang sumira ng masayang relasyon ng dalawa? She can't forget the night she saw Aprile kissing another man. She never ruined their relationship. It was Aprille who ruined it. Pero hindi niya iyon masabi sa lalaki dahil panigurado na hindi naman siya nito paniniwalaan. Kaya naman nang aksidente niya na nasaksihan ang mainit na pakikipaghalikan ni Aprille sa ibang lalaki. Isa ang bagay na iyon sa nagtulak sa kanya na pikutin si Martin. Ang sakit lang talaga na hindi siya paniniwalaan ni Martin sa pagitan nilang dalawa ng kasintahan nito noon. Kung sa tutuusin lang ay dapat na magpasalamat sa kanya si Martin dahil inilayo niya ito sa manloloko na Aprile na iyon! Ang kaso, mahal na mahal ito ni Martin. Kaya kahit anong gawin niya ay malinis sa paningin nito ang Aprile na iyon. Minsan talaga kung sino pa ang nagmamalasakit ay ito pa ang lumalabas na masama sa paningin ng ibang tao.
"Good morning, Coach!" masayang bati ng secretary ni Daisy sa kanya. "Ang aga n'yo po ngayon, ah."
Nginitian niya rin ito at tinitigan kasabay ng malalim na buntong hininga. At Nagdadalawang isip kung dapat ba na isatinig ang laman ng isip niya.
"Coach, okay lang po kayo?"
"Uh, Athena..."
"Yes po, Coach."
"Could you visit her social media account?"
"Sino po Coach?"
Sandali na nagtipa si Daisy sa phone at pinakita kay Athena ang picture ni Aprille.
"Ah, madali lang po 'yan Coach, search lang po natin sa photofinder sa google at makikita natin ang account n'ya,"
"Her name is Aprile Pallore." Anii Daisy.
"Kilala n'yo po Coach?"
Tumango siya. "Yes, ex-girlfriend ng asawa ko," nahihiya na sabi niya.
"Aw! Ginugulo po ba kayo, Coach?" tanong ni Athena habang sinisearch si Aprille sa social media.
"Not really."
"Ay, Coach naka-locked profile eh."
"What do you mean, locked profile?"
"Uhm, sa social media kasi Coach. Pwede mo ilock ang profile mo para hindi makita ng ibang mga tao kung ano man ang ganap sa timeline mo. Bali ang makakakita lang po ng mga post ng Aprille na 'to ay ang mga friends n'ya lang sa account n'ya," paliwanag ni Athena sa kanya.
"I see," tanging nasabi niya.
"Gusto mo po Coach, i-add ko?"
"No!" Hindi pagsang ayon na sagot niya sa idea ni Athena.
"Uh, okay po Coach,"
Natigil ang pag-uusap nila nang sunod-sunod na may pumasok na mga tao sa gym.
"Sige na asikasuhin mo na sila Athena, salamat." Nakangiti na aniya sa assistant.
"Okay po Coach!" sagot nito at mabilis na lumapit upang mag-assist sa mga mag-e-exercise sa gym.