Chapter 5

1942 Words
Pagkatapos ng maghapon trabaho sa gym ay diretso uwi sa bahay si Daisy. Pagkarating niya sa loob ng bahay ay nag paka-busy naman siya sa kusina. She always makes sure that she's done cooking dinner before her husband arrives home. Alam niya na pagod sa trabaho ang asawa niya kaya pagdating nito sa bahay ay hahainan na lang niya ito ng makakain. Nang matapos siyang magluto ay nagpasya na siya na pumasok sa loob ng kwarto at mag-shower muna. Matapos ang ilang sandali sa loob ng banyo ay lumabas siya na nakabalot ang buhok ng towel. Nasa kalagitnaan siya ng pagbibihis nang tumunog ang doorbell. Dali-dali siya na nagbihis at lumakad papunta sa pinto. “Ma,” gulat na bati niya sa biyenan. Binuksan niya ang pinto ng maayos at pinapasok ang ginang. “Napasugod po kayo rito, may problema po ba?” tanong niya kasabay ng pagsara ng pinto. Lumakad ang ginang papasok sa kabahayan at humarap sa kanya. “Kamusta ka? Kamusta kayo ng asawa mo?” puno ng pag-aalala na tanong nito sa kanya. “O-okay naman po kaming mag-asawa —” “She’s back for good,” putol na sabi ng biyenan niya sa kanyang pagsasalita, at pinakita ang post ni Aprille sa phone na hawak nito. WE WERE BACK FOR GOOD! I MISSED YOU PHILIPPINES! I MISSED YOU, YOU… Nahigit niya ang paghinga ng mabasa ang huling nakasaad sa post ni Aprille. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito, at iyon ay ang asawa niya. Nanatili siyang walang kibo sa harap ng kausap. Ginagap ng biyenan niya ang kamay niya at pinisil iyon. “Maging matatag ka hija, alam kong marami ka ng pinagdaan at tiniis sa piling ng anak ko. Kaya no matter what happen ay ‘wag na ‘wag kang papayag na sirain ng Aprille na 'yun ang pagsasama n’yong mag-asawa!” Paalala nito sa kanya. Ngumiti siya sa byenan niya. “Ma, ako pa ba? Syempre naman po. Hinding-hindi ako papayag na maagaw ng babae na ‘yun ang asawa ko, Never!" Nakangiti at matapang na sagot niya. “Tama ‘yan hija. Teka, anong oras ba ang uwi ng asawa mo? Hindi ba dapat ay narito na s’ya sa bahay sa ganitong oras?” kapagkuwan ay tanong nito sa kanya. Napalunok siya sa tanong na iyon. At pasimpling lumakad patungo sa kusina at binuksan ang fridge, at kunwaring may hinahanap na kung ano sa loob niyon. “Ah… baka po may tinatapos lang na trabaho. Alam n’yo naman po ‘yung anak n’yo na ‘yun. Sobrang sipag sa trabaho,” pagsisinungaling na sagot niya. Pero ang totoo ay hindi niya alam kung anong oras u-uwi ang asawa niya, or kung nasaan lupalop ito naroon. “Masipag talaga ang anak ko na ’yan. Manang-mana sa ama n’ya, ‘yon nga lang sana'y pati ang ugali ng ama n’ya na sweet sa asawa ay namana rin n’ya," “Hay nako. Ma, kailan po kaya darating ang araw na ‘yan? Kung pwede nga lang po na hilahin ko ang araw na ‘yan ay ginawa ko na for sure,” “Darating rin ‘yan hija. Magtiwala ka lang. Siyang pala, buntis ka na ba?” Mabilis siya na umiling. “Hindi pa po—” “Bakit hindi? ‘di ba ang sabi ko sa ‘yo tigilan mo na ang pag-inom ng contraceptive pill?” “H’wag po kayong mag-alala Ma, pasasaan po ba’t mabibigyan din po namin kayo ng apo,” nakangiti niya sa sagot sa biyenan. “Ano’ng apo? Mga apo. Dapat damihan n’yo ang gawa ng bata para maging masaya ang bahay ninyo. Kung wala lang akong health problem panigurado na lima ang magiging mga anak ko. Ang kaso wala, si Martin lang ang binigay sa akin ng maykapal…" puno ng panghihibayang na sabi ng biyenan niya. Hinagod niya ito sa likod. "Huwag po kayong mag-alala Ma, sumpong apo ang ibibigay namin sa inyo," biro niya at kinindatan ito. Umaliwalas naman ang mukha ng biyenan niya sa sinabi niya na iyon. "Siguraduhin mo 'yan Daisy ah, sampung apo!" "Opo, Ma, basta si Martin ang magiging ama ng mga magiging anak ko. Kahit isang dosena pa po ang ipanganak ko, kere lang," muling biro niya sa biyenan. Matapos makipag-usap sa biyenan ay inasikaso na ni Daisy ang pag-aayos ng dining table para sa hapunan. "Mm! Ang sarap, perfect! Panigurado na ga-ganahan siyang kumain ng hapunan nito!" Masayang sabi niya matapos tikman ang beef broccoli na isa sa mga paboritong ulam ng asawa niya. Isang beses pa na sinipat ni Daisy ang oras sa cellphone na hawak niya. Pasado alas-dose na ng gabi ay wala pa rin ang asawa niya. Kaya naman napagpasyahan na niya na tawagan ito. Dinial niya ang numero ng asawa ngunit hindi naman nito iyon sinasagot. Malalim siya na buntong hininga, tsaka inisa-isang ligpitin ang mga plato sa ibabaw ng lamesa. Laglag ang balikat na pumasok na pumasok siya ng kwarto. Gusto niyang matulog, pero hindi naman siya dalawin ng antok. Pagod ang isip at puso niya sa sakit na nararamdaman para sa asawa. Inabot niya ang wedding picture nilang mag-asawa. "Hindi kita susukuan, Martin… Mahal na mahal kita kaya hindi kita susukuan…" Sabi niya kasabay ng pagpatak ng mga luha. Naalala niya ang sinabi na sampung anak sa ina ni Martin. Isa nga lang hindi sila magkaroon, sampu pa kaya? Mas lalong dumaloy ang mga luha sa mga mata niya. Sa pag-alala sa masakit na katotohanan na ayaw ni Martin na magka-anak sa kanya. Samu't saring sakit ng puso ang nararamdaman niya ng mga sandali na iyon. Pangalawang gabi ng hindi umuwi ng bahay ang asawa niya. Kaya dalawang gabi na rin siyang walang maayos na tulog. Hindi man sila nag-uusap o di kaya naman ay nagba-bonding mag-asawa sa kama bago matulog.Tulad ng normal na mag-asawa. Nasanay na siyang nasa tabi niya ito sa oras ng pagtulog. Iniyak niya ng iniyak ang lahat ng sama ng loob hanggang sa makatulog siya. Kinabukasan ay pumunta siya sa opisina ng asawa niya para may dala ng lunch. Pero ang secretarya lang nito ang naka-usap niya. "Sa tingin ko po ma'am ay hindi makakain ni sir Martin ang niluto n'yo para sa kanya. Nasa vacation leave po kasi siya," anang secretary ng asawa niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala na paper bag sa narinig, at hindi nakapag salita. "Hindi po ba kayo na-inform ni sir regarding sa vacation leave niya?" "He did, nakalimutan ko lang siguro sa dami ng trabaho ko sa gym," pagsisinungaling niya sa kaharap. "Uhm, I have to go. Thanks!" Nagmamadali niyang tinalikuran ang kausap at mabilis na lumakad patungo sa elevator. Nasa vacation leave ang asawa niya ng hindi man lang nito pinaalam sa kanya? Kahit na ano ang mangyari. Asawa pa rin niya ito! At karapatan pa rin niya na malaman kung nasaan ito o di kaya naman ay kung ano ang mga ganap nito sa buhay. Bubuhayin na sana niya ang makina ng sasakyan nang marinig na tumunog ang phone niya. Parang bomba na sumabog sa harapan niya matapos makita ang mga screenshot na mga larawang pinadala ng secretary niya na si Athena. Morning post iyon ni Aprille kasama ang asawa niya. "It's a wonderful lovely morning with my family! #withdaddy#withyoumylove." She, wrote. Parang isang malakas na ulan na bumuhos ang mga luha niya sa sobrang sakit na makita si Martin na halatang masayang masaya sa piling ni Aprille. Bakit ba ang lupit ng mundo sa kanya? Bakit ba ang hirap ibigay ng tadhana sa kanya ang kaligayahan na pinapangarap niya sa piling ng lalaki na mahal niya? Hindi naman siya masamang tao para danasin ang mga pasakit na iyon… "I told you so, two years ago. Hindi mo na dapat pang inilagay ang sarili mo sa isang sitwasyon na ikaw rin naman ang mahihirapan sa bandang huli. Tinali mo si Martin sa piling mo, na alam mo namang simula't sapol ay hindi ka niya mahal. You make your life miserable. Kaya sayang ang halos dalawang taon ng buhay mo na kasama mo siya dahil hindi ka pa rin niya nagawang matutunan mahalin." Panunumbat sa kanya ng sarili niya. Tinuyo niya ang mga luha at naglagay ng lipstick sa labi. "Hindi ko pa rin isusuko ang asawa ko! Mahal ko siya, kaya sa akin lang siya! Marami na akong tiniis para lang makasama ko siya. Kaya huli na para sumuko pa ako. At Kahit anong mangyari ay hindi ko siya ibibigay sa Aprille na 'yon! Ako ang legal na asawa. Kaya ako lang ang may karapatan sa kanya!" Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa isang private resort sa manila kung saan niya makikita ang asawa. Nang makarating siya doon ay nilapitan niya ang mga ito. Nakuha niya kaagad ang atensyon ni Aprille at nakita niya na bumulong ito kay Martin. Madilim ang mukha na lumapit sa kanya si Martin at hinawakan siya nito sa braso. "What the hell are you doing here?" Galit na tanong nito sa kanya. She barks a little. "Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan? What are you doing here?" Matapang na balik tanong niya sa asawa. "Kung hindi pa ako pumunta sa opisina mo. Hindi ko malalaman na naka-vacation leave ka pala! Martin asawa mo ako, kaya may karapatan akong malaman kung nasaan ka—" "Daddy! Daddy come on, let's go swim!" Napatigil siya sa pagsasalita ng malakas na sumigaw ang anak ni Aprille kay Martin at yumakap ito sa hita ng lalaki. "Come on! Daddy let's go swim!" Muling pangungulit ng bata. "Martina, baby. Let's your Daddy talk first to your tita Daisy, okay." nakangiti na sabi ni Aprille sa anak nito at ngumisi. "But mommy..." Dismayado at malungkot na sagot ng bata sa ina. Binuhat ni Martin si Martina at hinalikan ito sa pisngi. "You go first to your Mommy, and I'll go with you, just a minute Baby," aniya sa bata at binigay kay Aprille. Madiing hinawakan ni Martin si Daisy sa braso ng makalayo sina Aprille. "Aray! ko Martin nasasaktan ako!" Daing ni Daisy sa sakit ng pag kakahawak ng asawa sa braso niya. "Can't you see? I'm having fun with my daughter. Kaya umuwi ka na!" mariing sabi nito tsaka binitawan ang braso niya. "Look, Martin. Wala akong pakialam kahit may anak kayo ni Aprille. Kaya kong tanggapin ang bata. Pero sana naman huwag mo akong balewalain. Sana ipaalam mo naman sa akin kung nasaan ka, para hindi ako nag-aalala sa iyo." "Pwede ba Daisy, Enough of this! Let's stop this unhealthy marriage—" "No! Martin, I'll never let you to be with her. You just saying unhealthy marriage because you make it one to happened. I've done with you, Martin. Handa kong tanggapin ang anak mo. Pero hindi ang pakikipag relasyon mo sa ex mo. Marami na akong tiniis para sa iyo. Kaya kahit anong gawin mo. Hinding hindi ka maagaw sa akin ng ex mo, o ng kahit na sinong babae pa!" Matapang na putol niya sa pagsasalita nito. Nahagip ng mga mata niya na palihim na pinapanood sila ni Aprille. Hindi niya hahayaan na makita nito na naapektuhan siya sa pagbabalik nito sa buhay ng asawa niya. "Okay, I have to go. Have fun with your daughter!" Nakangiti na sabi niya sa lalaki at sinabayan pa ng isang matamis na halik sa labi. Hindi na nakapalag pa si Martin sa ginawa niya na iyon. Habang sa isang banda naman ay nagngingitngit sa galit si Aprille sa paghalik ni Daisy kay Martin. "You will never have my husband, Aprille, never!" Mariing sabi ni Daisy sa sarili kasabay ng pag buhay sa makina ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD