Hindi pa rin tumitigil sa pagkabog nang malakas ang puso ko. Para akong nag-marathon dahil sa bilis nito. Mabilis din akong umalis sa altar kanina at hinila ko talaga si Marya para lang makalayo kami kay Father Lucho. Paano ko ba sasagutin ang sinabi nito sa akin kanina? Lahat ata ng braincells ko ay nag-shut down nang marinig ko 'yong pagtatapat niya. At sa harap pa talaga ng altar! Alam ko namang mali ito at alam ko na kung saan kami hahantong pero bakit hindi ko magawang tumutol? Hindi ko magawang ipagsawalang bahala na lang? Dahil ba sa puso ko ay inaasam ko rin ito?
"Hoy? Ano 'yan? Tulala ka na naman." Nasa labas kami ng simbahan at dumidilim na rin ang paligid. Senyales na malapit na magsimula ang kasiyahan. Hindi pa kasi kami tapos sa paglagay ng mga bulaklak dito sa labas.
"Wala ito, bilisan na lang natin. Nangangalay na kasi ako," sagot ko. Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa gingawa kong pag-organisa sa mga bulaklak.
"Masama ba pakiramdam mo? Namumula ka kasi," nag-aalalang saad ni Marya. Sinipat nito ang noo ko at medyo nagulat pa ito nang gawin niya iyon.
"Mainit ka nga Lena! May lagnat ka. Bakit hindi ka nagsabi?!"
Paano ko malalaman? Para na nga akong mababaliw sa kaiisip sa nangyari kanina eh. Mukhang mababaliw na ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ni Father Lucho habang nagtatapat ng kan'yang damdamin sa akin. Ang perpektong pagmumukha nito habang malagkit akong tinititigan. Sa tuwing naaalala ko iyon ay nanghihina ako.
"Pwede na siguro tayong umuwi Lena. Halika na para makapaghinga ka na," wika ni Marya na nasa tabi ko. Sa wakas ay natapos din kami. Wala naman akong nararamdamang masama sa katawan. Ang init na nakapa niya sa noo ko ay siguro sanhi lang ng pag-iinit ng katawan ko sa tuwing iniisip ko si Father Lucho.
"Okay lang ako Marya, atsaka gusto ko masaksihan 'yong fireworks. Hindi kasi tayo nakadalo no'ng isang taon eh," nakangiting ani ko.
"Paano 'yang lagnat mo?!"
"Okay lang naman ako. Sa pagod lang siguro 'to atsaka ang init din ng paligid eh dahil ang daming tao," mahinang sagot ko sa kaibigan.
Walang nagawa si Marya at nanatili lamang kami rito sa labas ng simbahan. Hindi ko na rin nakita pa si Father Lucho dahil mukhang busy ang lalaki sa loob. Mas mabuti na rin 'yon. Hindi ko rin naman alam kung paano ko siya haharapin sa ngayon. Magiging awkward lang ang lahat sa amin. Pareho lang kaming maiilang sa isa't isa at baka maging dahilan pa ng hindi pagkakaunawaan. Sa mga ganitong bagay ay dapat munang pag-isipan nang mabuti. Hindi naman kasi laro lang 'to. Pari siya at mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang ganito. Nakasalalay ang propesyon at imahe niya rito. Baka nabigla lang si Father Lucho sa nararamdaman niya kaya hindi ko dapat iyon bigyan ng atensyon.
"Lena? You're here!" Mabilis akong lumingon sa may kanang gawi ko at nakita ko nga si Mayor Salcedo at 'yong dalawang bodyguard na lagi-lagi niyang kasama.
"Mayor," nakangiti ko namang bati sa lalaki. Bumati na rin si Marya at bahagya pa itong yumuko.
"I'm so surprised to see you here. Dati-rati kasi kapag iniimbitahan kita ay hindi ka naman pumupunta," ani pa ng lalaki. "Si Father Lucho lang pala ang makakapagpapunta sa'yo."
Nasamid ako at bigla na lamang akong napaubo. Bakit napasali naman agad si Father Lucho sa usapan namin? Alam niya ba na nag-volunteer kami ni Marya sa simbahan?
"Hindi naman Mayor. Hindi kasi kami nakadalo sa mga nagdaang taon kaya dumalo kami ngayon. Atsaka inaabangan ko rin ang pa-fireworks niyo," kinakabahan kong sagot.
"Gusto mo pala ng putukan Lena?" tugon naman ni Mayor na may ngiti sa labi nito.
"Depende sa klase ng putukan Mayor." Hindi naman ako nagpahuli at sinabayan ko rin siya. Ganito naman kasi kami lagi. Lagi-lagi kaming nagbibiruan sa isa't isa.
"Pwede kang sumama sa akin mamaya. Para makita mo ng maayos 'yong fireworks," paanyaya nito. "Nandito nga ako para sunduin si Father, may salo-salo rin sa munisipyo," dagdag pa nito.
"Lena, may salo-salo raw? Punta tayo?" bulong ni Marya sa akin. Napailing na lamang ako. Mukhang mapapasubo na naman ako dahil nakarinig na naman ng pagkain si Marya.
"Susubukan ho namin Mayor," ani ko.
"Sige Lena ha? Aasahan ko 'yan. O siya sige, pupuntahan lang namin si Father sa loob."
Nagpaalam sila at pumasok na sa loob ng simbahan. Naramdaman ko naman agad ang higpit na hawak ni Marya sa balikat ko.
"Lena, please lang. Pumunta tayo. Gutom na gutom na talaga ako."
"Oo na Marya, pero hindi tayo magtatagal do'n ha? Uuwi rin tayo. Nasaan na ba si Berto?" Inilibot ko ang aking paningin para hanapin si Berto. Kanina ko pa kasi siyang hindi nakikita rito.
"Nasa loob si Berto. Tinawag ni Father Lucho kanina. Mukhang may ipapagawa," wika naman ni Marya. Napatango na lamang ako at napaupo sa upuan na nandito sa labas.
Nakakapagod pero nakakagaan ng kalooban. Tuwing fiesta kasi ay nagkukulong lang ako sa kwarto at hindi lumalabas. Hindi ako dumadalo ng mga okasyon dito. Ayaw kong makasalamuha sa iba dahil takot akong makarinig na naman ng masasakita na salita. Kaya imbes na lumabas kami ni Marya ay nagkukulong na lang kami para makaiwas. Atsaka pakiramdam ko hindi naman kami welcome sa ganitong mga okasyon. Ano ba'ng lugar namin sa ganito?
Pumatak ang alas-siyete ng gabi. Nasa loob kami ng munisipyo ni Marya at iginigiya kami no'ng dalawang bodyguard ni Mayor sa loob ng dining hall. Bigla naman akong kinabahan dahil akala ko simpleng kainan lang ang madadatnan namin. Nabigla na lamang ako nang sinalubong kami ng mga bodyguard. Akala ko sa paper plate lang talaga kami kakain. Nasa likod din namin si Berto na nagtataka na rin kung bakit kami nandirito.
"Lena!" masayang tawag ni Mayor sa pangalan ko.
Nanlaki agad ang mata ko nang makita ang mga kasama ni Mayor sa loob ng dining hall! Si Father Lucho at si Samuel. Parehong nakaupo ang dalawang lalaki at sabay rin nila akong tiningnan nang tinawag ni Mayor ang pangalan ko. s**t?! Bakit ganito naman ang setting namin Lord? Kinakabahan ako eh. Mukhang matatae ako sa kaba at nawala 'yong gutom ko.
Nang makalapit ako ay malas pa na sa gitna ako ni Samuel at Father Lucho. Bigla ba naman akong pinaupo ni Marya roon at sila Berto at Marya naman ay nasa kabilang bahagi kung nasaan nakaupo si Mayor. Nasa tapat lang namin sila. Bakt naman kasi nandito ako sa gitna ng dalawang 'to?!
"Ikaw na ang mag-lead ng prayer natin Father," saad naman ni Mayor Salcedo.
Tumago naman si Father Lucho at sabay kaming napatayo lahat. Nanalangin kami at pagkatapos ay kan'ya-kan'ya na ng kain. Bigla namang may naglagay ng buttered shrimp sa plato ko at nakita ko si Mayor na nakangiti. Nilagyan niya pala ng buttered shrimp ang plato ko.
"Ayan Lena, di ba paborito mo ang shrimp?" nakangiting tanong pa nito sa akin. Tumango naman ako at napangiti na rin. Minsan ko na kasing naibahagi sa kan'ya na paborito ko ang pagkain na ito. Hindi niya pa rin pala nakakalimutan iyon.
"Huh? Hindi na pala chicken breast ang paborito mong pagkain?" Lahat ng mata namin ay napatutok kay Samuel nang magsalita ang lalaki. Bigla rin akong kinabahan at nahihiya ako kung bakit niya iyon sinasabi ngayon. Nilagyan pa nito ang plato ko ng isang pirasong fried chicken na breast part.
"Tandang-tanda ko pa kung paano ka katakaw kumain ng chicken breast noon. Nagtatampo ka pa nga kapag nakakalimutan kitang bilhan," dagdag pa ni Samuel at mas lalo akong nawendang.
"Magkakilala pala kayo ni engineer Lena?" nagtatakang tanong naman ni Mayor sa akin. Napalingon ako sa gawi ni Father Lucho at mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang nakakunot nitong noo at ang madilim nitong pagmumukha. Galit ba siya?
"Magkababata ho kami Mayor," sagot ko at alanganing ngumiti. Diniinan ko talaga ang salitang magkababata para malaman ni Samuel na hindi ako komportable sa pinagsasasabi niya ngayon.
"Ah ganoon ba? What a small world!" ani ni Mayor na nasiyahan sa narinig.
Nakahinga ako nang maluwag nang tumahimik na si Samuel sa pagsasalita. Imbes na kumain ako ay hindi na tuloy ako makalunok kahit isang kutsara ng pagkain. Kinakabahan kasi ako at baka ano na naman ang sabihin nitong si Samuel. Habang si Marya at Berto ay walang pakialam. Magana lang silang kumakain na animo may sinalihang contest dahil sa bilis ng pagsubo nila. Napansin ko na lang na may hotdog na nasa plato ko. 'Yong hotdog na natikman ko noong naglakbay kami papunta sa Sitio Mercedes. 'Yong hotdog ni Father Lucho! Este 'yong inihaw na hotdog ng lalaki. Hindi ko naman napansin kung sino ang naglagay kaya nilantakan ko na lang. Tandang-tanda ko pa rin kasi ang lasa no'n. Ang sarap at sumasabog talaga sa bibig mo ang cheese!
Nang matapos kaming kumain ay lahat kami umakyat sa second floor ng munisipyo para makita ang fireworks. Oras na kasi para sa fireworks at tama nga si Mayor dahil maganda nga talaga rito at makikita mo nang maayos ang pagputok nito sa itaas. Nagsimula na silang mag-countdown at noong sumabog na ay siya namang paghila sa akin ng kung sinuman mula sa likuran ko. Hinihila ako nito pababa at nang makita ko kung sino ay kinabahan ako!
"F-father? " nauutal kong ani. Hindi umimik si Father at hindi niya rin ako sinagot. Sa likod kami dumaan dahil walang masiyadong tao roon at binaybay namin ang daan patungo sa simbahan.
"Teka Father, ano 'to?" Walang humpay sa pagkabog ang puso ko at nanginginig na rin ako hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa kaba. Nakukuryente ako sa hawak nito sa kamay ko at sa pinapakita nitong kaseryosohan ay parang mas lalong pinapainit nito ang nararamdaman ko.
"Nagseselos ako," biglang ani nito. Nagulat ako sinabi niya. Natameme ako habang tinititigan pa rin ang likod nito habang naglalakad. Hila-hila niya pa rin ang kamay ko at ako naman ay nagpapaubaya lamang. Hindi ako tumutol at hinayaan lang si Father na hilahin ako. Dahil 'yon din naman ang gusto ng puso ko kahit itanggi ko pa.
"Gusto kong sapakin si Samuel sa mukha at gusto kong ilayo kita kay Mayor. Nagiging makasarili ako Lena pagdating sa'yo. Ayaw kong may iba kang nginingitian!" may galit na ani pa ni Father.
Mabuti na lamang ay walang tao sa simbahan dahil nasa labas ang lahat ngayon. Ang iba naman ay nasa munisipyo kaya malaya kaming pumasok sa loob at dumiretso kami sa kwarto nito. Ini-lock ni Father Lucho ang pinto at napaupo naman ako sa kama. Umabot kami sa simbahan na hindi pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo ni Father Lucho. Madilim pa rin ang pagmumukha nito at nakatayo lamang ang lalaki sa harap ko. Walang imik at tanging tinitingnan lamang ang kabuuan ng mukha ko.
"Alam mo naman siguro Father kung ano itong ginagawa mo ngayon sa akin?" seryosong tanong ko. Sinuklian niya rin ng titig ang tingin ko at nagsukatan kami ng titig sa isa't isa.
"Lucho lang Lena. Call me Lucho," he said.
"O siya sige Lucho, alam mo naman itong ginagawa mo di ba? Delikado ito at pwedeng mawala lahat ng pinaghirapan mo kaya kung hindi ka seryoso huwag mo nang ituloy," banta ko naman sa lalaki.
"Sa tingin mo ay nagbibiro ako? Alam ko kung anong nakasalalay Lena. Gusto kita…" Napatigil pa ito at napailing. "Hindi pala kita gusto dahil mahal na kita! Saksi ang Diyos kung anong ginawa kong pagpipigil. Ngunit hindi ko kaya pang magkunwari. Kung ang tanging paraan para maangkin ka ay ang isakripisyo ko ang propesyong una kong minahal para sa pagmamahal ko sa'yo ay maluwag sa dibdib kong tatanggapin," dagdag ni Father Lucho na ikinaiyak ko. Kung alam mo lang Father, mahal din kita at mukhang hindi ko na rin kaya pang pigilan itong nararamdaman ko sa'yo. Pasensya na Lord, aagawin ko lang sa'yo 'tong alagad mo.