Magdalene[16]

1823 Words
Father Lucho's P.O.V. Magmula nang binisita namin ang Sitio Mercedes ay hindi ko na maikakaila pa ang namumuong paghanga rito sa puso ko para kay Lena. May kakaiba sa kan'ya na sa tuwing tinititigan ko siya ay parang napapayapa ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin, halikan at makasama pero hindi ko magawa dahil sa daang tinahak ko. Pari ako at labag iyon sa tungkulin ko. Hanggang saan ko kayang tiisin ang nararamdaman ko para sa kan'ya? Ang pananabik na mahagkan at maangkin siya ay siyang ngayo'y nagpapahirap sa akin. Lalaki ako at may pangangailangan din at ang makita ang kainosentehan ni Lena ang siyang nagpapawala sa alaga ko sa ibaba. Nag-iinit na lamang ang katawan ko habang laman ng isip ko ang mukha ni Lena. Kahit ang kontrolin ang aking kamay ay imposible na rin dahil kusa na lamang iyong dumidiretso sa naninigas kong alaga. Walang palya sa gabi kong pinagnanasaan si Lena at ang kapalit niyon ay ang gabi-gabing panghihingi ko ng kapatawaran sa Diyos. Kapatawaran sa pagiging marupok at makasalanan ko. Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mukha ni Samuel at ang katotohanan na babae ni Mayor si Lena ay nagpupuyos sa galit ang puso ko. Kinakain ako ng selos at parang gusto ko na lang siyang ilayo rito sa lugar na ito at mamuhay kami ng mapayapa. Am I willing to sacrifice my own dream for her? Kaya ko nga ba'ng bitawan ang propesyong matagal ko ng pinangarap para maangkin lang si Lena? "Wakim…" tawag ko sa lalaki. Si Wakim ay isang kakilala ko sa Maynila. Anak siya ng kasambahay namin at nais din nitong maging pari kaya nandito siya ngayon sakin upang matutunan ang mga bagay-bagay bago siya pumasok sa pag-seseminaryo. "Bakit po Father?" tugon nito. Kasalukuyan kasi kaming nasa hapag-kainan ngayon. Magtatatlong-araw na no'ng umuwi kami galing sa Sitio Mercedes at hindi pa rin ako mapakali. Gusto kong makita si Lena pero hindi ko naman magawa. Kating-kati na akong makibalita kung kamusta siya ngayon at kung anong ginagawa niya. Kung umasta ako ay parang teenager at ss totoo lang nahihirapan na talaga ako. "Nakita kong kinuha mo ang numero no'ng kaibigan ni Lena," ani ko. Kinuha kasi ni Wakim ang cellphone number ni Marya. Inanyayahan ko kasi sila kung pwede bang matulungan nila kami sa darating na fiesta at um-oo naman si Marya kahit mukhang alanganin si Lena. "May kailangan ho kayo kay Marya? Sa susunod buwan pa naman di ba ang fiesta?" Bigla akong kinabahan sa tanong nito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Wakim na gusto kong makuha ang number ni Lena. Napakamot ako sa ulo ko at hindi ako makatingin ng diretso sa kan'ya. Nahihiya akong malaman ni Wakim na interesante ako kay Lena. Ayaw kong isipin ni Wakim na hindi ako seryoso sa pagiging pari at hindi ko ginagalang ang sinumpaan kong tungkulin. Ang hirap magdesisyon at ang hirap labanan ng pag-ibig! "Baka kako pwede mo mahingi ang numero ni Lena," pigil hininga kong saad. Patay-malisya na lamang akong sumusubo ng pagkain nang hindi nito mapansin ang kinakabahan kong mga galaw. Sana nga lang ay hindi niya mahalata ang motibo ko dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag iyon sa kan'ya. "Walang problema Father! Text ko mamaya si Marya," magiliw nitong sagot at nakahinga naman ako nag maluwag. "Salamat," simpleng sagot ko. Nang matapos kaming kumain at dumiretso agad ako sa kwarto at napadasal na naman. Kinuha ko ang rosaryo ko at nagbasa ako ng bibliya. "Oh Diyos ko, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko ngayon. Ikaw at ikaw lamang ang nakakaalam sa magiging hinaharap ko. Patawarin mo sana ako sa pagiging makasalanan ko. Ang ibigin si Lena ay hindi ko kayang pigilin. Alam ko na lahat ng pagsubok na inilalagay mo sa aking mga balikat ay matatagumpayan ko kaya sana ay gabayan mo pa ako lagi. Ituro mo sa akin ang daan at ako'y susunod sa'yo." Pagkatapos kong magdasal ay humiga ako sa kama. May kaluwalhatian akong nadarama pagkatapos kong maiusal ang aking panalangin sa Diyos. Hindi ko hawak ang tadhana, bukas at ang hinarap ko. Kaya ang lahat ng ito ay iniaalay ko na lang sa Diyos. Ang kagustuhan niya lamang ang masusunod at kusa kong tatanggapin ang magiging kahihinatnan nitong nararamdaman ko. "Father…" Isang katok ang narinig ko mula sa pinto. Alam kong si Wakim iyon kaya pinagbuksan ko siya at pinapasok sa loob. "Ito na po 'yong numero ni Lena." Iniabot niya sa akin ang papel at agad ko naman iyong kinuha at itinago sa bulsa. "Sige po Father, alis na po ako. May gagawin pa ako," saad nito at nagpaalam na sa akin. Tumango lamang ako at dahan-dahang isinara ang pinto. Para akong batang nagtatatalon sa tuwa habang tinititigan ang kapipiranggot na papel. May nakalagay na numero roon at agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa may ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama ko at isinave iyon. "Should I text her?" tanong ko naman sa sarili. Ano naman ang sasabihin ko? Good morning Lena, have a great day ahead! Napailing na lang ako at binura ang tinype ko na text. Ang creepy ko naman kapag ganoon di ba? Parang ang pangit basahin tapos hindi niya pa ako kilala. Hi, Lena! Si Father Lucho 'to. Kamusta? Parang ang weirdo naman no'n? Arghhhh! Binura ko ulit ang text message na tinype ko at napasampa ako sa kama. Inilapag ko naman ang cellphone ko sa kama at tinitigan iyon. Nag-iisip ako kung anong dapat na message ang ipapadala ko sa kan'ya. Namamawis ang kamay ko dahil sa kaba. Nababaliw na ata ako. Magpapakilala ba ako o hindi? Tawag na lang kaya?! Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ko naman si Wakim na nasa likod ng simbahan. May ginagawa ata siya sa may bodega dahil may kinakalkal ang lalaki roon. "May kailangan ka Father?" Bahagya pa nitong pinunasan ang pawis sa noo at hinarap ako. Paano ko ba itatanong sa kan'ya kung anong magandang i-text sa babae?! "A-ano kasi, matanong ko lang kung paano ka bumabati sa text?" nahihiyang tanong ko sa kan'ya. Sinulyapan ko si Wakim na napaisip naman sa itinanong ko. "Hindi kasi ako pala-text pero minsan nagpapadala ako ng quotes or mga memes," tugon ni Wakim sa akin. "Quotes? Memes?" nalilitong ani ko naman. "Ganito kasi 'yon Father oh. Mga life quotes o 'yong mga saying ba. Inspirational message atsaka 'yong nakakatawa na mga memes na nakikita ko sa sss," pagpapaliwanag ni Wakim sa akin. "Atsaka hindi na uso ngayon ang text eh, may messenger na kasi." Napatango na lamang ako kahit 'yong ibang sinabi nito ay hindi ko naintindihan. Bumalik ako sa loob ng simbahan at napatambay naman ako sa may altar habang hawak pa rin ang cellphone. Ginawa ko pang background ang Diyos para lang sa i-tetext ko kay Lena. Mapapadalas ata ang pangungumpisal ko nito! Nagiging suki na ako ng kasalanan. Nakonsensya naman akong tumambay sa may altar kaya pumasok ulit ako sa loob ng kwarto ko. Nag-search naman ako ng mga quotes sa google at cinopy-paste ko iyon. Handang-handa na ako i-send 'tong quotes na sineach ko pero binasa ko ulit para makasigurado na rin. To:Lena “If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden.”– Claudia Adrienne Grandi. Pikit-mata kong pinindot ang send button. Halos matapon ko pa ang cellphone ko sa kaba nang tumunog iyon! Nang tingnan ko iyon ay lumabas ang pangalan ni Lena! Nag-reply siya. Agad-agad kong pinulot ang cellphone na nasa kama at excited na binuksan ang mensahe nito. From:Lena Who u? Who u raw? Sino ako? Magpapakilala ba ako o hindi? Mga ilang minutong pakikipag-debate ko sa sarili ko ay napagpasiyahan ko huwag na lang muna. I'll remain her mysterious quotes sender. Wala pa akong lakas ng loob para ipakilala ang sarili ko. Pero lahat ng pagpipigil ko ay naglaho na parang bula. Nang makita ko ulit si Lena ay hindi ko na napigilan ang sarili. Fiesta ngayon at nakita ko siyang nakasuot ng kulay rosas na bestida. Napakaganda niyang pagmasdan at parang gusto ko na lamang siyang itago nang hindi siya makita ng ibang kalalakihan. Kinakain na naman ako ng selos ko kaya dinala ko siya sa may altar para masolo ko siya. Ang tanga ko lang sa part na 'yon na hinila ko siya habang hawak-hawak ang kamay nito. Hindi ko namalayan na pinagtitinginan na pala kami ng ibang tao na nandirito ngayon. Tinitingnan nila kami ng may panghuhusga sa mga mata nila. Lumayo si Lena sa akin at sa tuwing lumalapit ako ay umaatras siya. Para akong tinaga sa puso nang makita ko ang takot nitong ekspresyon sa mukha. Ganito ba ang epekto ng mga tao rito sa kan'ya? Hindi ko alam kung anong dinanas niya noon kung bakit parang takot na takot si Lena ngayon. Inaalipusta ba sila rito? Kumuyom ang kamao ko. Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko at hindi ko maatim isipin kung paano ang turing nila kay Lena rito. Kaya no'ng hinila ako ni Lena papalapit sa kan'ya ay bumigay na ako. I told her the truth. Ang katotohanang pilit kong ibinabaon sa limot. I like her, I really do. Hindi ko mabasa kung anong iniisip ni Lena nang sabihin ko iyon sa kan'ya. Napapikit na lang kasi si Lena at unti-unting naglalapit ang aming mga mukha. Alam ko ay mahahantong kami sa isang halik at ngayon pa lang ay napapangiti na ako. Matagal ko ring pinagpantasyahan ang labi nito at ngayon nga ay matitikman ko na ang tamis at lambot ng labi ni Lena. I can't really explain what I really felt right now. Kinakabahan ako at nag-iinit ang pakiramdam at nararamdaman ko rin ang unti-unting pagkabuhay ng aking alaga sa ibaba. Nang magpapang-abot na sana ang aming mga labi ay siya namang pagsulpot ni Wakim sa kung saan. Kasama nito si Marya na ngayon ay nakataas na ang kilay sa amin ni Lena. Dahil sa gulat ay naitulak ako ni Lena at napaatras naman kami sa isa't-isa. "Ay ano 'yan? Flower arranging pa rin ba ang ginagawa niyo riyan o bahay-bahayan na?" natatawang tanong ni Marya sa amin. Bigla naman akong nalito sa sinabi nito. Arranging? Hindi ba arrangement 'yon? "Shut up Marya. Atsaka arrangement 'yon hindi arranging," sagot naman ni Lena. Namumula ang buong pagmumukha nito at hindi ako tinitingnan. Tumayo si Lena sa pagkakaupo at umalis ang babae at iniwan ako rito sa may altar. Hinatak nito si Marya at napailing na lang ako. That was close! So close Lena, malapit ko nang matikman ang mga labi mo pero mukhang hindi pa ngayon ang tamang panahon. "Father? Bakit ka ngumingiti ng mag-isa?" nalilitong tanong naman ni Wakim sa akin. "Wala iyon, tara na nga." At sinundan nga namin si Marya at Lena na kasalukuyang naglalakad papalabas ng simbahana. "I really like this girl," pepeng ani ng isipan ko habang tinatanaw ang likod ni Lena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD