Magdalene [25]

2091 Words

"Wala ka bang gana, Lena?" Agad nakuha ni Mayor Salcedo ang atensyon ko nang narinig ko ang katanungan nito. Napatitig ako sa mukha ng lalaki at agad napailing. Hindi ko namalayan na naglalakbay na pala sa ibang bagay ang utak ko at nakalimutan ko ang presensya ni Mayor Salcedo. Oras ng trabaho at si Lucho ang nasa isip ko. Araw-araw at oras-oras na nitong sakop ang buo kong utak. Sobrang apektado ang sistema ko sa lalaking 'yon na kahit sa trabaho ay siya pa rin ang inaalala ko. "Pasensya ka na, Leo. Pagod lang," marahang sagot ko sa lalaki. Tinitigan pa ako nito sa mukha atsaka marahang ibinaba sa sofa mula sa pagkakakandong ko sa kan'ya kanina. "Nalaman ko nga 'yong mga nagkalat na mga posters mo noong isang araw. Hinahanap na ng mga tauhan ko kung sino ang nagkalat niyon," aniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD