"Susmaryosep!" pasigaw na wika ni Mother Lily nang makalabas kami ng compound kung saan kami nakatira. Nagulat na lamang kami nang makita ang nagkalat na mga poster sa daan. May mga poster din na nakadikit sa gate at sa mga puno at halaman na nasa labas. Kumuha si Marya ng isa at nakisilip ako kung anong klaseng poster iyon. Nagulat na lamang ako nang makita ko ang sarili kong litrato habang nakakandong kay Mayor Salcedo. Putol ang ulo ni Mayor Salcedo sa litrato habang ako naman ay may suot na manipis na itim na nighties. Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Kitang-kita ang pagmumukha ko sa poster na iyon at may nakasulat pa sa ibaba na, "POKPOK." May malaking ekis din ang pagmumukha ko na masasabi ko talagang malaki ang galit sa akin ng may gawa nito. "Sino na naman kayang anak ni sat

