"Ayon na nga, Father. Nais ko sanang pabendisyunan 'yong bagong bahay namin sa linggo," narinig kong wika ni Mother Lily kay Lucho. Nasa sala kaming lahat. Ako, si Maria, at si Mother Lily ay nasa iisang upuan. Habang si Father Lucho at Wakim naman ay nasa harap namin nakaupo. Magkaharap ang aming mga pagmumukha kung kaya't nahuhuli ko minsan ang panaka-nakang titig nito sa akin. Mabuti na lang talaga at sumaglit ako sa itaas kanina upang magbihis. Naalala ko kasi na halos hubo't hubad na ang damit kong suot kung hindi lang sa jacket na pinahiram ni Samuel kanina. Ayaw ko sanang sumama at makinig pa sa pinag-uusapan nila pero pinatawag ako ni Mother Lily kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumaba ulit at harapin ang lalaking iniiwasan ng puso ko. "Lena? Uhaw na uhaw ka ata ah?" Bigla

