Magdalene[11]

1786 Words
Hindi ko na hinintay pa na dumating si Father dahil umalis na ako ng walang paalam. Hindi magandang ideya ang pamamalagi sa simbahang iyon lalo pa't kaming dalawa lang ang naroon. Paglabas ko ng simbahan ay napakalakas pala talaga ng ulan. Hindi ko rin alam kung anong oras na pero sa hula ko ay nasa alas-singko na rin ng hapon dahil madilim na rin ang kalangitan. Buti na lang ay may dumaang tricycle at nagpahatid na ako sa compound at naabutan ko naman si Marya sa sala na naglalasing at umiiyak. Ano nangyari sa kan'ya? "Marya? Anong nangyari? Bakit naglalasing ka riyan?" agad na tanong ko pagpasok ko pa lang. Napatingin naman ang babae sa gawi ko at malapad na ngumiti habang umiiyak pa rin. "Oh best friend! Shaan ka gawing ha at mukhang ngayon ka wang umuwi?" Hindi na rin maayos ang pananalita nito at gegewang-gewang nang maglakad. Halatang tinamaan na ng alak ang babae at mukhang kanina pa siya umiinom ng mag-isa. Tinulungan ko naman agad si Marya nang kamuntik na matumba. Pinaupo ko ulit siya sa sofa at tumabi ako sa kaibigan. "Alam mo kasi si Berto Lena, alam mo 'yon? Pangit na nga siya, siya pa 'yong may ganang magloko sa aming dalawa." Nagulat ako dahil sa sinabi nito. Ito ba ang dahilan kung bakit nagpapakalasing siya? Dahil kay Berto?! "Paano mo naman nalaman niloloko ka ni Berto?" tanong ko. Umiling si Marya at napahagulhol. "Naabutan ko sa boarding house nito eh. Nagdala lang ako ng kare-kare pero iba na palang putahe ang kinakain nito!" galit na sambit ng kaibigan. "Akalain mo 'yon? Kaka-weeksarry lang namin at pinagpalit ako kaagad?" Dinaluhan ko ang pagdadalamhati ni Marya dahil ako rin mismo ay nasasaktan ngayon. Hindi ko rin alam kung paano ko sisimulang mamuhay ulit lalo pa't nalaman ko rin na ikakasal na si Samuel. Ang lalaking una at huli kong minahal. Kung sana ay may gamot para makalimot ay lumaklak na sana ako ngayon. Sana ngayon ay hindi na ako nagdurusa nang ganito. "Tagay Lena! Mga walang kwenta talaga ang mga lalaki," sigaw pa ni Marya. Nagwawala na ang babae at napapasayaw na ito at kung minsan ay kumakanta na rin. Hindi ko naman nakita si Mother Lily rito sa bahay. Mukhang umalis ito dahil malayang nakakapag-inom ang kaibigan. Strikto kasi pagdating sa ganito at kung maaari ay ayaw niya kaming nag-iinom o naninigarilyo. Lumipas ang isang linggo ay hindi ko na muli nakita pa si Samuel at ganoon rin si Father Lucho. Hindi na rin kasi ako nagsimba kaya hindi ko nakikita ang pari. Ganoon pa rin naman ang buhay ko. Isang beses lang ngayong linggo ako dinalaw ni Mayor Salcedo at inabutan na naman niya ako ng allowance. Malapit na ang fiesta rito kaya nagkan'ya-kan'ya na ang mga ka-baryo namin sa paghahanda. Break na nga'ng tuluyan si Marya at si Berto. Isang linggo na ring broken hearted ang kaibigan at narito kami ngayon sa sala at napag-usapan nga namin ang lalaki. "Sus, mabuti na rin na naghiwalay kami Lena. Singliit lang ng sili 'yong putotoy niya eh. Hindi dapat iniiyakan ang mga gan'yan!" si Marya habang ichinichismis nito ang may kaliitang alaga raw ni Berto. "Maliit pala bakit iniyakan mo?" pang-aalaska ko. Kasalukuyan kaming nag-memeryenda at kasabay niyon ay nagkukwentuhan nga kaming dalawa. "Sa performance kasi eh, hayop talaga. Bawing-bawi sa performance ang loko!" Napatawa na lang ako sabay punas sa pawis ko sa noo. Ang init-init ng panahon kaya nakasando lang ako habang walang suot na bra na ganoon rin naman si Marya. Bigla namang napatitig sa dibdib ko ang kaibigan at umiling ito at bahagya pang sumilip sa sarili nitong dibdib. "Mabigat ba 'yan Lena?" Turo nito sa nagbibilugan kong dibdib. "Ito ba?" Hinawakan ko pa iyon at sinabing, "hindi naman masyado, sanay na kasi ako eh." "Nakaka-inggit ka naman friend. Sinusunod ko naman 'yong sinasabi nila na masahiin daw ang 'yong dibdib kung gusto mo lumusog 'yon pero waley eh. Malnourished yata 'yong akin. Parang balloon na puro hangin ang laman," pagmamaktol nito. Hindi nito matanggap ang sariling dibdib at sige ito sa pag-angal kung bakit daw masyado akong pinagpala. Abay malay ko ba? "Hala sino 'yon?" Nakarinig kasi kami ng katok sa pinto at sabay kaming napatingin sa isa't-isa. "Sige ako na Marya." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagbuksan ng pinto ang kung sinumang nasa labas ngayon. "F-father?!" Hindi ako makapaniwala nang tumambad sa paningin ko ang pagmumukha ni Father Lucho! As usual, nakasuot ng puting polo ang pari at may nakaukit na maliit na ngiti sa labi nito. May isang lalaki itong kasama na nasa likuran naman nito kaya hindi ko ito makita nang maayos. Nakita ko ang pagbaba ng paningin ni Father sa may dibdib ko at nagtaka pa ako kung bakit biglang pumula ang mukha nito at agad nag-iwas ng tingin. Ha? Ano bang problema ng paring 'to? Bakit ba siya bigla-biglang namumula riyan? Highblood ba siya? "Hoy Lena? Sino 'yan?" Nang nakalapit na nang tuluyan ang kaibigan sa pinto ay nagulat din ito sa nakita. Sino ba namang mag-aakala na mapapadpad ang isang uri niya sa lugar na ito? "Hoy gaga, mahiya ka naman. 'Yong dalawang papaya mo ay nakabalandra kay Father." Kung hindi pa ako pinagsabihan ni Marya ay hindi ko maaalala na wala pala akong suot na bra ngayon. Agad akong napatakip sa dibdib ko at binalingan ng tingin ang pari na ngayon ay sa itaas na tumitingin habang mapula pa rin ang pagmumukha. "Father, patingin," ani no'ng isang boses ng lalaki sa likod. "Wakim, magtigil ka nga," nahihiya nitong ani. Nagkatinginan ulit kami ni Marya na ngayon ay pareho na kaming may takip na mga kamay sa dibdib. "Ano ho sa atin Father Mucho?" tanong pa ni Marya. Halos mawindang ako nang marinig kong tinawag ng kaibigan sa maling pangalan ang lalaki. Akala ko ba ay nakuha na niya ang totoo nitong pangalan? Mukhang hindi pa pala talaga. "Pffffttt," pagtawa naman no'ng Wakim na nasa likuran. Agad naningkit ang kilay ni Marya dahil hindi ata nito nagustuhan ang pagtawa ng lalaki. "What's funnying boy?" pag-eenglish nito. At humagalpak na nga ng tawa ang kasamahan ng pari. Napailing na lang ako at pati si Father Lucho ay napangiti na rin sa kagagahan ng kaibigan. "Wakim…" seryosong tawag naman ni Father. "Sorry father," sagot naman ng lalaki. "Pasensya ka na Hija sa kan'ya," panghihingi ng pasensya ni Father sa kaibigan. Nakataas na ang kilay ni Marya habang hindi pa rin nawawala ang pagkabusangot ng mukha nito. "Ano nga ho pala sa atin Father?" pag-uulit kong tanong. May hiya akong nadarama ngayon dahil sa nangyari no'ng nagdaang linggo. Umalis kasi ako nang walang paalam at hindi pa ako nakapagpasalamat. "Kasi Lena may nakapagsabi sa akin na nag-vovolunteer ka raw sa Sitio Mercedes," ani ng pari sa akin. Mahina akong napatango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Hindi ko naman iyon tinatago dahil gawain ko naman talaga iyon buwan-buwan. Every once a month kasi ay umaakyat ako ng bundok para magpunta sa Sitio Mercedes. Nagdadala ako ng mga groceries, school supplies at bigas sa mga katutubo ro'n. Dahil nga wala naman akong ibang kamag-anak ay mas pinili ko na lamang sa mga tao sa Sitio tumulong dahil napakahirap ng kanilang kalagayan do'n. Kung minsan nga ay sumasama si Marya at si Mother Lily sa pag-akyat ko ro'n. It's a one a half day hike mula sa paanan ng bundok which is the baryo hanggang makaabot sa Sitio. Pahirapan pero napaka-fulfilling na makita mo 'yong mga bata na may ngiti sa labi habang binibigyan ko ng pasalubong. Kapag marami-rami kaming dinadala ni Marya noon ay nagrerenta kami ng kalabaw para madala. Kasama namin si Berto sa lagi-lagi naming pagpunta dahil mas mabuti na rin 'yong safe kaming naglalakbay. "Bakit niyo po naitanong 'yon father?" "We need someone who can guide as to go there at 'yong tao na pamilyar na talaga sa kanila. Si Mayor Salcedo ang nagsabi sa akin na lumapit sa'yo." Kaya pala alam nito na ang impormasyon na 'yon. Lagi ko rin kasing sinasabi kay Mayor ang kalagayan ng mga taga-Sitio at 'yon nga ay nagbibigay siya sa akin ng budget buwan-buwan do'n. Kung nakapag-usap na sila ng Mayor, maybe alam na niya ang totoong AKO? Ang totoong Lena na malayo sa naiisip niya sa akin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi nito noon sa akin. Kamukha ko raw si Mama Mary pero ang hindi alam ng lalaki. Kaugali ko si Maria Magdalena. "Kailangan niyo ng assistance ko…? Napatigil ako at napaisip. One week din akong mawawala at walang magiging katulong si Lena kung ganoon. Mahigit limang araw rin kaming mawawala kung sasama ako. Paano ang trabaho ko. "Lena…" Lahat kami ay napalingon sa likuran. Nakita ko si Mother Lily na papalapit sa kinaroroonan namin. "Pasensya na rito sa mga alaga ko father, mukhang nakalimutan ata nilang papasukin kayo. Pasok muna kayo," paanyaya nito sa mga bisita namin. Napahiya naman ako kaagad at pati na rin si Marya. Dahil sa seryosong pag-uusap namin ay nakalimutan kong papasukin ang pari sa loob. "Ayun! Thank you po," masayang ani ni Wakim at nauna pang pumanhik sa loob at umupo. Napakamot naman ng ulo si father at nahihiya naman ito sa inasta ng kasama habang si Marya naman ay parang sniper ang mata na sinundan si Wakim sa pag-upo sa sofa. "Sige father pasok na ho kayo," ani ko na nakangiti. "Ikaw na muna Lena, dapat nauunang pumasok ang mga babae." Dahil sa pagngiti nito ay nagsilabasan ang pantay at mapuputing ngipin ng lalaki. Inalalayan ako ni Father Lucho at may naramdaman na naman akong kuryente sa katawan. Dahil sa simpleng pagdikit lang ng aming mga katawan ay para akong nakililiti na hindi ko maintindihan. Kinakabahan rin ako at para akong matatae. Naalala ko naman 'yong nakita ko noon sa panaginip ko at dahil do'n ay nagkakaroon ako ng malisya sa lalaki na hindi naman dapat. Akmang papasok na ako nang biglang nakarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko. Isang pamilyar na boses ang siyang narinig ko mula sa gate at nang lumingon ako ay nakita ko si Samuel na masama ang titig sa akin at kay Father Lucho. May bitbit itong isang bugkos na puting rosas sa kamay. "Lena…" ulit nitong tawag sa akin. Anong ginagawa ni Samuel dito? "Oh Samuel? Nandito ka na pala? Akala ko mamaya ka pa dadalaw." Sinalubong ni Mother Lily si Samuel at pinapasok sa loob ng gate. Naiwan kaming tatlo na nasa harap ng pinto. Ako na nakatitig kay Samuel habang si Samuel naman ay may nakapukol na masamang tingin kay father at si father na nasa akin lamang ang mga mata. At parang nag-iba na lang ang ihip ng hangin sa pagitan naming tatlo. Ang awkward!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD