Magdalene[12]

1785 Words
"Hey, watch out!" Isang sigaw ang siyang narinig ko mula sa aking likuran. Dahil sa init ng panahon ay bigla akong nakaramdam ng hilo habang binabaybay namin itong maliit na sapa at muntik na ako mawalan ng balanse. Dalawang kamay ang siyang naramdaman kong sumambot sa beywang ko. Kasabay niyon ay ang pagkarinig ko ng isang pag-aalalang boses. "Lena, hey? Nahihilo ka ba?" Lumingon ako at nakita ko si Father Lucho at Samuel na parehong nakatitig sa isa't-isa. Napakunot ang noo ko at umalis sa mga hawak nilang dalawa. Pareho pala nila nasambot ang beywang ko at ngayon ay nakikipagtitigan nga sila sa isa't-isa. Anong trip nitong dalawa? Kahapon ko pa nararamdaman ang pagkayamot nila sa isa't-isa. Nahihimigan kong hindi nila gusto ang kapwa presensya. Kung si Samuel ay maiintindihan ko pa ang ugali ng lalaki dahil may ganito talagang pag-uugali si Samuel noon paman. Pero hindi ko inaasahan ang pinapakita rin ngayon ni Father sa akin. "Hmmm… Kanina pa ako nakaalis, pwede na kayong umayos ng tayo." Sabay namang napalayo ang dalawa sa isa't-isa habang nahihiyang uminom naman ng tubig si Father Lucho. Si Samuel naman ay dumiretso sa akin para e-check ang kalagayan ko. "Okay lang ako, nahilo lang," saad ko. Hindi ko masyadong pinapansin ang presensya ng lalaki dahil na rin sa iniiwasan ko talaga siya. Sa huling pag-uusap namin ay nalaman ko na ikakasal na pala siya kaya wala nang dahilan para maglapit pa kaming muli. "Are you sure Lena? Heto may tubig ako." Akmang ibibigay nito sa akin ang water bottle na bitbit nang lumapit sa akin si Father at inilagay sa palad ko ang hindi pa bukas na mineral water. "Sa'yo na, hindi pa bukas 'yan," aniya atsaka naglakad na uli pabalik kay Wakim. Hindi ko nga alam kung bakit naririto ako ngayon. Kahapon lang ay nasa bahay kaming tatlo at ayon nga humihingi ng tulong si Father na mapuntahan namin ang Sitio Mercedes. Sa kasamaang palad ay kasama pala si Samuel dahil siya pala ang bagong enhenyero ng baryo. Siya 'yong kinuha ni Mayor para ipaayos ang simbahan at inutusan din ang lalaki na pag-aralan ang water system ng Sitio Mercedes dahil next year ay patatayuan ata ni Mayor ng balon para magkaroon na sila ng sarili nilang malinis na mapagkukunan ng maiinom na tubig. "Let's camp here tonight," saad ni Father. Para sa akin ay masyado pang maaga para tumigil kami sa pag-ha-hike baka maabutan kami ng dalawang araw kung hindi kami magpapatuloy sa paglalakad. "Masyado pang maaga Father para ro'n," sagot naman ni Samuel. Nakita kong sumulyap si Father sa kinaroroonan ko bago pa ito nagsalita. "No, magpapahinga na tayo rito." Wala na kaming nagawa kung hindi ang bitawan ang aming mga bitbit na gamit sa may gilid ng sapa. Agad namang lumapit si Marya sa akin na nakataas ang kilay at may nakaukit panunukso sa mukha. "Haba ng hair ah? Anong shampoo mo te?" panunudyo ng kaibigan. "Marya, ano na namang tumatakbo riyan sa utak mo?" pairap kong sagot. "Wala naman, dinaig mo pa kasi sleeping beauty sa haba ng hair mo eh." "Gaga, si Rapunzel 'yon. Mukhang maling disney princess ata ang napanood mo," natatawa ko pang ani. Hindi naman pumayag si Mother Lily na hindi ko kasama si Marya at Berto kaya magkasama ang mag-ex ngayon. Ramdam ko pa ang pag-angal ng kaibigan nang sabihin iyon ni Mother Lily kay Marya. Wala rin namang nagawa ang pagtutol ng kaibigan dahil kasama pa rin namin si Berto ngayon. "Hoy Lena, anong tingin 'yan?" tanong naman nito. Tinitigan ko kasi ang babae dahil gusto kong maki-tsismis sa nangyayari sa kanila ni Berto sa likod. "Wala naman… Baka kako gusto mo mag-share riyan. Kamusta kayo ng EX mo?" Halata naman sa boses ko na pinagdiinan ko ang salitang EX para mas lalo pang inisin si Marya. "Shuta lang! Akala mo talaga kagwapuhan. Tse! Mabuti na lang at nandiyan 'yong kasama ni Father." Tumaas naman ang kilay ko. Kasama rin kasi namin si Wakim na alalay ni Father Lucho. Taga-Maynila rin na gustong mag-seminaryo kaya ipinadala muna rito sa Baryo para alalayan si Father at matutunan ang mga bagay-bagay tungkol sa pagpapari. "Bakit naman napasali sa usapan si Wakim? Close kayo?" "Hindi. Nag-eenjoy kasi akong pag-tripan 'yon," natatawang tugon pa nito sa akin. Napailing na lang ako. Mukhang may bagong biktima ang kaibigan. Goodluck na lang talaga sa pag-seseminaryo ng lalaki. Sinimulan na namin i-assemble ang aming mga tent para may matulugan kami pero dahil bobo kami ni Marya ay hindi namin magawa nang maayos. "Tulungan ko na kayo," biglang sabi naman ni Berto sa amin. Nasa likod ng lalaki si Samuel na nakangiti habang nakatingin na naman sa mukha ko. Inirapan ko siya atsaka tinalikuran. Anong nginingiti-ngiti niya? Sungalngalin ko kaya 'yong ngala-ngala niya para malaman niyang hindi ako natutuwa?! "Ha?! Hoy hindi na. Kung ikaw naman 'yong gagawa ay huwag na!" agad na pagtutol ni Marya. Malaki nga talaga ang galit ni Marya sa lalaki. Dahil mapapansin mo sarkastikong tono nito sa bawat salita na binibitawan niya. "Umay, tinutulungan lang naman eh. Akala mo naman aanuhin," dinig kong sabi ni Berto sa gilid. "Anong aanuhin?! Pwe! Wala ka na talagang ma-aano sa akin," nanggagalaiting sagot ni Marya. Pareho silang napairap sa isa't-isa atsaka napaismid. Oh my! Ang bibitter nila pareho ha? Akala mo naman umabot ng ilang buwan ang relasyon ng dalawa. "Psttt!" sitsit ni Marya. Nakita kong tinatawag nito si Wakim. Kasalukuyan namang inilalabas ni Wakim 'yong mga lulutuin namin ngayon para sa hapunan. "Hoy, Kakim!" And as usual, tinawag na naman ni Marya si Wakim sa maling pangalan. Hindi ko na nga alam kung makakalimutin lang si Marya o severe na ang kabobohan nito. Hindi ko na alam kung ano siya talaga. "Sino ba si Kakim?" tanong pa ni Wakim sa amin. "Bobo, ikaw 'yon." At talagang tinawag pa ni Marya ng bobo si Wakim. Siya na nga itong hindi makuha-kuha ng tama ang pangalan ng lalaki. Wala namang nagawa si Wakim kung hindi ayusin ang tent namin. Nagulat nga rin ako dahil sumunod din si Father at inayos ang tent naming dalawa ni Marya. "Sa'yo na," si Father. May ibinibigay kasing off lotion si Father Lucho sa akin pagkatapos nitong maayos ang tent namin ni Marya. "Hala Father, okay lang po. Huwag na," tanggi ko. "Put some lotion Lena, baka kagatin ka ng lamok at magmarka pa iyan sa katawan mo," simpleng saad ng lalaki atsaka bumalik na ulit sa tent nilang dalawa ni Wakim. "Iba talaga kamandag mo Lena. Atsaka ang yummy ni Father, friend, parang magkakasala ako lagi kapag siya 'yong kaharap ko," malanding bulong sa akin ni Marya. Wala sa sarili kong tiningnan ang off lotion na nasa kamay at hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. Concern ba siya sa skin ko? Arghhh! Father naman, huwag kang gan'yan. Masyadong marupok itong puso ko sa mga pasimpleng gestures mo. Baka makalimutan kong pari ka. Kung tutuusin nga ay kahit naman sino ay malilito sa mga ikinikilos ng lalaki sa akin. He's sending mixed signals at baka ma-mis interpret ko iyon. Ayaw ko mang pansinin pero paano ko pipigilan 'yong kilig ko di ba? Babae lang ako at marupok sa mga tulad niya. Char lang Lord, minus points na naman tayo nito sa langit. Nang matapos na ang lahat sa pag-prepare ng mga tents namin ay nagpaalam kaming dalawa ni Lena na maliligo muna sa ibabaw. Siyempre, kailangan naming maglinis ng katawan. Ang lagkit pa naman sa pakiramdam atsaka pakiramdam ko ay ang baho-baho ko na dahil sa pawis. "Huwag lang kayo lumayo ha? Magdidilim na kasi," nag-aalalang sabi ni Father sa amin. More on sa akin, dahil sa akin lang naman nakatuon ang mata nito na may nakaukit na pag-aalala. Napakaamo pa naman ng mukha ni Father na makokonsensya ka kapag nakikita mo siyang nag-aalala sa'yo. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa titig nito at iniwas ko ang paningin sa kan'ya. Kasalukuyan kaming nagpupunas ng katawan ni Marya nang magtanong ang kaibigan tungkol kay Samuel. "Ikakasal na pala si Samuel Lena?" Hindi ako kaagad nakaimik at napatulala na lang ako. Akala ko hindi na ako maaapektuhan dahil sinisikap ko naman na iwasan si Samuel pero may sakit pa rin pala rito sa puso ko. Iba pa rin pala talaga kapag naririnig ko ang tungkol sa nalalapit na kasal ng lalaki. "Hindi ko alam at… Wala akong pakialam." Alam kong tunog bitter ako ngayon pero anong magagawa ko eh sa ganito talaga nararamdaman ko ngayon. "Relax, usap-usapan kasi kahapon sa may sentro. Pinapakalat ng mama ni Samuel. Galing daw sa mayaman na pamilya ang mapapangasawa ng lalaki," pag-kukwento ng kaibigan sa akin. "Huwag na nga natin pang pag-usapan si Samuel. Atsaka kung magpakasal man siya ay wala na tayo ro'n," saad ko. "Anong tayo? Ikaw lang Lena," tugon ni Marya. Napailing na lang ako. Araw-araw ko namang pinapaalala sa sarili ko na wala na kami kaya wala na akong karapatan pang magalit. Pero sadyang masakit lang talaga dahil kahit matagal na walang kami ay hindi pa rin naghihilom 'yong sugat na tinamo ng puso ko noong iniwan niya ako. Nang matapos kaming maligo ay agad kaming nagbihis dahil sabay-sabay kaming mag-iihaw ng kakainin namin ngayon. Natapos na rin silang magpabaga ng apoy at okay na rin ang mga pagkain na iihawin namin para sa hapunan. Isang simpleng terno na pantulog lang ang isinuot ko habang may suot din akong jacket dahil napakalamig pa naman dito kapag gabi. Napapalibutan kasi kami ng mga kahoy at nasa gilid pa kami ng sapa kaya ramdam mo ang lamig ng kapaligiran. Pabilog lang kamig umupo habang nasa sentro naman ang apoy. Kan'ya-kan'ya kaming nag-ihaw at inuna ko namang ihawin ang isang stick ng pork barbecue. May sawsawan na rin, ang kulang na lang talaga ay 'yong lutong pagkain. "Lena…" Hindi ko alam kung saan ako lilingon dahil nasa magkabilang-gilid ko si Samuel at Father Lucho ngayon. Pareho silang may bitbit na stick ng hotdog at pareho rin nilang tinawag ang pangalan ko. Nalilito ako kung kanino ako sasagot dahil pareho nila akong tinawag. "Sa'yo na ang hotdog ko…" Humagalpak ng tawa si Marya nang marinig namin uli na sabay silang nag-alok ng inihaw na hotdog sa akin. Ang hawak ni Samuel ay 'yong ordnary cheese hotdog 'yong pula na lagi-lagi kong kinakain tapos 'yong kay father naman ay 'yong pang-footlong na hotdog na with cheese rin. Kung ibang tao lang siguro ay iisiping walang malisya 'to pero para sa akin na dirty minded ay magkakaroon talaga. Bakit naman kasi puro hotdog eh! "Hoy Lena? Kaninong hotdog daw kakainin mo?" At tumawa na naman ang bruha. Letse talaga! Kainin ko na nga lang ng sabay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD