HEAVEN SCARLET Hindi ko maitatanggi na nanghihina ako ngayon habang katabi ko siya. Marahil ay hindi ko ito naramdaman noon dahil may amnesia pa ko subalit sa tuwing maaalala ko ang tungkol sa nangyari kanina ay napapalitan ng kirot ang nararamdaman ko. Naguguluhan na tuloy ako kung anong tamang interpretasyon ng nararamdaman ko ngayon. Gusto ko sanang kausapin ang taong katabi ko ngayon, pero hindi ko masimulan ang nais kong sabihin kaya sinubukan ko na lang lumingon sa kanyang direksyon. Mabilis na huminto ang mundo ko nang makitang nakatingin din pala siya sa akin. Nagkatinginan at nagkasalubong ang aming mga mata at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong nagbago ang maliit na kulay itim sa kanyang mata. Bigla itong lumaki. Pero, nabaling ang atensyon ko sa kanyang ibabang

