HEAVEN SCARLET Nagbalik ang isip ko sa realidad nang humagalpak ng tawa ang lalakeng kaharap ko ngayon at saka ako tiningnan ng masama. "Huwag kang magsalita ng hindi mo pa alam. You will never understand the feelings of being like me because you will never reach my position. Stop it, b***h bago ko pa maisipan na patayin kana lang," banta niya bago ako binaba sa lupa at binitawan. Hinihingal akong napaupo sa sahig pagkababa niya sa akin. Habang sunod-sunod ang naging paghinga ko ng malalim ay tumingala ako sa kausap at ngumisi sa kanya. "Know your position, bitch." dugtong niya pa at saka ako tinalikuran at humarap sa mga naglalaban. "Almond, sige na. Tapusin mo na ang ama ni Heaven Scarlet." Inutusan ni Duke si Mist ng hindi tumitingin sa direksyon nito. Kahit nakatalikod si Duke

