HEAVEN SCARLET Pagkatapos namin ni Mist mapatumba si Duke ay agad kaming naghiwalay ng landas. Nagtungo si Mist sa ibang bodyguards para tulungan ang mga ito at ako naman ay nagtungo sa direksyon ni Sun para ako na ang kumalaban dito. Sa lahat kasi ng kalaban ngayon ni Sun, batid ko na ako lang ang higit na nakakakilala at nakakaalam ng kilos at galaw niya. Bago pa kami maghiwalay ni Mist kanina ay tinitigan ko pa siya sa kanyang mata. Ngayon, habang papalapit ako sa direksyon ni Sun ay parang naglaho bigla ang lahat ng takot at pangamba na nararamdaman ko kamakailan lang. Pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng kakaibang lakas simula ng tulungan ako ni Mist. Para bang gumaan bigla ang pakiramdam ko at kahit anong mangyari ay alam kong may mga taong nasa likuran ko lang at handa akong tulun

