HEAVEN SCARLET Muli akong napasigaw nang maramdaman ko na may tumanggal ng kutsilyo sa balikat ko. Naramdaman ko rin na may kumarga sa akin na kung sino. Pinagpawisan ako ng malapot at nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sakit. Nang maglaho ang usok sa paligid ay hindi ko na halos maidilat ang aking mata at nanlalabo na rin ang aking paningin. Gano'n pa man, nagawa ko pa ring masilayan ang taong kumarga sa akin. "Sinabi ko na sa 'yo na isang kabaliwan ang sinasabi mo sa amin noon. Tingnan mo ang nangyari sa 'yo. Trust not only yourself and you'll be hurt? That's bullshit! It's not the true strength and power." Napangiti ako sa sinabi ni Cloud habang karga-karga niya pa rin ako. Kahit na salubong ang dalawang kilay niya ngayon, parang natanggal pa rin ang lahat ng sakit na nararamd

