HEAVEN SCARLET "Good morning! Today, I wake up early dahil gusto kong ako muna ang magluluto at mag-aasikaso ng almusal ninyo ngayon. Have a seat, guys. Let's eat," nakangiti kong bati sa kanila sabay higop ng kape na hinanda ko para sa akin. Naguguluhan man ay sumunod sila pinag-uutos ko. Umupo sila sa kanya-kanya nilang puwesto habang tinitingnan ang mga utensils na ginamit o hinanda ko sa pagkain na nakalagay na sa habag-kainan. "Magandang umaga, aking paru-paro. Tila yata may kakaiba sa mga utensils na ginamit mo ngayon. Hindi na bale. Ito, rosas. Simbolo ng mabulaklak kong pag-ibig sa 'yo." Kumindat sa akin si Thunder pagkatapos bigkasin ang pamatay niyang linya at saka pinatong ang isang piraso ng rosas na kulay pula. Pagkatapos ay umupo na rin siya sa kanyang upuan. Not bad for

