HEAVEN SCARLET Pagkalipas ng kalahating oras ay isa-isang nagsibabaan ang mga bodyguards ko na halatang kakagising pa lang dahil sa ingay na ginawa ko. Pinatugtog ko ng sobrang lakas ang lahat ng speakers sa mansion kaya wala silang ibang choice kundi bumaba. Napangiti ako ng malawak. Ngayong nandito na sila suot ang binigay kong bracelet ay tinigil ko na ang pagpapatugtog. "So, what now?" Humihikab pa si Cloud nang maglakad siya sa direksyon ko habang ang iba ay naghintay na lang sa isasagot ko. "Hmm. . . Let's see. Good morning, everyone! Nakapag-pahinga ba kayo ng maayos? C'mon! Let's eat!" Ngumiti ako sa mga bodyguards ko na tila napagod sa isang mahabang takbo. "Alam ko namang napagod kayong lahat dahil sa pagsasanay na pinapagawa ko sa inyo kaya ako na ang nagluto ng pang-umaga

