HEAVEN SCARLET Muli akong humigop ng paborito kong kape habang nakatingin sa pito kong bodyguards na nakatulala ngayon habang nakaupo sa sahig. "Para kayong mga napagod ng husto. Hindi n'yo naman ginamit ang lakas ninyo sa pagsasanay na 'tin," biro ko sa kanila sabay tawa ng malakas. "Napakasakit ng ulo ko!" humihikbing reklamo ni Rain at hinawakan pa ang parte ng kanyang ulo na sumasakit. "Bakit naman? May sakit ka ba? Bakit hindi mo agad sinabi kanina?" kunwari ay nag-aalala kong tanong sa kanya. "Tsk. You'll never know how difficult your questions for us. Nag-isip kami ng husto para lang masagutan ng tama ang mga tanong mo dahil ayaw naming magkaroon ng punishment at 'yon ang dahilan kung bakit masakit ang mga ulo namin ngayon," singit ni Cloud sabay hawak din sa kanyang ulo. "

