HEAVEN SCARLET "Welcome to Gate of Heaven, everyone" Ngumiti ako sa mga bodyguards ko na halatang kakagaling lang sa isang laban dahil sa mga sugat sa kanilang mukha at maduming pananamit. Wala ni isa sa kanila ang tumugon sa aking pagbati dahil lahat sila ay natuon ang pansin sa mga pinto na nasa aking likuran. Muli akong napangiti nang makita ang iisa nilang expression. "Kakatapos lang namin sa walang kuwenta mong pagsasanay ngayon. Sasanayin mo ba ulit kami?" tanong ni Dark pagkatapos makabawi sa nakita. Mapakla akong natawa dahil sa pinahayag niya. "Don't worry. Hindi muna ngayon. Gusto ko lang ipakita sa inyo ang lugar na ito." Tumatawa kong binalingan si Dark. "Teka lang, Ms Heaven. Ngayon na nasabi mo 'yan, saan sa mansion ba tayo at ngayon ko lang nakita ang lugar na ito?"

