THUNDER GRAY Hindi ko alam kung ilang oras na kong tumatakbo para lang maiwasan ang kidlat na walang sawang sinusundan at pinapatamaan ako. "Ahhh! Ito ba ang ibigsabihan mo, aking paru-paro? You are too harsh!" sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Muling nagbalik sa aking isipan ang sinabi niya. You are the thunderbolt that strikes a zealous blow. Ito pala 'yon. Hindi ko alam kung kanino niya sinabi ang bagay na 'yon at nalaman kong ang mensahe na 'yon ay para rito talaga sa kidlat, pero napansin ko lang habang tumatakbo. Para yatang hindi ako napapagod at kahit napakabilis ng kidlat ay hindi niya ko matamaan. Kung gano'n ay nakatulong pala ang pagsasanay na pinagawa niya sa amin. Akala ko ay malakas na ko bilang isang police officer, pero hindi pa pala. Hindi ko rin maitatangg

