Chapter 6

1203 Words
HEAVEN "Waah! Kuya, ayoko pumuntang hospital!" sumisigaw na saad ko sa aking dalawang kasama kahit na ang totoo ay nasa loob na kami ng hospital. Umiiling na lang ang dalawa sa pinaggagawa ko at napapakamot sa kanilang ulo. Sa tuwing may mapapalingon sa aming pasyente o mga nurse ay yumuyuko silang dalawa at hinihila ako palayo. Sa totoo nga lang ay natutuwa ako sa reaksyon nila. Parang hiyang-hiya silang makasama ako. Haha. "Tss. Nababaliw ka na. Nasa hospital na tayo kaya huwag kang maingay d'yan." Inirapan ako ni Cloud at inayos ang suot na salamin sa kanyang mata. Katulad ng dati ay masungit pa rin ang pakikitungo niya sa ‘kin. Haha. "Oo nga, Ms Xyra. Bawal ang maingay sa hospital." Nginitian ako ni Light at inalalayan ako sa aking paglalakad. Napansin ko na parang baliw na pasyente ang tingin sa akin ng ibang tao sa paligid. Haha. Teka. . . Ms Xyra? Kuya ko sila ngayon, ‘di ba? "Bakit n'yo ba ko dinala rito?" Nagtinginan ang dalawa kong kasama sa aking katanungan at pagkalipas ng ilang segundo ay lumingon silang pareho sa akin. "Hindi ba nang nakaraang araw ay nahimatay ka? Kaya naman-" Nahinto sa pagsasalita si Cloud nang biglang sumingit sa kanyang pananalita si Light. "Hindi ba naghahanap ka ng bodyguards? May kilala kasi kami rito ni Cloud na p'wede mong maging bodyguard." Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa narinig. "Kakilala ninyo? Bakit? Magkakilala na ba kayo ni Cloud bago kita nakilala, Light?" Natahimik ang dalawa sa naging tanong ko. Parang nag-iisip pa sila ng sagot sa aking katanungan, pero pagkalaan ay sabay silang nagbuntong hininga. "Tss. Huwag ka ng magtanong at sumama ka na lang sa amin." Unang nagsalita si Cloud, pero hindi niya sinagot ang tanong ko kaya nakanguso ko. Sumunod na lang ako sa kanila ni Light kahit na parang wala akong alam sa plano nilang dalawa. Bakit gano’n? Ako dapat ang may plano at hindi sila, ‘di ba? "Uy, sasagutin n'yo ang tanong ko o-" Napahinto ako sa pagsasalita nang nangibabaw ang tawag ni Light sa pagitan naming tatlo. "Dahil makulit ka, sasabihin ko na. Oo, nagkakilala kami ni Cloud nang magkaroon ng party para sa mga famous and richest people in the world noon.” Mabilis kong naunawaan ang pinaliwanag ni Light kaya napatango-tango ako rito. "Kaya pala. Eh, sino naman ‘yang kakilala ninyo?" nakangiti kong tanong sa kanila kahit pa may idea na ko kung sino ito. First of all, hindi naman ako sasama sa lugar na ‘to kung wala rin akong pakay sa isang tao. Haha. Mukhang naunahan lang nila kong yayain silang magtungo sa lugar na ‘to. "Malalaman mo rin. Nandito na pala tayo sa office niya.” Lumingon kaming tatlo sa tinuro ni Light na pinto. Kumatok kami rito at agad kaming pinapasok ng tao sa loob. Pagkabukas namin ng pintuan ay nadatnan namin ang isang lalakeng nakaupo sa swelving chair at nakatalikod sa aming direksyon. "It’s nice to finally meet you, Mr Kei Jayke Liam,” nakangiti kong bati sa lalake. Bakas ang pagkagulat sa mga mukha ni Light at Cloud nang bigkasin ko ang pangalan ng lalake. Hindi siguro nila inaasahan na kilala ko ang taong tinutukoy nila. Haha. Unti-onting humarap ang lalake sa direksyon namin. May ngisi pa sa kanyang labi nang tuluyan namin siyang makita suot ang kanyang lab gown at hawak ang isang dextrose. Tumigil ang paningin niya sa direksyon ko at nang mapagmasdan niya ko ay unti-onti ring naglaho ang ngisi sa kanya labi. "Diana-" Hindi natapos ni Kei ang kanyang pananalita dahil katulad nang nauna ay pinutol din ito ni Light. "She is Xyra Ellaiza Chendiz. Siya ang kinukuwento namin sa 'yo." Nabaling ang atensyon ni Kei kay Light at tinitigan ito ng seryoso. Pagkalipas ng ilang sandali ay muli niyang ibinaling ang paningin sa direksyon ko na may ngiti na muli sa kanyang labi. "Hello, Xyra Ellaiza! Ako nga pala si Kei Jayke Liam. Nasabi sa akin nina Reykiel na binibigyan mo raw ng nickname ang nagiging bodyguard mo. So, ano? Ano ng magiging pangalan ko?” Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata ni Kei at sa tono ng pananalita niya ay talagang excited siya sa pangalan na ibibigay ko sa kanya. Hindi na ko nagulat dahil inaasahan ko naman na gano’n ang magiging asta niya. Haha. "Hindi mo ba narinig ang sinabi niya kanina? Kilala kana ni Xyra kaya bakit nagpakilala ka pa, Kei?" Umandar ang pagiging masungit ni Cloud kahit na pagdating kay Kei ngunit isang halaklak ang binigay na tugon sa kanya ni Kei. Sabay-sabay na napaisip ang tatlo nang maunawaan ang sinabi ni Cloud. Mukhang alam ko na ang nasa isipan nila ngayon. Haha. "Kung paano ko nalaman ang pangalan niya ang nasa isip ninyong tatlo, ang masasabi ko lang ay need-not-to-know,” nakangiti kong pahayag sa kanila. I have a lot of secrets and some hiding in the dark, but the greatest question I have is who I am? I know ilang beses ko ng naitanong sa sarili ko ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sagot sa katanungan ko. Natigilan ang tatlo ng magsink-in sa kanilang isipan kung ano ang sinabi ko. Namayani ang katahimikan sa aming apat hanggang sa unang nakapagsalita si Light. "So ano, Xyra? Tinatanggap mo na ba si Kei bilang isa sa mga personal bodyguards mo?" "Oo naman. Kasama siya sa mga-" Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa naalala ko na hindi ko pa dapat sinasabi ito sa kanila. Haha. Muntikan ko ng masabi! Para hindi na nila ako kulitin at tanungin tungkol sa bagay na sasabihin ko sana ay lumabas na lang ako ng office ni Kei. Naramdaman ko namang sumunod silang tatlo sa akin. "Hey, Ms Xyra. Totoo bang nawala ang alaala mo?" Lumingon ako sa direksyon ni Kei nang tanungin niya ko. Naglalakad na kami palabas ng hospital. "Bakit? Hindi ba kayo naniniwala?" nakangiti ko namang banat sa kanya. Sabagay, hindi ko sila mapipilit na maniwala sa akin. Hindi pa naman kasi nila alam ang totoo kong pagkatao. Kaya lang, paano nga naman nila ko makikilala kung ang sarili ko mismo hindi ko alam kung sino ako? Hahaha. "S’yempre naniniwala kami. Ikaw ang nagsabi eh." Ngumiti sa akin si Light. Ngumiti ako pabalik sa kanya. Mabuti naman at naniniwala siya sa akin kahit na hindi pa kami gaanong magkakilala. "Hindi ba? Hindi ba?" dugtong pa ni Light sabay tingin sa direksyon nina Cloud at Kei. Tulad ng inaasahan. Walang naging matinong sagot ang nakuha ni Light sa kanila. Si Cloud ay nag 'tsk' lang tulad ng ibang reaksyon ng mga masusungit na tao habang si Kei naman ay tumawa lang bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Light. Natatawa na lang ako sa mga reaksyon nila. Buti at nagkakasundo pa sila. Samantala, napahinto ako sa paglalakad nang may maramdaman na parang may nakamasid sa aming tao. Inilibot ko pa sa paligid ang paningin ko ngunit wala naman akong nakita o nasilayang kahina-hinalang tao. Nakalabas na kami ng hospital, pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ko na parang may nakamasid sa amin. Hindi ko na lang sinabi ang tungkol dito sa tatlo kong kasama dahil baka matakot pa sila sa buhay nila. Hahaha. Sino kaya 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD