Chapter 5

1217 Words
Heaven Scarlet “Waaahhh! Ano ng gagawin ko? Natulog lang ako ng isang araw ng walang ginagawa kahapon.” Para na kong bata na nagtatrantrums sa dalawang kasama ko, pero silang dalawa ay nakatitig lang sa akin habang naka-poker face. Waley reaksyon ang mga kuya ninyo. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. “Ano naman? Tss. Parang isang araw lang.” Kulang na lang ay irapan ako ni Yvan Payne sa kasungitan niya. Nagpalumbaba siya at binigyan ng pansin ang libro na kanina niya pang hawak. Waah! Ang sungit talaga niya. Bagay talaga ang Cloud na pangalan na binigay ko sa kanya. Haha. “Paano na ang bawat business na pinatatakbo ko? Paano?” Napa-pout ako nang maisip ang tambak na gawain pagkatapos kong makahinga ng isang buong araw. Ayoko talaga sa lahat ay ang mawalan ako ng malay dahil sa iisang dahilan. . . “Hmm. . . Pero, kailangan mo kasi talagang magpahinga dahil sumakit nga ang ulo mo noong isang araw.” Ngumiti sa akin si Light at pinakalma ang pagtatrantrums ko. Inabutan niya pa ko ng panyo kung sakali man na iiyak ako, pero hindi ko iyon inabot dahil baka nagamit na niya. Haha. “Paano naman kung-“ Hindi ko naituloy ang aking pananalita nang bigla na lamang tumunog ang telepono rito sa sala. Dito kasi kami nakatambay ngayon. Naglakad ako sa kinalalagyan ng telepono at personal na sinagot ang tawag. “Hello? Scarlet Residence.” Una pa kong sumagot sa kabilang linya dahil ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa ring nasagot dito. Bakit kaya? Magsasalita pa sana ulit ako ng marinig ko naman ang pagbaba sa akin ng telepono. Waaahh! Binabaan niya ko. Sino kaya ‘yon? Nakasimangot akong bumalik kina Light and Cloud habang iniisip ang caller sa telepono. “Sino raw, Heaven?” tanong ni Light sa akin pagkabalik ko sa aking puwesto. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. “Ewan. Binabaan ako ng telepono eh. Sino kaya 'yon?” “Tss. Baka kamag-anak 'yon ng taong pinatay mo?” Tinitigan ako ng makahulugan ni Cloud. Ang titig niya ay parang may nais sabihin sa akin, pero hindi ko maunawaan kung ano. “Gano’n ba? Kung gano’n ay mas masaya pala.” I gave them a smirk as I reminiscing the scene of what I had done last day. Samantala, nagsalubong ang dalawang kilay nila sa pagtataka dahil sa sinabi ko. Pinili kong bigyan na lamang sila ng isang malakas na halakhak. “Sobrang seryoso naman ng mga mukha ninyo,” biro ko pa sa kanila pagkatapos ay sumilip ako ng pasimple sa librong binabasa ni Cloud. Kaya lang mabilis niya itong iniiwas sa akin at sinamaan niya ko ng tingin. Grabe talaga siya. Malalim na buntong hininga ang tinugon nila sa akin pagkalipas ng ilang sandali. “Magluluto na muna ako ng lunch na 'tin. Maiwan ko muna kayo.” Ngumiti sa akin si Light bago nagtungo sa kusina at sinimulan ang kanyang trabaho. Nais ko pa sanang makipagkuwentuhan kay Cloud at kilalanin pa siya, pero nakatuon na ang buong atensyon niya sa librong kanyang binabasa kaya naisipan ko na lang na buksan ang television at manood ng balita. Pagkabukas ko ng television ay lumawak na agad ang ngiti ko nang makita ang balita na bumungad sa amin. Maging si Cloud ay napatingin sa balita nang marinig kung tungkol saan ang balita. Haha. Hindi umano dalawang lalake na nagngangalang Paolo De Viega at Jhon De Guzman ang nakitang patay sa labas ng SJJH Jail ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang salarin. May nakitang maliit na note sa noo ng dalawang biktima ang mga awtoridad at ito ay nagsasabing Mga Kriminal kami. Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nagiimbistiga ang mga pulis tungkol dito. “Tss. Ang galing mo talaga, Heaven Scarlet. Walang naiiwang bakas o ebidensiya kapag ikaw na ang pinag-uusapan and that’s the reason why you are popular as Heaven Scarlet to the whole world,” pahayag ni Cloud at pinagpatuloy na ulit ang pagbabasa niya. Hindi ko inaasahan ang pagkomento ni Cloud. Remember? Masungit siya. Sasagot na sana ako kay Cloud nang biglang pumagitna sa amin si Light na dala-dala ang niluto niyang kanin pa lang. Nilapag niya ito sa lamesa at umupo sa pagitan namin ni Cloud. Anong problema ng tao na ‘to? “Wow. Heaven, ayos! Wala pang isang linggo, nabalita na agad ang ginawa mo,” nakangiting pagbati sa akin ni Light. Ngumiti ako pabalik sa kanya at pagkatapos ay lumingon ako kay Cloud para sagutin siya sa sinabi niya kanina. “Mali ka, Cloud. Para maging exciting at may thrill, nag-iwan ako ng palatandaan na ako ang gumawa ng krimen.” Muling nabaling ang atensyon naming lahat sa television. Sampung minuto ang nakakalipas. Base sa pag-iimbistiga ng mga pulis, may hinala sila na si Heaven Scarlet na naman daw ang may gawa nito. Sa kadahilanang may naiwang scarlet hair sa damit ng dalawang nasabing biktima. Lumawak ang ngisi sa aking labi nang mapagmasdan ang gulat na pagmumukha ng aking dalawang kasama. “Sa pagkakaalam ko ay may suot kang wig ng mga oras na 'yon at umalis agad tayo kaya paano mo nagawa ‘yon?” naguguluhang tanong ni Light pabalik sa akin. Nabaliwala na namin ang nilutong kanin ni Light dahil sa balita na nakikita namin ngayon. Haha. “Change topic. Ikaw Mr Yvan Payne a.k.a Cloud Black, pumapayag ka ba na maging Mr lawyer s***h body guard ko? Huwag kang mag-alala. Ang choices lang naman ay kung oo o payag ka.” Pinili kong ibahin ang usapan. Ayoko kasing matuto na sila agad nang hindi pa nagsisimula ang pagsasanay na hinanda ko para sa kanila. Haha. Sumeryoso lalo ang mukha ni Cloud at nagbuntong hininga ng malalim. “Tsk. Nagtanong ka pa. Payag ako, pero ikaw ang bahala sa lahat ng plano kung paano mapapanatili ang pagiging good records ko as a lawyer.” Tumango ako bilang pagpayag sa kondisyon na binigay ni Cloud. Parang tumatalon na tuloy sa tuwa ang puso ko dahil sa isang iglap ay dalawang bodyguards na ang mayroon ako. Haha. “Ms Heaven, tulungan mo kong maghanda ng pagkain.” Nagsalubong ang dalawang kilay ko kay Light. Ako kasi ang kausap niya, pero na kay Cloud ang paningin niya. Parang gusto ko tuloy matawa. Haha. “Sure. I will help you to cook as Heaven Scarlet. Remember? Heaven can do anything.” I flip my hair and left them behind. “Wait here, Mr famous lawyer in asia.” Kumindat pa ko kay Cloud back tuluyang dumiretso sa kusina. Sumunod sa akin si Light. “Ms Heaven, sa tingin mo, babalik pa kaya ang mga alaala mo?” Naghihiwa na ko ng sibuyas at nagpapakulo naman ng tubig sa kawali si Light nang tanungin niya ko. “Don’t know. Katulad ng sinabi ko rati, hindi ko na kailangang balikan pa ang nakaraan kung kuntento at masaya na ko sa kasalukuyan.” Ngumiti ako kay Light, pero hindi ako huminto sa ginagawa ko. Hindi na kumibo sa akin si Light nang marinig ang naging tugon ko. Tahimik na lamang niyang pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Nakangiti ako habang naghihiwa ng ilang carrots pagkatapos ng sibuyas at ang katahimikan ay namutawi sa buong silid. Ang tanging naririnig lang ay ang paghiwa ko ng carrots at ang tunog ng kumukulong tubig. Pero ang totoo, pakiramdam ko ay may kailangan akong alamin at balikan tungkol sa nakaraan ko lalo na ngayon na unti-onting nagbabalik sa alaala ako ang ilang fragments memories.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD