Chapter 4

1333 Words
Heaven Scarlet "Anong klaseng look ‘yan? Nag-match pa tayo. Ms nerd and Mr good boy look. Yung nakaraan naka-pretty girl look ka, ngayon nerdy girl." Pinagmasdan niya ang kabuuan ko. Nakasuot ako ng mahabang palda, long sleeves na kulay puti, malaking salamin na kulay itim. Kinulot ko rin ang buhok at binuhaghag. Siya naman ay nakaitim na slacks, long sleeves din na kulay puti, at nakasuot din siya ng makapal na salamin katulad ko. Messy ang hair style niya kaya nagmukha rin siyang nerd. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa dahil sa reaksyon niya. Parang nawiwirduhan na kasi siya sa akin eh. Haha. “Tsaka, bakit kailangan pa na ‘ting sumakay sa bus kung may mga kotse naman tayo?"tanong niya pa. Med’yo hininaan niya na ang pagtatanong sa akin dahil nakasakay na nga kami sa bus. Magkatabi kaming naupo sa pinakadulo ng upuan since doon lang ang available seat. "Ah. . . Eh. . . K-kuya, ayoko na sa eskwelahan na ‘yun. Lagi nalang akong inaasar ng mga kaklase ko. Kuya, parang. . . parang ayoko ng mag-aral." Nagkunwari akong naiiyak. Nilakasan ko rin ang boses ko para makuha ang attention ng mga tao na kasama namin sa loob ng bus. Palihim akong napangiti ng magsilingon ang iba sa direksyon namin. Si Light naman ay nagtaka sa inasta ko. Sino ba naman kasing hindi magtataka, 'di ba? Nagkaroon siya bigla ng kapatid ngayong araw. Hahaha. Pinarating ko sa kanya sa pamamagitan ng tingin na maki-go- with-the-flow nalang siya sa akin. Nang-una ay naguluhan siya sa gusto kong iparating, pero sa huli ay sinunod nalang niya ang pag-acting ko. Wala kasi siyang magagawa dahil ako ang amo. Hahaha. "Pasensiya ka na.Hindi kita lagi naipagtatanggol. Patawad dahil wala akong kuwentang kapatid sa 'yo." Napansin ko ang pagbabago ng tono ng boses niya. Mukhang nakukuha na rin niya kung paano i-acting ang gusto kong character. Haha. Hindi ako nagkamali nang kuhanin ko siya bilang isa sa mga bodyguards ko. Ngumiti ako ng palihim kay Light. Nang magawi ang paningin ko sa bintana ng bus ay may nakita akong isang mas kapana-panabik na bagay. Mas lumawak ang ngiti ko at hindi na naalis ang paningin ko rito. Siya na nga siguro ang taong 'yon. Yehey! May nakita na kong isa pa. Dahil sa tuwa ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko patayo si Light. Dinala ko siya malapit sa pintuan ng bus, sa tabi ng driver at pagkatapos ay sumigaw ako ng malakas. "Para na po! Bababa na po kami! Kailangan na po naming bumaba ng kuya ko dahil nakita na namin ang nawawala naming nanay!” Nakita kong nataranta ‘yung driver ng bus at agad na inapakan ang break dahil sa pagsigaw ko. Napasubsob ang lahat ng pasahero ng bus dahil sa biglaang paghinto nito, pero ako ay nanatiling nakatayo lang habang si Light naman ay humawak sa may upuan ng bus para hindi matumba. "Bumaba ka na, Miss at habulin mo na ang iyong nanay!" tugon ng driver sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya at mabilis na bumaba ng bus habang hila-hila pa rin si Light na nakasimangot na dahil sa paghila ko. Tumakbo kami sa direksyon ng mga taong nakita ko kanina. Naabutan namin ang ilang lalake na pinapalibutan ang isang lalake na naka-uniforme. May hawak itong suitcase kaya sa tingin ko ay isa itong private lawyer. "Ikaw ba ang may hawak ng kaso ng pamangkin naming si Rosales?" "Oo. Bakit? Pakialam mo?" sagot naman ng taong tinanong niya. Mga ilang metro nalang ang pagitan namin ng taong nakita ko kanina habang papalapit kami sa kanya ni Light. "Kung gano’n, dapat ka na naming iligpit." Napangiwi ako nang mapagmasdan ang isa pang lalake na mataba habang nakatitig ng masama doon sa lawyer. "Iligpit? Hindi naman ako bagay para iligpit. Tao ako at ang tao hindi nililigpit. Tandaan mo ‘yan." Muntikan na kong matawa ng malakas dahil sa naging sagot ng lawyer. Tiyak magkakasundo sila ni Light. Well, maybe a little? At nang sa wakas ay nakalapit na kami sa kanila ay agad akong sumingit sa usapan nila. Tumawa ako ng malakas dahil hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. “Ang dami kong tawa, mga apat? Tama ang sinabi mo, Mr Lawyer pero natatawa talaga ako tungkol sa ilipit thing.” Napahawak na ko sa aking tiyan dahil hindi ko na mapigilan ang oxygen na pilit kumakawala sa aking katawan. Hahaha. Napalingon silang lahat sa direksyon ko. Napansin ko pang bahagyang nagulat ang abogado pagkakita sa akin. Parang pinaghalong takot at pagkabigla ang expression ng kanyang mukha. "Sino ka?" Unang nakapagtanong sa akin 'yung matabang lalake. Sa sobrang liit ng mata niya ay para na siyang nakapikit habang tinitingnan ako ng masama. Hahaha. "Pasensiya na, hindi ako sinuka ng kung sino mang nanay ko. Isa pa, hindi mo na kailangan pang malaman ang pangalan ko dahil sa bilang kong tatlo, mabubura na kayo sa mundong ito. Ano? Sisimulan ko na bang mag bilang?" I flush a sweetest smile and flip my curly hair. Kaya lang humina yata ang charisma ko sa kanila dahil bumunot ng kutsilyo 'yung matabang lalake at sinugod ako. Papatol talaga siya sa babae? Bakla yata 'to eh. Hindi ako natinag sa dala niyang kutsilyo. Hindi ako umalis o gumalaw man lang sa kinatatayuan ko. Nang sasaksakin na niya ko gamit ang kutsilyo ay pinigilan ko siya gamit ang kakaiba kong ballpen na kulay pink. Matapos kong sanggain ang pag-atake niya ay ako naman ang umatake. Ngumiti muna ako ng mapang-asar sa kanya at saka inapakan ang paa niya. Namilipit siya sa sakit, pero binalewala ko lang 'yon at tinadyakan siya sa may batok. One down. . . Napaatras ang isa sa kasamahan nang matabang lalake dahil sa ginawa ko. Ngumiti lang ulit ako ng mapang-asar dito sa patpating lalake at hinagis sa kanya ‘yung ballpen na hawak ko. Sapul! Natamaan ko siya sa leeg. Nagsulat ako ng note katulad ng ginawa ko rati at idinikit iyon sa biktima. Tumingin ako sa direksyon nang lawyer kasama si Light. Gulat, takot at pagkamangha ang nabasa ko sa kanilang mukha na akin namang ikinatuwa. I notice that they are still both in the midst of shock, so I clap my hands to get their attention. "Hello, Mr lawyer. Ako nga pala si Xyra Elaiza Chendiz a.k.a Heaven Scarlet and you are? What's your name?" Isang normal na ngiti ang binigay ko roon sa abogado at nagwave ako ng kamay bago ako lumapit sa kanilang dalawa ni Light. Nang makalapit ako sa direksyon nila ay nagtataka akong tinitigan ni Mr Lawyer. "Xyra Elaiza? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo dati pa na-" Nahinto ang kanyang pananalita nang maramdaman niya ang kamay ko na nakahawak na sa kamay niya. Panandalian siyang nabigla, pero mabilis din namang bumalik sa dati ang expression ng mukha niya. "Tara na, Mr lawyer or should I call you Yvan Payne?" Ngumiti ulit ako sa kanya ng malawak. "Oo na. Sasama na ko. Bitiwan mo na ang kamay ko." Umiwas siya ng tingin sa akin at talagang iniwasan niya na matitigan ako. Bakit kaya? May nakakatawa ba sa pagmumukha ko? Makapag-salamin nga mamaya. Haha. Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Hindi ko binitiwan ang kanyang kamay ay hinila siya pauwi sa mansion kasama si Light na nakasunod lamang sa aming likuran. Yehey! Dalawa na ang bodyguards ko. Lima nalang. 'Grabe. Bukod sa ang gloomy ng hitsura niya, ang pangit pa ng ugali niya. Kaya nga lahat ng tao nilalayuan siya eh.' Natigilan ako sa paglalakad ng biglang may hindi kilalang boses ang pumasok sa utak ko. "Aahh! Ang sakit ng ulo ko! Parang sasabog!" Napasigaw na ko dahil sa sakit ng aking ulo. Para siyang mabibiyak na buko. Naalarma ang dalawa kong kasama at inalalayan ako. Hanggang sa unti-onting nagdilim ang paningin ko ngunit bago 'yon, napansin kong nagtinginan ang dalawang kasama ko at tila nangungusap ang kanilang mga mata nang makita ang nangyari sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD