Chapter 3

1002 Words
Heaven Scarlet  Napapoker-face ang mukha ko habang sinusundan ng tingin ang bago kong makakasama sa mansion. "Psst. Tinatanong ko kung ano bang trabaho ang mayroon ka?"tanong ko ulit kay Reykiel na nais kong pangalanan bilang Silver Light. Hanggang ngayon kasi naaamaze pa rin siya sa mga bagay na nakikita niya rito sa bahay kaya hinayaan ko nalang siyang magmasid muna dito sa first floor. Bumuntong hininga ako ng malalim. First floor palang ang nakikita niya, paano kaya kung makarating pa siya sa second, third at forth floor ng bahay? Tama kayo ng pagkakabasa. May forth floor nga ang bahay na ito at secret muna kung anong mayroon doon. Haha. "Isa akong sikat na chief sa buong Asia at nang makita mo ko kanina, may mga taong gustong dumukot sa akin para manghingi ng malaking halaga ng pera sa mga relatives ko. Buti na nga lang at nakita mo ko, pero hindi ko talaga akalain na ang taong magliligtas sa akin ay sikat at kilala ang pangalan sa buong mundo." Isang kakaibang tingin ang ipinukol niya sa akin. Sa tingin ko nga ay may nais siyang itanong sa akin na hindi masabi-sabi ng kanyang bibig. Ano kaya ang bagay na 'yon? "Kung gano’n. Ikaw pala ang magiging kusinero ko dito sa bahay.” Tumawa ako ng malakas at pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti. "Hanggang kailan ka ba magkukunwaring walang alam?" Biglang sumeryoso ang tono ng kausap ko kaya pansamantala akong nagtaka. "Huh? Ah, oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin na wala nga pala akong alaala sa nakaraan ko kaya binago ko nalang din ang pangalan ko." Malungkot man ang bagay na aking pinahayag ay hindi pa rin nawala ang ngiti sa aking labi. "Ayaw mo na bang maalala ang nakaraan mo?" tanong niya ulit sa akin. "Kailangan ko pa bang bumalik sa nakaraan kung masaya at kuntento na ko sa kasalukuyan?" tanong ko rin sa kanya. Nahawa na rin tuloy ako sa nagsusumigaw niyang expression ngayon. Ang seryoso niya talaga. Hmm. . . Natigilan naman siya dahil sa sinagot ko. "Magluluto na ko ng hapunan na 'tin." Tumayo siya at muling lumingon sa akin. Nandito nga pala kami sa sala ngayon. Mas lalo akong napangiti ng maunawaan ko ang sinabi niya. "Waah! Ibigsabihin ba ay pumapayag ka ng maging personal body guard ko? Yes!" "Ano pa nga bang magagawa ko? Kahit naman hindi ko pinangarap maging body guard ng isang babaeng hindi na naman talaga kailangan ng body guard ay wala na kong magagawa at isa pa, babae ka pa rin. Kailangang protektahan." Tumingin siya sa akin at sa sandaling pagkakataon ay tila nakita kong kumislap ang kanyang mata. Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti ako sa sinabi niya. "Hahahaha. Ewan. Pero bago ka magluto, may sasabihin muna ako tungkol sa pasikot-sikot sa mansion. Sa first floor ang sala, kusina, rest room, dinning table at. . . at. . . ano pa nga ba? Ah! Sa second floor ay ang mga library, artifacts, collections at. . . at. . . sa third floor naman ang mga kuwarto para sa atin. Nandoon din ang mga room kung saan nakalagay ang iba't ibang klase ng shoes, jewelry, damit, pabango at iba pa. Sa forth floor naman ay. . . Haha. Yun lang. Huwag ka munang pupunta sa forth floor ha? Tsaka nga pala, lahat ng room na pupuntahan mo ay may password sa may bandang baba ng pintuan. All you need to do is type the name that I give to you then makakapasok kana." Kumindat ako sa kanya matapos magpaliwanag. Nabigla siya sa ginawa ko, pero pagkalaan ay tumango siya sa akin saka pumunta na kung nasaan ang kusina. Naalala ko. Kanina ay may binanggit siyang pangalan. Diana Crux ba 'yon? Sino kaya 'yon? Bumuntong hininga ako ng malalim. Kahit sinabi kong kuntento na ko sa kasalukuyan, hindi ko pa rin mapigilang mag-isip kung sino ba talaga ko dati. Ano nga bang nangyari sa akin at bakit nga ba wala akong maalala tungkol sa nakaraan ko. Kung may mga magulang at relatives pa ba ko. Pero, nakapagpasiya na ko. Ang plano ko ay gawin ang para sa ikabubuti ng lahat. Wala akong pakialam kung ang magulang, kapatid o kamag-anak ko man ang makabangga ko sa hinaharap. Kaya lang. . . si Reykiel. Parang. . . parang may alam siya tungkol sa nakaraan ko. "Kumain na tayo, Diana. . . I mean Xyra." Dumating si Light dala-dala ang mga pagkaing niluto niya. Sa sala talaga kami kakain? Kung sabagay, ayos na rin paminsan-minsan kumain dito. Mas masaya naman kumain lalo na at may kasama na ko ngayon. Haha.  "Hihi. Ang cute mo naman kapag naka-apron. By the way, tawagin mo kong Xyra sa harap ng ibang tao at tawagin mo kong Heaven kapag tayo-tayo lang. Maliwanag?" Inabot ko ang putaheng niluto niya at pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti.  Isang adobong manok at kanin. Kaya pala ang bilis niyang makabalik. Haha. Kaya lang, mas ayos sana kung may dessert din siyang ginawa. Kung sabagay, paubos na rin pala ang grocery ko rito sa mansion. Baka wala na rin akong ingredients para doon. Humagalpak ako ng tawa dahil sa naisip, pero agad din akong nagpoker face ng makita ang naguguluhang titig sa akin ni Light.  Tumango naman siya biglang tugon. "Nga pala, wala ka bang kasama dito?" "Mayro'n. Ikaw." Ngumiti ako sa kanya. Sa tingin ko ay tama naman ang naging sagot ko kaya hindi na ko nag-alinlangang sumagot sa kanya at dugtungan pa ng paliwanag ang sagot ko. Haha. Napakamot siya sa batok niya dahil sa sinabi ko. Tama naman sinabi ko, 'di ba? Nagsandok na ko ng kanin at adobong manok at saka kumain. "Ang sarap ng luto mo Light. Haha.” "Hindi Light ang pangalan ko tapos kung kumain ka parang hindi ka mayaman." Hindi pa rin nagbago ang expression niya simula pa kanina. Nginitian ko nalang siya. "Magpahinga kana dahil bukas maghahanap tayo ng iba pang makakasama." Nagtaka siya sa sinabi ko ngunit hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain habang siya ay nagsisimula pa lang kumain. Bukas ay tiyak na sasaya na naman ang araw ko. Haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD