Heaven Scarlet
2 years later. . .
Ang saya-saya! Sa wakas at alam ko na rin kung bakit ako nandito sa mansion, kung paano makalabas dito at kung bakit wala akong maalala sa nakaraan ko.
Unang-una, nandito ako sa mansion dahil ang mansion na 'yon ay pagmamay-ari ako. Paano ko nalaman? Dahil nabasa ko ang bagay na 'yon na nakasulat sa notebook na nakadikit doon sa Heaven's library room. Pangalawa ay kung paano ako nakalabas sa mansion. Sa first floor kasi ng bahay ay may nakita akong basement at sa basement na 'yon ay aksidenteng napasandal ako sa isang pader tapos nagulat ako kasi biglang gumalaw ang pader at bigla akong nagpanic kasi may biglang tumunog.
Umatras ako ng umatras hanggang sa nabangga ko ang bookshelf. Nagsilaglagan ang mga librong nabangga ko kaya agad ko itong pinulot at nang ilalagay ko na sana ang mga libro sa dati nitong kinalalagyan, may nakita akong papel. Nakasulat dito ang ilang mga salita.
"Hindi mo maibabalik ang oras sa nakaraan sa paraang gusto mo, pero kung ito lang ang tanging paraan, gawin mo."
Hindi ko nauwaan nang una, pero ng tumingala ako sa itaas ng pader ay may nakita akong orasan. Tumuntong ako sa upuan na nasa ibaba ng orasan at pagkatapos ay inikot ko ang malaking kamay ng orasan sa oras na 12:00 o'clock. Parang may napanood na kasi ako dati na kapag inikot mo ang malaking kamay ng orasan sa 12:00 o'clock ay may lalabas na secret passage. Tumama nga ang hula ko. Pagkatapos kong gawin 'yon ay may lumabas nga na secret passage. Pumasok ako doon hanggang sa nakita ko na ang hinahanap ko. Napunta na ko sa labas ng mansion at doon ko nalaman na nasa gitna pala ako ng gubat at nasa pagitan ang mansion ng dalawang kweba.
Nandito nga pala ako sa isang eskinita malapit sa hotel na pagmamay-ari ko. Naghahanap ako ng taong makakasama sa mansion at alam ko na kung paano ako makakahanap ng makakasama.
Nga pala, Xyra Ellaiza Chendiz ang ginagamit kong pangalan kapag nasa labas ako ng mansion at kilala ako bilang Heaven Scarlet sa mga taong maaari kong makasama sa bahay.
Nagd-disguise ako lagi kapag nasa harap ako ng maraming tao. Hindi ko rin alam kung anong trip ko eh. Siguro kasi ayoko ng labis-labis na atensyon. Nalaman ko kasi sa mansion na sa buong mundo ay kilala ang pangalan ko bilang Heaven Scarlet o Awesome Scarlet dahil daw lahat daw ng bagay ay kaya kong gawin. Magaling daw ako sa lahat ng bagay. At isa pa, isa ako sa pinakamayaman na tao sa buong mundo, pero mas kinilala ako ng lahat sa pagiging mystery person ko.
Wala kasing nakakaalam ng totoo kong mukha at pagkatao. Kahit na ako mismo ay hindi ko kilala kung sino ako. Ang tanging alam lang ng lahat ay ako si Heaven Scarlet. Yun lang. Kaya naman gumamit ako ng ibang pangalan para hindi nila ako makilala.
Nahinto ako sa paglalakad ng may makita akong isang lalake na parang hindi alam ang gagawin dahil nakapalibot sa kanya ang tatlong lalake. Napangiti ako ng bahagya dahil sa nakita ko.
Finally. . . nakita ko na ang isa.
Binuksan ko ang dala kong payong na kulay pink at saka nagpayong kahit wala namang ulan. Pagkatapos ay naglakad ako sa direksyon ng mga lalake. "Hello sa inyo! Do you mind if I ask you where is Heaven Scarlet Hotel?"
Nabaling sa akin ang atensyon ng lahat maging ang lalakeng pinapalibot ng tatlong ugok. Napansin ko pang nagkatinginan ang tatlong lalake habang ang nag-iisa naman ay bahagyang nagulat sa pagdating ko.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na!" Nakita ko ang rumihistrong takot at pangamba sa nag-iisang lalake pagkatapos makabawi sa pagkakagulat habang nakatingin sa akin.
Lalong lumawak ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi niya. Tumakbo sa direksyon ko ang isa sa tatlong lalake at sinubukan ihampas sa akin ang baton na dala niya ngunit mabilis kong sinara ang dala kong payong at sanangga ang baton niya.
Ngumiti pa ako na may halong pang-aasar sa lalake bago nagsalita. "Sorry ha. Nagmamadali kasi ako ngayon. May kakausapin pa kong tao." Inapakan ko ng todo ang paa niya dahilan para mapaaray siya sa sakit at saka sinipa ang maselang parte ng katawan niya para mamaluktot naman siya sa sakit at pagkatapos ay hinampas ko siya sa batok para mawalan siya ng malay. Napaatras ng ilang hakbang ang dalawang lalake dahil sa ginawa ko habang nakatingin sa isang kasama nila na nawalan ng malay at pagkatapos ay humarurot ng takbo.
"Eh? Iiwan ninyo ang kasama n'yo? Bad ‘yan." Umiling-iling ako habang nakatingin sa dalawang lalake na patuloy lang sa paglayo sa direksyon ko.
Hinagis ko sa dalawang lalake ang shuriken na hawak-hawak ko at tumama naman iyon sa batok nila. Naglabas ako ng poison sa bulsa ko at pinainom iyon sa isang kasamahan nilang walang malay. Kinuha ko ang papel at ballpen sa bulsa ko at nagsulat ng note na, 'Magnanakaw ako. Huwag tularan.'-HS saka nilagay sa bulsa ng tatlo. Tumingin ako sa isang lalake kanina at halos kumunot na ang kilay ko ng makitang tulala pa rin siya dahil sa ginawa ko.
Sino ba naman kasing hindi magugulat, 'di ba? Natalo ng tulad kong isang babae ang tatlong lalake, pero hindi ko alam kung bakit parang kilala ko na siya dati kaya lang hindi ko alam kung saan ko siya nakilala. Kulay silver ang buhok niya na pang-good boy ang dating. Nakasuot siya ng kulay itim na kupas na pantalon at kulay puting polo shirt.
"Diana. . . Crux. . ." Nakatingin lang siya sa akin at parang hindi pa rin siya makapaniwalan hanggang ngayon sa presensiya ko.
Huh? Sino daw?
"Anong pangalan mo?" Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya.
Bahagya siyang nagulat sa tanong ko, pero maya-maya ay sinagot din niya ito. "Ako si Reykiel Bernardo."
Walang sabi-sabi ay hinila ko ang kamay niya at sinama sa akin. Napahinto ako sa paglalakad ng huminto siya sa paglalakad.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
Hindi ba niya muna tatanungin ang pangalan ko?
Binitawan ko ang kamay niya at tinanggal ang tali ng buhok ko at saka binuhaghag ang Scarlet kong buhok. "I'm Xyra Ellaiza Chendiz also known as Heaven Scarlet. . ."
Nagtaka at natigilan siya sa sinabi ko ngunit hindi ko na 'yon pinansin at pinagpatuloy ang nais kong sabihin. "Daldalhin kita sa tinitirhan ko and from now on, you will forcely working at my house as my personal body guard whether you like it or not. . . Mr Good Boy." Muli akong ngumiti sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay upang dalhin siya sa tinirhan ko.
Nakakapagtaka man na mabilis siyang sumama sa akin ng hindi tumututol, batid ko na may isang taling nagkokonekta sa aming dalawa para mapili ko siya bilang isa sa mga taong hinahanap ko.