Nang buksan ko ang aking mga mata, nakaramdam ako na parang may kakaiba. I think nakatulog ako sa study table na hindi ko alam kung kanino. Teka. . . Bakit ako nandito sa bahay na 'to? Nasaan ba ko? Sinubukan kong alalahanin ang mga nakalipas na nangyari bago ako mapunta rito, pero sumasakit lamang ang ulo ko. Wala akong maalala kahit na ano. Tiningnan ko ang aking paligid then a few seconds later, the picture on the table caught my attention. Pumunta ako sa table na 'yon na pinaglalagyan ng big mirror na katabi ng bed. Kinuha ko ang picture frame at tiningnan ang taong nasa picture. Nakaupo ang babae sa isang kulay scarlet na matabang upuan. Parang isang dagger ang mga titig niya, pero nakangiti ng bahagya ang kanyang labi.
Sino kaya ito?
Hindi sinasadya ay napatingin ako sa big mirror at agad nanlaki ang mata ko ng makita ang hitsura sa salamin. Ako ang nasa litrato, pero bakit hindi ko kilala ang sarili kong mukha? Muli akong tumingin sa aking paligid. Punong-puno ng poster ng anime ang buong paligid. Dito ba ako nakatira? I close my eyes at inisip ang bagay na nangyari sa akin bago ako magkaganito, pero a minute later ay wala pa ring nagpaflashback sa utak ko tungkol sa nakaraan.
Lumabas ako ng kuwarto. Doon ko lang nalaman na nasa third floor pala ako ng bahay. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa may nakita akong elevator sa pinakadulo ng floor na ito. Pumasok ako doon at bumaba papunta sa second floor. Tiningnan ko ang buong second floor. Nakita ko sa floor na 'yon ang room na may nakasulat sa taas ng pinto na: Heaven's Library, Heaven's collection, Heaven's Scarlet Artifact.
Heaven Scarlet? Is that my name? Pero, may gano'n bang pangalan sa mundo?
Pumunta nalang ulit ako sa elevator at bumaba na sa first floor. Pagkababa ko sa first floor, namangha ako sa nakita ko. Mayro'n ditong malaking sala, mahabang dinning table at isang napakalaking sofa at sa sala ay mayroon ding malaking flat screen TV. Napangiti ako ng makita ang sliding door, daanan para makalabas sa mansion na ito subalit agad din napawi ang ngiti ko dahil ng sinubukan kong buksan ito, ayaw bumukas. Wala akong nagawa kundi itigil na lang ang pagpipilit na buksan ang pinto at sinuri nalang itong maigi.
Nakita ko ang isang maliit na pintuan sa ibaba rin mismo ng sliding door. Binuksan ko iyon at sa aking pagbukas, nakakita ako ng hand sign sa loob ng maliit na pinto. Tinapat ko doon ang kanang kamay ko. Napangiti naman ako ng magkasya doon ang kamay ko. Maya-maya ay automatic na bumukas ang sliding door. Sa wakas, nasa labas na rin ako ng bahay.
Huminga pa ako ng malalim at dinama ang sariwang hangin. Napangiti ako ng makita ang labas ng mansion. Napakaganda ng mga bulaklak na nakapalibot sa buong mansion. Iba't ibang klase ng bulaklak at iba't ibang kulay din. Tapos may isang maliit na bridge sa may gitna at sa pagpunta ko sa dulo nito ay may isang napakagandang waterfalls. Marami pang iba't ibang magaganda akong nakita sa labas ng mansion. May isang napakalaking pool din tapos ang pinakanakaagaw ng atensyon ko ay ang mga modelo ng anime characters na maaaring makita sa labas at loob ng mansion. Nandito ang buong members at masters sa guild ng fairy tail, si Lupin sa one piece, sina Sakura, Tomoyo, Shaoran sa card captor sakura, ang basket ball team nina Sakuragi sa slum dunk at marami pang iba. Ewan ko. Hindi ko na nga alam ang iba eh. S’yempre kaya kilala ko ang mga characters na 'yon ay dahil die hard fan ako ng anime dati. Base sa pagkakaalam ko ha.
Napakunot ang noo ko ng mapansin ang isang mataas at napakalaking pader na humaharang para makita ang mansion na ito. Nakapalibot ito sa buong paligid ng mansion. Teka. . . kung gano'n. . . saan pala ako dadaan para makauwi ng teka ulit. . . saan nga pala ang bahay ko at sino ang mga pamilya ko?
Waaaaah! Mababaliw na yata ako!
Naglakad nalang ulit ako at pumasok nalang sa loob ng mansion. Natitiyak kong may paraan para makalabas ako dito sa lugar na ito. Natigilan ako ng may biglang nagsink-in sa utak ko. Hindi kaya. . . oh my G! Hindi kaya nagka-amnesia ako? At sa akin talaga itong mansion na ito?
Napahawak ako sa aking noo dahil sa naunawaan. Kung gano'n nga, kailangan kong alamin ang tungkol sa mansion na ito.
Naglakad ako papunta sa elevator at pumunta sa second floor. Pagkapunta ko doon, nagtungo ako sa heaven's library. Katulad nang sa exit ng first floor kanina, sa pintuan ng library ay may maliit na pintuan din sa ibaba. Binuksan ko 'yon at katulad kanina, tinapat ko roon ang kanang palad ko. Pagkatapos ay automatic ng nagbukas ang pinto sa library.
Napanganga ako ng makapasok sa loob ng library room. Sobrang dami ng libro ang nakalagay doon, sobrang lawak ng room. Lahat na yata ng klase ng libro nandito na eh. Napakunot ang dalawa kong kilay ng makita ang napakaraming w*****d at manga books. Grabe! Gano’n ba ko kafanatic ng anime? Buong mansion na yata may anime na nakalagay eh. Halos magmukha na kong nasa anime world sa loob at labas ng mansion na ito.
Teka. . . muntikan ko ng makalimutan. Kaya nga pala ako nandito ay para alamin kung paano makalabas sa mansion na ito. Habang palinga-linga sa paligid ay nahagip ng aking mata ang isang notebook na nakadikit sa pader. Nacurious naman ako kung ano bang nakalagay sa notebook at bakit nakadikit pa ito sa pader. Grabe lang kasi, 'di ba? Ang weird lang na kailangan pang ilagay ang notebook sa pader para lang mapansin. Naglakad ako kung nasaan ang notebook na 'yon at tiningnan kung anong nakasulat doon. Sa una ay tila nawiwirduhan pa rin ako lalo na ng makita kong blanko naman ang unang pahina ng notebook, pero nang muli kong inilipat ang pahina ng notebook ay bahagya akong natigilan. Napangiti ako ng mabasa ko ang nilalaman ng notebook.
This is it. Heto na nga ang hinahanap ko kanina pa.