Someone's POV. Pagkatapos kong kumain ay mabilis kong binayaran ang lahat ng nakain ko sa cashier ng isang sikat na restaurant. Sa pagkakaalam ko ay Heaven Scarlet ang pangalan ng owner ng restaurant. Pasalamat siya dahil masasarap talaga ang pagkaing sineserve nila kundi ay pinasabog ko na ito gamit ang nagyeyelo kong armas. Badtrip pa naman ako ngayon. Paano, hindi ko pa rin nakikita si Diana Evergreen, si Star. Tsk. Kahit kailan ay lagi na lang niya pinapasakit ang buong sistema ko. Kapag nakita ko siya ngayon ay hindi ko hahayaang makawala siya ulit sa amin. Kaya lang, may isang tao pa kong pinoproblema ngayon, si Moon. Siya ang taong pumatay sa asawa ni Sun kaya siya ang pumalit sa puwesto nito. Nakakainis siya dahil sa tagal na panahon kong naninilbihan sa pamilya ni Sun ay si

