HEAVEN SCARLET Naka-indian seat ako sa garden ng aking mansion habang nakapalumbaba kong pinagmamasdan ang mga pader na nakapalibot sa buong mansion. Sa mga pader kasi na ito dapat lalabas ang mga bodyguards ko kapag napagtagumpayan na nila ang pinapagawa ko. Kaya lang ay ilang linggo na ang lumilipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabalik. Hindi ko iniisip na baka patay na sila, pero siguradong gutom na ang mga iyon dahil wala naman silang dalang pagkain. Dapat pala nagpabaon ako sa kanila. Hahaha. Isa pa, ilang linggo na rin ang lumilipas simula nang matuklasan ko si Mist at makausap ang isang lalake na nagpakilala sa akin bilang si Harmony. Mas lalo ng gumugulo sa akin ang lahat at kung noon ay hindi ko na hinihiling na mabalik ang nawala kong alaala, ngayon ay des

