HEAVEN SCARLET Ilang linggo na ang nakalipas simula ng huling pagsasanay ng aking mga bodyguards. Maraming nagbago sa pito kong kasama, pero naging normal na lang ang bagay na 'yon sa akin sa nagdaan pang mga araw. Ngayon ay nandito kami sa dinning area at kumakain ng aming pananghalian. "Ms Heaven, masarap ba ang luto ko?" nakangiting tanong sa akin ni Light. Nag-isip muna ako bago sumagot sa kanya. "Oo naman." "Tss. Marunong din akong magluto," sabay-sabay na bulong ng anim ko pang mga kasama sa isang tabi. Oo nga pala, isa sa mga sinabi kong nagbago, ito 'yon. Ewan ko ba sa mga ito. "Oo nga pala, pagkatapos ninyong kumain ay sumunod kayo sa akin papunta sa gym at may ipapahayag ako sa inyo doon." Huminga ako ng malalim pagkatapos ianunsiyo ang bagay na iyon sa kanila. Pinunas

