HEAVEN SCARLET Habang kumakain kami ngayon sa dinning area ng breakfast ay mayroon na agad na lumilipad na kutsilyo sa ilalim ng lamesa. Hindi ko nakita kung sino ang nagpalipad ng kutsilyo sa direksyon ko, pero base sa paraan ng paglipad nito ay marahil kay Storm ito galing. Pinulot ko ang kutsilyo na nasa paanan ko at pinindot ang button na nasa handle ng kutsilyo at sa isang iglap ay naging isang ordinaryong ballpen ito. Narinig kong napa-tsk si Storm sa nangyari habang ang iba naman ay tahimik lamang na kumakain at walang malay sa nangyari kani-kanina lang. Nanatili ang blanko kong mukha ng pinagpatuloy ko ang pagkain kahit kanina ko pa gustong ngumiti sa harapan nila. Paano, ang daling basahin ng iniisip nila ngayon dahil sa katahimikan nila. Kaya nga may 'silent means yes' ta

