01: DESIRE
KAYE's POV
"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MONG SUMAMA-SAMA SAAMIN NILA MERY! YOU THINK YOU ARE PRETTY ENOUGH TO BE WITH US?! HELLO? WAKE UP B*TCH"
"YEAH...UGLY PEOPLE LIKE YOU DON'T BELONG HERE WITH US! YOU GO LOOK FOR ANOTHER GROUP TO LEVEL YOUR UGLINESS!"
"Hindi ka ba nahihiya? Such a waste of time...
"Loser hahahaha"
Bumuhos ang mga luha sa aking mga mata at agad akong tumalikod upang makalayo sa mga taong kumukutya sa pagkatao ko. Mga taong mapanghusga na wala ng ibang ginagawa kundi ang tapak-tapakan ang aking pagkatao at pagtawanan ako araw araw. Habang tumatakbo ay umiiyak ako.
Pagod na pagod na ako sa lahat ng insulto at pangungutya nila sa akin. Bakit ba sila ganun? Tao rin naman ako ah? Kasalanan ko ba kung hindi ako biniyayaan ng karayaan tulad nila? Kung hindi ako maganda? Doon ba nasusukat ang kakayahan ng isang tao? Kung mayaman ba ang pamilya ko mamahalin din ako ng ibang tao katulad ng mga mapanglait na babaeng to?
Pumunta ako sa lumang estatwa sa likod ng paaralan at umiyak dito... Sadyang luma na ang estatwa kung kaya't hindi na ito masyadong pinupuntahan ng mga estudyante. Napatingin ako sa aking repleksyon sa tubig ng ilalin ng estatwa. Sabog na sabog ang aking buhok na tila pugad ng ibon, gusot-gusot ang uniporme, namamaga ang aking mga mata at naglalakihang mga tigyawat saking mukha.
Totoo ngang napakapangit ko. Walang nagkakagusto sa akin, bata palang ako hanggang ngayon ganito na ang trato nila saakin, kasalanan ko bang panget ako?
Sa dinami daming tao sa mundo bat ako pa?
Napabuga ako ng hangin at umub-ob muli.
"Kaye! Okay ka lang ba? Kung saan-saan kita hinanap nandito ka lang pala nagtatago! Ano na namang ginawa ng mga kaibigan ko sayo?"
Napangiti ako ng mapait ng marinig ko ang nag-aalalang boses na yun. Ang boses ng nag-iisang kong kaibigan na si Mery Lavigne tumatakbo ito papalapit saakin na bakas sa mukha ang lubos na pag aalala.
Lumapit sya sa akin at inilabas ang panyo nya't pinahid sa akin mga nagsitulong luha. Kung hindi ko ba ito kababata ay pagtatawanan din ba Ako nilo? lalaitin at huhusgahan ang buong pagkatao ko?
"patawad kong hindi man lang kita naipag tanggol at naprotektahan sa mga kaibigan Kong yon , hayaan mo pagsasabihan ko sila" mahinhin nyang wika sa akin. Napangiti na lamang ako sa kanya. Napakaamo ng kanyang mukha, matalino, maganda at mayaman.
Ano nga bang level ko dito sa bestfriend ko? e mayaman sya kami mahirap lang , kung anong wala saakin ay nasa kanya naman lahat.
Alam kong mali ngunit di ko mapigilang makaramdam ng inggit sa kaibigan ko. Mahal sya ng lahat ng tao, tinitingala at iniidolo. Nasa kanya na ang lahat ng wala ako.
Bakit di nalang ako naging sya?
Bakit di nalang ako naging kagaya niya?
"uuwi na lamang muna ako Mery, pakisabi nalang na hindi maganda ang pakiramdam ko" matamlay kong wika.
"sigurado ka bang kaya mo? Ihahatid na lamang kita sa inyo kung--"
"ayos lang ako Mery" paninigurado ko sa kanya kung kaya't wala na syang nagawa.
Pagkarating ko ng bahay ay bumungad sa akin ang lasing kong tatay. Marahil ay umutang na naman ito upang may maipang-inom, dagdag pa ito sa problema ko.
Pumasok na lamang ako ng bahay at nagbihis ng uniporme ko sa trabaho. May trabaho pa ako kaya hindi ako puwedeng mahuli.
"Hoy bruha babae ka! Saan ka sa tingin mo pupunta ha?" angil ng aking ama sabay higit sa aking buhok kung kaya't napadaing ako, ang sakit parang matatanggal ang mga buhok ko sa anit ko.
"m-may trabaho pa po ako tay" pagdadahilan ko. Binitawan nito ang aking mga buhok kaya akala ko ay wala na itong gagawin ng bigla na lamang ako nitong iniuntog sa dingding ng bahay at sinuntok sa sikmura. Nakaramdam ako ng hilo at hapdi sa bandang gilid ng aking ulo, napadaing ako sa sakit ng nararamdaman ko, gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas saaking mga mata
"PUNYETA KANG BATA KA! MAGTATRABAHO? NI HINDI MO PA NGA NAIBIBIGAY SA AKIN ANG ISANG-LINGGONG SAHOD MO, MAGTATRABAHO KA NA NAMAN? BAKA NAMAN LUMALANDI KA NANG BRUHA KA!" asik nitong muli sakin kaya't kumaripas ako ng takbo, umalis na lamang ako roon. Tuluyan ng bumuhos ang luha sa aking mga mata na kanina ay ayaw magsilabasan.
Lahat nalang ay may ayaw saakin
Hindi ko na alam saan ako lulugar, kung anong gagawin
Sana.. Sana ako nalang si Mery. Si Mery na may mapagmahal na mga magulang at paborito ng lahat, si Mery na maganda, si Mery na mabait at mayaman.
Sana ako nalang sya.
Wala sa sarili akong naglalakad sa kalsada habang pinupunasan ng aking maruruming kamay ang aking mga luha. Nakikita ko ang pagpaparoon at parito ng mga tao. Ang tawanan nila na tila walang mga problema. Naiingit ako sa kanila.
Kahit dili sa kalsada ay pinagtatawanan ako, pinagti tinginan at hinuhusgahan. Kung alam niyo lang nangyari saakin ngayon.
Hanggang sa pagtawid ko ng kalsada ay wala parin ako sa pag iisip ko kung kaya't hindi ko napansin ang isang sasakyang mabilis na umandar papunta sa aking direksyon.
"tumabi kaaaa!"
Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa aking sarili. Nahihilo na ako dahil sa pagkakauntog ko ng matigas na bagay. Gusto ko nalang mamatay.
Yun ang huling katagang aking narinig bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.
-- at the hospital
"Her vitals were fine. She's only over depressed that's why she lost her conciousness. I think she need some rest. Anyway, she can discharge after she wakes up"
Napakunot ang aking noo ng may marinig akong nagsalita. Unti - unti kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang puting ceiling. Everything in this room is painted in white. Then, i saw two blurred figures, guessing one of them is a girl and the doctor.
"Kaye! glad you're awake! okay ka lang ba? may masakit ba sayo? tell me!"
Gusto kong ikutin ang aking mga mata irapan ito ngunit minabuti ko na lamang ang tumahimik. Mas lalo lamang nadaragdagan ang panibugho at bigat ng damdamin ko sa babaeng ito sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha.
"okay lang ako Mery wag kang mag alala, bumalik kana may klase ka pa"
"no its already 7pm, 5hrs kanang natutulog buti nalang tinawagan agad nila ako nang maaksidente ka"
nag aalala itong nakaharap saakin, mabait si Mery pure ang intensyon niyang kaibiganin ako kahit na panget ako at nagiging dahilan na pagtawanan din sya nga mga kaibigan niya. Kaya galit din ang mga kaibigan nito saakin dahil palagi akong Sinasama ni Mery sa groupo nila kung hindi naman ay kami lang dalawa.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki na sa tingin ko ay doctor rin sa suot nitong puti.
"excuse me miss Lavigne, can i have a word with Ms. Malan?" rinig kong wika ng doctor. Tumango lamang si Mery at muli akong tinapunan ng nag aalalang tingin bago umalis. Bumangon ako sa pagkakahiga at saka umupo sa hospital bed.
"i'm sorry ms. Malan, I almost hit you... Glad that i'd stop before my car can reach you" he said giving me an apologetic look.
So, sya pala ang muntik ng makabangga sakin?
"sana hindi mo na lamang hininto! Sana namatay nalamang ako! you know what ? im so tired of this ugliness! " tumaas ang tono ng aking boses at muli na namang napaluha. I should have died!
He sighed then put something on the table..
"just call me if you need anything, i'm willing to lend a hand" he said then walk out of the room. I take a look at the card
Dr. Lorenzo Mendez
Plastic Surgeon