Tahimik ako habang sakay ng tricycle papauwi. Ang sakit ng kamay ko, ang tigas ng mukha ng lalaki na yun. Ngayon nagsisi ako sa nangyari kagabi, pero hindi ako nagsisi na sinuntok ko siya. Ang sama ng pinagsasabi niya tungkol sa akin. Dapat lang yun sa kaniya.
“Muntik niya pa akong patayin.” sabay hawak ko sa leeg.
Nang makarating sa boarding house ay doon ko naalala ang phone ko. Doon ko nakita ang maraming missed call ni Patty at Yvo. Napahilamos ako ng mukha at napakagat ng kuko. May mensahe din ang babae.
"Em, nasaan ka?"
"Umuwi ka ba?"
"Please reply to me. Nag-aalala ako."
"Tinawagan ko ang landlady mo, hindi ka daw umuwi! Nasaan ka?"
Pati si Prince nagmessage rin. Siguro ay tumawag at nagtanong si Patty sa bakla.
"Hoy, bakla! Saan ka nasagi? Nawala ka daw kasama ni Orion. Chika mo ako pag-nagkita tayo bukas! Wag kalimutan ang condom. Goodluck! galingan mo ang performance."
Napailing ako ng mabasa ang text ni Prince. Walanghiya talaga tong isang to. Paano na lang kung kinidnap ako at namatay ganito din ba sasabihin niya?
Nireplayan ko silang lahat na okay lang ako at nakauwi na ako. Nagrason na lang akong nakatulog sa kusina ng boarding house namin kaya hindi ako nakita ng landlady ko.
Wala pang limang minuto, tumawag na si Patty.
"Emilia!"
Napangiwi ako ng marinig ang pangalan ko. Alam kong inis siya sa akin.
"Good morning, patty." humiga ako sa kama ko at niyakap ang unan.
"Kagabi pa kita tinatawagan! Bigla kang nawala kagabi. Sigurado ka bang okay ka lang?" I can hear the worry from her voice.
Napangiti na lang ako.
"Yes, mem. I'm alive and kicking. Nakatulog ako sa kusina."
Sandaling natahimik ang kabilang linya.
"Hindi mo ba kasama si Orion? Sabi kasi ng isang maid nakita niya daw na sabay kayong lumabas.
Akala ko nakaligtas na ako sa cctv. Tsk.
"Sabay nga kaming lumabas pero hindi kami magkasama."
Napairap ako ng muling maalala ang mga kamalasan na nangyari sa akin mula kagabi hanggang ngayon. Nakakabadtrip.
"Ganoon ba? Naiwan niya kasi yung motor niya dito tapos hindi pa makontak ni kuya Yvo. Lasing na lasing pa naman yun kagabi. Nag-aalala kami baka anong gawin o mangyari sa kaniya."
"Ewan ko sa kaniya." inis kong sabi. "Ang alam ko sumakay siya sa tricycle kasi hindi niya mahanap ang susi ng motor niya. Hindi naman ako nun pinansin kaya umuwi na ako."
Best actress na ata ako. Ang talino niyang makagawa ng rason.
Nakarinig ako ng buntung-hininga mula sa kaibigan. "Alright, naiintindihan ko. You must be tired. Magpahinga ka na lang muna."
Oo pagod na pagod ako. Deserve kong magpahinga matapos ang muntik ng kamatayan.
"Sige, patty. Bye."
"Bye."
Ibinagsak ko ang phone ko sa tabi. Kumulo ang tiyan ko pero tinatamad akong magluto ng makakain. Ipinikit ko na lang ang mata ko. Mamaya na lang ako kakain.
Napakunot-noo ako ng may maramdaman sa bandang pwet ko. May nakaumbok sa bulsa ko. Nagtatakang ipinasok ko ang kamay sa doon at tiningnan kung ano ang bagay na iyon.
Itinaas ko iyon.
Napaupo at napamura ako ng tuluyang makita kung ano yun. It's a damn key! Susi ng motor! Wala akong sasakyan at isang tao lang ang naiisip kong may-ari nun.
That damn motorbike.
"Jusko naman, Em! Kumuha ka pa ng remembrance!"
Nagpapasag pasag ako sa higaan ko at sinabunutan ang sarili.
Sigurado akong hahanapin to ng lalaki. Bakit ba naman kasi tinago ko pa iyon? Ibinulsa ko pa!
"Ngayon paano ko isasauli to?"
Kulang na lang ibunggo ko ang ulo ko sa pader dahil sa katangahan. Bakit ganito? Yung akala ko tapos na pero gumagawa ng paraan ang tadhana na magkita ulit kami ng police na yun. Baka ako naman ang masuntok pag nagkita kami ulit.
"Bwiset na buhay to!"
Nakatulugan ko ang inis ko sa lalake. Nang magising ako ay alas tres na ng hapon, masakit ang ulo ko kaya bumili muna ako ng ice habang inaantay na maluto ang kanin sa rice cooker. Bumili na lang din ako sa karinderya ng ulam dahil tinatamad na akong magluto.
"Pahingi ako ng sabaw ate."
"Saan na naman ba kayo uminom kagabi?"
Suki na ako ni Ate sa sabaw at kilala niya na ako. Pag may birthday nga sa kanila lagi akong invited. Kaharap lang naman kasi nun ang boarding house ko. Kainuman din namin minsan yung panganay niyang lalaki na si Chester. Tropa tropa kami nun sa inuman.
"Kina Patty ho. Birthday niya kahapon. Bumabaha ng inumin kaya ayon todo langoy din kami."
Humalakhak ito ng malakas bago inabot sa akin ang sabaw.
"Naku, hinay hinay lang yung atay niyo. Dinagdagan ko na ng laman yan."
"Hala, salamat ate! Your the best!" I showed her my thumb. Napapailing lang ito.
Siya namang labas ni Chester sa kusina. Nagtaka siguro sino kausap ni Mama niya.
"Uy, Emilia!" napatingin siya sa hawak ko. "Ano yan? Sabaw na naman? Saan ka naman nagwalwal?" pamewang nito.
"Diyan lang sa tabi-tabi. Alis na ako, baka mamaya hindi na mainit to. Adios, chester pangit!"
Kumaway ako at tumalikod na. Pag kami pa naman nag-usap ni Chester puro walang kabuluhan.
“Ikaw yung pangit! Umaalingasaw ang baho mo dito uy. Ligo ligo din.”
I just raise my middlefinger to him.
Pagkapasok ko ng kwarto narinig ko agad ang ring ng phone ko. Nilagay ko muna sa pinggan ang ulam bago yun nilapitan.
Unknown number ang tumatawag. Pinindot ko ang answer button at nilagay yon sa tenga.
"Hello?"
Walang sumasagot sa kabilang linya.
"Hello? Sino to? Pag ikaw hindi pa sumagot--"
"Where's my key?"
Naiwang nakaawang ang bibig ko ng marinig ang boses sa kabilang linya. Alam ko na agad kung sino yun.
"I repeat, where's my key? Alam kong nasa iyo."
Umirap ako sa hangin. Siya na ngang may kailangan.
"Hindi ako ang hanapan ng nawawalang bagay. Check mo sa police station baka nandoon."
Saka ko ibinaba ang tawag. Wala pag isang minuto may message agad ito sa akin.
Unknown:
"Did you just hang up?!"
Ako:
Bobo. Anong tingin mo?
Unknown:
"Alam ko nasa iyo ang susi ng motor ko. Hand me the key within 24 hours. If not, I'll address you as a thief! Magkita tayo sa presinto."
Hindi ako makapaniwala sa nabasa. I hurriedly type on the keyboard, inis na inis ako. Nung una bayaran, tapos rapist. Ngayon naman magnanakaw!
Sa dinami dami ng itinype ko ang ending binura ko din lahat. I end up sending him a middle finger. Saka ko siya ibinlock. Saan ba niya nakuha ang number ko. Peste.
Kumain na ako at nagbihis pagkatapos. Hindi ko talaga kinalimutan na dalhin ang susi niya. Dumiretso ako sa station kung saan alam kong naka-assign sina Yvo. I just hope I won't see Orion face.
"Good morning, sir." bati ko sa police na nasa receiving desk.
“Good morning ma'am. Ano pong atin?”
"Dito po ba naka-assign na station si Orion?"
"Orion Monteagudo ba?"
Er, hindi ko alam anong apilyido niya pero mukhang iisang tao lang naman ang tinutukoy namin.
"Opo. Yung bestfriend ni Yvo. Yung may motor na itim, yung masungit saka madamot? Yung mapagbintang? Police ba talaga yun?"
Natatawa ako sa sarili ko kasi kulang na lang ibigay ko lahat ng adjective na hindi maganda sa lalaki.
Hindi na ako nagtaka nung tumawa yung police na kausap ko.
"Yes, miss. Dito nga siya naka-assign. Ex girlfriend ka ba niya?"
Napangiwi ako at hindi pinansin ang sinabi niya. Nilabas ko ang susi sa bag ko at inabot iyon sa kaniya.
"Anyway, pakibigay nalang sa kaniya to, sir. May pupuntahan pa kasi ako."
Nagtaka ako ng hindi yun kunin ng lalaki. Nakangiti lang siya tapos lumampas ang tingin sa likod ko.
"Ikaw na lang magbigay sa kaniya, miss. Kanina pa yan nandiyan e."
I was shock when I saw Orion standing at my back. Naka full uniform siya at ang dilim ng tingin sa akin.
Oo na ang gwapo mo na pero muntik mo na parin akong patayin.
Tinaasan niya ako ng kilay. Tumikhim ako at labag man sa loob ay nilapitan siya.
"O, hayan na." Initsa ko yun sa kaniya at tumalikod na.
Pero sinundan pala niya ako. "Let's talk for a minute." sabi niya ng papalabas na ako ng gate.
"For what? Nasauli ko na ang susi. Ano pang kelangan mo?"
Medyo tumaas ang boses ko nun, napatingin tuloy sa amin yung mga dumaraan na police na katrabaho niya. Tinanguhan lang ito ni Orion.
"Wag mo akong taasan ng boses, miss. Hindi ako bingi." malamig niyang sabi.
"Wala namang nagsabing bingi ka."
I rolled my eyes.
“At pwede ba? Tigilan mo ang pagsagot sa akin ng pabalang.”
Pareho kaming nagulat ng bigla niya akong hawakan sa braso. I don't know if it was just me or he also felt the spark when our skin touch. Mas nauna itong lumayo sa akin.
"F-fine. Ano pa bang gusto mong pag-usapan."
Nang tingnan ko siya sa mukha, napansin ko ang pamamaga ng isang pisngi niya. Kung hindi ako nagkakamali, doon tumama ang suntok ko sa kaniya kanina. Buti nga sa kaniya.
"Wala namang dapat pang pag-usapan kundi ang nangyari tungkol kagabi.”
Aba!
Bumbawi ba siya s apagsagot ko sa kaniya ng pabalang?”
“Oo nga. So anong gusto mong sabihin?”
“Pwede bang wag mong ipagkalat ang nangyari? O kung maaari, kalimutan na natin ang nangyari. Hindi ko parin iyon matanggap. I just lost my fiancé at hindi ako nun pinatulog. Kinokonsensya ako, pakiramdam ko niloko ko siya dahil sa ginawa mo."
Hindi makatulog? E ang himbing nga ng tulog mo!
"Bakit parang lahat kasalanan ko?”
"I have the right to get mad kasi sa ating dalawa, ikaw yung nasa maayos pang pag-iisip —and I am not. Pwede mo akong itulak noon o sumigaw pero hindi mo ginawa. Ibig sabihin lang nun, ginusto mo rin. Pasasalamatan ko yung pagtulong mo sa akin kagabi, pero hanggang doon lang yun. I can give you money if that's what you want. Alam ko namang may nawala sayo—"
Itinaas ko ang kamay ko.
"Stop, right there mister.” ipinirmi ko ang palad ko baka masuntok ko ulit siya.
“Hindi ako pokpok at mas lalong hindi ako maghahabol sayo kaya sayo na yang pera mo. At hindi lang ikaw ang may gusto na kalimutan ang lahat. Ako din. Wag kang mag-alala, hindi ko i-tsismis ang nangyari sa atin. Babaunin ko yun hanggang mamatay ako. Salamat na lang. At tungkol sa relo mo, papalitan ko din iyon. Wag kang mag-alala."
Then I left.
I left with pain in my heart. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa pagbigay ko ng p********e ko hindi ko na binuka yung hita ko sa kaniya. Matigas ako pero sobra na siya. Hindi niya deserve yung hymen ko.
Nag-ikot ikot na lang ako sa mall para mawala yung badtrip ko. Napagasto na lang ako ng wala sa oras para lang mawala ang sama ng loob ko. Dala ko kasi ang card ko.
I meet Prince at the mall too. Doon ako tinusta ng bakla pero dahil na roasted na ako kay Orion pa lang, nakasurvived ako kay Prince.
Malakas daw talaga ang loob niya na may something na nangyari.
"So, bakit sabi ni Patty nanghingi daw ng number mo si Orion?"
"Aba, ewan! Wala naman akong natanggap na text sa kaniya. Baka gusto pabayaran yung relo." iniwas ko ang tingin sa kaibigan.
"Hmm..." pinanliitan ako nito ng mga mata.
"Oo nga bakla. Hindi ako nagsisinungaling."
Prince groaned.
"Ano ba yan! Akala ko pa naman may nangyari na." simangot nito. “Ang hina mo naman. Nakakadisappoint ka.”
Sinapok ko nga.
"Bakla, wag kang mag-alala babalitaan kita pag may nakaabot na sa bataan.”
“Kailan pa, Emilia? Pag trenta ka na? Sayang ang oras.”
“Bakit ka ba nagmamadali diyan! Si Patricia ang kulitin mo.”
“Isa pa iyon! Ewan ko sa inyong dalawa kayo! Dapat talaga ako ang naging babae sa inyo e.”
“Salat na lang at hindi hinayaan ni Lord.”
“Gaga.”
Hay, prince. Kung alam mo lang. Kung naging espesyal siguro yung pagkawala ng pagkabirhen ko baka kinwento ko na lahat sa iyo. Pero hindi e. Nasakal ako at muntik ng mamatay.
Deserve ba iyong ipasikat? I don't think so.