Naging abala ako sa sumunod na mga araw. Nag-papart time ako bilang modelo sa mga clothing line pag hindi ako gaanong abala sa trabaho.
May shop din kami nila Price at Patty na itinayo pagkatapos naming makagraduate ng College. At ako ang ginawa nilang manager akma naman yun sa kurso ko kaya tinanggap ko agad. May kaniya-kaniyang trabaho din kasi yung dalawa pero madalas namang dumalaw.
Lumabas ako ng opisina ko at nakita agad ang mga empleyado na napalingon sa paglabas ko.
"Labas lang ako sandali, ha. Diyan lang sa kabila bibili lang ako halo-halo."
Napakainit kasi ng panahon. Though malamig sa shop pero namiss kong kumain ng halo-halo. Tinapos ko lang talaga ang ginagawa ko kanina para wala akong alalahanin.
"Sige po ma'am. Kami na munang bahala."
I just nodded. Kumuha ako ng payong at lumabas na. Malapit lang naman kaya lalakarin ko lang, sayang pamasahe. Dahil nasa trabaho ako medyo formal ang outfit ko. High waist na itim na palda tapos loongsleeve na puti. Manipis yun kasi ayoko talaga ng mainit na damit. I just wore a tube inside.
Nakaabot na ako sa harap ng fast food nang may tumawag sa pangalan ko.
"Em!"
Napalingon ako at nakita si Yvo na nakaangkas sa itim na motor ni Orion na siyang nakatingin din sa akin ngayon. As usual salubong pa din ang kilay nito hindi ko alam kung dahil sa init o talagang ganun lang talaga siya. Sinara ko ang payong ko at huminto.
Nagtama ang tingin naming dalawa pero umiwas agad ako. Baka ano pang sabihin sa akin. Sinuklay ko ng daliri ang buhok ko. Yung dibdib ko nagsimulang magkagulo nang makitang papalapit na sila sa akin. Medyo nahuli lang si Orion.
"Uy, Yvo!"
Naka-uniform parin sila.
"Galing kang shop?" tanong nito ng makita ang outfit ko.
"Oo. Bibili lang ako ng halo-halo. Break ko kasi. Kayo ba?"
Kahit nasa tabi niya na si Orion na hawak ang helmet sa kamay hindi ko talaga siya tiningnan. Ilang araw ko na siyang sinubukang kalimutan e tapos heto naman.
"Nagpabili ng pagkain ang head namin. Ay, oo nga pala." Inakbayan nito si Orion at malaki ang ngising hinarap sa akin.
"Si Orion, kaibigan ko. Orion, si Emilia Marqueza."
God knows how I tried to stop myself from smiling. Ang cute kasi nilang tingnan.
"Ah, oo. Kilala ko na siya."
Kita ko ang biglaang panlalaki ng mata ni Orion. Lihim na napairap ako. Anong akala niya sasabihin ko yung nangyari?
"Magkakilala na kayo?" takang tanong ni Yvo.
"Not formally. Sinabi lang ni Patty yung pangalan niya sa akin. Remember nabuhusan ko siya."
"Ah, oo nga pala. Hindi maayos yung pagkakakilala niyo nung birthday ng kapatid ko. Bigla pa kayong nawalang dalawa."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Yvo. Bakit parang ang dating sakin nun tinutukso niya kami? Kung makangisi din naman kasi tong kapatid ni Patty.
“Oo, hindi na ako nakapagpaalam kay Patty. Nahilo na kasi ako nun kaya minabuti ko na lang na umuwi.”
“Nabanggit nga niya sa akin.”
"Tss. Ang init na dito, Yvo." maya-maya pa ay reklamo ni Orion.
Tangina, hotseat kami pareho.
"O-oo nga pumasok na tayo.” tinapunan ko si Orion ng tingin. “Yung tungkol nga pala sa relo, nahihirapan kasi akong hanapin yung katulad nun kaya hindi ko alam kung mapapalitan ko pa ba ng eksaktong tulad nun kaya baka ibibili na lang kita ng ba--"
"Hindi na kelangan." masungit nitong sabi saka nauna na papasok.
I made face.
Sinamaan ko nga ng tingin ang likod niya. Saan ba yun pinaglihi ng nanay niya, ang sungit.
Inakbayan ako ni Yvo at sabay kaming pumasok sa loob.
"Pasensyahan mo na yun Em. Hindi ko alam kung bakit naging bad mood na naman yun kanina good mood yun e."
Siyempre dahil nakita niya ako. Ako lang naman ang sumira ng mood niya.
Hindi na lang ako sumagot. Pagkapasok namin, ang sama agad ng tingin ni Orion sa amin pareho ni Yvo.
"Will you please hurry up?"
Itinaas ni Yvo ang parehong kamay.
"Aye aye, captain!" tawa ni Yvo at humiwalay na sa akin.
Pumila na ito para maka-order. Ganun na din ang ginawa ko pero sa ibang linya ako pumila.
Sa gilid ng mata ko ramdam ko yung masama paring titig ni Orion di kalayuan. Nasa malapit siya ni Guard nakatayo at nakapamewang. Parang tanga lang ang daming upuan bakit hindi siya umupo.
Mas nauna akong maka-order kay Yvo kaya humanap na lang ako ng mesa sa malapit. Ang dami din kasi ng order ng lalaki, siguro may pablow-out yung head nila. Doon ako umupo sa pang dalawang tao lang. Hindi ko na pinansin si Orion kahit na nadaanan ko siya kanina.
I was busy eating my burger while scrolling to my phone when someone sat infront of me. Napa-angat ako ng tingin at nagulat ng makita si Orion na nakatagilid na upo sa upuan. Yung isang braso niya nasa mesa at gumagalaw ang daliri doon. Sumulyap pa siya sa akin pero poker face.
Tumikhim ako at umubo. Mabuti na lang at kumuha ako ng tubig kanina.
"Bakit ka dito umupo?" tanong ko.
Nandoon parin sa counter si Yvo.
"Bakit, bawal ba? Wala ka namang kasama."
"Wala nga pero hindi ako makakain ng maayos. Pwede bang lumipat ka?" suplada kong sabi.
Kanina lang naman nakatayo siya a.
"Bakit hindi ka makakain? Nadi-distract ka ba sa presensya ko?"
Asa ka namang aaminin ko yun.
"Hindi lang talaga masarap kumain pag yung kaharap mo parang sinakluban ng langit at lupa. Nakakawalang-gana yun."
Tumalim yung tingin niya sa akin. Kung nakakamatay yun baka kanina pa ako tumumba dito.
"Nawawalan ka pa ng gana e yung mukha mo ganun naman." he smirked.
Literal na napa-awang ang bibig ko at lihim na nanggalaiti. Bakit ba ang ingay na nito ngayon? Tingin ko pag lagi ko siyang nakikita, madali akong tatanda.
“Don't talk to me. Hindi kita kilala.” ani ko.
I heard him smirked.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagkain. Kahit na hirap ako sa paglunok kasi yung mata niya nakamasid sa akin. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang halo-halo ko.
"Pwede bang wag mo akong titigan! Iisipin kong nagagandahan ka sa akin!”
He laughed and shook his head.
"I'm sorry to burst your bubble, miss. Hindi ka naman maganda, pwede ba."
Sinong hindi maganda?!
Napasinghap ako at ready na makipag-away pero tinawag na ito ni Yvo para magpatulong sa dala. Yung tissue na lang ang napagdiskitahan ko sa inis.
"Una na kami, Em!"
Pilit na ngumiti ako.
"Ge." labag sa loob na sagot ko.
Ang ungas hindi na ako tiningnan pa at dire-diretsong lumabas na. Matapilok ka sana, pagtatawanan ko talaga siya ng malakas. Pero hanggang makalayo na lang sila at mawala sa paningin ko hindi nangyari yon.
Pagkahapon nun, dumating si Patty at Prince. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina.
"Bakit ba naging kaibigan ng kuya mo yun?"
"Maliban sa partner siya ni kuya, hindi ko din alam. Hindi naman siya ganoon kasungit e."
"Mukhang sayo lang sis."
"Aburido lagi. Ganoon ba pag broken hearted?"
"Nadagdagan lang siguro after mamatay ni Ate Gian."
"At kailan naman kaya siya makakamove-on?"
"Oo nga kailan. Kasi ready na ready na si Em. Isasabak na natin siya."
"Huy, prince. Tumahimik ka nga."
"Gusto mo ba siya?" hindi ko yun inaasahan na itatanong ni Patty.
Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri. "Oo, sana. Pero beast mode naman siya lagi. Ang hirap niyang landiin. Napaka-devoted niya sa fiance niya. Saka ang pangit pa ng paraan ng una naming pagkikita."
Hindi parin ako makarecover sa pinagsasabi niya sa akin nitong nakaraan.
"Hindi ikaw si Em, kung susuko agad! Patigas tigas lang yang mga lalaki pero lalambot din naman yan pag tumagal."
Tiningnan ko si Patricia. "Sana naman wag lumambot tulad ng nangyari sa kaibigan natin."
Tumili si Prince ng marinig ang sinabi ko. Pabiro niya akong sinabunutan.
“Bruha ka!”
Maaga naming sinara ang shop, ang saya tuloy ng mga empleyado. Habang kaming tatlo nagpuntang condo ni Prince dahil nagyayaya uminom ang bakla. Nag-away daw sila ni Alec.
"Punyeta, anong alak to."
Hindi pamilyar sa akin ang alak na iyon. Ilang baso pa lang naiinom ko pero mukhang tinamaan na agad ako. Si Prince nagsimula nang magngawa, kasi may umaaligid daw na babae kay Alec.
"Pag ako talaga nainis, kakaladkarin ko siya sa daan."
Napailing na lang ako. "Kalmahan mo lang sis, pero alam mo namang all support kami sa iyo. Pag kelangan mo ng resbak. Alam mo na ang gagawin."
Binato ako ni Patty ng mani.
Inakbayan ko si Prince. "Wag mong kalimutan police ang kuya ni Patty. Kaya mong lusutan yan."
"Police din yung crush mo."
Napangiwi ako at lumayo sa kaniya. Nilakasan namin ang music at parang tangang nagsasayaw sa gitna ng sala hanggang mapagod.
"Pero, Em, wala ba talagang nangyari sa inyo ni Orion? Nagsisinungaling ka lang sa amin diba?"
Nginisihan ko silang dalawa at akmang sasabihin na ang totoo nang may malakas na kumatok sa pintuan ng condo ni Prince.
"Shh."
Parang tangang sabay na pinagtawanan namin ang sarili.
"Kunwari walang tao."
"Sira. Ang lakas ng music natin. Baka yung kabilang kwarto na yan." hininaan ko ang music kasunod naman nun ang pagtunog ng cellphone ni Patty.
"Hala si kuya, tumatawag."
"Anong oras na ba?"
"Sila daw yung nasa pinto!"
Bumaba si Patty ng couch at mabilis na tinungo ang pintuan para buksan.
"Hindi ka pa ba uuwi? Tangina, lasing ka na naman. Sinong bang kasama mo umiinom?"
"Bakit ka agad pumunta? Sabi ko sunduin mo ako pag ten na. Alas siyete pa lang, kuya!"
"Asa ka namang susunduin kita ng alas diyes! Isusumbong na ralaga kita kina mama."
Tinulak nito ang babae at pumasok sa loob. Akala ko siya lang mag-isa pero may nakasunod pala dito.
Our eyes met. Nagsalubong agad ang kilay ni Orion ng makita ako at ang kalat ng paligid.
"Kayo-kayo lang din pala umiinom?"
Kinawayan ko si Yvo saka nginitian ng matamis.
"Tingnan mo si Emilia, yan pa yung suot niya kanina sa trabaho. Mga lasinggera kayo ni hindi niyo man lang pinauwi muna."
Napatingin ako sa damit ko, tube na lang ang naiwan doon kasi tinanggal ko na kanina. Mainit e.
"Nadatnan pa namin yung kabilang kwarto na kumakatok sa pintuan niyo. Ang ingay niyo siguro. Magsiuwi na nga kayo!"
Para kaming mga bata na pinagalitan ni Yvo. May narinig kaming yabag na papasok. Nang lingunin namin iyon ay nakita namin si Alec na nagtataka ang mukha ng makita kami.
"Alec, ikaw pala."
Tumango lang ang lalaki saka nilapitan si Prince ma nakayuko na.
"Iuuwi na namin tong mga dalaginding nato. Ikaw na lang ang bahala kay Prince."
"Sige."
Kinuha na ni Yvo ang mga gamit namin ni Patty. Kaya ko pa namang maglakad pero nang makita ko si Orion, nagkunwari agad akong medyo lasing na rin.
Tumalikod na si Yvo at Patty. Habang ako ay nakasalampak parin sa sahig habang tinititigan ni Orion. Nilingon kami nila Yvo.
"Bro, pakitulungan na nga si Emilia."
Nabi-bwisit ako kay Yvo sa pagtawag niya sa buo kong pangalan pero gusto ko siyang pasalamatan ngayon.
Nakapamewang si Orion sa harap ko. Maya maya pa ay tumingala at nagpakawala ng hangin.
"Tss. Iiinom inom hindi naman kaya."
Hinila niya ako patayo at inalalayan ako sa bewang. When I felt his warm calloused hand against my skin, shiver run through my spine.
Damn his effect.
Sumandal ako sa balikat niya. Nanuot ang panlalaking pabango nito sa ilong ko.
"Anong damit yan? Isang mali lang kita na dibdib mong hindi naman kalakihan."
Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko habang sakay kami ng elevator. Hinubad nito ang jacket at nilagay yun sa balikat ko. Nakalimutan ko palang kunin ang longsleeve ko sa couch kanina.
Sinadya kong magpabagal para mauna pababa sila Yvo. Sa kabilang elevator kami sumakay. Diretso lang ang tingin nito sa numero sa itaaas habang ako ay nakatitig sa gwapo niyang mukha.
Nang hindi makapagpigil, inipon ko ang lakas ng loob ko at hinarap ang lalaki. Isinabit ko ang mga braso ko sa leeg niya at tumingkayad.
He looked down.
"Sinasabi ko na nga ba. Bitaw."
He tried to pushed me away pero mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya at mas idinikit pa ang katawan dito. Napatitig ako sa mata niya bago bumaba sa labi niya.
"Hindi mo ba ako namiss?"
Gumalaw ang panga nito at ramdam ko ang pagdiin ng kamay niya sa bewang ko. Pilit na inilalayo niya parin ako sa kaniya.
"Bitaw."
"Paano kung ayoko?”
"Wag mong ubusin ang pasensya ko, Emilia." mariing sabi niya.
My stomach churned when he called my name.
Pikit matang nilapit ko ang mukha ko at walang babalang hinalikan siya. His lips were soft and warm. Hindi siya umiwas pero hindi din siya tumutugon sa halik ko kaya ilang hagod lang, timigil na ako.
Blanko lang siyang nakatingin sa akin. Like my kisses doesn't affect him at all.
Tumunog ang elevator, tinulak niya ako ng malakas dahilan para mapaatras ako. He wiped his lips using the back of his hand and look at me disgustingly.
"Bro."
Napakurap ako ng marinig ang boses ni Yvo. Nasa harap pala sila ng elevator at mukhang inaantay kami.
Pero nilagpasan lang sila ni Orion.
I gulped.
Did they saw us?
"Em..."
Base sa tono ni Patricia, nakuha ko na ang sagot. Bumagsak ang balikat ko, yet I tried to smile to her.
Ang desperada ko naman.
Nilapitan niya ako at niyakap palabas ng elevator. Hindi ko na alam kung anong nangyari, hindi ko na din nakita si Orion. Hinatid ako nila Yvo at Patty sa boarding house ko ng gabing iyon.
Tahimik lang akong bumaba at nagpasalamat. Ang bigat bigat ng dibdib ko ng oras na iyon.
Inayawan ka na naman, Emilia. Strike three ka na.