Kinabukasan nun maaga akong umalis sa boarding house ko at tumambay kina Chester. I called my employees at sinabing hindi ako makakapasok kasi may emergency ako kahit wala naman talaga.
Alam ko naman kasing pupuntahan talaga ako nila Patricia at Prince. At nung bandang alas diyes nga dumating ang dalawa. Kitang kita ko sila mula sa karinderya nila Ate Lyn.
Tumatawag sila sa akin pero hindi ko sinasagot. Mga tatlong minuto siguro ang nakalipas lumabas din sila at umalis.
"Oh, diba mga kaibigan mo yun?" tanong ni Ate Lyn nang nakisilip din.
Yung ginawa ko, tumulong na lang ako doon sa pagserve. Minsan kasi nililibre ako ni Ate kaya tumutulong din ako minsan.
"Pinagtataguan mo?"
"Ayoko lang po silang kausap."
"Hindi naman kayo nag-away?"
Umiling ako. Pag nagsasamaaan kami ng loob noon hindi namin hinahayaan na abutan ng twenty four hours inaayos agad namin yun. Ang tagal na naming magkaibigan para papayag na lang na masira iyon.
Nakatanga lang ako sa labas dahil wala namang gaanong kustomer saka halos take out din sila kasi maaga pa.
Napatigil ako ng makita sila Yael pangalawang anak ni Ate Lyn na tinuturuan mag-motor si Faye. Pagewang gewang yung manibela ng motor at halatang kinakabahan si Faye.
"Yael! Bakit mo naman hindi sinakyan!" sigaw ng mama nito.
Napakamot ang lalaki sa ulo. "Sinamahan ko na yan kanina, ma. Mabigat daw ako kaya siya na lang."
"Pag si Faye talaga natumba, naku ikaw na bata ka!"
"Mama naman. Hindi ko na yun kasalanan."
Tinawag ko si Yael. "Yael, paturo din ako."
"Mahal talent fee ko ate Em."
"Aba! Afford ko yan! Anong akala mo sa akin? Bilhan pa kita red horse mamaya e."
Pinandilatan ako ni Ate Lyn nang marinig ang sinabi ko. Niyakap ko siya sa braso. "Isa lang naman te Lyn. Hindi siya malalasing dun."
"Ay, ewan ko sa inyong mga bata kayo!"
Nginitian ko si Yael at ang baliw tumaas baba naman ang kilay at nag thumbs up pa.
"Your the best ate Em!” binalingan nito ang kaibigan. “Hoy, Faye! baba ka na diyan. Hirap mong turuan wala ka pang bayad sayang ka pa sa gasolina. Si Ate Em na muna. Alis na." pinaalis talaga nito si Faye.
Aburido namang bumaba ang babae at kulang na lang itumba ang motor ni Yael.
"Oh, sayo na yang motor mong bulok! Hirap turuan! Bobo."
"Sira ka ba? Ikaw lang talaga yung hirap turuan. Dinadamay mo pa motor ko."
Natatawa ako sa kanila pero lumapit din agad para maturuan nga ni Yael. Matagal ko ng gustong matuto mag-motor e. Wala nga lang magtuturo, nai-istress si Prince nung sinubukan niya akong turuan dati. Mga kabaklaan niya kasi, pag may nakasalubong daw akong papabol itumba ko daw ang motor para tulungan ako tapos hingin ko daw ang number. O, diba?
Dahil determinado na talaga akong matuto, nakuha ko agad ang mga pinagsasabi ni Yael. Sinamahan niya ako nung una pero nung tumagal na nasasanay na ako ay hinayaan na niya akong mag-isa.
"Hala Em! May truck sa likod mo!"
Minura ko yung kakilala ko na nasa labas ng bahay nila nang takot takutin niya ako. Sumulyap ako sa side mirror wala naman siraulo talaga. Nakita ko lang si Yael na nagbi-bisikleta pasunod sa akin. Todo din makasuporta ang bata.
Hindi ko namalayan nakalabas na ako ng highway. I started to panicked when I saw the checkpoint.
"Holy s**t!"
Wala akong lisensya pero lumabas na ako ng highway. Tumataginting ang multa ko nito panigurado! Malapit lang yun sa amin kaya nakaabot ako doon. Kakafocus ko sa daan hindi ko napansin.
"Ate Em! Backing ka na! Patay ka diyan!" rinig ko pang sigaw ni Yael.
I tried to stop pero may bumusina sa likod ko. Nablanko yung utak ko sa taranta at sa kagustuhang makatakas nga sa checkpoint, niliko ko yung manibela saka piniga ang kamay. Nanlaki ang mga mata ko ng bumilis ang takbo ng motor at nawalan ako ng kontrol.
Napatili ako ng malakas at napapikit na lang ng makitang mababangga ko yung gawa sa kahoy na barrier sa checkpoint.
Shit!
Nakarinig ako ng sigaw. Yung ilang Cafgu na nakaduty napalabas sa outpost sa nakita. Buti na lang at naapakan ko agad yung break at naitukod ang paa kaya hindi ako natumba. Pero yung barrier, tumalbog talaga siya at natumba. Napangiwi ako.
Agad na nilapitan ako ng mga naka-uniform na mga lalaki. May ilan pa akong nakita na lumabas sa kubo na nakapatig.
"Okay ka lang, miss?" tanong ng isa sa akin bago ichineck ang katawan ko.
Wala sa sariling tumango ako.
"Nabaliw ka na ba, miss? Bakit mo naman inararo yung barrier namin?" medyo galit na sabi nung isa.
Hindi ko sila masagot. Nanginginig yung tuhod ko sa kaba habang pinapababa nila ako sa motor. Itinabi ng isang lalaki yung motor ni Yael.
"Ate Em!"
Lumapit si Yael sa akin.
"Y-yael!"
"Okay ka lang?"
Natawa na lang din ako nang makita ko ang mukha ni Yael na mamatay na kakatawa. Pinalo ko siya sa braso at inabot sa kaniya ang susi.
"Itabi na muna natin tong motor mo miss, doon ka na muna sa silong. Kakausapin ka muna namin."
"Ano sir, okay naman na ako. Uuwi na lang po ako."
"Hindi pwede, miss. Hahanapan ka muna namin ng lisensya. Reckless driving ang ginawa mo. Inaraaro mo pa ang barrier namin. Mabuti na lang at wala kang nasagasaan. Marunong ka ba talagang mag-maneho? Mukhang hindi ka naman lasing."
Napangiwi ako at tumahimik na lang. Practice pa nga lang diba.
Pinauwi ko na lang muna si Yael para papuntahin si Ate Lyn doon. I stayed there and let them asked me questions. Hinanapan din nila ako ng lisensya. They gave me water to help me calm down. Pinagtitinginan ako ng mga driver na dumadaan nagtataka siguro sila bakit may diyosa sa checkpoint o kung anong kumusyon ang nangyari.
"Oh? Diba girlfriend mo yun sir?"
Napalingon ako ng may kumalabit sa akin. Nakita ko yung police na nasa receiving area last time.
"Hi, miss. Anong ginagawa mo dito?"
Nanlaki ang mga mata ko at agad na tiningnan ang likod niya. And I was right! Kasama nga nito si Orion. Salubong ang kilay nito at nakapamewang habang kausap ang lalaki na nagtanong sa akin kanina. Napaiwas ako ng tingin ng makitang sumulyap ito sa kinaroroonan ko.
Yumuko ako at sinubukang itago ang mukha sa buhok. Gago, nakakahiya.
"Anong nangyari sa isang yan?" rinig kong tanong ni Orion.
"Ah, yung babae sir? Inararo yung barrier namin kanina, sir. Nagpa-practice palang pala magdrive dumiretso na sa high way. Wala pang lisensya. Kilala niyo ba siya?"
"No."
Sobrang kahihiyan na to. After ng nangyari kagabi, sa ganitong paraan pa kami magkikita. Bakit ko pa ba sinubukang magdrive? Ang tanga tanga mo, Em! Hindi na ako nag-expect na sasabihin niyang kilala niya ako. Sino ba ako diba?
Yung outfit ko pa, nakapajama pa ako, tapos itim na sando. Wala pa akong ligo. Jusko.
Akala ko aalis na agad yung dalawa pero mukhang sila yung naasign ngayon sa checkpoint. Mabuti na lang at hindi ako pinapansin ni Orion kahit na todo tukso yung isang kasama niya. Medyo naiinis din ako sa nakakalokong ngisi nito. Wala talagang pakialam si Orion sa akin. Matigas pa sa bato. Nandoon lang ako sa tabi, dalawang dipa lang ang layo sa kaniya na abala sa pagcheck ng mga lisensya at ORCR ng mga dumadaan.
"Kuya." tawag ko dun sa nakahuli sa akin kanina.
"Bakit? May kailangan ka?"
"Hindi pa ba ako pwedeng umalis? Itotal mo na lang lahat yung babayaran ko sa mga nilabag ko."
"Antayin mo lang yung sundo mo. Saka ka pwede na umalis."
Sino namang sundo ang tinutukoy niya? Hindi ko nga sure kung pupunta ba si ate Lyn dito.
Napabaling ako ng makitang sumilong si Orion at kumuha ng tubig sa upuan na nasa tabi ko. Hindi ko alam kung sinasadya niyang doon pa mismo sa harapan ko pumwesto.
Inis na tinaasan ko siya ng kilay. But he didn't said anything. Masungit parin yung mukha dahil sa init. Tinungga lang nito ang mineral water at itinapon sa basurahan ang plastic. Pinaypayan ko na yung sarili ko. Ang init na kasi. Gusto ko ng maligo at umuwi!
"Hoy, Emilia!"
Napatalon ako sa gulat ng marinig ang tili ni Prince! Nang lingunin ko ang direksyon ay doon ko nakita ang bakla na nakapayong. Sa tabi nito si Patty nasa di kalayuan ang kotse ni Prince.
"P-paano niyo nalamang nandito ako?"
Pero ang bakla, hindi ako pinansin at ang mga mata ay nasa katabi ko na.
"Hi, Orion! Salamat sa pag-inform sa amin. Hulog ka ng langit, sana mahulog ka na rin kay Emilia!" halakhak nito.
Blankong tumingin lang ang lalaki saka bumalik sa dating pwesto.
Sinapak ko nga ang bunganga ng bakla. Siya ang nagsabi kina Patty?
"Aray naman!" nguso ni Prince.
"Okay ka lang ba? Ano bang ginawa mo?" tanong ni Patricia.
"Para kang basang sisiw dito, sis."
"Iuwi niyo na lang ako, please." pagmamakaawa ko.
"Aba, oo! At pag-uusapan natin ang lahat. When I say lahat, pati nangyari nung gabing iyon!"
tumango lang ako kina Prince.
Pumasok kami sa kotse ng mga ito at umalis na. Hindi ko kinalimutan ang motor ni Yael, ibinilin ko na lang yun sa lalaki na kausap ko kanina. Ipapakuha ko yun mamaya. Nagpasalamat din ako.
Hindi ko alam kung anong ginawa ni Orion para wala na akong bayaran pa. Ang importante makakaalis na ako doon. Isa lang ang masisigurado ko, hindi na ako papahiramin ni Yael ng motor panigurado!
Pinagtawanan ako ng mga tao doon sa kanto namin ng makita ako. Ang lakas daw ng loob kong araruhin yung barrier. Hindi ko alam paano nila nalaman. Ang bilis naman ng balita.
"Lodi ka talaga, Em! Bilib na ako sayo."
Natatawa na lang ako sa kanila. Ginagawa kasi nilang katatawanan yung nangyari. Kung alam niyo lang no. Mabuti na lang hindi malala. Madadala lang sa tawa. Star of the day ang beauty ko dahil doon.
Dahil bawal ibang tao sa boarding house, pinahintay ko na lang sila sa ibaba at naligo saka nag-ayos na ako sa itaas. Papasok na lang ako sa trabaho.
_____
Dahil papunta kami sa shop, dadaan talaga kami ulit sa checkpoint. Ang laki ng ngisi ni Prince nung buksan nito ang bintana para ipakita ang drivers license. Pinagsisihan ko na sa harap ko pa naisipang umupo.
"Good morning, sir!"
Nabi-bwiset na ako kay Prince. Poker face lang ako at diretso ang tingin sa harap.
Sumilip si Orion sa loob.
"Patingin ng lisensya, sir." baritonong sabi nito.
"Ay, sandali." nangunot ang noo ko nang umakto si Prince na hinahanap ang licensya. E nakaprepared na yun kanina. Nasa harap lang nito.
Nang silipin ko si Patty mula sa salamin ay pigil na pigil ito ng tawa sa sulok. Yung kilay ni Orion, halos mag x na dahil sa init at paghihintay. Inis na kinuha ko ang lisensya ni Prince at binigay dito.
"Hayan, oh."
"Ay, nandiyan lang pala. Salamat Em!"
Inikutan ko siya ng mga mata. Nangangati na yung puwet ko, gusto ko nang umalis na kami.
Binalik naman agad nito ang ID kay Prince.
"Okay na ba sir?"
Orion nodded. "Okay na. Wag niyo lang kalimutan magsuot ng seatbelt." anito sabay sulyap sa akin.
Doon ko lang napansin na hindi nga ako nakasuot nun. Nakaseat belt naman si Prince kaya ako talaga ang tinutukoy niya. Dali-dali ko iyong kinabit at tiningnan ito. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago pinukpok ang sasakyan ni Prince.
"Sige na."
"Thank you sir! Ang caring niyo naman sa friend namin!"
Hindi ko na napigilan ang sarili, inabot ko ang gilid para ako na mismo ang sumara ng bintana.
"Peste. Umalis na tayo!" inis kong sabi.
"Oo na. Heto na." natatawang sabi ni Prince saka pinasibat na ang sasakyan.
____
"Nung gabi na yun may nangyari talaga sa amin."
Narinig ko ang marahas na pagsinghap ng dalawa. Nanlalaki ang nga mata ng mga ito sa pag-amin niya. I blushed and I told them the truth.
"Sinasabi ko na nga ba! Malandi kang babae ka!" nagtitili na si Prince sa loob ng opisina ko at pinagbabato ako ng unan.
"Ano, daks ba?"
Kaga't labing tumango ako. Open naman kasi sa mga ganitong usapan na tatlo. During College some people looked at us weirdly whenever they hear us talking about things like this. We are vocal but we don't care about their opinions and reactions. Hindi naman sila yung pinag-uusapan namin. As long as they don't talk ill behind us, we don't care.
"Ahh!"
Pati si Patty napatili na rin pero namumula ang mga pisngi. Napa-face palmed na lang ako.
"Magaling ba?"
I rolled my eyes.
"Siya nga gumawa lahat, lasing pa yun ha."
"Hayuf!"
Pinigilan ko sila pareho. "Pero lasing siya nun, at napagkamalan niya lang akong si Gian."
Sandaling natahimik ang dalawa at napangiwi.
"Ay!”
"Kaya ba ganoon na lang ang galit niya?"
Tumango ako. "Oo. Sinisi niya ako sa nangyari. He said, I took advantage of his drunkness. Totoo naman yun, hindi ko lang matanggap ay yung babayaran niya yung p********e ko. Anong akala niya sa akin, pokpok?"
"Huy, nakakaloka naman yan. Bakit ganun ang ugali? Minus points na siya."
"Isa pa wala naman talaga akong balak na gawin sa kaniya noon. Dinala ko siya sa hotel kasi hindi ko alam kung alin ang bahay niya sa lugar na nakita ko sa ID niya. Kung hindi niya ako hinila at basta na lang hinalikan, hindi naman ako bibigay no! May kasalanan din siya."
"True!"
Bumuntung-hininga ako.
"Did he use protection when you did it?"
Pinanlamigan ako nang marinig ang tanong ni Patty. Binalikan ng utak ko yung nangyari. Maya-maya pa ay umiling ako. "H-hindi?"
"Gaga ka ba! Paano kung nabuntis ka niya?" seryosong sabi ni Prince at bumaba ang tingin sa tiyan ko, like there's a living person in there.
"Nag-withdraw ba siya?"
They both looked at me. Litong lito din ako.
"Lasing na lasing siya noon, tapos napagkamalan niya pa si Em na dati niyang fiancé. Siguradong hindi siya nag-withdraw!" bulalas ni Prince.
Napatakip naman sa bibig si Patricia at ako naman ay namutla. I suddenly feel nervous.
"N-no way." I tried let out a laughed pero bumakas ang nerbyos doon. "Isang linggo na rin, wala naman akong nararamdamang kakaiba. At malapit na rin akong datnan. Wag na muna tayong magpunta sa ganoon na mga bagay."
Alanganing tumango naman ang dalawa but it was obvious hat they are worried too.
"Isa pa, kung mabuntis nga ako, so? Kaya ko namang buhayin yung bata."
"Ah, basta! Ikaw kasi Patricia binuksan mo pa ang topic na yan!" paninisi ni Prince.
Nagsisihan na ang dalawa habang ako ay nilipad na ang utak sa pwedeng mangyari.
My God, Emilia! Anong pinasok mo?