Chapter 6

1971 Words
Pagkatapos ng nangyari, hindi na muna ako nagpunta kung saan saan. Pinakiramdaman ko ang sarili ko ng ilang araw. I even set my calendar kung kailan ako daratnan. Kinakabahan din ako nun kasi pwedeng tama sila. Pwedeng may mabuo nga, depende na lang kung baog si Orion. Pero mukhang malabo naman iyon.Shooter pa naman mga police. Hanggang sa dumating yung pinakaaantay ko. Dinatnan ako. Yung bigat ng dibdib ko sa ilang araw ay basta na lang nawala. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na natuwa ako na dumating yung sakin. Hindi sa ayaw kong mabuntis. Ayoko lang na kamuhian ako lalo ni Orion. "Congratulations!" Magkasabay na bati nila Prince at Patricia sa akin ng magvideo call kaming tatlo sa group chat namin. Nakikibalita din kasi yung dalawa. "Magsisimba ako ngayon." anunsyo ko na ikinatawa ng dalawa. "Pero sayang, yun na sana ang chance mo para makuha mo si Orion." Alam niyo na siguro kung sinong nagsabi nun. "Sira, hindi naman ako ganun kadesperada no. Ititigil ko na ang kabaliwan ko sa kaniya. Maghahanap ako ng willing maging daddy ng future baby ko." "That's the spirit! Gusto mo bang hanapan kita? May kaibigan si Alec na gwapo din. Yun nga lang hindi kasing yaman ng mga Monteagudo." Isa sa mga napag-usapan namin noon ang tungkol kay Orion. Isa pala siya sa mga apo ni Don Niccolo. Akala ko kaapilyedo niya lang kaya pala mukhang mamahalin ang lalaki. Motor pa lang. "Dakilang bugaw ka talaga Prince!" Kung saan na nakaabot yung topic nang may maalala ako. "Patty, alam mo ba kung saan nakalibing yung fiancé ni Orion? "Oo bakit?" "Dadalawin ko. Hihingi ako ng tawad." "Ay iba!" "Sure, no problem. Itetext ko sayo mamaya." ganiyan kabilis kausap ang kaibigan. "Sige, text mo agad ha, kasi didiretso na ako doon after kong magsimba." "Okay." Nagpaalam na kaming tatlo sa isa't isa. Umalis ako ng shop at dumiretso na ng simbahan. Taimtim akong nanalangin at nagpasalamat sa panginoon. Pagkatapos kong sumimba ay nagsindi ako ng kandila sa labas. Nang silipin ko ang phone ko ay nakita ko ang mensahe ni Patricia. Bumili ako ng bulaklak sa labas bago nagpahatid sa sementeryo. Diniscribe na sa akin ni Patty kung saan banda nakahimpil si Gian kaya madali na lang sa aking makita yon. May sarili iyong moseleo, at open lang iyon. Pumasok ako at pinagmasdan ang malaking litrato ng babae sa harap. Hindi maipagkakailang maganda nga ito. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lang ang hinagpis ng lalaki nung mawala si Gian. Ang ganda ng ngiti, ang saya saya nito sa litrato. Sayang, maaga lang siyang kinuha ng panginoon. Nilagay ko ang bulaklak sa itaas at sinindihan ang kandila na nasa tabi. Malinis ang paligid halatang maintained iyon. Presko din ang mga puting rosas na nandoon at tila araw-araw may dumadalaw at nagpapalit. Gian Alexis Honteveros "Hi, Gian." Ngumiti ako sa litrato niya. "Siguro nagtataka ka kung bakit ako nandito at kung sino ako. Ako nga pala si Emilia. Kakilala...kakilala ako ni Orion." lumunok ako. "Nandito ako ngayon para humingi ng tawad. I made some mistakes. I'm sorry. Wag ka sanang magalit kay Orion kasi kasalanan ko naman yung nangyari.” Kung hindi ako nagpatukso wala ako dito ngayon. “Ang sungit pala ng fiancé mo ano? Well, siguro sa akin lang siya ganun dahil sa hindi maganda yung unang pagkakilala namin. But I hope, gabayan mo siya. Tingin ko kasi hindi na siya magkaka-jowa pa sa attitude niya ngayon." tawa ko. Marami pa akong sinabi na tila matagal na magkaibigan kami ng babae. Napasampal ako sa noo. "Bakit ko ba sinasabi sayo to." Nagulat ako nang may tumabi sa akin. I looked up and saw Orion who just raised his brows at me. "A-anong ginagawa mo dito?" Hindi siya naka-uniform ngayon. "Hindi ba ako dapat ang magtanong sayo niyan?" Itinutok niya ang tingin kay Gian. His face softened. Yun ang unang beses na nakita kong lumambot ang expression ng mukha niya. His height was towering over me. Bakit ko ba natanong yun? Siyempre dumadalaw siya sa fiancé niya! Ako nga yung trespassing dito. "K-kanina ka pa ba diyan?" "Sakto lang na marinig ang paninira mo sa akin sa harap ng fiancé ko." Napangiwi ako. Umatras ako at alanganin na tiningan si Gian para magpaalam. "Sige, uh...lalabas na ako." Hindi ko na inantay pa ang sagot niya. Tumalikod agad ako. "Antayin mo ako." Hindi ko alam kung sa akin niya yun sinabi. Nang lingunin ko naman kasi siya nakaharap lang sya sa litrato ni Gian. Balak niya bang sumunod sa babae? Baliw na ba talaga siya? Imbes na mag-antay ay tinahak ko na ang daan palabas. Ayoko na siyang lapitan pa, humingi na ako ng sorry kay Gian. Hindi maganda yung nangyayari pag lagi kaming magkasama ni Orion. Ilang minuto na akong nag-aantay ng tricycle na masasakyan nang may marinig akong pamilyar na ugong ng motor na papalapit. At hindi nga ako nagkamali nang humito iyon sa harap ko. Itinaas ni Orion ang salamin ng helmet niya at sinamaan ako ng tingin. Ganun din ang ginawa ko sa kaniya. Bakit? Siya lang ba ang marunong gumawa nun? "Oh, bakit ka nandito? Akala ko ba susundan mo na si Gian?" "What?" Inikutan ko siya ng mata. "Ewan ko sayo." "Ewan ko din sayo. Ang sabi ko antayin mo ako sa labas pero nauna ka nang umalis. Ang tigas talaga ng ulo mo." Natameme ako. So para pala yun sa akin. Nakakahiya. Iba yung iniisip ko. "Natahimik ka? Napahiya ka?" I flustered but still tried to glared him. "Bakit ba! Bakit mo ako pinapaantay?" sigaw ko. Para kaming tanga doon na nagsisigawan sa harap ng semeteryo. “Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan nakalibing ang fiancé ko?” “Dumadalaw lang. Bawal ba? Hindi lang naman kamag-anak ang pwedeng dalawin.” Mukhang naisip nitong hindi siya mananalo sa akin. "Tss. Sakay na." Napakurap ako. "Ano pang inaantay mo? Wala nang dumadaan na motor dito. Depende na lang kung itatawag kita doon sa bungad pero asa ka namang gagawin ko iyon." I gasped and looked at him with disbelief. Totoo ba siya? "Himala! Magpapasakay ka!" Anong hangin ang pumasok sa utak ng isang to. "Ang dami pang sinasabi." Kaniya-kaniya kaming bulungan doon kontra sa isa't isa. Para kaming mga bata. "Pwede kang hawakan, SIR?" sarkastikong tanong ko saka itinuro ang balikat niya. Aakyat pa lang kasi ako nun. Maarte pa naman tong isang to baka isang krimen na sa kaniya ang hawakan ng walang paalam. I'm just being cautious here. “Natikman mo na nga, ngayon ka pa mahihiya.” “Argh!” gusto ko siyang sabunutan ngayon sa inis ko sa kaniya. Lord, give me more patience for this man. Ikaw lang ang nakakaalam kung gaano namin kagustong sakalin ang isa't isa ngayon. Pakurot na humawak ako sa balikat niya. Sinadya ko talaga iyon hanggang sa narinig ko siyang magreklamo. Ginalaw nito ang balikat para matanggal ang kamay ko doon. "What was that for?" lingon niya sa akin. Nagmaang-maangan ako. “Sorry! Napalakas lang.” Narinig ko siyang iritableng bumuntung-hininga bago pinaandar na ang motor. Yung motor niya mataas sa bandang dulo, yung pangchicks masyado. Kahit anong gawin kung atras, dumadausdos talaga ako pababa. Hindi ko tuloy mapigilang magmura at kumapit sa jacket ni Orion. Bahala siyang masira yon. Kaniya naman yun saka afford naman ng lolo niyo. Akala ko ibababa niya na ako sa bungad pero dire-diretso lang ito sa pagdrive. "Ano, wala kang balak sabihin kung saan ka bababa?" Umirap ako sa hangin nang marinig ang sinabi niya. "Pwede mo na akong ibaba dito. Sasakay na lang ko!" Mag-ooffer hindi naman bukal sa loob. Pero hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagdrive. Parang tanga din e no? Magtatanong-tanong ayaw din naman sundin. Mas nagulat ako nang makitang tinatahak nito ang daan papuntang shop namin. Hanggang sa magmenor ito at huminto at magpark sa harap nun. Paano niya nalaman? Hindi na lang ako nagtanong at bumaba na lang. Isipin pa nito nagugustuhan kong kumapit sa kaniya. Kita ko yung mga empleyado ko na nakasilip sa salamin sa loob. "Salamat sa nakakangalay na ride! Pagpalain ka sana!" yamot kong sabi. Pero nagulat ako ng patayin niya ang bike at tanggalin ang helmet. Bumaba din siya. I looked at him cluelessly. "Hindi ako tumatanggap ng salamat lang. Bilhan mo ako ng maiinom." suplado nitong sabi saka ako nilagpasan. Nakangangang sinundan ko siya ng tingin. Parang may-ari na dumiretso to papasok sa shop at kinausap ang mga nagkukumahog na empleyado. Aba, seniorito! Nagmamadaling sinundan ko siya.Naabutan ko siyang kausap si Leah. "Doon po ang opisina ni Ma'am Em. Yung nasa dulong pintuan po." "Thanks." Pinanlakihan ko ng mga mata si Leah nang ituro nito ang opisina ko. Si Orion naman dire-diretso lang na binuksan yon at pumasok, leaving me here, shocked. "Ma'am! Ang gwapo ng boyfriend niyo! Kayo ha." Nagsimula na akong lapitan at tuksuhin ng mga ito. "Tumahimik nga kayo. Hindi ko yun boyfriend! Sa sungit nun akala niyo malalandi ko yun?" "Sige, maam. Kunwari naniniwala kami." Kinurot ko si Leah at inabutan ng pera. "Makikisuyo nga. Bilhan mo kami ng milktea sa kabila." Kung hindi siya umiinom ng ganun, bahala siya sa buhay niya. My money, my say. "Ay may date sila sa office!" tukso ni Diane. "Shh! Maissue kayo!" itinaboy ko na sila papaalis. May kostumer pa naman sa loob. Nang pumasok ako sa opisina ay nakita ko nang prenteng naka-upo si Orion sa mahabang upuan ko doon. Nahubad na nito ang suot na jacket at umiikot ang paningin sa malawak na opisina ko. Minimal lang ang disenyo ng opisina ko kaya wala talagang kaespesyal espesyal doon maliban sa sarili kong space iyon. "Nagpabili pa ako ng Milktea mo. Antayin mo na lang, mabilis lang naman yun." tunig napipilitan ko pang sabi. Dumiretso ako sa mesa ko. Malawak ang opisina pero ngayon pakiramdam ko ang sikip para sa aming dalawa. "So, you're the manager here." anito ng makita ang pangalan ko sa mesa. "Obviously." “Who owned this shop then?” "Kami ng mga kaibigan ko.” “Really huh?” Bigla kaming tumahimik na dalawa. Inabala ko ang sarili sa trabaho. Sanay akong mag-isa pero ngayon ayaw ko ng katahimikan sa pagitan namin kaya tumayo ako para lumabas at tingnan kung dumating na ba si Leah. Pero wala pa ang babae tinawag naman ako ni Diane at may may itinanong sa akin, may kostumer itong kaharap. Kinausap ko sandali sila at nang matapos ay siya namang dating ni Leah. "Salamat, leah." Tumalikod na ako bitbit ang dalawang milktea. Pagkapasok ko nadatnan kong nakahiga at nakapikit si Orion sa upuan. At talagang ginawa niya pang nap room tong opisina ko. Nilapitan ko siya at icheck kung tulog ba talaga o nagtu-tulog tulugan lang. Pero mukhang tulog na nga siya humihilik pa nga ito ng mahina. Bumuntung-hininga ako at nilagay na lang sa isang tabi ang milk tea nito. I don't plan to wake him up. Bahala siyang magising. I continued working, pasulyap sulyap ako minsan sa kaniya. Baka kasi mahulog, ang laki pa naman niyang tao. Kahit asar ako sa kaniya, hindi ko parin maiwasang mag-alala. Pero kung sakaling mahulog nga siya, pagtatawanan ko talaga siya. Mga limang minuto siguro ang nakalipas nung biglang tumunog ang ringtone ng phone nito. Napatigil ako sa pag-inom. Pinanood ko kung paano agad na bumangon ang lalaki at sinagot ang tawag. "Sir," pormal nitong bati. Napasulyap siya sa akin, inabot nito ang jacket at tumayo na. "I'll be there in three." "Yung milktea mo—" Naiwan sa hangin ang sasabihin ko nang basta na lang itong lumapit at inagaw sa kamay ko ang iniinom kong milktea. Nakadikit pa sa bibug ko yung straw ha. "Thanks." Saka ito lumabas ng opisina ko. Naiwan akong nakatanga doon, at napatingin sa milktea na para sana sa lalaki. Indirect kiss din iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD