Chapter 7

2688 Words
Iyon ang huling kita namin ni Orion sa linggo na iyon. Nabusy din ako ng ilang araw sa shop dahil dumating ang mga bagong products galing pang labas ng bansa. Nagre-relax ako sa opisina nang tumawag si Yvo sa akin. Nagtaka ako kasi minsan lang tumawag tong isang to, pag pinapauwi na si Patty galing inuman o magtatanong tungkol kay patty. Gwapo din naman si Yvo pero hindi ko talaga minsan naisip na magustuhan siya. Parang kapatid na din turing nun sa akin e. "Hello, Yvo?" ginalaw galaw ko lang ang swivel chair ko habang nasa tenga ang cellphone. Inaantok ako malamig at medyo makulimlim kasi sa labas. Inaantay ko na lang ang oras para makapagsara na kami. "Em, nasa shop ka ba?" "Oo pero hindi ko kasama ang kapatid mo." Tumawa ito sa kabilang linya. Medyo maingay ang background ng lalaki. "Sira, hindi siya ang sadya ko. Ikaw." "Sorry, Yvo. Hindi kita type." biro ko. Nakarinig ako ng pagmumura mula dito. "Mas lalong hindi din kita type Emilia!" "Pumunta ka na nga lang dito sa hospital!" may binanggit itong pangalan ng hospital. Natigilan ako at sinalakay ng kaba ang dibdib. "Bakit ka nandiyan? Sinong naospital?" sinuot ko ang heels ko habang nag-aantay ng sasabihin niya. "Si Orion." Napahinto ako. "B-bakit, anong nangyari sa kaniya?" "May buy bust operation kasi kami kaninang madaling araw, natamaan ang ungas sa balikat." "Tapos? Anong gusto mong gawin ko? Saka bakit ako?" "Wala kasing magbabantay sa kaniya. Kelangan kong bumalik ng head quarter. Baka pwede ikaw na muna magbantay. Madi-discharge naman ata siya bukas, alagain kasi tong isang to." “Bakit nga ako?” “Ikaw lang naiisip ko at mapagkakatiwalaan ko sa kaibigan kong to.” "Sabing kaya ko na mag-isa!" rinig ko pa ang boses ni Orion sa kabilang linya. Mukhang nandoon parin sa ospital si Yvo. "Tumahimik ka. Hindi mo nga maalis yung damit mo. Pinapunta mo pa ako dahil lang diyan. Pwede mo namang itawag sa nurse." Tumayo na ako at kinuha ang bag at jacket. "Kumuha ka na lang ng iba. Wag siya!" I stop walking when I heard him said that. "Bakit ba, maissue ka naman. Natatakot ka bang mangyari ulit yung nangyari sa inyong—aray!" Nagsalubong ang kilay ko. Did he told Yvo about what happened between us? Pinamulahan ako sa naisip. Sinabi niyang wag kong sasabihin sa iba na may nangyari sa amin pero siya lang pala ang susuway. Siguradong tutuksuin ako Yvo pag nagkita kami. "Tangina mo! Umalis ka na dito! Tatawag na lang ako sa mansyon." "Mamaya! Pag nakarating na si Emilia dito. Wag ka ng tumawag akala ko ba ayaw mong pag-alalahanin ang mama mo?" “Tsk.” "Pakisigurado muna Yvo kung willing magpa-alaga yang kaibigan mo kasi kung hindi uuwi na ako." "Ayan, narinig mo?" Wala akong narinig mula kay Orion. "Silence means yes." Sinabihan ko si Leah na siya na lang ang sumara ng shop at tinext ko si Prince para sa susi. Pumara na ako ng masasakyan at nagpahatid sa ospital na binanggit ni Yvo. "Ano, Em? Sumakay ka na ba?" "Oo. Papunta na ako." "Sige, aantayin kita dito." pinatay na nito ang tawag. Hindi rin tumagal nakarating ako sa ospital. Malapit lang naman yun. Magtatanong pa sana ako kay Yvo kung anong room si Orion pero itinext na pala nito iyon sa akin kaya dumiretso na ako doon. Nagdadalawang isip pa ako nung nasa harap na ako ng pintuan. Paano kung singhalan niya ako? Aba, subukan niya lang. Iiwan ko siya agad. "Hindi yan kusang bubukas kung titingnan mo lang." Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko. Nang lingunin ko ay nakita ko si Orion with his grumpy face. Naka cast ang kaliwa nitong kamay yun ata yung inoperahan. Nakasampay lang sa balikat nito ang damit kaya nakalantad parin sa akin ngayon ang maskulado niyang katawan. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Natatarantang tumabi ako. Inirapan niya ako at binuksan ang pintuan. Sumunod naman ako sa kaniya sa loob, doon ko nakita si Yvo na siyang nakahiga sa hospital bed at pacellphone cellphone pa. Napabangon agad ito ng makita si Orion at ako. "Em, buti nandito ka na.” nginitian ko siya ng tipid. “Sabi mo bro, papahangin ka lang. Sinundo mo ata si Emilia sa baba e." pang-aasar ni Yvo sa lalaki. "Ikaw ang ipapasundo ko kay kamatayan pag hindi ka pa umalis diyan." Umalis naman agad ang lalaki sa kama at tumaas ng kamay. "O, siya. Aalis na ako." hinarap ako nito. "Ikaw nang bahala sa kaniya, Em. Pakisubuan at pakibihisan yan mamaya." itinuro nito ang pagkain sa mesa. May mga prutas din doon. "Pagbalatan mo narin, may binili akong pagkain para sayo diyan. Basta ikaw na ang bahala. Kelangan ko na talagang bumalik ng headquarter." "Sige." Nagpaalam na ito sa kaibigan na siyang umirap lang. Tumango ito bago nakangising lumabas na. "Hindi mo ako matatawagan. Busy ako mamaya. Bye! Salamat Em." So, naiwan kaming dalawa sa loob. Ang tahimik namin pareho, may maliit na couch sa tabi saka upuan. Pinatong ko ang bag ko doon. Sana pala dinala ko na lang ang laptop ko nang may pagkaabalahan naman ako. "Uh, nagugutom ka ba?" tanong ko. Walang sagot. "Pagbabalatan na lang kita ng prutas." inabot ko ang maliit na kutsilyo at sinimulang balatan ang apple. "Just leave it there." tiningnan niya ako. "Umuwi ka na lang. I can handle myself." Nagsimulang mainis na rin ako sa pagiging suplado niya. Obvious naman na kelangan niya ng tulong. Hindi naman tatawag si Yvo at hihingi ng tulong kung wala lang yun. "Tumahimik ka." "Ano?" "Kung ayaw mong kumain, di wag. Bahala ka diyan magutom. Pero hindi ako aalis." itinabi ko nga ang prutas. Tiningnan ko ang pagkain na binili ni Yvo para sa akin, beef steak iyon take out sa bubuyog. May chicken joy din saka sundae at fries. Ginutom ako ng makita iyon. Napatingin kami pareho sa bintana ng makitang bumuhos ang ulan. Madilim na sa labas, tumayo ako at inayos ang kurtina. Kumain ako mag-isa doon. Sabi niya ayaw niya kaya bahala siya. The best talaga ang fries kapag sinawsaw mo sa sundae. Tumikhim si Orion. Inabot ko ang baso ng tubig sa kaniya ng walang sinasabi. I just continued eating while watching vlog on youtube. Nakalimutan ko nga palang itanong kay Yvo kung hanggang anong oras ako dito. "Pwedeng pakihinaan ang volume ng phone mo?" Naka-full volume kasi yun. Ang tahimik naman din kasi dito. Sinunod ko ang gusto niya para walang gulo. "Paano mo nagagawang kumain sa harap ng pasyente na hindi man lang nag-ooffer?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa pagkain ko. Hindi naman siya nagsasabi! "Gusto mo? Tinaas ko ang daliri ko na may fries. Umismid ito. "Nakakahiya naman. Kulang pa ata sayo." sarkastikong sabi nito saka binuklat muli ang libro na nasa kandungan. Nabadtrip ako sa sinabi niya. "Hindi ka naman kasi nagsasabi. May bibig ka naman sana." willing naman akong subuan siya. Umirap ito. Kinuha ko ang fries at sundae saka lumapit sa kaniya. Umupo ako sa kama niya, kita ko ang matalim niyang tingin sa katawan ko. "Anong ginagawa mo?" "Susubuan ka. Bilis na." inilapit ko sa kaniyang bibig ang pagkain. "Ah," Salubong yung kilay niya sa akin bago bumaba sa kamay ko. Kita ko ang paglunok niya ng makita ang pagkain pero iniwas nito ang ulo. "No thanks." "Wag ka na maarte diyan. Halata namang inggitero ka." Nilingon niya ako at magsasalita na sana pero basta ko na lang pinasok ang fries sa bibig niya saka bahagyang isinara iyon. Halatang nagulat ito, pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Inabot ko yung steak at sunod na sinubuan siya nun. Buti na lang at kusa na siyang nagbuka ng bibig. Wala naman siyang sinasabi at tinatanggap lang iyon pero parang natatae ang mukha. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti. Cute niya kasi. "Anong nginingiti mo diyan?" "Wala. Bawal ba?" "Para kang baliw. Ngumingiti ka ng walang dahilan. Sana okay ka lang." iling nito bago pinalayo ang pagkain sa kaniya. Naubos niya na rin kasi yung isang pack. Salitan pa nga kaming kumain sa iisang kutsara, buti na lang at hindi nag-inarte kanina. "Kaysa naman nakasimangot ka buong araw." parinig ko. "Saan yung good vibes dun, diba? Alam mo, pag lagi ka nakangiti gumaganda yung araw mo at lumalayo sayo yung malas o bad vibes. Try mo din minsan para hindi ka napupunta sa hospital." I heard him scoffed. "It's easy for you to say." "Bakit? Mahirap bang maging masaya? Hindi naman diba? Ang daming bagay na pwedeng maging dahilan para maging masaya ka. Learn to appreciate it." “Nasasabi mo lang yan kasi wala ka sa posisyon ko. Temporary lang naman yung saya kasi babawiin din agad sa iyo." rumihistro ang lunkot at pait sa mukha ni Orion. "That's how unfair life is." Natahimik ako kasi mukhang alam ko na ang tinutukoy niya. Si Gian. She was his happiness but it was taken away from him. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin para maicomfort siya. Sensitive kasi ang iba sa mga bagay na yun, mahirap magbigay ng advices. "Pakilayo na sa akin niyan. Gusto ko nang magpahinga." Automatic na napatayo ako at kinuha ang kalat. Pinagpag ko ang higaan niya dahil baka may natapon at langgamin siya. Ipinatong nito ang libro sa mesa saka humiga patalikod sa akin. I worriedly watched his back. Hindi ko alam kung nakatulog na siya o ayaw niya lang ako kausap. Hinayaan ko na lang siya at tinapon ang mga basura. Nanatili akong nakaupo at pascroll scroll lang sa phone ko. Tinext ko din si Yvo kung hanggang anong oras ako dito. From Yvo: Overnight ako, Em. Baka bukas pa kita mapalitan. Okay lang ba? Nilibot ko ang tingin ko. "Okay lang naman. May couch naman dito na tingin ko kakasya ako." Mas komportable sana sa kama. From Yvo: Kasya naman kayo sa kama ni Orion. Doon ka na lang. ? "Sira. Baka bukas abutan niyo na lang akong patay dahil sinakal niya ako habang tulog." "Bagay nga kayo. Kung makabash kayo sa isa't isa wagas. Tandaan mo, the more you hate the more you love." “Nagpapaniwala ka naman sa ganiyan. Scam yan.” Ilang oras akong nakatanga lang bago pumasok ang isang nurse para icheck si Orion. Sandali lang ang nurse at umalis din agad. Lumipat ako sa couch nung nakaramdam ako ng antok. Ginamit kong kumot ang jacket ko saka pinahinaan ang aircon. Medyo malamig na kasi. Nagising ako sa gitna nang gabi ng makaramdam ng pagkaihi. May sariling comfort room ang silid na pinagpasalamat ko. Nakaprivate room din kasi tong lalaki. Papalabas na ako nang mapansin ko si Orion na umuungol at pabaling baling ang ulo. Nilapitan ko siya para icheck. Pansin ko agad ang pawis niya sa noo. "Orion?" Tinapik ko siya pero hindi siya nagigising. Kaya nilakasan ko ang pagtawag sa pangalan niya hanggang sa nagising. Pinahid ko ang pawisan niyang noo. Nilalagnat ata siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang magkalapit naming mukha. Bumangon siya saka tiningnan niya ako ng masama. “Anong ginagawa mo?” "Don't get the wrong idea. Wala akong balak na gawin sayo. Pawisan ka saka umuungol, nilalagnat ka ata. Okay ka lang ba? Basa ba yung likod mo?" Nagulat ito sa biglaan kong pagkapa ng katawan niya. "Sorry." lumayo ako. "Tingin ko kailangan mong magpalit." "No, it's fine." iwas nito. "Anong fine e basa ka ng pawis. Uubuhin ka pag hinayaan mo yan." parang nanay kong sabi. Natahimik ito at napatingin sa suot. Nahihiya ba siyang bihisan ko? "Wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sayo. Tutulungan lang kitang magpalit." He look at me doubtly. "Anong tingin yan?" "The last time you help undressing me, may nangyari sa atin." Napasinghap ako at namula. "Hoy! K-kasi.... yung time na yun lasing tayo pareho!" medyo tumaas yung boses ko nun. Humakbang ako palayo. "Kung ayaw mo edi wag! Maissue ka naman." Tinalikuran ko siya dahil nag-iinit yung mukha ko. Bakit kailangang balikan yung part na yun. Natempt lang ako nun. Nilakasan ko ng konti ang aircon. Umupo ako sa couch at pinanood siyang hirap sa pagkalas ng butones gamit ang isang kamay. Ako yung nahihirapan sa kaniya. Nauubusan ang pasensyang bumuga ito ng hangin at nilingon ang gawi ko. “O, ano?” tinaasan ko siya ng kilay. "Can you help me?" “Akala ko ba kaya mo na?” taas ko ng kilay. "Tss.” I rolled my eyes to him but still stand up. Nangialam muna ako sa bag na naglalaman ng gamit niya para kumuha ng extrang damit. Nung makalapit ako, medyo nakaramdam ako ng pagkailang kasi nakasunod na yung tingin niya sa mga galaw ko na pag may mali akong nagawa sisitahin niya agad ako. My heart beat started to race. "Akin na." Lumunok ako at sinimulang kalasin ang butones ng pang-ospital na damit niya. Medyo nanginig pa ang kamay ko nung oras na iyon. I can also feel his hot breath on my face. Hindi ko sinubukang mag-angat ng tingin. Focus na focus lang ako sa pagtanggal ng damit niya dahil baka ano na naman ang isipin at ibintang sa akin. Nahirapan lang ako nang nandoon na sa part ng inoperahan niyang braso. "Sabihin mo kung nagagalaw ko." "Hmm." Pinunasan ko yung basa niyang likod at leeg. I looked up and found him watching my face. "Anong tinitingin tingin mo?" Napatingin siya sa mata ko. Then he looked away. "Hindi ka naman pala pangit." asar nito. I frowned. Relax, Em. Sinusubukan ka lang niyan. Mabilis na tinapos ko ang pagpapalit sa kaniya at lumayo agad. Pinigilan kong batuhin siya ng damit na hawak. "Alam ko na yan!" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Siguro epekto lang to ng lagnat o gamot na iniinom ko." Namewang ako sa harap niya. "Hoy! Talagang maganda ako no." He shrugged his shoulder. “Maybe.” Matapos kaming mag-asaran, pinainom ko siya ng tubig at natulog ulit kami. Muli akong gumising at chineck ang lalaki mukhang okay na naman siya. Inayos ko lang yung pagkakakumot sa kaniya. Sa antok, nakatulog agad ako. Late na ako nagising kinabukasan. Nagising na lang ako sa ingay ni Yvo. Naupo ako saka sinuklay ang buhok at nagtanggal ng muta, wala naman akong pakialam sa ganun pero siyempre pag nasa harap ka ng crush mo mako-conscious ka talaga. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang hindi nag-iisa si Yvo. May kasama itong babae na naka-police uniform din. Maganda yung babae at matangkad. May kaunting make up sa mukha at malinis na nakaponytail ang buhok. "Are you hungry? May dala akong breakfast." malamyos ang tinig na sabi ng babae. "Thanks, Lauren." "I'm sorry ngayon ko lang nalaman na nandito ka pala. I should have taken care of you. Kumusta ang sugat mo?" Okay, sino siya? Bakit may iba akong nase-sense? "Okay na." tiningnan nito si Yvo. "I wanna talk to my doctor. Okay naman na ako. Baka pwedeng lumabas na ako at sa bahay na lang magpagaling." Yvo nodded. "A, sige tatawagin ko lang." umikot si Yvo at natigil nang mapansin akong gising na. "Uy, good morning Em!" ngiti nito. Napatingin din sa akin ang dalawa. Ngumiti ako ng alanganin at itinabi ang mineral water. Maganda parin naman ako kahit bagong gising. "Morning. Nandito na pala kayo." sulyap ko sa dalawa. "Oo. Hindi na kita ginising kasi mukhang pagod na pagod ka." Napakamot ako. "Pasensya na. Ah, ako na lang ang tatawag sa doctor. Lalabas din naman ako." Ayokong maiwan dito kasama ang dalawa. "Ha? Uh, sige. Breakfast tayo pagkabalik mo, may binili si Lauren kanina." Tumango lang ako at kinuha ko na ang bag. Nahuli kong nanonood si Orion sa galaw ko pero umiwas lang ako at dire-diretsong lumabas. Wala na akong planong bumalik doon, no. Dadaanan ko lang ang doctor saka uuwi na. May trabaho pa ako saka kaya kong bumili ng sarili kong breakfast. Nang makababa na ay doon ko pa lang itinext si Yvo na umalis na ako para hindi na niya ako mapilit pa. Sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa boarding house ko. Sabi hindi pa naka-move on. Bakit may babae agad ang mokong?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD