It's been a week after the hospital scene. Nakatanggap ako ng tawag kay Yvo pagkatapos nun, at nagtatanong kung bakit daw umalis ako agad kasi sayang ang binili nilang pagkain. At ang hindi ko pinaniwalaan s alahat ay hinahanap daw ako ni Orion kailangan ko daw bumalik.
Pwe.
Akala niya naman mauuto niya ako.
"Em, siguradong okay ka lang diyan? Ayaw mo sa stand?"
Umiling ako kay Chester bago pagod na binagsak ang pang-upo sa malamig na semento. Inilibot ko ang tingin ko sa plaza, mabibilang lang sa daliri ang tao na nandito ngayon.
Inaya ako kahapon ni Chester magjogging ngayon at dahil matagal na rin akong hindi nadadalaw sa gym para mag-excercise ay pumayag agad ako.
"Dito na muna ako. Pupunta ako doon mamaya."
Tumango ito at inaya na si Noel para magbasketball. Nakajersey short ang mga ito at sapatos lumapit saka tinungo ang court at nakipag-usap sa mga lalaki. Si Kim naman ay nakita kong nagpuntang stand para doon manood.
Anong oras pa lang, medyo madilim pa ang paligid alas tres kasi sila umalis kanina. May malapit na bakery dito isang tawid lang kaya lumabas muna ako para bumili. Hindi na ako nagpaalam sa kanila.
May sumipol nang dumaan ako bandang court pero hindi ko pinansin. Hanggang sipol lang din naman kayo.
I'm still catching my breath when I reached the gate. Maliwanag naman sa labas dahil harap lang ng plaza ang munisipyo kaya medyo hindi nakakatakot. May magtatangka pa ba dito e isang sigaw ko lang aalingawngaw na sa paligid baka nga umabot pa sa police station na nasa tabi lang ng municipal hall.
Bumili ko ng pandesal at kape sa isang bakery na may vending machine. Someone might laugh at me when they see me here wala naman kasing silbi yung ilang minuto kong pagtakbo kasi kumain din ako.
Pakialam ba nila e nagugutom ako. May pera naman ako bakit ko gugutumin ang sarili ko. Nakalahati ko ata yung pandesal bago tuluyang tumayo at naisipang bumalik sa plaza.
Ngayon tinatamad na ako kasi busog na. Thirty minutes din ata akong nagstay sa bakery. Medyo maliwanag na rin.
"Ang bastos din kasi ng bibig ni Rico. Bagay lang yun sa kaniya."
"Akala ko talaga aatras yung isa e. Nagulat na lang ako nung nasapak na si Rico." nagtawanan ang dalawa.
Napahinto ako at nilingon ang dalawang lalaki na dumaan palagpas sa akin. May nangyari ba kanina?
Nagmadali akong hinanap si Chester at ilang kasama kanina pero hindi ko na sila makita doon. Wala na ding naglalaro sa court.
Nasaan sila? Naglalaro lang sila dito kanina. Imposible namang iwan ako ni Chester dito. Malilintikan talaga siya sa akin.
Naglakas loob akong lumapit sa isang lalaki na nagsho-shoot sa ring. Nakita ko siya kaninang isa sa kalaro nila Chester e.
"Excuse me."
Hinabol muna ng lalaki ang bola at bumalik sa akin.
"O, diba ikaw yung kasama nung dalawa kanina?"
Tumango ako. "Nakita mo ba sila?" inikot ko ang paningin. Pati si Kim hindi ko nakita yung girlfriend ni Noel.
Nagsalubong ang kilay nito. "Nagka-initan kanina, sinuntok nung kasama mo na matangkad si Rico. Nasa police station sila ngayon. Dumugo kasi ang bibig ni Rico saka nakisali din yung mga kaibigan nila pareho. May dumaang police kaya dinala sila doon sa station."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"
"Ate Em!" napalingon ako ng marinig ang boses ni Kim. Tumatakbo ito palapit sa akin.
"Kim, bakit nasa police station sila Chester? Ano bang nangyari?"
"Puntahan na lang natin ate." Napatingin ito sa hawak kong supot. "Nagpunta ka po palang bakery? Kaya pala hindi kita mahanap kanina."
Nagpasalamat ako sa lalaki kanina at nagmamadali na kaming pumunta ng station. Tumahip ang kaba sa dibdib ko dahil baka anong nangyari sa dalawa. Siguradong mapapagalitan kmi ni Ate Lyn. Pero hindi naman ni Chester gagawin yun kung walang mabigat na dahilan.
"Dito te." pumasok kami sa loob.
Agad na bumungad sa amin ang apat na lalaki doon. Ang isa ay may hawak na ice at nilalagay sa pisngi at masama ang tingin kay Chester. Yun ba yung Rico?
Napatingin sila sa amin ng makapasok kami. Mabilis na nilapitan ko ang dalawa.
"Chester? Okay ka lang ba? Ano bang nangyari?" nag-aalala kong tanong.
Maliban sa sugat sa gilid ng labi ay wala na akong makitang ibang sugat doon mukhang okay din si Noel taliwas doon sa may pangalang Rico at kasama nito.
"Em?"
Umahon ang tingin ko nang marinig ang boses ni Yvo. Nakita ko itong nakaupo sa harap ng kompyuter at nakasilip sa pwesto ko. May iilan pang police na nandoon at nakaduty.
Bakit ko ba nakalimutan? Syempre nandoon sila.
Sumulyap ito sa kalalabas lang sa isang silid na si Orion. Hindi niya pa ako napansin nung una dahil ang mga mata ay nasa papel na hawak, pero ng mag-angat ng tingin ay sa akin agad iyon dumiretso.
He froze for a second. Halata sa mukha ang pagtataka.
Nakaduty na siya, magaling na ba ang sugat niya?
Pinasadahan nito ng tingin ang katawan ko bago nagtama ulit ang tingin namin. Ako ang unang umiwas. I just can't look at him that long anymore. I should keep my distance from him kasi ayokong ma-attach.
Crush ko lang naman siya. I have lots of crushes before na paglipas ng ilang linggo nawawala din kaya malakas ang loob kong mawala din yung sa kaniya.
Naka sports bra lang ako saka sweatpants kaya yumakap sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon.
Annoyance registered to his face, siguro dahil sa maagang gulo na sinusubukan nitong ayusin.
"Sir, siya po yung babaeng sinasabi kong binastos ng lalaking to." ani ni Noel saka tinuro ko.
Huh?
Wala naman akong natatandaang binastos ako ng Rico na to. Sinamaan ko ng tingin si Rico nang mahuli siyang malagkit na nakatingin sa akin. Ang gagong to.
Tumayo si Yvo saka lumapit sa amin.
"Ano bang nagyari? Pwede ba isa-isa lang magsalita." tiningnan ako ni Yvo. "Em, ikaw na nga magkwento."
Napakamot ako. Somehow I felt tensed dahil sa isang nakatitig sa akin ngayon na halos bumutas sa katawan ko.
"Uh, hindi ko din kasi alam anong nangyari. I left for a while to buy coffee and food. Pagbalik ko nandito na sila."
"Nag-jogging ka tapos kumain ka?" natatawang sabi ni Yvo.
"Nagutom ako e."
"Wala po siyang alam sir. Naglalaro kami kanina pero marumi maglaro yang mga yan pero pinalagpas lang namin pero hindi namin mapapalagpas na bastusin niya tong mga kasama namin na babae.”
“Ano bang sabi?”
“Sabi type niya daw tong si Emilia baka daw pwedeng tikman kung mapanalo nila yung laro namin. Isama na rin si Kim. Ang bastos ng bibig kaya ko sinuntok. Kulang pa nga yan sa kaniya." kwento ni Chester na ikinasinghap ko.
Yun pala ang nangyari.
"Asa ka namang matitikman mo ako, totoy." taray ko saka tiningnan pataas baba si Rico.
Mukha naman sanang matino. They're right, appearance can be deceiving sometimes.
"Ayos mo rin pala, ang aga mo naman pala bumastos." ngisi ni Yvo saka hinawakan sa balikat yung Rico. Kita ko ang pagngiwi ng huli at ininda ang balikat. "Kating kati ba?"
"Yvo." Orion warned.
Binitiwan iyon ng lalaki at lumapit sa mesa. May kinuha itong log book.
"Isulat niyo na pangalan niyo dito."
Mabilis namang tumalima ang mga lalaki.
"Do you wanna file a complain?" ang mata ay nasa akin nung tanungin iyon ni Orion.
"Hindi na, sir.” magalang kong sabi.
Sinadya kong banggitin yun kasi hindi naman kami magkaibigan o close. Isa pa naka duty sila.
Ayokong tumagal pa kami dito.
Umismid ito at nilingon si Yvo. Hindi ko na lang pinansin at kinausap na lang si Chester. Magtatanong tapos ganun ang mukha. Napailing ako. Seryosong nag-usap ang dalawa ng ilang sandali bago ko nakitang tumango si Yvo at sumulyap sa akin.
Lumabas kami ni Kim at doon na lang inantay sina Noel. Naririnig parin namin sila mula doon. Pinagsasabihan nila Yvo sina Rico at kasama nito. Pansin ding natatakot at kinakabahan ang mga ito sa tuwing si Orion na ang magsasalita. Mahina ang boses nito kaya hindi ko marinig kung ano ang pinagsasabi nito pero mukha namang natakot ang dalawa.
"Kilala mo pala sila ate?" tanong ni Kim.
"Oo. Kuya ng kaibigan ko yung isa. Yung isa naman..." kaano ano ano niya ba ang lalaki? Hindi naman sila magkaibigan, nakaone night stand niya lang ito. Er.
"Kakilala mo din yung masungit?"
"Kakilala lang din."
"Sayang, gwapo pa naman. Baka pwede kayo nun. Iba yung tinginan sayo e."
Napailing ako. Akala ko din e pero alam ko namang malabo na.
Tumayo na kami nang makitang lumabas na ang apat.
"Pasensya na brad." lumingon yung Rico sa amin. "Sa inyo din."
I didn't said anything and just stared at them blankly. Nagpaalam na ang mga ito at umalis. Sumisikat na ang araw hindi niya sure kung tatakbo parin ba sila pauwi.
"Tara na."
“Jowa mo ba yung isa, Em?” tanong ni Chester nung sabayan niya ako sa paglalakad.
“Ha? Sino? Wala ako jowa uy.”
“May gusto lang sayo?”
“Sino bang tinutukoy mo diyan?”
“Yung pulis. Yung masungit. Mukhang wala ngang balak pakawalan si Rico kanina e. Nakatanggap tuloy ng lecture tungkol sa mga batas.” tawa nito.
"Em," sabay kaming napalingon ng tawagin ako ni Yvo. Nginitian ko siya.
"Yvo. Thank you nga pala."
He just nodded. "Uuwi na kayo diba? Hatid ko na kayo. Hindi naman na siguro kayo tatakbo pauwi diba?" pinaikot nito ang susi sa kamay.
"Sige na Em. Wala na rin kami sa mood tumakbo. Nabibwiset parin ako sa dalawang yun kanina." angal ni Chester.
“Okay ka na ba?”
Tumango naman ito. Siguradong magtataka si Ate Lyn mamaya. Nagjogging lang nagkasugat sugat na ang mukha ng anak. Pwede bang irason yung aksidenteng pagkakasubsob?
Nang makuha ang sagot ay binalingan ko si Yvo.
"Out ka na ba?"
Baka kasi hindi pa. Ayoko namang maka abala pa may mga sasakyan na naman sa labas.
Tumango ito kaya pumayag na din ako. Sabay sabay na tinungo namin ang sasakyan nito. Pinauna ng lalaki sumakay ang tatlo. Chester took the front seat na sasabihin ko pa sanang doon ako pero hinayaan ko na lang kasi nakaupo na ito, ang dalawa naman ay sa likod.
Sa gilid ng mata ko nakita ko ang paglabas ni Orion ng station at ngayon ay naglalakad na rin palapit sa amin. Nagtaka ako ng huminto siya sa tabi ko. Hindi ako lumingon at papasok na sana sa kotse nang ilabas ni Yvo ang ulo sa bintana.
"Ay, Em. Nakalimutan kong sabihin si Orion na maghahatid sa iyo. May isasauli daw siya e. Ako nang bahala sa kanila."
"Ha? Teka." nagpanic ako nang umandar na ang sasakyan. Anong isasauli?
"Halika na."
Napabaling ako sa kaniya. Tinungo na nito ang motor at sinakyan iyon.
"Uh, anong isasauli mo? You can gave it to me here. Sasakay na lang ako ng tricycle hindi mo na ako kelangang ihatid."
Suplado niya akong sinulyapan bago sinuot ang helmet at pinaandar na ang motor saka hininto sa harap ko.
"Sakay." he commanded.
I let out a sigh. Hindi na ako nagsalita at sumakay na lang din. I make sure our body won't touch, maissue pa naman to. Nagtaka ako nang tahakin namin ang hindi pamilyar na daan.
"Saan tayo pupunta?"
"My house."
"A-ano namang gagawin natin doon?"
“I'll gave you your jacket. Naiwan mo sa ospital nung basta ka na lang umalis ng walang paalam.”
Napakurap ako. Ah! Naiwan ko pala yun? Well, hindi ko naman ini-expect na itatago niya.
Napakapit ako sa uniform niya nang dumausdos ako sa likuran niya ng may madaanan kaming lubak. Bumilis ang pagtakbo ng motor niya dahil wala pang gaanong mga sasakyan na dumadaan.
Napalitan ng tubuhan at maisan ang paligid ko. Maalikabok din kaya itinago ko ang mukha ko sa likod niya. After how many minutes, we entered an exclusive gate. Unti-unting lumilitaw sa paningin ko ang magagara at iba't ibang disenyo ng kabahayan.
Probinsya pa ba namin to?
Hanggang sa huminto kami sa isang malaking bahay. Pinasok ni Orion ang motor sa garahe. Bumaba ako at nagpalinga-linga. Bakit parang walang tao? Mag-isa lang ba siya dito?
Sumunod lang ako sa kaniya nang buksan nito ang front door. Ang ganda ng loob. Bumuntot ako hanggang napunta kami sa kusina. Nagtaka ako at mukhang napansin nito iyon.
“Let’s have breakfast first. I'm hungry.”
“Uh, busog pa naman ako. Can you just give me my jacket?”
Napahinto ito sa paglabas ng itlog at bumuntung hininga.
“Wait here.”
I stayed in the kitchen. Maaliwalas ang bahay. Kita ko ang pag-akyat ni Orion sa hagdan nagtaka pa ako ng medyo natagalan ito yun pala nagbihis ang lalaki. Nasa kamay nito ang jacket niya. Hindi nakaligtas sa akin ang may benda paring braso. So hindi parin iyon maayos pero bumalik na siya sa trabaho?
“Salamat.”
Hindi ito sumagot at bumalik sa harap ng refrigerator para ibalik ang mga itlog. Nakonsensya ako kasi sabi niya gutom siya kanina pero heto ako at nagmamadaling umuwi. Pansin ko rin ang hindi niya paggamit ng braso na may sugat. Halatang hindi pa iyon magaling.
I cleared my throat. Napalingon ito. Pinatong ko ang jacket ko sa stool at lumapit dito. Nakamasid lang ito sa bawat galaw ko.
“Uh, nagbago na ang isip ko. Mamaya mo na lang akong ihatid pagkatapos ng breakfast.” pinatabi ko siya at binuksan ang ref. “Ako na magluluto. Mukhang hindi pa magaling ang sugat mo.”
Akala ko walang laman ang ref nito pero puno iyon ng mga pagkain. Mukhang hindi ito mahilig umorder sa labas at lagi itong nagluluto. Pang isang buwan na atang stock iyon.
“Anong gusto mong breakfast?”
Nilingon ko siya ng hindi ko siya narinig na sumagot. Nakatitig lang ito sa akin habang magka-krus ang braso sa dibdib. It defined his muscle in his arms.
“Kahit ano.”
Tumango ako at iniwas ang tingin. Muli kong nilabas yung itlog na kinuha niya kanina at natigilan nang makita ang chicken nuggets. I think I wanna have breakfast. I love chicken nuggets.
Gustong kuminang ng mata ko nang makitang may mga ingredients din ang lalaki na para sa lasagna. Marunong ba siyang magluto nun?
“Marunong kang magluto ng lasagna?” hindi ko mapigilang itanong. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa pwet ko. I raise my brows because I just caught him.
He look away and act like I did not caught him staring at my ass.
“No. I don't have any idea I have those ingredients. My cousin and his wife did my grocery last week kaya ganiyan kadami.”
I silently laugh. Ganun ba siya kabusy at ang mga ito pa ang nag-grocery para sa kaniya?
“Why? You wanna cook lasagna?”
Natigilan ako. “Uh, sana. Pero medyo matagal siyang lutuin at hanggang breakfast lang ako kaya wag na lang.”
Sinara ko ang pintuan ng refrigerator at naghanap ng mga gamit. His kitchen was clean and well arrange kaya hindi ako hirap hanapin ang mga gamit.
“Actually, I wanna eat lasagna too.”
Napalakas ang pagbiyak ko sa itlog sa sinabi niya kaya nataranta ako at nilagay agad iyon sa bowl. Buti na lang at walang nahalong shell. Napunta sa kaniya ang mata ko. Anong gusto niyang iparating? Na gusto niyang manatili ako?
“May trabaho ka ba?”
“Wala. Day off ko.” iwas ko ng tingin saka pinagpatuloy ko ang ginagawa. Ito na nag-ayos ng kalan kanina kaya ready na iyon.
“Kung ganun,” his voice got lower. “can you cook for me?”
Napalunok ako ng malaki. Tangina, bakit siya biglang naging ganito? Saan na yung Orion na hindi makatagal sa presensya ko? Anong nangyari sa kaniya sa linggong lumipas?
“Medyo masakit pa kasi ang sugat ko. I can't cook for my self.”
Matagal bago ako sumagot. I can feel his stares at me. Wag kang ganiyan konti na lang rurupok na naman ako. I'm trying here.
“Okay lang kung ayaw mo.”
Tapos ano? Papaluto siya doon sa Lauren? Napasimangot ako.
“Okay lang naman. Wala din naman akong gagawin.”
May naglalaro na ngiti sa gilid ng labi nito. He played his lips with his long fingers. I look away and put all my attention on the food.
Focus, Em!
“May kukunin lang ako sa itaas. After that I'll ready the ingredients.” baritono nitong sabi at dumaan sa likod ko.
I nodded. Inumpisahan ko nang magluto. Nagscramble egg lang ako saka niluto ang nuggets. I'm planning to cook fried rice too.
Wow, Em. Girlfriend yan? Napailing ako sa naisip.
Napatingin ako sa bungad ng pintuan ng marinig ang yabag ng lalaki palapit. Ilang sandali pa pumasok ito sa loob, may hawak itong isang puting damit.
“Here. You're showing too much skin. Magbihis ka na muna.” sabay sulyap sa suot kong sports bra.
Napangisi ako nang may maisip.
“Okay na ako. Mas komportable ako dito. Nakakagalaw ako ng maayos.”
Nagsalubong ang kilay ng lalaki. Tulad ng inaasahan ko. I silently laugh.
“Ako ang hindi komportable. So wear this.” sinablay niya iyon sa balikat ko at hinarap ang kalan.
I chuckled. Uncomfortable, huh.